CXII
[iMessage]
Jalil Tuazon
October 27, 10:29 p.m.
Ano ba namang tanong yan
Kasi I pushed you away, may list pa nga akong ginawa for us to follow diba? Pero after all those things, you're still here :( you're even looking out for me. Kaya I want to understand how you still love me that much kahit hindi fair sayo, kahit ikaw yung pilit na umiintindi sakin, kahit wala ring kang other choice nung nakipag break ako kasi hindi kita binigyan 😔
Vi
Gusto mo talaga malaman kung bakit?
Yes 😔
Will you please tell me why?
Sige, ililista ko rin para sayo.
Basahin mo to nang maigi para hindi mo malimutan ha?
Okay
Nung hs tayo, naaalala mo namang makulit saka tamad ako diba? Pinadadaldal pa nga sakin minsan ng mga kaklase natin yung mga teachers para makalimutan mag bigay ng assignment o seatwork eh. Tapos kapag groupwork wala naman ako gaanong ambag. Kung kelangan mag present ng output, ako magsasalita una tapos ako rin pang closing pero mag tthank you lang ako kasi nakinig sila hahahaha
Yes, I remember those things
Pero nung naging ka grupo kita, lahat tayo nun punctual. First time kong naramdaman na may halaga yung naging ambag ko nun sa grupo. Hindi lang ako basta nag contribute pambili ng materials o kaya bumati sa mga kaklase natin nung reporting at nagluto ng pancit canton nung tinuloy sa bahay namin yung activity. May nagawa talaga ako. Ang fulfilling sa pakiramdam na alam na alam ko rin yung content ng report natin hindi yung tagpi tagpi at katiting lang.
Ja 🥺
Kaya ang una sa listahan:
1. Tinuruan mo ako mag balanse. Na okay lang naman mag enjoy at mag laro nang di ko rin nakakalimutang gawin yung mga importanteng bagay
I don't know what to say 🤧
Wait lang, Vi.
Hindi pa ako tapos
Okay 🥺
Dyan ka lang ha?
Ililista ko talaga
Okii
Okay ito naman, nung nakasama ko kayo mag group study nila jana at devie, akala ko tatamarin ako buong araw, pero hindi. Nung hs tayo, parang gawaing bahay sakin yung pag aaral. Nakakaurat gawin. Pero kayo, lalo na ikaw, na eenjoy mo siya. Curious ako kung bakit. Kaya nung nakasama ko kayo sa group study, dun ko na realize, masaya din naman pala. Lalo na kapag sabay sabay kayong natututo. Saka yung fascination niyo sa bagay bagay, nakakatuwa. Na parang ang galing galing, may ganon palang nangyayari sa paligid natin. Hanggang sa yung topic ninyo napupunta sa discoveries, sa documentaries, tapos sa yung mga movies. Nakakatuwa kayong pakinggan
10:35 p.m.
Simula nun, sinubukan kong mag-aral kagaya niyo. Sinubukan kong alisin sa utak ko na nag aaral lang ako kasi kailangan. Sinubukan ko siyang enjoyin. Nakakatuwa rin naman pala. Lalo pa nung naging adviser natin si Ate Mithi. Masaya naman pala yung math, napapangunahan lang ako ng isip ko na mahirap siya tapos hindi ko kaya
🥺🥺
Pero grabe ayun din yung school year na first time kong makapasok sa top 10 sa klase, nakapasok pa ako sa honor's list. Kamuntikan pa akong ilipat ni kuya sa cream section 🤣
I remember that
Kaya ang mga susunod sa listahan:
2. You inspired me.
3. Natutunan ko rin sayo kung paano maging responsable
Jalil 😔
Hindi pa ako tapos vina
Okay
Nung frustrated ako dati kasi sunod sunod na mababa yung quizzes ko, ikaw mismo naunang lumapit sakin para tulungan ako. Alam mo ba hiyang hiya ako sayo noon?
Bakit naman ja?
Kasi crush kita ano ba
Ang talino mo kaya, consistent ka sa top 10
Tapos ako bagsaken. Nakakahiya sobra
But it's not 😔
Oo alam ko naman yun. Hindi pala dapat ako mahiya. Ikaw din nagparealize sakin nun na ayos lang at iba iba tayong lahat ng learning capacity. Na kahit ang baba rin ng score ko nun, hindi mo ko tinawanan. Ikaw pa mismo nag offer sakin kung gusto ko sumama sa inyo nila devie at jana, dito nag umpisa yung group study sessions natin eh. Naaaala mo pa ba yun?
Yup
That was after our nutri jingle din
Ayon, dagdag sa listahan:
4. Tinuruan mo ako maging patient sa sarili ko.
5. Hindi ka rin sumuko sakin kahit slow learner ako noon
6. Ni minsan kapag kasama kita at alam kong ako yung naiiba sa group of friends mo, hindi ko naramdaman na iba ako. You make sure everyone feels included, ganito rin naman si jana at devie
10:47 p.m.
Vi, nandyan ka pa ba?
Yes
Still here ja
Hindi ko lang talaga alam ano sasabihin ko
Because I never saw myself as those things you just pointed out
Alam mo ba yung panghuling rason kung bakit kita mahal?
Not yet 😔
Huli at ang pinaka-importante sa listahan:
7. Kasi ikaw si Vina.
Ja 😭
Kung nahihirapan kang gustuhin sarili mo ngayon, ayos lang. Ako na lang gagawa nun Vina. Sobrang dali lang nun para sa akin. Nakita mo naman diba? Ang haba ng listahan ko, kulang pa nga yan
I still don't understand 😔
Okay lang
Hindi mo naman kailangan madaliin ang sarili mo
Kung hindi mo kayang mahalin sarili mo ngayon, walang problema dun. Ako na lang din gagawa. Marami akong pagmamahal para sayo, Vi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top