XXVIII


[iMessage]

Papa

October 10, 7:10 p.m.

Hindi po
Magrereview lang po talaga kami
HR po name nung study lounge
Sa dapitan. Kahit magpahatid na lang
po ako kay kuya vonn or kay ate van

Anong papahatid
Di pa nga ako pumapayag?

Please pa 😔

Hindi mo ba kaya mag aral mag isa?
Kailangan talaga by group kayo?
Di ba mas nakakadistract yun?

Hindi po
Nakakapagtanong po ako sa kanila
Nagtuturuan din po kami kapag may
isang nalilito tapos alam nung isa

Effective ba talaga yan?

Opo
Para samin po

Sino sino mga kasama mo?

Si devie po.
Saka sila Mac, Jalil at Rian

Lima kayo?

Opo

Siguraduhin mo mataas score mo dyan ha
Magpahatid ka kay kuya vonn mo
Umuwi ka ng 11:30

Opo
Thank you pa

Di na mauulit yan vina ha

[Twitter]

V 🔒 @secretlogs
Hay 😔

V 🔒 @secretlogs
Pero okay, buti pumayag

[iMessage]

Kuya Von 🐯

October 10, 7:13 p.m.

Kailangan ba talaga kita ihatid?
Bakit sa labas ka pa mag aaral
Pwede naman dito sa bahay

Please kuya
Pumayag naman na si papa eh 😔

Kasama ba si jalil?

Kasama siya

Sus
Mag aaral ba talaga kayo?
Baka naman mamaya e date yan

Oo nga kuya, mag rereview kami
Kasama din naman sila devie

E may pera ka ba?

Meron naman
Magdadala ako 500

Kasya yan?

Kasya naman i think

Dagdagan ko na lang
Bumaba ka na dyan
Hanggang anong oras ka daw dun?

11 daw

Ok

[Messenger]

AnaChem/A8

7:18 p.m.

Hi! Sasama ako
Pero deretso na lang ako dun
Hahatid daw ako ni kuya

Devon Charlize Advincula:
Omg yay! See you vina
Buti pinayagan ka?

Yup 😅
See you!
Papunta na ba kayo?

Devon Charlize Advincula:
Pababa pa lang ako sa 7/11

Maclain Rieza:
Otw na ako dyan devie
Wait lang hinahanap ko scical ko

Rian De Vera:
Me rin
Walking na

See you!

Devon Charlize Advincula:
Ikaw, @Jalil Tuazon?
San ka na?

7:31 p.m.

Jalil Tuazon:
Nandito na

Devon Charlize Advincula:
Omg ang bilis mo
Nasa UV pa lang kami
Pa-save ng puwesto

Jalil Tuazon:
Oo, nasave ko na kayo

Rian De Vera:
Thanks, Jalil!

[iMessage]

Jalil Tuazon

October 10, 7:34 p.m.

Nakaalis na ba kayo ni kuya von?
Ingat

Hi! Yup
Kakaalis lang ng bahay
Thank you

7:38 p.m.

Kumain ka na ba ng dinner?

Not yet
Bakit?

Hindi pa kasi ako kumakain eh
Sure ako medyo matagal pa sila Mac
Saka pwede naman iwan gamit dito

Kakain muna tayo?

Bawal ba?
Hindi naman kita bibilhan ng pagkain
Nasa listahan mo yun diba?
Pero wala naman dun na bawal tayo
sabay kumain. Saka wala pa sila eh
Nagugutom na ako

Okay, sure.
Kain muna tayo ng dinner saglit

Sige
May kfc na malapit dito
Gusto mo ba dun?
Pag wala, may katapat na wendy's
Tapos may army navy. Saan mo gusto?

Kahit sa kfc na lang

Okay

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top