Chapter 9
Messenger
Alezandra Florencio
Hanie:
balita k medtech anak m
anu gawa duun nagawa b sila robot
na nagiging nars
Alezandra:
kuha sila tae tapos pahid nila sau haha
Hanie:
Sosmaryosep ka ralaga
Zandra lht na lng! biro sayu e
Alezandra:
natulong sila sa hospital ata
kumuha ng mga itetest ganun
ewan q haha basta masaya si aziah
Hanie:
dapat nagteacher sha
pangarap mo yun di ba
Alezandra:
tanga mu naman
si alezandra ba si aziah haha
yoko isipin ni aziah na
responsibilidad nya ako
basta masaya sya happy rin ak
Hanie:
baet mo talaga
swerte aziah sau
Alezandra:
aq swerte kay aziah
di ako mabaet haha
nanay lang tlg ako
sana nga nagagampanan k eh
minsan pakiramdam k sya pa
nanay sa aming dalawa
bilis nya lumaki
bolbolhjn n tlg sya
huhuhuhu
#####
Chapter 9
"What made you so into reviewing?" tanong ko kay Ryker habang nagbabanlaw siya ng mga ginamit ko sa kusina.
It was already 11 p.m. when he stopped reading his notes. Kusa siyang tumayo upang magunat-unat at inaya n'ya ako na uminom ng juice. Sabi ko nga buko juice n'ya ba? Bigla ba naman akong sinimangutan. Kaya tumigil na ako! Pagod yata talaga ang loko kaka-review n'ya.
He gave me some mixed berries juice and he went to the sink afterwards. Sumunod naman ako dahil pakiramdam ko inaaliw na lang n'ya ang sarili n'ya upang di tuluyang antukin.
"Hindi naman ako nag-re-review kasi gusto ko," halakhak n'ya habang nilalagay ang mga bagong hugas na plato sa dish dryer. "Wala lang din akong choice dahil di naman ako academically gifted."
"What do you mean?"
"Hindi ako tulad ng iba na matutulog lang ay alam na ang mga sagot sa mga exams," he said.
"Bogus iyon," I scoffed, then helped him dry the dishes by turning on the dish dryer. "Baka sa umaga nag-re-review para nakakapagpahinga rin."
"Well, I can't relate," tawa n'ya. "I fear I'll forget the lessons if I sleep. If I took time off from thinking about it."
Lumingon ako sa kan'ya at ngayon ko lang napagtantuan na pagod na talaga ang kan'yang mga mata. He was wearing some reading glasses which made him look. . .hot. Naka-puting t-shirt lang siya ngayon at itim na shorts pero parang p'wede n'ya akong kaladkarin sa kwarto n'ya at gawin ang mga mahahalay na eksena sa isang erotica movie.
Napasinghap ako. Ang lala na, Ziah! Pagod na nga yung tao, gusto mo pang pagurin ka! Mamaya habang nasa kama kami ay nagkakabisado pa siya ng mga terms sa subjects namin, naku talaga!
"Natahimik ka?" puna ni Ryker.
"Hindi eh," umiling ako. "Gets ko na galing sa pagpupursigi yung grades mo. Pero bakit? Kailangan mong magpursigi kasi? Parents mo na malaki expectations sa 'yo? Fear of failure? Pamilyadong tao ka na ba?"
He chuckled, his shoulders moving as he laughed. It was this small detail that made me notice his biceps. . .they're well defined.
"P'wede bang walang halungkatan ng childhood dito? Iiyak ako, sige ka," biro n'ya sa akin. "Pero siguro. . .nasanay lang?"
"Nasanay?"
"My parents aren't rich at first," sabi n'ya sa akin. "They had to work three jobs to sustain their lifestyle before. Naka-jackpot lang kami nung pumatok ang pangalan ni Daddy bilang Sales Representative sa Allied Health at nagkaroon ng chance na maging doktora si Mommy. I wasn't born with a silver spoon and they made me aware of that fact."
"Oh."
"Since then, it was ingrained in my brain that I have to make their sacrifices worth it. Dapat hindi maputol ang nasimulan nilang tahak ng daan. Bawal akong kumaliwa o ano dahil sayang naman kung hindi matutuloy yung mga plano nila para sa amin."
"Do they force you to follow their plans?"
"Hindi," umiling siya. "Pero kapag naaalala ko na ilang birthdays ko ang wala sina Mommy at Daddy para magtrabaho at magkaroon ng cake sa handa ko, naiintindihan ko na kailangan galingan ko rin dahil hindi biro ang kumita ng pera at magkaroon ng pangalan sa industriya."
"So the pressure. . .comes from yourself?" I concluded.
Hindi siya nakasagot sa akin. I doubt his friends would make him feel less if he fails. His family doesn't pressure him according to himself, kaya iisa na lang ang naiisip kong salarin bakit hanggang ngayon ay nag-re-review pa siya kahit sa tingin ko ay tulog na nga yung professor na magpapa-exam sa kanila bukas—he's the one who can't see himself failing, which is hard because the greatest ally that you can have is yourself.
Kung pati sarili mo ay kalaban mo, kawawa ka naman sa mundong ito.
"Sorry," sabi ko sa kan'ya. "Baka hindi ka pala comfortable magkwento."
His eyes widened then he shook his head. "Hindi naman sa gano'n."
"Yung nanay ko, wala rin akong nararamdaman na pressure galing sa kan'ya lalo na sa pagaaral kasi. . .kahit siya ay nagulat na umabot ako sa kolehiyo. Highschool kasi ang natapos ni Mama dahil nagtrabaho na siya agad."
Tumango si Ryker. "So you're studying because you want to have a better life for the both of you?"
"Di naman. . .pero ayoko maging tulad ni Mama sa aspektong. . .umaasa masyado sa pag-ibig," sabi ko sa kan'ya. "I'd rather deprive myself of the things that I know won't last instead of trying it and regretting that it won't stay for long."
"Kaya ka nag-medtech kasi sa tingin mo, magtatagal ka rito?"
"Di ah," tawa ko. "Trip ko lang talaga course ko. I wanted to try fine arts pero kusang sumusuko ang creativity sa akin. Kaya nag-medtech ako dahil natutuwa ako makita yung mga bagay na hindi visible agad."
Nasa kurso ako na ginusto ko lang naman dahil malayo sa mga pangarap ng mga kapitbahay at mga kamag-anak ko para sa akin. They want me to become a teacher, an engineer, a nurse, or take a computer related subject. Tuwang-tuwa ako nang hindi nila alam kung ano ang medtech. The liberty I felt when I disappointed them just felt so right. Bahala sila alamin kung ano ang ginagawa ko! I don't want their input on my life.
Mahaba pa ang naging usapan naming dalawa. Hindi ko inakala na may side si Ryker na pinaguusapan namin kung ano ang dahilan bakit ito ang kursong kinuha n'ya. He told me it was for his premed. Mas. . .futuristic talaga siya kaysa sa akin.
"Antok na ako, Ziah. Magpapahatid ka ba? I can still drive," he said to divert our discussion.
I took it as a cue to stop. I don't want us to talk about something that he's not comfortable to share yet. Hindi ko naman ugali na ipilit sa isang tao na magsalita siya—di ko nga hinahabol tatay ko para kausapin bakit n'ya kami iniwan eh.
"P'wede pa ako mag-commute," sabi ko.
He rolled his eyes then pursed his lips. "I won't let you commute without me. Gabi na rin. Ihahatid na lang kita kung gusto mo."
"Then let me stay," I told him. "Kahit sa sofa na ako matulog. Ayoko na mapagod ka pa mag-drive. Hindi malapit ang bahay ko sa condo mo."
Bahagya siyang natigilan sa ginagawa n'ya. Nilingon n'ya ako at nagtagal sa akin ang kan'yang tingin. As if he was trying to decipher my words correctly. Nagtaas ako ng kilay sa kan'ya.
"P'wede naman sa kama ko," bulong n'ya. "Bakit sa sofa pa?"
"Baka di ka comfortable," sabi ko sa kan'ya. "I'm not your girlfriend and it might be crossing your boundaries."
We might be exclusive to each other but the label says that we're not together. Hindi ba mas maganda na alam namin kung hanggang saan lang kami? Sleeping in the same bed without doing anything besides sleeping seems. . .suspicious to me.
His adam's apple moved. "It doesn't."
"Then, okay," I exhaled, trying to release the hidden doubt in my chest. "Tabi tayo. Sure ka ah? Baka humilik ako. Baka hindi ka makatulog nang maayos."
"I don't mind," napalunok siya at umiwas ng tingin. "Ako nga dapat ang magsabi sa 'yo n'yan. Makulit ako matulog. . .baka mayakap kita."
My eyes widened a bit but I gradually nodded. "Okay lang."
"Baka dantayan ko ang legs mo."
"Okay lang din."
"Baka mahawakan ko boobs mo—"
"Baka masipa kita sa itlog," ngumiti ako sa kan'ya at tinaas ang middle finger ko. Tangina nito eh, ayaw na lang sabihin na baka mauwi kami na nakaibabaw na ako sa kan'ya.
He chuckled. "I'm kidding. I won't do anything that doesn't have your permission. Ayoko na hindi ka comfortable, Ziah."
Ngumiti naman ako. I know that. No'ng unang beses kaming gumawa ng milagro sa kama n'ya, he made sure that I was okay with everything. He didn't make me feel that I should be ashamed to tell him if things are already uncomfortable on my end.
Pumasok na kami sa kwarto n'ya. His bedroom was well lit, maganda rin ang pagkakagawa ng false ceiling n'ya. On the right corner of his bed, there was a huge window where you could see the city lights and the bustling cars going to their destinations. Nagulat ako nang hilahin ni Ryker yung kurtina upang takpan ito. Nilingon ko siya upang sitahin pero nawala na siya agad sa tabi ko.
He plopped on his bed, face first. Natawa naman ako dahil halatang kanina pa n'ya gustong matulog. Nakapikit na rin siya nang itagilid n'ya ang kan'yang mukha. His long lashes and small breathing made my lips pull apart. Lumapit ako upang ayusin ang buhok n'ya. I sat on his bed.
"Alam mo? Weird pakinggan pero na-a-appreciate ko yung sipag mo sa pagaaral," litanya ko sa kan'ya. "Mahirap yung ginagawa mo. Kaya nga di ko ginagawa eh." I chuckled to myself.
Hindi siya sumagot. Baka tulog na nga.
"Feeling ko mape-pressure ka na galingan pa lalo kapag sinabi kong proud ako sa 'yo. Pero gusto ko lang sabihin na hanga ako sa sipag mo mag-aral," sabi ko habang pinaglalaruan ang malambot n'yang buhok. His hair brushes my hand as if it was soft bristles. "Hindi mo kailangan galingan dahil kailangan maging proud sila sa 'yo; magaling ka na dahil sinusubukan mo kahit mahirap."
"Huwag ka nga," he groaned, halata ang pagod sa boses. "Kailangan ko galingan kasi crush mo ako."
"Tanga, sino naman nagsabi sa 'yo n'yan? Sabi ko sa 'yo, magpahinga ka rin dahil kung anu-ano na iniisip mo," tawa ko sa kan'ya kahit ang dibdib ay halos makipagsapalaran sa karera dahil ang bilis ng tibok nito.
"Alam ko naman na habol mo lang sa akin ay yung katalinuhan ko."
"Huh? No'ng unang nakilala kita, nasa bar tayo. Wala naman sa classroom. Pakialam ko kung matalino ka?" Umirap ako at tumigil sa paglaro sa buhok n'ya.
His hand slowly went after my hand and placed it back on his hair. Napanguso naman ako dahil umaakto siyang parang bata. Ang cute lang. Napailing na lang ako sa sarili ko. Nanatiling nakapikit ang mga mata n'ya.
"Edi ano habol mo sa akin?"
"Sex," direktang sagot ko.
"Grabe!" Halakhak n'ya kahit halos kama na n'ya ang sumasalo ng kan'yang tawa.
"Katawan mo lang talaga habol ko sa 'yo, to be honest," wika ko. "Kaya dapat alagaan mo sarili mo ha? Gusto kong may laman ka at hindi nangangayayat. But I actually don't care about your body. . .I'm after your well-being."
Ryker makes me feel that taking care of him isn't a responsibility or a duty that I need to fulfill. Para lang siyang switch na awtomatikong naka-on para sa akin. I want to take care of him because he neglects himself. Bukod sa pagbe-breastfeed, kinuha ko na rin yata ang ibang tungkulin ng isang ina!
"Yes, boss," sagot n'ya at unti-unting niyakap ang unan upang umayos ang pwesto sa pagtulog. Aalis na dapat ako nang unti-unting hinatak ako ni Ryker sa tabi n'ya.
His gripped on my waist was strong that I yelped when he replaced the pillow with my body.
"Hoy, tangina mo, sa kabilang side ako matutulog, bitaw na," sita ko sa kan'ya.
"Tulog na ako," he smiled even when his eyes were already closed.
I sighed then relaxed my shoulders as I could feel his soft breathing against my skin. Malapit lang ang mukha n'ya sa aking balikat. His hands were around my waist as I positioned myself on his bed.
"Sleep well, Ziah ko," he said against my skin. Pero dahil sa pagkabog ng puso ko. . .na sana hindi n'ya ramdam. . .hindi ko magawang matulog nang mahimbing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top