Chapter 1 - Under Pressure


24 years old nang mag-asawa sina Mama at Ate Jasmine.

Hindi naman sinasadya.

Nagkataon lang.

Kaya naman nang tumuntong ako ng trenta anyos ay lalong tumindi ang pressure na mag-asawa na ako.

Iyan ang laging tanong sa akin hindi lang ng mga amiga ni Mama kundi pati na rin sa bahay.

May boyfriend naman ako.

Three years na rin kami ni Joshua.

Kapag tinatanong ay lagi kong sinasabi na hindi pa siya nagpopropose.

That was the wrong answer.

Ang sabi nina Mama at Ate ay baka kailangan ko magdrop ng hints para makahalata si Joshua.

Pero para sa akin ay hindi ako ang dapat tumulak sa kanya na gumawa ng napakalaking desisyon.

Kung gusto niya akong pakasalan ay siya mismo dapat ang mag-initiate.

Hindi rin naman ako nagmamadali.

May mga bagay pa ako na gustong gawin tulad na lang ng mapromote bilang manager sa call centre na pinagtatrabahuhan ko.

Five years na ako bilang assistant manager.

Naiinip na ako.

Kahit nakapikit ay alam ko na ang pasikot-sikot sa department namin.

Kailangan ko na ng bagong challenge bago ako maburyong.

"Jane, baka mamaya ay maunahan ka ng iba kay Joshua. Bukod sa guwapo ay mabait at responsable pa," Sabi ni Mama.

Nasa bahay si Ate Jazz kasama ang pamangkin ko na si Harley.

Mula nang mag-asawa ay bumukod na si Ate.

Sa isang condo sa downtown sila nakatira ni Kuya Gerald at malapit lang ito sa oil and gas company kung saan pareho sila nagtatrabaho bilang engineers.

Once a month ay may lunch sa bahay ng parents namin kaya pumupunta sila.

Ngayong tanghali ay nasa patio kaming lahat.

Spring na at maaliwalas ang panahon.

Namumukadkad na rin ang mixed hydrangeas na tinanim ni Mama at ang gaganda ng pinagsamang kulay na yellow at pink.

"Hindi maaagaw ang ayaw magpaagaw," Kampanteng sagot ko.

"Ang haba ng buhok mo, Ate." Kantiyaw ng bunso namin na si Jericho habang nilalagay sa plato ko ang umuusok-usok pa at bagong hango na pork barbecue.

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ni Jane," Kampi kaagad sa akin si Daddy.

"Tingnan ninyo ako. Sa loob ng thirty-nine years na kasal kami ng mama ninyo, kahit ang daming nagpapacharming sa akin ay iniisnab ko lang sila."

Napangiti ako pero totoo ang sinabi ni Daddy.

Ang pogi naman kasi niya talaga.

Mestiso, matangkad, matangos ang ilong na namana namin sa kanya at kahit may edad na ay maporma pa rin.

Malakas ang dating ni Daddy sa mga babae.

Kapag dumarating nga kami sa simbahan ay napapatingin sa kanya ang mga tao.

Hindi rin naman magpapahuli si Mama pagdating sa looks department.

Noong college ay beauty queen siya sa university nila sa Manila.

Morena si Mama, makinis ang kutis, maganda ang smile at kahit tatlo na ang naging anak ay balingkinitan pa rin ang katawan.

Marami siyang manliligaw noong nag-aaral pa siya.

Hindi nga niya pinapansin si Daddy kasi lapitin ng mga chicks.

Isang bagay na tinanggi naman niya.

Ang sabi ni Daddy ay si Mama lang ang type niya.

Balewala sa kanya ang ibang babae.

Kahit pinahirapan siya nito sa panliligaw ay hindi siya sumuko.

Gusto niya patunayan kay Mama na seryoso siya rito.

Nagtagumpay naman siya.

Matapos ang dalawang taon na panliligaw ay sinagot siya nito.

"Pero Mario, hindi na bumabata si Jane."

Heto na naman tayo.

Alam ko na ito ang susunod na sasabihin ni Mama.

Babanggitin niya na naman ang biological clock ko.

Kesyo ang mga babae ay hindi tulad sa mga lalake na kahit sobrang tanda na ay puwede pa rin magkaanak.

Kapag nagsimula na siya magsalita ng tungkol dito ay tumahimik na lang ako.

Katulad na lang ngayon na imbes na ipagtanggol ang matris ko ay pinagdiskitahan ko na lang ang barbecue.

Napalakas tuloy ang paghiwa ko sa karne.

Tumilamsik ang mantika sa puting table liner at nagkaroon ng malaking dot sa gitna.

Ayoko rin makipagtalo ngayon dahil iniisip ko ang nangyari noong nakaraang meeting namin.

Magreretire na ang manager namin.

Sinabi niya na naghahanap sila ng kapalit at nakatingin siya sa akin habang nagsasalita.

Nabanggit niya sa akin dati na kung aalis na siya ay gusto niya na ako ang papalit sa kanya.

Nang iannounce ang retirement ay naalala ko ang sinabi niya.

Umaasa ako na I'm in the running for the promotion.

"Puro kasi trabaho ang laman ng isip ni Jane," Nahalata ni Ate na nakatulala ako.

Karga niya si Harley na bagong gising.

Pinaglalaruan ni baby ang butones ng blouse niya.

"Ano naman ang masama doon?" Binitawan ko ang hawak na kutsilyo.

"Nowadays, more women are getting married later in life. Meron nga diyan na ayaw mag-asawa."

"Mahihirapan ka manganak kung matanda ka na," Sabi ni Mama.

"Gusto mo rin ba na sixty years old ka na ay may paaral ka pa?"

"Kung kaya ko din naman why not?"

Sumimangot si Mama sa sagot ko.

"Mas maraming challenges ang geriatric pregnancy," Sabi ni Ate.

Ngumiwi ako.

Ganito talaga silang dalawa.

Lagi sila nagkakampihan.

Hindi naman ganito noong dalaga pa si Ate Jazz at nakatira pa kina Mama.

Malimit nga sila mag-away kasi pasaway si Ate noong kabataan niya.

"Maiba tayo. Nasaan nga pala si Joshua?" Nakatitig sa akin si Mama.

"May basketball po sila ngayon."

"Dalawang beses na natin siya hindi nakakasama sa lunch."

"Binibilang niyo po pala ang hindi niya pagpunta rito?"

"Siyempre dahil nasanay na ako na lagi kayong magkasama."

"Ma, may ibang bagay din siya na gustong gawin. Hayaan niyo siya."

Nagkatingin sila ni Ate.

"Kung may babae siya, bahala siya sa buhay niya."

"Nambababae ba siya?" Kunwari ay gulat na tanong ni Mama.

"Wala rito si Kuya Gerald. Tatlong beses na siya hindi pumupunta sa lunch natin. Nambababae rin ba siya?"

Ang sama ng tingin sa akin ni Ate.

"See? That's my point. Just because Josh is not here doesn't mean he's cheating on me."

***

Tatlong araw matapos ang lunch na iyon ay mukhang nakarma ako.

Umagang-umaga at nagreready ako ng game plan bago mag-open ng phone lines nang kumatok si Mel, ang best friend ko.

Nagtaka ako nang sinara niya ang pinto.

May open-door policy sa kumpanya.

Sinasara lang ang pintuan kung private at confidential ang pag-uusapan.

Hinila niya ang upuan at ang unang sinabi ay huwag akong mabibigla.

Tumigil ako sa pagtatype.

Kapag ganito pa naman ang prelude sa isang statement ay guaranteed na mabibigla nga ako.

"What's going on?"

Nakatingin ako sa kanya habang may kinakalikot siya sa phone.

"Tingnan mo ito," Hinarap niya sa akin ang screen.

May picture ni Joshua na nakangiti habang nakaakbay sa isang babae na hindi ko kilala.

Blonde ang babae, malaki ang boobs at kita ang cleavage dahil sa hapit na hapit ang tube top na suot.

Inagaw ko ang phone at nagswipe pakaliwa.

Habang nagsaswipe ay lumalabo na ang paningin ko.

Parang sasabog ang dibdib ko sa shock.

Ang laki ng ngiti ng boyfriend ko habang kasama niya ang babae.

Ako ang naeskandalo para sa kanya hindi lang dahil sa may ginagawa siyang kababalaghan kundi dahil nainvade ang privacy niya na wala siyang kamalay-malay.

"Ilayo mo iyan sa akin," Halos ihagis ko ang cellphone pabalik kay Mel.

"That's it? Iyan lang ang reaksiyon mo?"

"Anong gusto mong gawin ko? Maghysterical?"

Kalmado ang tono ko kahit ang totoo ay gusto kong sumigaw at magmura.

"Jane, obvious na niloloko ka ni Joshua tapos cool ka lang?" Kung ako iyan ay sinugod ko na ang tarantadong iyon."

"Mel, there is a time for everything. Right now, we only have ten minutes left before we start work. That's my priority."

"Ikaw ang bahala," Bumuntong-hininga siya bago tumayo.

Pagkaalis niya ay kinuha ko kaagad ang cellphone na nakapatong sa desk.

Pagkaunlock ay bumulaga ang pictures namin ni Joshua sa screensaver.

Nakaakbay din siya sa akin.

Pareho kaming nakangiti at nakatingala ako sa kanya.

Pinigil ko ang umiyak pero naunahan ako ng pagpatak ng luha.

Nanginginig ang mga kamay na nagtype ako ng text message.

"What the fuck did you do?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top