Chapter 26
to ami,
happy birthday!
#####
Chapter 26
I am in constant war with myself. Buong linggo na yata ako naghahabol sa eskwelahan dahil hindi naman tulad noong nasa highschool ako; hindi p'wedeng bigyan ng special tests o projects kapag marami kang absent. Kung bagsak ka sa college, bagsak ka talaga.
May mga professor na mababait na pinagbigyan ako. Ang ilan ay tinanong kung naasikaso ko na ba ang mga dapat kong gawin pagkatapos ng burial. Pumipintig ang ulo ko dahil kahit bills ngayon ay ako na rin ang gumagawa. Mabuti na lang na no'ng bata ako ay ginagawa ko na siya. Noon, no'ng nandito pa si Mama, minsan ay sa online na n'ya binabayaran kaya naman nabawasan ako ng gawain. Sa ngayon ay hinahanap ko pa ang nga detalye na kailangan ko para makapagbayad din nang online na lang.
"Ibig sabihin kapag may dean's list ay may discount sa tuition?" usisa ko kay Mikay habang nakapila siya sa registrar upang kumuha yata ng form.
Tumango siya at lumingon sa akin. "Oo, ah? Pasok ba grades mo?"
Umiling ako. "Hindi yata. Pero nagtatanong ako. . .para sa susunod."
I took my education for granted. Alam ko naman na halos hindi ako naging seryoso noon dahil hindi ko naman passion itong course ko. Yet, I never thought that maybe I should at least put an effort since my mother was paying for my tuition. Ngayon kasi ay baka magtrabaho ako para mapagpatuloy ang pagaaral.
o baka huminto.
Bahala na, ang mahalaga naman ay makapagtapos. . .o kahit hindi man, basta mabuhay.
I looked at my phone and realized it's been. . .months since I contacted Ryker. May mga iilan siyang mensahe sa akin pero hindi ako makapag-reply dahil hindi ko alam ang sasabihin.
Aziah:
Hi!
Sorry di na ako nakapag-reply.
Kamusta ka?
Ilang mensahe ang pinadala ko sa kan'ya magmula nang maramdaman kong medyo okay na ako. I received nothing in return. Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya o busy lang talaga.
Yet days passed and the trepidation in my system tripled. There was something wrong with Ryker being silent. Madaldal ang isang iyon. Walang araw na hindi mukhang nagpapa-baby. Kaya nagtataka ako sa haba ng katahimikan n'ya. Maybe because I also miss him. . .that's why I was growing anxious as time went by.
Patapos na ang semester; next school year ay 2nd year na ako sa medtech. Nagkaroon kami ng activity kasama ang kabilang section—yung section nila Ryker.
"Last activity na natin," ani Mikay at nakasilip sa mga section A. "Sila na naman ang kagrupo. Naku! Sobrang judgemental pa naman ng iba sa kanila! Magkamali ka lang, para kang kriminal agad!"
I was rummaging through the crowd using my eyes, hinahanap kung nasaan siya. Wala akong makita kaya naman napanguso ako. My Ryker's not here yet. Minsan lang ma-late ang isang iyon.
"Adeva, dito ka," someone said.
Agad kong sinipat ang direksyon nito. I saw someone approaching the one who called Ryker. Naka-uniporme siya at halatang bagong plantsa. He always looked neat in his uniform; naka-anti rad siyang salamin habang bagsak ang buhok. Medyo. . .humaba ang buhok n'ya dahil may ilang tikas ng buhok ang nasa noo na n'ya.
I drew in a breath. Ang gwapo ni gago. Hindi ko alam kung matagal lang kaming di nagkita pero mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko. His complexion looked like he was sick, pero mas lalong nadepina ang panga n'ya. Naniningkit ang kan'yang mata habang tinatabihan yung tumawag sa kan'ya.
In an evanescent moment, our eyes meet in the midst of the people around us. Napasinghap ako. Agad n'yang iniwas ito pero para sa akin ay naramdaman ko agad na may nag-iba.
His eyes were devoid of any admiration for me. Noon, alam ko na kahit pagnanasa lang iyon—there was something in his eyes whenever he looked at me. Ngayon ay wala na.
I wanted to control his feelings for me. . .and now that it looks like it's not within my grasp anymore—my entire being is currently in a state of panic. Hindi ako mapakali at kanina pa nginangatngat ang kuko ko.
Ryker would smile at me or even smirk. Lalapit siya agad at maiirita ako. Pero ngayon? Ni titigan ay di n'ya ginawa. Agad na nabuo ang mga haka-haka sa isip ko. Nagtatampo kaya siya dahil hindi ko siya nakausap nang matagal? I just didn't know how to process things yet.
"Florencio, si Adeva yata ulit ka-group mo," balita sa akin ni Mikay dahil malapit siya sa naga-announce.
"O-okay," I drew in a breath. "Mag-CR lang ako sandali."
Iniwan ko muna si Mikay sa hallway. My steps were in a haste. Kinuha ko sa slingbag ko ang pabango at lipstick. I retouched for a bit since it's been a while. Matagal kaming di nag-usap ni Ryker. I knew that he tried to reach out to me. He wanted to be there for me. I just closed the doors and our communication.
Maiintindihan naman ako ni Ryker. He'll understand my situation. My lipstick fell on the sink as I looked at the mirror. My face despite having some cream blush on them was pae.
Paano kung di n'ya maintindihan? Paano kung napagod na rin siya? What will I do if I lose Ry?
Hindi naman siguro.
I sprayed some perfume on myself. Sa leeg, sa braso, at sa palapulsuhan. I took a deep breath before going out. Inayos ko ang pagkakakulot ng buhok ko. He likes my curls, right? I almost never iron them anymore because he finds it pretty.
Ngumiti ako kay Mikay nang makita na kasama na n'ya ang partner. Nginitian n'ya ako pabalik at tinuro sa akin kung saan ako pinapapwesto. Okay! Kaya ko ito. I'll just ask him casually about what happened during the time that I was away.
Naghintay ako kay Ryker na dumating. Someone sat in front of me. Awkward siyang tumikhim nang hindi ko siya pansinin agad. I looked at her and saw that she was nervous. Medyo tinatapaktapakan n'ya kasi yung semento.
"Yes?" I asked her.
"Uhm, start na ba tayo? Baka kasi maubusan tayo ng oras," she said.
Nangunot ang noo ko. Huh? Kami ang partners? Akala ko si Adeva? Or maybe Mikay heard it wrong?
Nilingon ko ang paligid ko at namataan ko si Ryker na kumikilos na sa activity namin. Babae rin ang kapartner n'ya. The girl was giggling loudly, making my eyes twitch. Kaklase ko ang isang iyon ah?
"Nakipagpalitan si R-Ryker ng ka-partner," napalunok siya nang magsalita. "Wala ka pa raw kasi."
"Ay, di siya makapaghintay?" sarkastikong sabi ko. Was that really his excuse? Kasi parang hindi naman siya gano'n!
Para siyang nasindak sa sagot ko. Alam kong maldita ang datingan ko pero nakakayamot kasi ang naging dahilan ni Ryker! Pero tama rin. . .I hate that I can't justify my anger.
"Sorry! Sabi ko sa kan'ya b-bawal makipagpalitan eh. Kaso ang gwapo n'ya kasi! Hindi ako maka-hindi!" tarantang saad n'ya.
Natawa na lang ako at umiling. "Okay lang. Wala namang problema. Start na tayo?"
I was beyond disappointed because I thought we'll clear our misunderstandings; kung mayroon man. Hindi naman kasi siguro siya biglang magtatampo nang wala lang? I was validating his feelings inside my head. Iniisip ko na agad kung paano ako babawi sa kan'ya.
Matapos ang activity ay agad na silang umalis. The crowd dispersed as soon as they got their scores. Lumapit ako kay Mikay at nakitang maganda rin ang nakuha n'yang score. This time, I was aiming for a spot at the dean's list—para sa discount man lang. Wala na kasi yung magiging proud kung may honor ako. . .wala na si Mama.
Lumabas na muna ako ng campus upang bumili ng pagkain. Pumasok ako sa isang convenience store upang bumili ng hotdog sandwich. Namataan ko si Kiran na mukhang malungkot. His eyes were droopy. Kaya naman natawa ako dahil mukha siyang pusang di pinakain.
"Ziah!" He called for me. "Buti nand'yan ka!"
"Oh? Bakit ka nandito?"
"Si Lotte! Pinapasundo sa akin," he sighed. "Ang laki-laki na ni Charlotte! Ewan ko ba sa tatay n'ya! Na-stuck sa Charlotte na umiiyak kapag naiiwan mag-isa."
My forehead knotted. "Umuwi na si Lotte ah?"
Mas maaga ang uwian ng dept nila kaysa sa amin. Baka nasa bar na ang isang iyon o di kaya nasa mall na. I don't know if Kelsey is with her, medyo umiiwas kasi sa amin si Kelsey? Hindi ko alam doon.
His cat-like eyes widened immediately after hearing my declaration. "Talaga ba!?"
Tumango ako. "Kanina ka pa rito?"
He groaned. "Nakakainis talaga 'yang si Charlotte! Di nag-re-reply sa text! Tapon na sana n'ya cellphone n'ya!"
Humalakhak na lang ako. "Bakit ka dito naghihintay pala? May waiting area sa loob ng campus namin."
Ngumuso siya. "Gutom na ako."
"Oh? Bakit di ka bumili?"
Nangingilid ang luha n'ya, na para bang batang inagawan ng candy. "Down ang QR code nila; wala pa silang card payment. Wala akong pambayad."
Umawang ang labi ko sa narinig. Unti-unting bumunghalit ang tawa mula sa akin. Napahawak ako sa braso n'ya dahil nanginginig ang katawan ko kakatawa.
"Kung anu-anong drama mo sa akin na magbibigay ka ng building tapos hotdog sandwich lang di mo mabayaran?" panga-alaska ko sa kan'ya.
Pikon n'ya akong nilingon. "Wala lang akong cash!"
I shrugged off. "Kuha ka ng gusto mo. Ako magbabayad."
"Babayaran kita!" he hissed but then started to get some snacks as soon as the words left my mouth. Gutom nga siguro ang isang ito talaga.
Nasa pila na kami pero naghaharutan pa rin kaming dalawa ni Kiran. Parang ewan kasi, na-a-amaze siya roon sa mga candies na may laruan. Akala mo naman ay di n'ya afford yun nung bata siya.
"Grabe, no'ng bata ka ba ay di ka binigyan ng gan'yan?" Duro ko sa laruang may airplane na mukhang maliit na electric fan. May candy ito sa hawakan mismo.
"Hindi," direktang sagot n'ya.
"Bakit? Bawal ka sa matamis?"
"Kasi. . .di mahilig si Kile sa gano'n," he uttered softly. "Palagi namang kung ano lang ang hilig ni Kile ang ibinibigay sa akin."
Natahimik tuloy ako. Hindi na kami nakapagusap ulit. The awkwardness was evident in the air. Kinuha ko yung laruan at sinama sa bibilhin ko. Kumunot ang noo ni Kiran at napahalukipkip siya.
"Bakit ka bibili? May kapatid ka ba?" tanong ni Kiran.
"Para sa 'yo," I said.
Natahimik si Kiran. Ilang beses siyang kumurap. "Huwag na!"
"Daming arte! Pera ko naman ito!"
"Aanuhin ko 'yan!?"
"Gawin mong vibrator! Ewan ko sa 'yo!" iritadong sabi ko.
"Hindi ako mahilig sa matamis!" apila ni Kiran, na obvious naman na kasinungalingan!
Someone went behind Kiran. Napalingon ako rito at napansin na si. . .Ryker pala. My heart tripled its beat because he was staring at me. Para bang may ginawa akong mali sa talim ng tingin n'ya. His lips were pressed in a thin line. May hawak siyang bottled ice coffee sa kan'yang kamay at mukhang magbabayad na. His tongue poke his other cheek, a sign of boredom. Natatagalan din siguro siya sa pila.
Gosh! Mas lalo talaga siyang naging gwapo! Dapat pala talaga ay di nagsasalita ang tulad n'ya. Mas malakas ang dating n'ya kapag nagsusungit siya.
Dagdag na ito sa mga weaknesses ni Aziah sa buhay: Ryker na masungit.
I was already paying at the counter when Kiran dropped a small box on the table. Nilingon ko siya.
"Pasabay ako," he said innocently.
"Sige," tumango ako. Tiningnan ko kung ano yung nilapag ni Kiran.
Wow.
Tangina talaga ng isang ito!
Condoms! Extra sensitive!
Naiiyak na ako habang ini-scan ni ate na nasa cashier yung condoms na pinasabay ni Kiran. Lumingon pa sa akin yung cashier. Tinitigan nang mabuti yung mukha ko.
'Huhu, ate, hindi naman sa akin gagamitin 'yan! Stop judging me!' Naiiyak na litanya ko sa utak ko.
Pulang-pula ang buong mukha ko nang makaalis kami ng cashier. Hindi ko magawang tingnan si Ryker kasi hindi ako handa sa reaksyon n'ya. Siya kasi ang bumibili ng sarili n'yang condom at marami siyang stocks sa condo n'ya.
"Nakakainis ka!" I smacked Kiran on the back, nakalabas na kami ng convenience store. "Papakain ko sa 'yo tong mga condom!"
"Anong condom!?" He reacted violently. "Huh!?"
"Nagpabili ka ng condom!"
"Hindi ba iyon bubble gum!? Katabi ng mga candies ah!" Nanglalaki ang mga mata ni Kiran. I can't blame him! Nasa malapit naman talaga kasi ng mga candies sa cashier!
"Color red!?" I smacked him again. "Extra sensitive!?"
"Akala ko strawberry flavored! Di ko dala glasses ko! Hindi ko nabasa," he explained, guilt coasted over his face.
Napasinghap na lang ako. My phone beeped and I looked at it immediately. Sino kaya ang mag-te-text sa akin?
Ryker:
Cafeteria. 4 p.m.
Usap tayo.
Tumatambol ang puso ko sa kaba. Okay. Maguusap lang naman. Ito naman talaga ang gusto kong mangyari. I wanted to talk to him as well about us.
Nagpaalam ako kay Kiran na mauuna na. Bibigyan ko pa nga dapat ng pamasahe pero may kotse naman daw siya. Inaasar ko tuloy na may kotse pero walang pang-gas. Na-middle finger tuloy ako bigla!
I went to the cafeteria and saw Ryker with his iced coffee. Umupo ako sa harap n'ya nang dahan-dahan. Hindi n'ya ako nilingon agad.
"Ry—"
"I want to end our exclusivity," putol n'ya agad sa akin. "Medyo naging busy lang pero gusto ko sanang. . .hindi na tayo exclusive sa isa't isa."
Oh.
Okay.
"Sure," I bitterly smiled. "Walang problema sa akin. You want other girls now, huh? Pasensya kung naging hadlang ako sa 'yo."
Seryoso akong tinitigan ni Ryker. "Gusto ko na rin na tumigil tayo."
This time, my eyes started to sting. May balakid na rin sa aking lalamunan at nahihirapan akong magsalita.
I neglected him, I know. Pero bakit parang sinusukuan na n'ya ako?
"Sure." I agreed. I wanted to say no, I wanted him to stay. I wanted to ask him if he knew of what happened to me—pero paano n'ya malalaman kung ako mismo ang di kumausap sa kan'ya? Ang nagtago sa kan'ya?
"Condolence pala," saad n'ya. For a brief moment, I thought I heard my Ryker speaking. The one who had a sweet tone and would often remind me of how good the world can be. "I wished I could have come to her last days."
Pero alam ko naman na ako rin ang nagtulak sa kanila palayo. Lotte was the only one allowed to visit me during those dark times. Ang iba sa kanila ay sadyang di ko kinausap.
"Sorry," I uttered.
"Don't be," sabi ni Ryker. "Thank you for putting me in my place."
Umangat ang tingin ko sa kan'ya. "Ryker. . ."
He let out a quick laugh, as if he was laughing at his own stupidity. "Mahal kita eh. Sabi ko nga kahit di mo ako mahal pa, gagawin ko lahat para mahalin mo ako. Pero Ziah, kahit anong gawin ko. . .ang galing mo lumayo. Ilang months mo akong di kinausap. Ilang beses kitang sinubukan kausapin sa chat, sa personal, o kahit nga sa kaibigan mo—pero iniiwasan mo ako na para bang nasaktan kita. I wanted to comfort you during the time that you've lost your mom. . .pero ikaw mismo ang gumawa ng paraan para di ako makarating doon."
Namutla ako. Yes, I banned most of them from coming there. I didn't want their pity on me. Si Lotte lang ang makulit na nagpumilit pumunta roon.
"I'm sorry," I said once again.
"I don't need it," giit ni Ryker. "All I wanted for you was to at least give me a chance to love you. Pero ang hirap pasukin ng mundo mo, Ziah. You've built walls after walls and still managed to hide your heart from people who want to love you."
Tumango lang ako.
"Sana naniwala na lang ako agad na wala akong pag-asa," Ryker chuckled bitterly. "Thank you for letting me know that love is bullshit, Ziah. Na hindi naman iyon totoo. Hindi naman lahat ng tao ay marunong magmahal."
Tiningnan ko si Ryker. He really looked. . .cold to me. Alam kong matagal ko siyang di kinausap at kinamusta. I wasn't in the right state during those times. Maybe he got tired of waiting for me to get better. Maybe during the time that I was struggling to find a reason to stay in this life, he was already planning on how to leave my life.
"Minahal kita, Aziah," Ryker said coldly and slowly ascended from his seat. "But maybe you're right, hindi ka nga marunong magmahal."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top