CCXXI
[iMessage]
Papa
November 17, 12:47 p.m.
Okay lang po papa kung hindi po kayo payag. Gusto ko po talaga mag dorm kaya kahit ako na lang din po bahala doon.
Sus
Baka mamaya manghingi ka lang din sa ate mo
Hindi rin po papa
May sariling pera din naman po ako
Ayun po muna gagamitin ko
Tapos pag wala na? Lalapit ka rin samin?
Sabi ko sayo dito ka na sa bahay
Ipunin mo na lang yang pera mo
Libre pa dito
Okay lang po
Sa dorm na lang po ako pa
Bakit ba ayaw mong umuwi
Inano ka ba namin ng mama mo?
Hindi naman po sa ayaw kong umuwi
E ano?
Hindi ko lang po kaya dyan sa bahay pa
Nasabi ko naman na po sa inyo ni mama dati
Mas okay po sakin kung sa dorm na lang po muna ako.
Ano bang inaarte mo
Hindi niyo po ba naintindihan yung sinabi ko dati pa?
Wala po akong inaarte, hindi ko po kaya sa bahay
Hindi po ako makahinga dyan
Nag iinarte ka lang
Sabihin mo na lang kung ayaw mo samin ng mama mo
Pagtapos namin ibigay lahat sa inyo ganyan kayo
Pa...
Hindi po. Wala po akong sinabing ganon
[Twitter]
V 🔒 @secretlogs
Nakakapagod 😔
V 🔒 @secretlogs
Can't really expect them to change and understand overnight :(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top