Chapter 14

     

"Am I even making a difference?" he added as we slowly moved away from our place a while ago.

I chuckled, looking at him. "Oo kaya." Ibinalik ko ang tingin habang mabagal na lumalangoy nang nakaahon ang mga mukha namin. "I'm enjoying this place because of you. Hindi ko alam kung mae-enjoy ko 'to nang wala akong kasama."

I heard him chuckle a little. "Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na mag-isa ka ngayon dito. Pero baka kaya ka mag-isa ngayon kasi makikilala mo pala ako rito?"

I laughed. "Right. A tour guide friend, indeed."

Tumawa siya nang mahina sa sinabi ko at hindi na nagsalita.

Ipinagpatuloy namin ang pag-snorkeling sa lugar hanggang sa mapagod na kami sa paglangoy at pagkuha ng pictures. Bumalik na kami sa bangka matapos mag-snorkeling. Mabilis lang din at ibinalik na kami sa kinalulugaran namin kanina.

I suddenly felt so hungry after swimming that long! Nakakapagod. Nakakagutom. Humahapdi rin ang mga balat ko. Mabuti na lang, nag-apply ako kanina ng sunblock sa katawan ko at sunscreen sa mukha. At least, mapo-protektahan ako. Hindi naman ako takot umitim dahil mabilis lang bumabalik sa dating puti ang balat ko.

Masiyado lang talagang masakit kapag na-sunburn. Who wants that, right?

Kinuha ko ang mga damit na suot ko kanina at isinuot ang mga 'yon doon din mismo. Grayson went to a store to buy us food. Nagutom din siya, eh. Nagi-guilty na ako kasi siya ang nagbayad ng island hopping namin na 'to. Dapat ako ang gumagastos ng mga ginagawa ko rito pero nadadamay tuloy siya sa gastos dahil magkasama kami ngayon.

Nang makabalik siya dala ang pagkain, nagsalita kaagad ako.

"Paki-compute ng mga binayaran mo. I'll pay you later sa resort."

Tumawa siya bago inilagay ang pagkain sa harap ko. "Hindi na. My treat."

I hissed, glaring at him. "No. Ang dami mo nang ginagastos sa akin. Ako dapat ang gumagastos kasi ako ang nag-Bohol trip, hindi naman ikaw."

He laughed. "No, okay lang. I'm enjoying."

Humalukipkip ako habang masama ang titig sa kan'ya. "If you won't accept my payment, hindi na ako magpupunta sa Tagbilaran kasama ka."

Napaawang ang bibig niya habang hawak ang kutsara na may lamang pagkain. Lumunok siya bago ibinaba ulit ang kutsara at nag-iwas ng tingin.

"Summer naman . . ."

Nagbuntonghininga ako bago pumangalumbaba sa table. "Hayaan mo akong gumastos, Grayson. This is my vacation, not yours."

Bahagya siyang ngumuso. "Summer, this is my way of treating someone special. Huwag kang manghinayang sa ginagastos ko kasi ano bang ginagawa sa pera? Ginagastos. You're worth spending money for, Summer."

I gulped before my mouth parted at the last thing he said.

Damn, this guy can be smooth when it comes to words! Hindi ko naiiwasang mamangha talaga, eh!

"O-Ohh . . . dapat tinatabi mo yung pera kasi, 'di ba? May . . ." I looked away. "Anak ka."

"Don't mind about it. I have plenty of money to spend on things and people I want to spend it with. Kumain ka na, lumalamig na ang sabaw."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Pagdating sa kan'ya, nauubusan ako ng sasabihin.

Hindi ko alam kung ano bang mayro'n sa kan'ya pero parang ibang-iba siya. Hindi naman ibang tao pero . . . hindi ako sanay sa treatment na ganito mula sa isang taong kakikilala ko lang. He's treating me like he knew me already for so long. He never treated me like a stranger.

I think . . . that's a good thing, right?

Nagsimula na rin akong kumain dahil kailangan ko pang bumalik ng sa Bluewater para mag-checkout mamayang 1:00 PM. I want another island hopping session—yung aabutin kami nang ilang araw sa bawat island.

Will I ever get to experience that here?

Kung oo . . . sana samahan pa rin ako ni Grayson.

Nang matapos kumain, nagpahinga lang kami nang konti at namili ng mga memorabilla sa lugar, bago kami sumakay ulit sa bangka para bumalik na sa Panglao. It took us 45 minutes bago makarating do'n. Past 11:20 AM na nang makabalik kami kaya naman may isang oras na lang ako para mag-prepare sa pag-check out.

"Magbabanlaw lang ako and I'll help you check out. Wala naman ako masiyadong gamit," Grayson said as he walked me to my room.

I smiled, nodding. "Okay, then. Thank you!"

Nang makarating sa room ko, nagpaalam na rin siya kaagad na uuwi na sa room niya at babalik na lang. Nagmamadali akong dumiretso ng bathroom para maligo. Hindi pa nakaayos ang ilang mga gamit ko kaya kailangan ko talagang bilisan. Nakakahiya naman kung mali-late ako sa pag-check out dito. Baka bawal 'yon.

Sana pala, kagabi ko pa inayos ang mga gamit ko.

Mga ganitong pagkakataon mo talaga maaalala lahat ng sermon ng nanay mo sa 'yo noong mas bata ka pa, eh. I sighed.

After taking a quick bath, nagmadali ulit akong magbihis. Hindi ko na naalis ang tuwalyang nakaikot sa ulo ko dahil inasikaso ko na yung pagliligpit ng mga gamit ko. Sa kalagitnaan no'n, may narinig akong kumatok sa pinto. Mabilis akong lumingon do'n at nasilip si Grayson mula sa awang ng kurtina sa glass wall.

Pumunta ako sa pintuan para pagbuksan siya.

"Are you done?" he asked.

I winced. "Hindi pa, ang dami ko palang gamit."

He chuckled. "Okay then, let's pack up."

Dumiretso kami sa luggage kong nakabukas lahat. Isinaksak ko lahat ng gamit ko ro'n kahit na hindi nakaayos. Mamaya ko na lang aayusin sa hotel na tutuluyan ko sa Tagbilaran. Need ko na rin pala maglaba.

Damn, Ruth. Ginusto mo pa talagang mag-travel mag-isa, huh?

Nang malapit na kaming matapos sa pag-empake ng mga gamit ko, nagsalita siya.

"Sige na, gawin mo na ibang gagawin mo."

I smiled before standing up. "Thank you!"

Lumapit ako sa dresser at inalis ang tuwalya na nakaikot sa buhok ko. I watched him zipped my luggage as I combed my hair. Nang matapos na niya 'yon, lumingon siya sa akin.

"Do you need anything more?" he asked.

Lumingon ako sa kan'ya. "Wala na. Thank you!"

Tumango siya at naglakad na papunta sa couch at doon naupo. Mabilis kong b-in-lower ang buhok para matuyo kahit na papaano. After that, nag-ayos lang ako nang konti and then we're ready to go. Grayson is pulling my huge luggage while the smaller luggage was with me.

We went to the front desk and paid for extra fees that we consumed. Nang tuluyan nang makapag-check out, lumabas na kami ng Bluewater Resort, dala ang mga gamit ko.

"Saan natin isasakay mga 'yan?" tanong ko, patungkol sa mga gamit ko.

"Umupa na lang tayo ng tricycle. Sa akin ka sasakay, okay?"

Tumango ako bilang tugon.

Pinanood ko siyang maglakad papunta sa pilahan ng tricycle. Narinig ko siyang makipag-usap gamit ang dialect ng mga tao rito. I didn't understand a thing. Mabuti na lang at flexible ang mga tao rito—they can understand English and Tagalog just the same.

Ilang sandali pa, bumalik sa akin si Grayson habang ang isang trike ay nakasunod sa kan'ya.

"Let's go."

Kinuha niya sa akin ang mas maliit kong luggage at isinakay sa loob ng trike. Hindi naman ako kakabahan kung mawala man ang luggage ko na 'yon dahil nasa bag na sukbit ko ang mga pera, cellphone, ID and other important things.

Matapos no'n, hinawakan ni Grayson ang braso ko at marahan akong dinala sa kung saan naka-park ang motor niya. Ibinigay niya ulit sa akin ang isang helmet. Isusuot ko na sana 'yon nang binawi niya tapos siya na ang nagsuot sa akin.

I laughed. Ang cute.

"Why are you laughing?" he asked.

I shook my head. "Ang cute lang."

He smirked. "Mas cute ka."

Napaawang ang bibig ko sa naging response niya. Kahit kailan talaga 'to magsalita, lagi na lang akong natatahimik!

Nang maisuot na niya ang helmet niya, sumakay na siya sa motor at ini-start ang engine. Umangkas na rin ako sa likod niya bago kumapit sa balikat niya.

"Kapit kang mabuti." Tumango ako. "'Wag d'yan."

"Huh? Saan ba? Okay naman dito, ah?"

He chuckled before taking my hands off of his shoulders and wrapping it around his waist.

"Huh?"

He chuckled. "This is the safest way to ride a motorbike with me."

I gulped, unable to answer from his statement. Tuluyan na siyang nag-drive paalis ng lugar.

Kabang-kaba ako, hindi dahil nakasakay ako sa motor. Sanay naman ako sa ganito kaya hindi na ako kinakabahan.

Kinakabahan ako kasi . . . parang bago ang lahat.

It's like I discovered my undisturbed world once again, tulad ng sinabi niya noong unang gabi na makilala ko siya.

Nakakalimutan ko na minsan yung dahilan kung bakit ako nandito. Gusto ko na lang isipin na . . . tagarito nga talaga ako at hindi turista lang.

Nakakalimutan ko na yung katotohanang . . . nasasaktan nga pala ako. Masiyado na yata akong sumasaya kasama siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top