Chapter 3


to zyy,

#####
Messenger
ERPS BALITA

Cal:
Ryker, late ka?
For the first time?

Hinahanap ka sa akin ng tiga-school n'yo.

Eastre:
Sira ang perfect attendance haha

Ryker:
yeah
pagod haha

Cal:
Saan?

Ryker:
may mga ginagawa kasi yung mga matatanda na hindi pa p'wede sa bata, Cal

paglaki mo, maiintindihan mo rin ako
[🤣2]

Cal:
What?

Mas matanda ako sa 'yo???
[😭2]

Ryker:
sana paglaki mo cal
mapunta ka rin sa babastusin ka nang with respect

Eastre:
Fucker hahaha

#####

Chapter 3

It was easy for me to forget about feelings in general. I don't like to dwell on things knowing it is not permanent. It was as easy as breathing for me to toss my feelings aside in order to not let it consume me.

Tapos naman na, hindi ko naman na p'wede mabago ang bagay na nangyari na.

Pero putangina ang sakit ng pagkababae ko. Hayop na iyan!

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Mikay nang mapansin na halos parang pilay akong maglakad patungo sa classroom namin.

"Yeah, napatid lang kanina," I lied straight out of my nose. "Second subject na nga ako nakapasok sa sobrang sakit."

I was contemplating whether to take an absence due to having five rounds with him. I should have been contented getting a taste—tangina, nag-buffet yata ako kagabi. The only reason we stopped was because Ryker noticed that I was already tired and my eyelids were slowly getting heavy. Ilang beses n'yang hinalikan ang mga mata ko para lang magising ako.

I woke up with him still beside me.

Ryker looked peaceful in his sleep. His long lashes were beautiful.

Walang paalam akong nagkumahog kunin ang mga damit ko at umalis sa tabi n'ya. I didn't even bother to chat with him on Instagram and didn't even say anything to him at all. Umalis na lang ako.

Well, at least napaungol ko na rin siya. It's a fair fight between us. Hindi ko nga lang alam kung paano ko sasabihin kina Kelsey at Lotte nang di nahihiya.

"May salonpas naman yata," sabi ni Mikay, she checked on her bag and upon finding out that she doesn't have any salonpas with her, she pursed her lips. "Wala akong dala pala. Tanong na lang tayo mamaya sa blockmates natin, o na sa section A."

Kumunot ang noo ko. "What? Section A?"

Nagkibit siya ng balikat at pinagbuksan ako ng pinto. "May lecture si Sir Amante eh, tapos absent siya last week kaya isasabay n'ya sa discussion yung section A."

Tumango naman ako kahit lumilipad pa ang isip ko. Umupo kami sa bandang dulo. Wala kaming seating arrangement, kaya naman magkatabi kaming dalawa ni Mikay. She was gushing over someone on section A. Hindi ko lang maintindihan dahil umaalog pa ang ulo ko. Hanggang ngayon nga ay ramdam ko pa rin ang hawak ni Ryker sa katawan ko.

That goddamn asshole really knows his purpose. Isa siyang legendary fucker! Para siyang pinanganak para gawin lang akong puta. Hayop talaga ang isang iyon!

I seethe as I saw the messages from Lotte and Kelsey. Alam yata nila na late na ako nakapasok dahil wala pa silang daily pagmumukha ko. I usually send them pictures of me going to school since we're not blockmates. Hindi ko rin talaga alam paano nag-wo-work ang friendship naming tatlo.

Kelsey:
So how's the dig bick?! 😝

Lotte:
Congrats, Ziah! Deflowered na si Florencio! 🥳👏🏻

Ziah:
purangina nyo sagad 🌺🫶🏻

I am officially in need of a 🦽

dapat bago magyaya yung hayup na yun may insurance na agad sa wheelchair
[😭2]

Kelsey:
SOOO
was he good?
He must be good noh?

Lotte:
Spill giiirl
Pantasya ko rin yan!?
Sana ma-wheelchair din ni ry 👩‍🦽

Ziah:
pwede na 👍

Kelsey:
Grabe sa pwede na!! haha

Lotte:
Buti kinaya mo?
Rumors says he's wild even for a first night 🫣

Saka did u contact him na ulit ba? probably to keep in touch?

Ziah:
hell naaah! pakialam ko sa kanya, the tt was good but i dont like to be involved with him anymore

Lotte:
Whaaaat

Baka mamiss mo ah
haha ang dig bick

Ziah:
mama didnt raise a bad bitch
for nothinggg

kinaya ko at kakayanin ko
tuloy ang laban sa buhaaay 😚🖕

I managed to keep the conversation going about something else. Open si Lotte at Kelsey sa experiences nila pero hindi talaga ako naniniwala sa 'kiss and tell', I believe that even if we were liberated; we should still keep what happens beneath the sheets between us. Hindi naman kasama sina Lotte at Kelsey nung pinadapa ako ni Ryker.

May iilang estudyante ang pumasok sa classroom namin. Medyo naninibago ako dahil mukha silang mga matitino. Ang ilan sa kanila ay may binabasa na agad kahit halos 10 a.m. pa lang naman. Siguro ay galing sa section A dahil halos ang kalahati sa kanila ay parang may sinusumpa sa pagkakabisa. . .

Takteng 'yan, may quiz ba kami!?

Hindi pa tuluyang nagrerehistro sa utak ko ang naisip ko nang pumasok na si Sir Amante na naka-gel kahit halos dumaan na sa deforestation ang buhok n'ya. Nilapag n'ya ang isang bundle ng bondpaper sa kan'yang desk kaya lalong umangat ang kaba sa dibdib ko.

Ano'ng isasagot ko d'yan?!

Tumikhim si Sir Amante. "Good morning, class. Please prepare a pen as I distribute the paper that you need to answer, don't worry, quiz lang ito."

"Sabi mo discussion!" I hissed at Mikay who equaled her confusion with mine.

"Akala ko rin! Baka last week pa yun," aniya. I can't blame her, mismong ballpen nga minsan ay nakakalimutan ko pa.

Napabuntonghininga naman ako. Okay, nasa acceptance stage na agad ako. One quiz won't determine my future. . .but it can determine the outcome of this semester!

Habang pinamimigay nila yung mga papel, iniisip ko kung may isip ba ako. Keri kaya ng utak ko mag-take ng quiz ngayon? Nagbibilang ako ng himala at nagfo-formulate na ng mga dahilan para makatakas sa quiz nang may kumatok.

Umawang ang pinto at lumangitngit. Natatawa na agad yung mga tiga-section A nang sumilip si. . .Ryker.

What the hell?

Medtech din siya!?

My pen stopped mid-air, kung kanina ay di ito mapakali kakapindot ko dahil retractable ito, ngayon naman ay halos di ko magalaw ang mga kamay ko.

"Hi Sir Amante! Mas maganda ka pa sa umaga," bati n'ya habang ngiting-ngiti. Parang ang ganda ng umaga ni gago ah? Parang di ako pinadapa kagabi?!

Nag-blush si Sir Amante at ngumuso. "Bolero ka talaga, Adeva. Umupo ka na nga sa dulo."

He playfully saluted at Sir Amante and went to his seat. Pero pinasadahan n'ya muna ako ng tingin at para bang hindi siya nagulat na nandito rin ako. Samantalang ako ay parang nakakita ng multo dahil sa pamumutla. He smiled at me which made me scoff in return.

Kaya pala parang small world lang kami—dahil nga maliit lang talaga ang mundo naming dalawa! I gathered my thoughts as I tried to focus on our quiz.

I can hear the screeching of his chair against the floor. Natawa pa nga siya kahit wala namang nagpapatawa—tarantado ito! Umiling-iling ako. I can't be distracted because of his laughter. Focus lang dapat ako sa quiz!

Binasa ko nang paulit-ulit ang mga tanong pero para lang silang nagiging jumbled words dahil wala talagang pumapasok sa isip ko. Napapapikit na nga lang ako at iniisip na baka lumitaw ang sagot sa ere.

Napakamot ako sa aking ulo. Parang ang sagot sa lahat ng tanong dito ay maghanap na ako ng asukal de papa. Wala na akong patutunguhan dito! Kahit sa prayers, baka ma-disappoint lang ang mga anghel dahil alam nila saan ako busy kagabi!

I noticed someone looking at me from behind. Nilingon ko ito at kitang-kita ko si Ryker na nakatitig sa papel ko na walang laman. Tinakpan ko ito nang walang pasabi at masama ang iginawad na tingin sa kan'ya.

Wala na nga akong masagot, kokopya pa siya sa akin!

Bahagya siyang natawa. He subtly showed me his paper. Against my better judgement, sinilip ko ito at nakitang patapos na siya.

Baka hula-hula lang iyan.

B 1. Presynaptic vesicle:
Sarcoplasmic reticulum:

A. Calcium; ATP

B. Acetylcholine; Calcium

C. Sodium; Potassium

D. ATP; Calcium

Ah B ang sagot n'ya, gagawin kong letter D ang sa akin.

D 5. This structure is a network of protein fibers that forms anchor for actin myofilaments then separates one sarcomere to the next sarcomere.
A. H Zone
B. A Band
C. I Band
D. Z Disk

A 9. For which condition is a hearing aid most successful at treating?
A. Conductive hearing loss
B. Perceptive deafness
C. Nerve deafness
D. Sensorineural hearing loss

B 15. One of the following structures is part of a "special sense". That is, it is NOT a receptor for the general senses. Which one is it?
A. Golgi tendon organs useo
B. Semi-circular canals
C. Muscle spindles
D. Fingers

Bumalik na ako sa pagsagot sa papel ko. Iniwasan ko lahat ng sagot n'ya. Maliban na lang kung feeling ko ay tama naman talaga.

Nakakainis naman 'tong HAPP! Hindi siya nakaka-HAPP-y!

Natapos ang quiz namin at nalaman agad namin ang scores. 25/50 ako at ang passing ay 38. Okay lang, malayo sa bituka pero ang lapit sa puso! Mukhang hahabulin ko ang score ko na yun sa ibang activities!

"Kung may review tayo baka mas mataas pa tayo sa section A," sabi ni Mikay nang malaman na 38 ang naging score n'ya. Ah, so wala pa siyang review n'yan?

"Ziah," his voice was pristine and goddamn I hated how his tone reminded me of last night.

Nilingon ko siya at kita ko ang mapaglarong ngiti sa labi n'ya. Bagay na bagay sa kan'ya ang uniform namin. His hair was down today, halatang kakagaling lang sa ligo at bagong blowdry.

"Bakit di ka pa komopya sa akin kanina? Para namang wala tayong pinagsamahan," nagtatampong sabi ni Ryker. He even pursed his lips.

Napaawang ang labi ko.

Bwisit! Mas gwapo si Ryker sa umaga. I know that he's already attractive even in night, pero ngayon na mas hubog ang features ng mukha n'ya. Hindi ko alam paano ko kinayang mag-lights off kagabi.

"Wala naman talaga?" I sneered at him.

His eyes widened. "Kahit magkasama lang tayo kaninang uma—"

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. His lips protruded, trying to suppress a smile. Nairita ako dahil ang gwapo talaga ng pagmumukha n'ya. Kung di nga lang siguro ako aware na malandi siya, baka nagkakandarapa na ako sa kan'ya.

"I honestly. . .can't remember who you are," I lied as the memories of last night clashed back like waves in my mind. Napapikit ako, I wouldn't want to remember it either.

Doon lang napatda si Ryker sa kan'yang kinatatayuan. He tilted his head as if trying to figure out what I was thinking. I didn't give him any satisfaction that I made last night a big deal.

It was just a one night stand.

Nothing more, nothing less.

Pumihit na ako papalakad palayo sa kan'ya at pumasok na sa susunod kong mga subject. Hanggang sa jeep pauwi ay di ako mapakali dahil alam ko sa sarili ko na delikado ang mahulog sa isang tulad n'ya. Playing with him would be fun, though.

Habang nasa jeep ay naabutan ako ng traffic. Kaya naman nagbukas ako ng Instagram para tumambay sa mga stories ng mga kaibigan ko. Against my better judgment once again, sinilip ko ang bilog na kakulay ng IG sa profile ni Ryker. I viewed his story despite not being mutual with him.

rideryker
49/50 🫶🏻 #thanks4dagudfucc

Tarantado! I seethed through my teeth. Nagulat na lang ako nang makitang may message siya para sa akin.

rideryker sent you a message

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top