CCXLIX
[iMessage]
Papa
December 21, 8:04 p.m.
Po?
8:06 p.m.
Di kita nabati nung bday mo kasi di ko alam kung gusto mo akong bumati.
Okay lang po
Nahiya rin kasi ako vina. Paulit ulit ko binasa yung sinabi ko sayo pati na rin yung sinabi mo sakin kaya ilang linggo din akong nag isip
Ayos lang po papa
Sorry anak. Pasensya ka na anak di ko dapat sinabi yun. Hindi lang namin gusto ng mama mo na mapariwara kayo. Hinigpitan kami dati. Sa ganun din ako lumaki kaya inisip ko na ganon ko rin kayo palalakahin kasi maayos kaming lahat na magkakapatid.
8:10 p.m.
Nakalimutan ko na nahirapan din kami noon. Ang naisip ko kasi kung kaya namin yun, kaya niyo rin ngayon at maiintindihan ninyo. Kaso mali rin pala.
8:13 p.m.
Sobrang higpit ko na pala sa inyo. May tiwala naman kami sayo ng mama mo vina. Takot lang kami na baka may di magandang mangyari sayo kaya gusto namin palagi kang nababantayan at nakikita dito sa bahay.
Maayos naman po kaming lumaki nila kuya at ate papa. Alam din po namin ginagawa namin
Oo. Sana rin naisip ko agad yun bago ako magalit sa inyo. Lalo na sayo saka sa ate van mo. Sorry kasi natagalan ako bago ko naisip. Pero tandaan mo na nandito lang kami palagi ni mama mo para sa inyo
Papa nagpapaiyak po ba kayo 😭
Nandito po kasi ako sa bus papunta kay mama nat eh
Bakit po kayo nagpapaiyak :(
Sorry anak
Okay po papa
Thank you po
Kila mama nat ka ba magpapasko?
Opo
Para po may kasama si mama nat
Susunod din po si ate vina
Ahh ok
8:17 p.m.
Ayos lang ba na sumunod din kami?
Para magkakasama tayo?
Okay lang naman po sakin
Pero mag paalam na lang din po kayo kay mama nat
Sige
Magsasabi ako
Okay po papa
Salamat vina
Ingat ka sa biyahe ha?
Mag text ka kapag nakarating ka na
Opo
[Twitter]
V 🔒 @secretlogs
walang iiyak vina 😭
V 🔒 @secretlogs
But it felt nice to know those things
V 🔒 @secretlogs
I have never heard papa say sorry to anyone
V 🔒 @secretlogs
So I know na siguro ang hirap din sa kanya nun
V 🔒 @secretlogs
Pero somehow, nakahinga ako nang maluwag
V 🔒 @secretlogs
Walang iiyak sabi eh 😭
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top