Chapter 3 - Depression & A Wedding
Nadepressed ako sa nangyari sa amin ni Joshua.
Pati ang trabaho na dating source ng pride at joy ko ay nadamay.
Tinamad ako gumising at bumangon.
May mga pagkakataon na gumigising ako na namumugto ang mga mata.
Pero hindi puwede ang tatamad-tamad.
Kahit nakatira ako kina Mama ay hindi ibig sabihin libre ako.
Hati kami ni Jec sa groceries, utilities at Internet bills.
Retired na ang parents namin.
Masuwerte kami dahil hindi kami inoobliga nina Mama at Daddy na magbayad ng upa.
Ito na lang ang ginamit ko na motivation kahit wala talaga akong gana pumasok.
Ang isa pang dahilan ay siguradong mapapagalitan ako ni Mama kung magpapatalo ako sa kalungkutan.
Nagger pa naman siya.
Hindi rin sila naniniwala sa depression at mental illness.
Kahit matagal na sila sa Canada ay hindi nila mareconcile sa isip nila na nage-exist ang ganito.
Ang lagi nilang sinasabi ay magdasal kami at magpasalamat na mas masuwerte pa rin kami.
Minsan nakakafrustrate madinig kasi hindi naman imagined ang pinagdaraanan namin.
May nag-iba rin sa akin dahil sa nangyari.
Mabilis uminit ang ulo ko.
Nakukulili ako sa paulit-ulit na tanong ng mga agents lalo na kung mahahanap naman nila ang sagot sa manual o di kaya sa online resources.
Nasusungitan ko sila.
Nagtataka ang mga kasamahan namin sabi ni Mel.
Hindi kasi ako masungit.
Sa lahat ng assistant managers ay ako ang pinakaapproachable at accommodating.
Sinabihan sila ni Mel na intindihin na lang ako dahil marami akong ginagawa.
Mabuti na lang at pinagtakpan niya ako sa mga kasamahan.
Ayokong malaman nila ang tunay na dahilan.
Marami pa naman Marites sa trabaho.
Alam na rin sa bahay ang nangyari.
Kinausap ako nina Mama at Daddy noong gabi na pumunta si Joshua.
Nang makita nila ako na namumugto at namumula ang mga mata ay nag-usisa silang dalawa.
Sinabi ko ang totoo.
Galit na galit si Mama.
Kung nagsabi ako noong nandoon si Joshua ay malamang napagsalitaan niya ito.
Iyon ang dahilan kung bakit mabuti na rin na sa likod-bahay dumaan si Joshua.
Sigurado ako na mapapagalitan siya ni Mama.
Umiyak na naman ako habang nagkukuwento.
Niyakap ako ni Mama at nakatingin lang sa amin si Daddy.
Kahit hindi siya magsalita ay alam ko na galit din siya sa nangyari.
Kapag day off ay tanghali na ako gumising.
Ngunit dahil nakatira ako kina Mama ay hindi puwede na matulog ako maghapon.
Si Jec ang malimit utusan na katukin ako sa kuwarto.
Kahit ayoko mag-almusal ay pinipilit nila ako kumain.
As usual ay pinaalala na naman ni Mama na dapat ay maging thankful kami.
Kahit mahirap mag-abroad ay pinili ni Mama na umalis at mamasukan bilang caregiver.
Nagsara kasi ang pabrika na pinagtatrabahuhan ni Daddy at natanggal siya sa trabaho.
Tinanggap ni Mama ang alok ni Tita Margie na pumunta sa Canada.
Tinulungan niya ang mga magulang ko na madala kaming lahat.
Pinayuhan niya ako na ipagpasadiyos ang lahat.
Sana nga ganoon lang kadali ang lahat.
Mas lalo akong nadismaya nang ipatawag ako ng manager namin na malapit na magretire.
Sinabi niya sa akin na pinaglaban niya ako sa executive board pero nagsuggest si Rick na na I-open ang position hindi lang sa mga internal employees kundi pati na rin sa mga external candidates.
Walang promotion na mangyayari.
Bago matapos ang meeting namin ay sinabihan niya ako na mag-apply.
"You really deserve the position, Jane."
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya o hindi.
Naghihimutok na bumalik ako sa sariling office.
Noon pa man ay hindi na talaga kami magkasundo ni Rick.
Malimit kami magtalo tungkol sa mga process na gusto niyang baguhin at I-implement ng ura-urada.
Micromanager din siya at sobrang higpit.
Ang lagi kong pinapaalala sa kanya ay tao kami hindi makina.
Kapag nagkakainitan na kami ay pumapagitna na ang manager namin.
Ngayon na paalis na siya ay wala ng referee.
***
Pagkauwi ng hapon na iyon ay binalita ni Mama na imbitado kaming lahat sa kasal.
"Sa Lake Louise ang kasal ni Ate Aira mo."
"Po?" Wala sa loob na hinila ko ang upuan.
Nasa kusina siya at nagluluto ng hapunan.
Kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang asim at linamnam ng sinigang na baboy.
"Natatandaan mo pa ba ang pinsan mo? Siya ang bunsong anak ni Tita Margie mo."
"Hindi ko na po siya maalala."
"Siya iyong yoga teacher. Nakatira siya sa Kelowna. Noong maliliit pa kayo ay lagi silang pumupunta rito kapag summer tapos pumupunta tayo sa Lake Louise at sa Banff para mamasyal."
"Babae rin ang mapapangasawa ni Aira," Pumasok si Daddy sa kusina.
Umupo siya sa tapat ko.
"Babae po?"
"Oo," Sagot ni Mama.
"Akalain mo iyon? Hindi mo iisipin na tomboy si Aira kasi sobrang kikay noon. Bata pa lang siya, mahilig na sa make-up at lipstick tapos ang mga damit, puro bestida." Nakangiting sabi ni Mama.
"Okay lang po kina Tita Margie?"
"Oo naman. Wala naman masama kung babae ang mapangasawa niya. Ang mahalaga ay nagmamahalan at tapat sila sa isa't-isa," Paliwanag ni Daddy.
Natigilan ako sa sinabi niya.
May kumurot sa puso ko.
Sinimangutan tuloy siya ni Mama.
"Pasensiya na, Jane. Hindi kita pinapatamaan."
"Okay lang, Dad."
"Daddy, ibig pong sabihin kung babae ang susunod na makakarelasyon ni Ate Jane ay okay lang sa inyo?" Biglang dumating si Jericho.
Pawis na pawis siya at may dalang basketball.
"Ang mahalaga sa akin ay mahalin kayo at alagaan ng kung sinuman na makakasama ninyo sa buhay."
"Huwag po kayo mag-alala. Ayoko muna sa mga love-love na iyon. Sakit lang sa ulo."
"Give up ka na, Ate?" Hinila ni Jec ang saging at binalatan.
"Ikaw ba naman ang lokohin. Tingnan ko lang kung hindi ka mapagod."
"Anak," Nakatingin sa akin si Mama.
"Alam namin na masakit ang nangyari pero lilipas din iyan. Huwag mo isara ng tuluyan ang puso mo. Darating din ang tamang tao na para sa'yo."
"Basta ba hindi niyo na ako lagi ipipressure na mag-asawa."
Nagkatinginan sila ni Daddy.
"Hindi na. Ayokong maging dahilan ng paghihiwalay ng kung sinuman na makakarelasyon mo sa susunod. Kung mag-asawa ka o hindi ay nasa sa'yo ang desisyon."
"Lydia, huwag ka magpapaniwala kay Joshua. Naghahanap lang iyon ng rason. Ginawa niya iyon dahil gusto niya."
"Hindi mo talaga kilala ang tao ano? Ang pagkakakilala ko sa kanya ay mabait. Nasa loob pala ang kulo."
"Ma, puwede naman maging mabait kahit nambababae." Sabi ko.
"Kunsabagay. Ang sa akin lang ay sana hindi nangyari sa'yo. Kaya lang wala na tayong magagawa." Napabuntong-hininga na lang si Mama.
"Magbibihis po muna ako," Tumayo ako.
"Bumaba ka rin agad. Kakain na tayo."
"Opo, Ma."
Iniwan ko sila sa kusina.
***
"Lesbian ang pinsan mo?" Binalik ni Mel sa rack ang hawak na turquoise dress.
Nasa Chinook Mall kami at sinamahan niya ako humanap ng susuotin.
"Actually hindi ako sure kung ganoon siya naga-identify kasi matagal ko na siya hindi nakikita at nakakausap. Nang lumipat kasi sila sa BC ay naputol ang communication namin."
"Naalala mo noong high school tayo? Patay na patay sa'yo ang team captain ng soccer team. Ano nga ba ang name niya?"
"Alyssa."
"Uy. Tanda mo pa ha?"
"Paano ko naman siya makakalimutan? Lagi siyang may bigay na sulat tsaka Hershey's Kisses." Napangiti ako nang maalala ang ginagawa ni Aly.
"Hanga ako sa kanya kasi kung ang iba ay closeted, siya ay super confident sa pagkatao niya."
"Oo nga eh."
"Ano kaya ang nangyari sa kanya kung hindi mo binasted? Sa palagay mo kayo pa rin kaya?"
"Ewan ko," Kinuha ko ang A-line halter chiffon dress sa rack at tumayo sa tapat ng ceiling-to-floor mirror.
"Mukhang bagay sa'yo iyan. Sukat mo."
"Sige. Samahan mo ako sa fitting room."
Binitbit namin ang ibang damit na pagpipilian.
Pumasok ako sa fitting room at hinubad ang blazer, blouse at slacks.
Una kong sinukat ang chiffon dress.
Natigilan ako sa nakita.
Parang sinukat sa katawan ko ang damit.
May thigh-high slit sa harap at exposed ang legs ko kapag naglalakad.
Pero hindi halata ang cut kung nakatayo lang ako.
Ngumiti ako ng makita ang reflection sa salamin.
It had been a while since I felt good about myself.
My smile looked foreign since my break up.
Lately, all I did was cry and be miserable.
To see a beautiful version of myself was refreshing.
Hindi ko na sinukat ang ibang damit.
Lumabas ako sa fitting room at kahit si Mel ay napawow sa nakita.
Nagkasundo kami na bilhin ang floor-length gown.
Inangat ko ang tag.
Napalunok ako sa presyo.
Nanlaki rin ang mga mata ni Mel.
"Okay lang iyan. Kaskas ko na lang ang credit card," Pumasok ako ulit sa fitting room bago pa magbago ang isip ko.
***
"Sa BC nagcollege si Aly di ba?" Tanong ni Mel habang naglalakad kami papunta sa cashier.
"Hindi ko alam. Bakit?"
"Naisip ko lang. Paano kung kilala rin siya ng pinsan mo?"
"What are the chances?"
"Kasi lesbian si Aly at mukhang ganoon din ang pinsan mo. Maliit lang naman ang community nila di ba?"
"Malabo mangyari iyon.
"Bakit naman?"
"Kasi bukod sa matanda sa amin si Ate Aira ay hindi si Aly ang tipo na mahilig sa yoga."
"Malay mo naman? Nagbabago naman ang tao di ba? Isa pa, hindi lang naman yoga ang puwedeng magconnect sa kanila."
"Hindi ko alam. Bayaran na lang natin ito tapos kumain na tayo. Gutom na ako eh."
"Sige. Ako na lang muna ang taya at mukhang namulubi ka diyan sa damit mo," Nakatawang sabi niya.
***
If it were up to me, I wouldn't attend the wedding.
I do not have the mental bandwidth and the energy to socialize.
I would rather stay in bed and hide from the world.
Kaya lang mapilit si Daddy.
Matagal na rin na hindi nagkikita ni Tita Margie.
Lalo akong hindi nakaiwas kasi excited sumama si Ate Jazz.
Kung siya na may anak ay pumayag umattend sa kasal, ako pa kaya na walang boyfriend o anak na aalagaan?
Ang saya ni Daddy nang sumama ako.
Inisip ko na lang na ginagawa ko ito para sa kanya.
Mabuti rin kung lalabas ako ng bahay kasi mula nang magbreak kami ni Joshua ay hindi ako umaalis.
Kinukulit nga ako ni Ate Jazz na pumunta sa condo nila pero wala ako sa mood kaya lagi ako tumatanggi.
May isang bagay pa kasi na nagpabigat sa puso ko.
Nalaman ko kay Mel na nagtanan sina Joshua at Ashley.
Walang engagement, walang announcement.
Nagulat na lang si Andy nang pagbalik ni Joshua after the long weekend ay sinabi nito na kasal na siya.
Pinakita pa nito ang gold wedding band.
Ang kuwento ni Mel ay naisipan lang ng dalawa na pumunta sa Las Vegas.
One thing led to another and they got married.
Hindi ko alam kung paano ipaprocess ang information na iyon.
Ayaw niya mag-asawa pero nagtanan siya?
Parang hindi siya ang Joshua na kilala ko.
Ayaw kasi niya ng mga surprises.
Gusto niya planado ang lahat.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya at nagkaganito na siya.
Pero tulad ng sinabi ni Mel, nagbabago ang tao.
***
Nang pauwi na ako pagkagaling sa mall ay naisip ko ang usapan namin ni Mel tungkol kay Aly.
Ang alam niya ay binasted ko ito dahil hindi ko siya gusto.
Pero hindi totoo iyon.
May gusto rin ako sa kanya kaya lang mas nangibabaw sa akin ang takot.
Natakot ako sa sasabihin ng ibang tao.
Natakot ako na mabully.
Natakot ako na baka magbago ang tingin ng iba sa akin kapag nalaman nila na nagkakagusto ako sa kapwa babae.
Inisip ko sina Mama.
Baka mapagalitan nila ako.
Sa Catholic school din kami nag-aaral.
Kapag nakarating sa mga madre ay baka ipatawag ang parents ko.
Hindi ko alam ang gagawin noong time na iyon.
When Alyssa asked if I could be her girlfriend, it took all my courage to say no.
In my heart I wanted to say yes but couldn't.
I never forgot the pain in those laser blue eyes.
But Aly being Aly, she put on a big smile, said okay and then quietly walked away.
Deep inside I knew I broke her heart in a very bad way.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top