Chapter 13
Maliit na bangka lang ang sinakyan namin papunta sa lugar kung saan kami mag-snorkeling. Apat lang kami sa isang bangka: ako, si Grayson at ang dalawang boatmen. May ilang bangka rin ang nakasunod sa amin na mag-i-snorkeling din. I looked away when Grayson removed his shirt in front of me.
Damn it, Ruth! Ano ba?
Isinuot na namin ni Grayson ang snorkeling gear at ang fins. Nakinig lang kami sa mga do's and don'ts na sinasabi ng boatmen sa amin. On the other hand, Grayson doesn't seem to listen to what they are saying since this is his hometown, alam na niya ang mga dapat at hindi dapat gawin. Pinanonood na lang niya ako ngayong isuot ang fins sa paa ko.
"Bawal na bawal pong hawakan ang mga isda, turtles, lalong-lalo na po ang coral reefs . . ."
Tumatango-tango ako sa mga paalala sa amin para malaman nilang nakikinig ako kahit na ang isang kasama ko ay sa akin nakatuon ang pansin. Ilang sandali pa, sinabihan na kami na p'wede nang mag-snorkel. Nauna silang bumaba sa amin ni Grayson.
"Are you ready?" he asked.
Tumango ako bilang tugon. Grayson jumped on the water first, wearing his snorkeling gear. Sa pagtalon niyang 'yon ay rinig na rinig mo ang lakas ng tunog ng pagbagsak niya sa tubig. Na-excite tuloy ako. Tumalon na rin ako sa dagat malapit sa kan'ya kasabay ng pagsigaw ko dahil sa lamig ng tubig. Narinig ko ang pagtawa niya nang dahil do'n.
Tinanggal niya panandalian ang gear sa bibig niya at nagsalita. "I know you can't swim well in the sea but I'm here, okay?" I nodded. "Don't let go of my hand until you can do it already on your own."
For a moment, nagkaroon ulit ng ibang ibig sabihin sa akin ang huli niyang sinabi pero pinagpaliban ko na lang dahil baka ako na lang itong kung ano-ano ang iniisip.
Nauna nang mag-swimming si Grayson sa akin at sumunod din ako kaagad dahil nga hawak niya ang kamay ko. I watched his bare back in front of me as he swam deeper and deeper, not letting go of my hand. Nakikita ko na ang mga isda na iisa lang ang itsura. Para silang damit na striped ang design. I also saw nemos! Ang daming nemo! This is not the first time I did this but It never ceases to amaze me how this world can be this beautiful!
Grayson faced me with his camera in front of his face. He's taking pictures of me underwater. Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Hindi kaya siya nahihirapan?
Hindi ko alam kung imagination ko lang ba 'yon o ngumiti siya sa akin bago tumalikod ulit at nagsimulang maglalangoy. Sumunod ako sa kan'ya at humawak na rin nang mahigpit sa kamay niya dahil palayo na kami nang palayo. Iba't ibang klase na ng isda ang nakikita ko. Iba't ibang kulay na rin ng coral reefs ang nakikita ko.
Napatigil ako sa paglangoy nang makakita ng mga pagong na lumalangoy malapit sa amin. Grayson stopped swimming and stayed beside me as I watched the turtles swim away from me.
Damn, this is so beautiful! The water is too clear! Sobrang linaw sa paningin ko ng mga lamang-dagat! I never thought that snorkeling could be this fun!
Napalingon ako kay Grayson nang maramdaman na unti-unti niyang binibitiwan ang kamay ko. The camera is still in front of his face, and I know that he's taking photos of me. I carefully swim around the place as he turned around just to catch me.
This is fun! Can I stay here longer than a month?
I chuckled inside.
No, Ruth. One month lang. Just thirty days' stay is enough, and you need to go back to your old life. Thirty-day escape is more than enough for you. You can't stay longer.
Erasing the thoughts in my mind, I continued swimming confidently since I know that Grayson is there. Hindi niya ako pababayaan dito. He promised to be with me and I know that I'll always have his back . . . habang magkasama pa kami.
Nang makapag-snorkel nang ilang minuto, umahon na muna ako sandali. Sumunod sa akin si Grayson at pareho naming tinanggal ang snorkeling gear namin habang nananatili pa rin sa dagat.
"How's my swimming for you?" I asked.
He smiled. "Beautiful."
I laughed. "Naks!"
"Seryoso!" He laughed. "I'll show you the video later. You swam beautifully."
I chuckled. "Okay, then."
"Anyway, mas okay kang picture-an nang walang snorkeling gear. Natatakpan ang mukha mo, eh."
I laughed. "Okay na 'yan! Nasa malalim pa tayo, eh."
He smiled. "You can do that. Nandito naman ako."
I gulped again when my heart started beating wild. Damn, this guy. Ang simple lang ng sinasabi pero para ako palaging kinakabahan sa hindi naman pangit na dahilan.
"O-Okay, then."
Iniabot ko sa kan'ya ang snorkeling gear bago nagsimula ulit na lumangoy. Nahihirapan pa rin ako dahil mahapdi sa mata ang tubig—nalalasahan ko pa ang alat nito. Pero kaya ko naman. Hindi nga lang talaga matagal.
Gusto ko rin kasi na makuhanan niya ako ng picture underwater kaya ginagawa ko rin.
Opening my eyes underwater is a big challenge for me. Mabuti na lang at nagagawa ko pa kahit na papaano. I saw Grayson near me, holding our snorkeling gear while his other hand was holding the camera in front of his face. I tried to swim beautifully again, the way I did when I still have my snorkeling gear. Kaya ko naman pala.
Mabilis lang din akong umahon dahil hindi ko na kinaya ang alat ng tubig. Paulit-ulit kong kinusot ang mga mata ko dahil sa hapdi. Nagulat ako nang may humawak sa mukha ko, dahilan para mapadilat ako nang bahagya.
"Huwag mong kusutin," he said, cupping my face.
I gulped repeatedly. I watched him blow my eyes gently, in hopes that it would ease the pain even a little.
Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin nang hindi ko na makayanan ang awkwardness na naramdaman ko.
"Uhh . . . thank you."
He smiled at me. "You did great. Hindi mo na yata kailangan ang tulong ko sa pag-swimming sa dagat."
Napanguso ako. "Hindi naman siguro. Hirap na hirap nga akong dumilat sa ilalim ng tubig kanina, eh."
He chuckled. "You'll see your photos later, and they are all beautiful." He smiled. "Thank you, Summer."
Napanguso ako sa huling sinabi niya. "Bakit naman nagti-thank you ka sa akin ngayon?" I chuckled. "Hindi ba dapat, ako ang magpasalamat kasi sinasamahan mo ako dito at hindi pinapabayaan?"
He smiled genuinely. "I've never taken photos this way before. I was never satisfied with my portfolio, but with your pictures in my camera . . . parang nahanap ko na yung tamang tao na paggagamitan ng talento ko."
I chuckled. "Kasi maganda ako? Alam ko na 'yon." pagbibiro ko kasabay ng pag-iwas ng tingin.
He smiled. "Hindi lang naman 'yon."
Napatingin ako sa kan'ya. "Eh . . . ano pa pala?"
I watched his throat move as he became silent for a few seconds . . . until he answered.
"I think . . . you gave me the confidence to be a great photographer. Looking at your photos that I took . . . pakiramdam ko, ang galing ko na. Pakiramdam ko . . . kinukuhanan ko ng litrato ang pinakamagandang scenery sa mundo."
I looked away, feeling the nervousness in my heart.
Damn, when did I start feeling this whenever he talked like that?
And when did he start talking to me that way?! Parang ang tagal na tuloy naming magkakilala at parang . . . parang nagugustuhan ko rin na ganito siya ngayon.
Is this even a good thing? Nagmu-move on ako sa isang tao tapos heto ako, kinakabahan dahil sa magagandang salitang naririnig ko sa taong kakikilala ko lang.
"Uhm . . . I-I didn't even do something for you to make you feel that."
He chuckled. "Your presence is enough to make me feel this. And I'm happy that I befriended you that night when I thought I'd make a bad impression on you."
I chuckled. "Hindi naman. Kinabahan lang ako no'n. But you seem nice so I entertained you."
"Am I?" He chuckled.
"Oo kaya!" I laughed.
My lips trembled when I felt the cold wind blowing upon us. Damn, bakit ba nandito kami ngayon at hindi sulitin ang snorkeling?!
"D-Do you . . ."
"Hmm?"
I looked up at him and saw that he's staring at me. "Uhm . . . I want to ask you something. Is it okay?"
He smiled, slightly nodding. "Ask anything and I'll answer it with full honesty."
Tumango ako nang bahagya bago nag-iwas ng tingin. "Uhm . . . do you usually take photos of strangers? The way you . . . did to me that night?"
He chuckled. "No. Ikaw lang ginawaan ko no'n, kaya nga takot na takot ako na baka iba ang maging tingin mo sa akin. So . . . yeah."
Ibinalik ko ang tingin sa kan'ya. "Then . . . why did you take photos of me that night kung hindi mo naman pala talaga siya ginagawa?"
He gulped and stayed silent for a few seconds before he answered.
"You looked the saddest person in that place and you're alone. That's not a good sight to see. So I told myself to erase that sadness while you're here."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top