Chapter 24
TW: Death
#####
Chapter 24
Days went by like a whirlwind, may mga pagkakataon na ramdam ko ang tingin ni Ryker sa akin. Para bang gusto n'ya akong kausapin. Para bang may gusto pa rin siyang i-klaro. His stare would lingered even when I was almost away from his sight.
It made me think that I should probably shift into another course. Mali pala talaga ang makipaglandian ka sa kapwa mo medtech. Nakakasira ng buhay!
Ginulo-gulo ko ang buhok ko habang nagbabasa ng mga pinapa-review sa amin. If I was with Ryker, baka mas maintindihan ko ang mga ito. He could turn the jargon into a layman's term for me. Kahit naman pareho kami ng pinagaaralan, mas naiintindihan n'ya ang mga terms kaysa sa akin.
"Ayoko na talaga," I sighed then slid my reviewer inside my bag. "Acceptance stage na ako agad. Kaya n'yo na 'yan."
"Finals naman na, Ziah!" Mikay uttered while almost burying her face in her notes. Ayaw n'ya tantanan ang pag-re-review kahit ba para na siyang nagriritwal kanina dahil kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig n'ya.
Umiling na lang ako. That's right, mas crucial dapat ang sitwasyon ko ngayon dahil ito ang huling test namin para sa school year na ito. I doubt that I'll fail but I know I won't get good marks either. Pero okay lang naman dahil wala naman ine-expect si Mama sa akin.
Dumating na ang professor namin para sa final exam namin. I had it easy because I didn't fear failing. Nang mapagtantuan ko na hindi ko na alam ang iba sa test ay hinulaan ko na lang ito. Luck was still on my side because there wasn't any identification! Baka kung mayroon ay kanina pa ako nahihilo rito.
Nag-unat ako nang tumunog ang pa-buzzer ng professor namin. He does this to impose pressure on his students; para kasing tunog ng huling game ng basketball. Lahat sila ay humihingi pa ng kaunting oras pero inalisan na kami ng professor namin, he only took the papers of those who already passed it; ang iba na hindi nakapagpasa ay awtomatikong zero.
"Epal," I snickered after the professor went out. "Akala n'ya talaga ay nagtuturo siya."
I didn't mind if he didn't know how to teach well; because teaching can also be learned. Pero yung di ka na nga nagtuturo tapos ang dami mo pang pakulo sa mga test mo? Ang angas naman pala talaga.
"Ziah, baka bagsak ako," naiiyak na sabi ni Mikay.
"I can go lower, Mikay," I tapped her shoulders. "Kung bumagsak ka, ako naman ay nakabaon na."
She sighed yet followed my footsteps. Lumabas na kami ng classroom at agad na nag-isip kung paano mag-ce-celebrate na tapos na ang exams naming dalawa.
Sa huli ay nagkayayaan kami na pumunta sa malapit na mall para mag-window shopping. Doon na rin siguro kami kakain dahil malapit na rin mag-gabi. Agad akong nagpadala ng text kay Mama na hindi ako sasabay sa kan'ya mag-dinner.
We ate in the food court. Si Mikay ay nag-order ng takoyaki samantaling fried noodles naman ang sa akin. Tumayo ako mula sa upuan ko at nagpaalam kay Mikay.
"Bili lang ako ng juice, ikaw ba?"
"Anong juice?"
I shrugged off. "Baka calamansi, bet mo ba?"
Umiling siya, "Hindi na, okay na ako. May dala rin naman akong tubig."
Tumango na lang ako at tuluyan na pumunta sa kiosk ng calamansi juice. Pumila ako upang makabili na. Pero may batang bumuntot sa akin kaya naman napalingon ako. She looked at me, almost teary-eyed.
Nagulat ako nang hawakan n'ya ang slacks ko. I almost shooed her away. Hindi ko kilala eh, naalarma rin ako na baka gag show ito o kaya scam! May trust issues pa naman ako!
"Ate," she cried as she pulled my slacks.
Naiilang kong hinatak ang slacks ko mula sa kamay n'ya. Lalong lumakas ang kan'yang pag-iyak. I slowly crouched down to talk to her. Hinimas-himas ko ang buhok n'yang kulot.
"Sorry, ha? Pero hindi ako yung mama mo," I told her.
Pinunasan n'ya agad ang mga luha n'ya. She held my hand and for some reason her warmth transcends through her touch.
Mukha naman siyang mabait kaya dinala ko siya sa table namin. I talked to her about cartoons and her hobbies. Binilhan ko pa siya ng waffle dahil kanina n'ya pa ito tinititigan.
"Sino 'yan, Ziah?" tanong ni Mikay sa akin. "Kapatid mo?"
"Gaga, wala akong kapatid," halakhak ko sa kan'ya. "Only child lang ako."
Tumango lang si Mikay pero ang tagal n'yang tinitigan yung bata at bumabalik sa akin ang mga mata n'ya. Nagtaas ako ng kilay sa kan'ya.
"Batang ina ka?"
"Putang ina ka," I told her off. Umangat pa ang middle finger ko para sa kan'ya.
Naluwa nung bata yung waffle at napalingon siya sa akin. Napangiwi ako at inabutan siya ng tissue.
"Sorry, huwag mo gagamitin iyon, ha?" sabi ko sa batang babae. Mamaya ay murahin nito mga magulang n'ya.
Oh, speaking of parents. . .I should probably go to the security to create an announcement. Mamaya ay isipin pa nilang kidnapper ako eh. Napailing na lang ako at agad na tinawag ang atensyon ng bata.
"Hi. . .okay lang ba sa 'yo may pupuntahan tayo? Kailangan ko na kasing ibalik ka sa magulang mo eh," sabi ko sa kan'ya.
She nodded. "Ge po."
Napangiti naman ako. Ang cute n'ya talaga! Ang sarap pisilin ng mga pisngi dahil gumagalaw ito habang ngumunguya siya. I sighed then proceeded to wait for her to finish her food.
When she finished her waffle, agad siyang umalis sa upuan at sinundan ako. Nagpaalam na si Mikay na mauuna na siyang umuwi. Ako naman dumeretso na sa customer service ng mall. Someone was already there when we arrived.
Matangkad siya at halatang balisa na dahil galaw siya nang galaw. May kasama siyang babae na umiiyak na sa kan'yang tabi.
"Mommy! Daddy!" the little girl shouted and immediately ran towards her parents.
Pinanood ko lang siyang lumayo sa akin. I looked at her. . .and at her parents. Napalingon sa akin yung mga magulang n'ya. Her mother uttered a prayer and immediately went towards me to say thank you. Pero para akong pinasukan ng tubig sa tainga. Wala akong marinig. All I could do was stare at the man in front of me.
He looked exactly the same. . .years after he left us. Hawak-hawak na n'ya yung anak n'yang babae na mahigpit ang yakap sa kan'ya. He was crying for his child.
"Thank you so much! Akala naman ay saan na pumunta si Queenie!" he said and went towards me as well.
Queenie. . .huh?
Weird because he named me princess.
Hindi ako makapagsalita. Para akong sasabog sa halu-halong emosyon. How can he speak that way? How can he hold a child like he loves her dearly? Paano n'ya nagawang umiyak para sa batang nawawala? Eh, iniwan nga n'ya ako.
Eh, tangina, hindi naman n'ya nagawa sa akin 'yan. Hindi naman siya naging ama sa akin. Hindi nga n'ya ako nagawang hawakan! Kaya putangina! Paano siya naging ama sa iba?
"Ate. . ." she muttered then went to me. Hinawakan n'yang muli ang slacks ko.
Nanatiling tuod ako sa aking pwesto. I couldn't blink the tears away. I bit my lower lip. Turn around, Ziah. Umalis ka na. Putangina, maglakad ka na paalis!
"Hindi ko alam anong gagawin ko kung mawala si Queenie," the man who abandoned me inside my mother's womb said. Nakangiti siya sa akin na para bang ang laki ng pasasalamat n'ya.
"She's our only daughter," sabi ng mama na nasa gilid n'ya kanina. "Sobrang salamat. Pagpalain ka."
I looked at her coldly; anong mayroon siya? Bakit. . .nagawang maging matino ng lalaking ito para sa kan'ya? Pero iniwan n'ya ang mama ko na mag-isa upang buhayin ako? My mother was still young back then! Mas marami siyang natupad na pangarap kung wala lang ako!
I looked at him, and I was able to observe his clothing. Mas mahal pa sa tuition ko ang relo n'ya! How can he live lavishly when my mother had to work three times just to be able to feed me!?
"Anong pangalan mo?"
"Zi-Ziah," naiiyak kong sabi. My throat feels like burning.
"Thank you, Ziah," he smiled at me like he didn't fucking abandoned me. "Mag-ingat ka pauwi! Pero kung gusto mo ay sumabay ka sa amin mag-dinner. Hindi pa kami nakakain kakahanap sa Queenie namin!"
Umiling ako at pinalis ang mga luha ko. "Aalis n-na po ako."
Sabi ko sa sarili ko, sasampalin ko yung tatay ko kapag nakita ko siya. Ihahampas ko sa kan'ya na kaya ni Mama na buhayin ako nang wala siya. Sabi ko pa nga ay ipagmamalaki kong mas nagkaroon pa ng bayag ang Mama ko kaysa sa kan'ya.
Pero wala eh.
I was bitter all my life because I couldn't deny that I was just a kid who wanted to feel the love of someone who abandoned me when I needed them the most.
Bumubuhos ang luha ko habang pauwi ako. Sinubukan nila akong habulin pero hindi na nila ako nahabol. I only saw him in pictures. . .ngayon na nakita ko na siyang may masayang pamilya, para akong binasag muli.
Tuliro akong umuwi at para akong lantang gulay dahil hindi ko pa rin maproseso na nakita ko na ang tatay ko. He didn't look mean or cold. He wasn't the way that I expected him to be. Pero baka sa pamilya n'ya lang iyon? Sa amin ay wala naman akong naramdaman na kahit ano sa kan'ya.
"Ziah? May nangyari ba?" tanong ni Mama sa akin nang makita ako sa sala na tulala. Agad-agad n'ya pinatay ang kalan upang puntahan ako. Her face was etched with worry.
"Nakita ko. . .si Papa," I told her straight away. Hindi pa rin makapaniwala dahil yung taong kinamumuhian ko ay nakita ko na.
"Ziah. . ."
"May pamilya siyang iba," I laughed at my own misery. "Tangina, ang unfair. . .bakit maganda ang buhay n'ya? Eh gago siya ah?"
"Ziah," my mother hushed me.
"Totoo naman ah! Ginago ka n'ya! Iniwan nang malaman na buntis ka! Tapos biglang may pamilya siya ngayon? At maganda ang estado sa buhay?" I sneered at the sky. "Ang unfair! Tangina, dapat putol na ari no'n eh!"
"Ziah!" pagalit na sabi ni Mama.
"Ano!? Ipagtatanggol mo na naman!? Pinagpalit ka na nga! Iniwan ka na nga! May anak na sa iba! Ano!? Pagtatanggol mo pa rin ba!?" bulyaw ko sa kan'ya.
Bakit siya gan'yan!? I was angry because of what he did to her! Tapos siya ay para bang wala lang ito sa kan'ya! Hindi ko alam bakit ginawang bobo ng pag-ibig ang nanay ko!
Her tears started to fall on her cheeks. "H-hindi n'ya a-alam."
"Ano!?"
"Hindi n'ya alam na may anak kami!" she yelled then slowly hid her face in shame. Napayuko siya. "Sorry, Ziah. . .sorry, anak."
"A-ano?" My voice cracked.
"Bata pa kami n-no'n, he was a successful man while I wasn't even sure of my life," she cried, her tears staining her cheeks. "If he knew that you were. . .that I had you. . .alam ko naman na aakuin ka n'ya."
"Bakit hindi mo sinabi s-sa kan'ya?"
"S-sasabihin ko naman. . ." she shook her head. "But years later when I was sure that I was ready. . .kasal na siya eh."
Nalaglag ang balikat ko habang pinapakinggan siya. All these years. . .I harbored deep resentment over my father because I thought he abandoned me.
"I didn't want to ruin his family," naiiyak na sabi ni Mama. "K-kaya naman kita buhayin."
"Ni hindi mo naisip na kailangan ko ng ama?" My voice gave in. Halos pabulong na lang ito at paos na.
"Ziah. . ."
"Buong buhay ko. . .takot akong magmahal kasi baka iwan ako gaya mo," I told her as my tears fell down my cheeks. I finally let out my suppressed emotions.
"I'm so sorry, anak. . ." she cried as she tried to hug me. "K-kung gusto mo magpakilala s-sa kan'ya, hindi naman kita pipigilan. P-pero kaya naman natin 'di ba? Kaya nating dalawa lang tayo?"
Hinawi ko ang kamay n'ya nang akmang yayakapin n'ya ako. My heart thought it was only bruised. . .yet the wounds started to show themselves.
Tumayo ako at wala sa sariling lumabas ng bahay. Hindi ko pinakinggan ang mga sigaw ni Mama at tili n'ya upang bumalik ako sa bahay. I don't know where to go. I didn't even know what I would do with this new thought that my father didn't really abandoned me. . .and my mother, whom I loved so much, didn't even think of me when she hid me from my father.
Nagpasama ako kay Lotte upang mag-inom. Hindi sila nagtanong. Hindi sila nakialam. They let me succumb to my own vices until only blackness consumed me.
The only reason why I was able to wake up from the eternal slumber of misery is the news of my own mother's death.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top