Chapter 12
Hindi na ako nakasagot pa o nakapagbato ng panibagong tanong nang dumating na ang dalawang lalaking makakasama namin sa bangka para sa pag-a-island hopping.
Lumapit kami sa isang grupo ng turista na walong katao at mukhang magkakaibigan. Base sa language nila, Chinese ang mga ito. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila bukod sa iilang English words na sinasabi nila. Isa lang yata ang fluent sa English. 'Yun ang nakikipag-usap sa dalawang lalaking magmamaneho ng bangka para sa amin.
Inabutan kami ng tig-iisang life vest bago isa-isang tinulungang makasakay ang magiging pasahero ng bangka. Pinauna na namin ni Grayson ang walong magkakaibigan. Pagkatapos no'n, nauna nang umakyat sa akin si Grayson.
Akala ko, iiwanan na niya ako, eh.
"Summer, tara."
Tumingin ako sa kamay niyang nakalahad, naghihintay sa akin na makaakyat sa bangka. Sa hindi malamang dahilan, bigla na naman akong kinabahan. Napalunok ako bago tumuntong sa mga tinutuntungan kanina nila para makaakyat, sa tulong na rin ng isang lalaki, hanggang sa maabot ko na nga ang kamay ni Grayson. Para akong batang nag-init ang mukha dahil nahawakan ang kamay ng crush nila! Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ngayon at hindi ko alam kung bakit!
Damn it, Ruth!
Nang makasakay na nang tuluyan, pinaupo na ako ni Grayson sa bakante, sa tabi ng isang Chinese na lalaki. Pagkatapos no'n, naupo siya sa pagitan namin. Gusto kong matawa kasi ang laki ng space sa kaliwang side ko pero sumiksik talaga siya sa kanan.
This is Grayson, being protective of her tourist friend, indeed.
Nang makitang maayos na ang lahat, pinagana na ng dalawang lalaki ang makina ng bangka, hanggang sa tuluyan na nga itong umandar. Maingay ang mga turistang kasama namin habang bumabyahe papunta ng Balicasag Island. Wala akong ibang maintindihan sa mga naririnig ko kaya naman kinuha ko na lang ang cellphone at kinuhanan ng pictures ang mga madaraanan.
The water is clear. Makikita mo ang mga coral reef na nasa mababaw na parte. Kinukuhanan ko ng litrato ang bawat lugar o bagay na p'wede at maganda. Kinuhanan ko rin ng video ang malinaw na tubig habang umaandar ang bangka kaya naman rinig na rinig ang ingay ng makina sa video na 'yon.
"Grayson," I called him as I switched my phone's camera into the front cam.
"Hmm?" he responded while taking photos of the scenery using his waterproof camera.
"Selfie."
Lumingon siya sa akin bago ibinaba ang camera. Ilang sandali pa, ngumiti siya bago humarap sa camera at ngumiti. We took a few photos with different poses and facial expressions until I decided to stop already. Masiyado nang marami.
"Are you going to upload that on your Instagram?" he asked.
I smiled. "Kung okay lang sa 'yo."
He smiled. "Please . . . upload mo."
I chuckled. "Okay, I will. L-Later."
I looked away when I realized that I almost said pagkauwi sa Manila. Kasasabi niya nga lang na huwag ko munang isipin ang mga tungkol sa lugar kung tagasaan talaga ako, eh. Tapos, heto na naman ako.
"Thank you."
Tumango ako bilang tugon.
Maraming ikinwento sa akin si Grayson tungkol sa p'wedeng gawin sa Balicasag habang abala siya sa pagkuha ng litrato sa bawat makita niyang p'wedeng maging parte ng portfolio niya.
"Snorkeling ang pinakasikat na ginagawa sa Balicasag Island. You'll see turtles and many fish underwater. Mura lang din naman yata ang bayad do'n," he said before standing up a little and sitting on the other side—sa harap ko. "I'll take photos of you. Just be comfortable."
And after he said that, I heard the shutter from his camera. Natatawa na lang ako dahil nakikita kong napapatingin sa amin ang ibang kasama namin at nahihiya ako nang dahil do'n.
"Tama na nga," I said, laughing.
He chuckled. "Why?"
"Nahihiya na ako, mamaya na lang." I laughed.
"Hindi 'yan!" Ibinaba niya ang camera at tumingin sa mga kasama namin. "Hi!"
"Grayson!" I called him nervously.
Lumingon na sa kan'ya ang mga kasama naming turista, mukhang nagtataka dahil sa pagkuha niya ng atensiyon nila. "She's pretty, right?" he asked, pointing at me.
Natatawa akong nag-iwas ng tingin sa kanila kasabay ng pag-init ng mukha ko. "Grayson, stop." I laughed.
"Yes, she is pretty. Why?" sagot ng isang babae, yung nag-iisang Chinese na fluent sa English.
"She's feeling shy because I'm taking pictures of her," he explained.
Gusto ko na lang tumalon sa dagat na 'to sa kahihiyan. Bwisit na Grayson 'to!
"Oh, no! Don't be! Don't mind us! Just be comfortable with your boyfriend!"
Mabilis akong napalingon sa Chinese na 'yon nang nakaawang ang bibig. I was about to tell her that Grayson is not my boyfriend but they all smiled at me and did not mind me anymore. Kasabay pa nito ang sunud-sunod na tunog ng shutter ng camera ni Grayson sa harap ko. Ibinalik ko na ang tingin sa kan'ya.
"Hindi naman kita boyfriend," sabi ko sa kan'ya.
He chuckled as he looked at the photos in his camera. "Hayaan mo sila sa gusto nilang isipin. Hindi naman nila tayo kilala, at wala rin naman silang pakialam sa atin." He looked at me, "Wala rin tayong pakialam sa kanila."
I smiled a little at him in response.
Grayson's words never fail to amuse me. Those words . . . parang hindi lang tungkol do'n ang gusto niyang iparating. Parang . . . may mas malalim pa. Hindi ko alam pero those words were enough to calm my nervous heart a while ago.
After 40 minutes, nakarating na kami sa Balicasag Island.
Katulad kanina, pinauna naming bumaba ang walong magkakaibigan. Grayson got off the boat first, then he waited so that he could help me get off the boat, too. Nandito pa lang kami sa tabi ng bangka, kitang-kita ko na ang pinagkaiba ng Alona beach sa Balicasag Island.
This island looked clearer and more peaceful. Siguro, dahil na rin sa dami ng nakatayong pasyalan at restaurant sa gilid no'n kaya parang ang crowded palaging tingnan.
Marami-raming tao rin dito pero hindi maingay . . . hindi masakit sa ulo.
"Ang ganda naman dito," I said as I walked on the broken reefs on the ground.
I looked at all the reefs I'm stepping on. Sure, sands are great and beautiful pero hindi rin maitatanggi na may sariling ganda ang mga reef. The only complaint I have is that it hurts my feet. Mabuti na lang nasabihan kaagad ako ni Grayson tungkol dito. Hindi naman kasi ako nag-search ng tungkol sa Bohol. Ito lang talaga una kong naisip na puntahan.
Naupo muna kami ni Grayson sa isang wooden bench na may wooden table din.
"Wait lang, gusto mo ng coffee? Or instant noodles?" he asked.
Umiling ako. "Hindi na. Magpapahinga na lang muna bago ako mag-snorkeling."
Tumango siya at bumalik sa pagkakaupo sa harap ko. "P'wede kang bumili ng memorabilla do'n," sabi niya kasabay ng pagturo sa dalawang babaeng may mga tinda na kung ano-ano sa harap nila. "Jewelry sila na gawa mismo sa pearls na nakukuha nila rito."
Napatango ako bago tinitigang mabuti ang nasa table. Those were necklaces, bracelets and earrings. May ilan pang hindi ko maipaliwanag pero mukhang pang-display somewhere sa bahay. Marami rin mga damit at case para maging protected ang phone mo underwater. Hindi ko naman na siguro kailangan ng case na 'yon since Grayson has his waterproof camera with him and he told me that he'll take photos and videos of me as I enjoyed underwater.
I smiled at him. "I'll buy it later. Souve—" Napatigil ako sa pagsasalita nang tumitig siya sa akin. "Basta bibili ako mamaya."
Grayson laughed louder because of what I did. "Why did you stop?"
I rolled my eyes at him. "Para kang mangangain kung tumitig, eh. Sorry na."
Lalo siyang tumawa dahil sa sinabi ko. Do'n ko rin na-realize na nagkaroon ng double meaning sa kan'ya ang sinabi ko. Hindi ko na rin napigilan ang tumawa kasabay ng paghampas sa kan'ya.
"Shut up!" I said, laughing.
He slowly calmed himself before talking. "Sorry na, ang cute kasi."
Pabiro akong umirap sa kan'ya dahil do'n.
Habang nagpapahinga kami, walang tigil si Grayson sa pagkuha niya ng picture sa lugar, pati na rin sa akin. Kahit na wala akong ginagawa, o kahit na nagsasalita lang ako, kinukuhanan niya pa rin ako ng picture. Ayaw ko sanang masanay pero I don't seem to care anymore.
After 20 minutes, tinawag na kami para sa pag-snorkeling. Tinanggal ko na muna ang life vest ko bago hinubad ang cover up at shorts. I caught a glimpse of Grayson, looking away from me as he tried to look for other things to get himself busy. I laughed before I put my things together, tapos itinabi ko na sa kung nasaan secure ang gamit namin.
Ang cute pala sa akin nitong yellow stringed bikini na nabili ko bago ako umalis ng Manila. Bagay sa balat kong maputi. Mabuti na lang at ito ang isinuot ko ngayon.
"Let's go," I said.
Grayson looked at me with his dismayed eyes. "Don't just remove your clothes here. Ang daming tao."
Napanguso ako sa sinabi niya. "Ginaya ko lang naman sila," sabi ko bago itinuro ang mga kasama namin kanina na do'n lang din nagbihis sa kung nasaan kami nagpapahinga.
He sighed. "Kahit na. Basta. May CR do'n, sana nagpasama ka."
I chuckled. "Grayson, I'm okay. Kahit titigan nila ang katawan ko, hindi nila 'to makukuha. Maglaway sila kung gusto nila. Tara na."
Hindi ko na pinansin pa ang mga nagrereklamong buntonghininga niya. Lumapit na ako sa boatmen na dadalhin kami sa lugar kung saan kami mag-snorkeling. Lumingon ako sa pinanggalingan ni Grayson pero wala siya. Saan naman nagpunta 'yon?!
I was about to walk back when I saw him running towards me with something in his hand. Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin, ngumtii siya bago may inilagay sa leeg ko. I looked down and saw that it's a necklace made of shells and pearls. They were colored yellow and pink and it suits me well.
"Ito pa. Bagay sa 'yo."
Kinuha niya ang kamay ko na siyang nakapagpakaba sa akin. Naglagay siya ng bracelet do'n na ka-partner yata nitong nasa leeg ko. Pagkatapos no'n, pinanatili niya ang paghawak sa kamay ko bago ngumiti sa akin.
"Let's go."
Napalunok na lang ako at tumango, bago sumunod sa kan'ya sa pagsakay ng bangka.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top