Chapter 18



commissioned artwork by kimchigo_ii
#####
Chapter 18

It was a vague memory but I know that my mind kept on repressing it so I won't be able to reminisce about the pain it brought to my mother and to me.

Para di ka masaktan. . .hindi mo na lang babalikan ang alaala. Pero traydor ang mga memorya dahil sila mismo ang magbabalik kung gaano kasakit ang isang pangyayari sa buhay ng isang tao.

Nakayapos sa akin si Mama habang nasa bus kami. Ang mga mata n'ya ay namamaga at kanina pa siya nahihirapan humugot ng hininga.

I didn't cry with her because I didn't want to put an end to her momentum. Ayoko na isipin n'yang bawal siyang maging malungkot dahil mas malungkot ako. Pero nang makauwi kami sa isang bagong apartment na walang laman kung di ang mga damit lang namin. . .umiyak ako habang taimtim siyang natutulog.

We were abandoned by the people we wanted to love us. Si Mama ay iniwan ni Papa. Ako naman ay hindi kayang tanggapin ng pamilya. Hindi ko alam kung bakit kung sino pa ang inaasahan naming tatanggapin kami nang buo. . .sila pa ang mismong dudurog sa amin.

Nagising ako sa amoy ng sinangag at itlog. I stood like there's a rod in my spine and immediately looked at the kitchen area. Nakita ko si Mama na nagluluto. Nagulat ako dahil maaga pa lang pero mukhang dumating na ang ilan sa mga gamit na kaka-order n'ya lang. Halata naman dahil nandito pa ang mga kahon at mga bubble wrap. I went to Mama with my small hands slowly reaching out on her dress. Hinawakan ko ito at hinatak-hatak.

"Gising na ang baby ko?" Mama murmured softly. "Ayaw mo bang matulog pa nang mas mahaba? Maaga pa eh."

"Tutulong na ako," I told her.

Her eyes widened before she started to laugh. "Ikaw talagang bata ka, kailan ka ba aastang bata?"

Ngumuso ako. "Matanda na ako!"

"Kulang pa nga ang mga ipin mo! Hindi pa permanent lahat!"

I glared at her because it was the truth. Tinawanan n'ya lang ako at ginulo ang buhok. Iritado akong itinabig ang kamay n'ya dahil ang hirap-hirap kaya magsuklay!

"Hindi naman ipin ang gamit sa pagluto!"

"Ako na rito. . ." Mama said. "Hanggang kaya ko pa. Pagsisilbihan kita, okay? Nanay mo ako eh."

I pouted because I didn't want her to act motherly to me. Hindi kasi. . .hindi ko kasi tanggap na siya na nga ang nagtatrabaho tapos siya pa itong magaalaga sa akin. Mapapagod siya. . .at baka kapag di na kaya ipahinga ang pagod n'ya ay iwan na rin n'ya ako.

Gano'n naman silang lahat.

"Hayaan mo! Hindi sila invited si birthday mo, Ziah!" Mama said with determination. "Masarap ang bibilhin kong cake! May balloons! May clown! May tarpaulin! At may malaking signage na no pangits allowed!"

Humagikhik ako kaya naman tuluyan na ring ngumiti si Mama sa akin. Her smile was so sweet that I could almost taste it. Ramdam ko na kung masaya ako, mas masaya siya.

Our lives were okay until Mama kept on pursuing love. Palagi naman siyang dehado at kung minsan ay umaakto na para bang teenager pa. Hindi ko naman kayang sitahin palagi dahil ayoko naman isipin n'yang binabastos ko na siya.

I love my mother despite her flaws because she stayed even when she had all the reasons to leave me behind. P'wedeng sabihin na bare minimum at responsibilidad naman n'ya ako. . .pero minsan na lang talagang may kayang manindigan na magulang para sa anak n'ya. Isa roon si Mama.

"May lalaki na si Ziah!?" Mama gasped while holding Ryker's face.

Ang kapal kasi ng mukha ni Ryker dahil dito pa talaga natulog sa bahay namin! At dahil tulog mantika ako minsan, silang dalawa ni Mama ang nagkasalubong sa umaga.

Ito namang nanay ko ay imbis na kabahan dahil may lalaki sa bahay—tuwang-tuwa pa dahil gwapo raw ang bubuntis sa akin! Ako na lang talaga ang nahihiya sa kan'ya!

Napahilamos ako habang dinadaldal n'ya si Ryker. Ang magaling kong ina ay naglabas pa talaga ng photo book kung saan may mga baby pictures ako.

"Kulot si Ziah!" Tuwang-tuwa si Ryker habang hawak-hawak ang photo book ko. Niyayakap-yakap n'ya pa yung photo book na parang tanga.

Mama chuckled. "Isn't she the cutest!? Hindi ko nga alam bakit palagi n'yang pina-plantsa ang buhok n'ya. If I was naturally curly, nag-Marimar na ako sa tabing dagat!"

My cheeks warmed immediately. Of course, I wouldn't be able to straighten my hair when I was a kid! Yet as soon as I've learned how to, halos masunog na ang buhok ko dahil araw-araw yatang naka-plantsa.

Nakikisilip si Ryzi sa photo book; ngayon ko lang siyang nakitang hindi naglalakad o tumatakbo, he kept on circling around the house upon entering our home. Siguro ay sinusubukan maging familiar sa lugar.

"Bibili pala tayo ng higaan ni Ryzi," sabi ni Mama. "At saka ng pagkain n'ya! Pati vitamins. . .saka mga snacks."

Napanguso naman ako. I usually don't let Mama pay for anything. Siya na kasi ang kumakargo sa bahay at sa mga bills. Pero kapag may sobra siya, hindi naman talaga siya nagdadamot—lalo na sa akin.

"Ako na po roon, Tita!" Ryker volunteered, umangat ang tingin n'ya kay Mama. "Tungkulin ko iyon eh. Sobra na nga po na dito tumitira ang mag-ina ko."

"Tangina ka?" I hissed at him.

Mama blinked a few times before laughing. "Sige, ikaw bahala! Basta kung kulang sa budget, sabihan lang ako, ha? Or kung kailangan ng tulong, nandito lang ako."

Ryker's ears perched up. Mukhang natuwa siya dahil halata naman na pasado siya kay Mama. Pero gano'n naman sa lahat si Mama. . .she's too kind for her own good.

Most of the parents that we've met before kept insisting that Mama should get child support from my father. Responsibilidad daw talaga ako ng tatay ko. Pero ayaw ni Mama dahil ayaw n'yang makaabala.

I would sometimes tell her that my irresponsible father should at least pay for my education or send me a portion of his income. Pero ang nangyayari lang ay siya pa rin ang umaako sa mga responsibilidad na ito. 

Umalis din si Ryker ng bandang lunch, binilhan pa siya ni Mama ng set ng toothbrush at toothpaste para ilagay sa kwarto ko. Balak pa nga yatang bilhan ng panggamit sa pagligo pero wala namang extra na damit si Ryker sa bahay. Unless, okay siya na mag-crop top? Dahil gano'n kadalasan ang mga damit ko.

Mama prepared my stuff before I went to school. Si Ryker ay nauna na dahil maliligo pa at magpapalit sa condo n'ya. Day off ni Mama kaya naman asikasong-asikaso siya sa akin. Madalas na ako ang mas nagaalaga sa kan'ya kaya naman naninibago ako sa kilos n'ya ngayon.

"Mabait siyang bata," sabi ni Mama habang nagpiprito ng pork chop.

I scoffed on the dinner table. "Lahat naman yata ay mabait sa paningin mo."

"Hindi ah, ang pangit ng ugali kaya ng lolo at lola mo," she chuckled softly and placed the pork chop on a plate that has tissue in it, para yata makuha ang mantika nito.

"Mabait nga si Ryker," I agreed while watching Ryzi playing with a ball. Nakahanap na siya agad ng laruan n'ya.

Ryzi looked like he didn't need a lot of training. Para bang kahit paano ay naturuan na siya ni Ryker. Maybe he really wanted a pet and the only thing that was stopping him was his sister being allergic to cats.

"Bagay kayong dalawa," sabi ni Mama. "Mukha namang mahal ka eh."

"Sus, di nga?"

"Oo nga," giit ni Mama. "Grabe yung tingin sa 'yo kanina. Tumatawa ka lang pero nakangiti na siya agad. Gwapo rin naman! Hindi na lugi genes natin."

Umiling-iling ako saka sumimsim sa aking juice. "Looks can be deceiving, Ma. Ikaw nga rin eh. . .nauto ka rin nung tatay ko."

"Mabait din naman ang papa mo," she said. "Hindi lang siguro nagtagal ang pagmamahal n'ya sa akin kaya gano'n."

"Kung mabait siya, edi sana ay di n'ya tayo tinalikuran. He went away. . .and never even checked if you were okay. . .if I was okay," napalunok ako nang wala sa oras. "Kaya huwag mong sasabihin na mabait siya dahil hindi ako maniniwala."

Mama tilted her head and looked back at me. Unti-unting lumamlam ang mga mata n'ya, her face etched with guilt and sadness. Agad n'yang iniiwan ang niluluto at unti-unting niyapos ako.

"I'm sorry," she gently told me. "Hindi ko sinasadyang ipagtanggol ang papa mo sa 'yo. I know you resent him. . .and even if we parted ways; I shouldn't force you to forgive him. Hindi gano'n ang gusto ko, Ziah."

My eyes stung as I kept trying to repress the tears. Hindi ako iyakin at mas sanay akong ganito. Ayoko nakikita ni Mama na nasasaktan ako dahil wala akong ama. She filled in the gaps so I shouldn't feel like I'm lacking at all.

Kasi tangina naman ng mga taong ang kapal ng mukha na humingi ng tawad at inaasahan na mapapatawad sila agad. Edi sana kung gano'n, p'wede na lang akong manaksak at mag-sorry agad para wala na akong kasong attempted murder. Kaya naman pala magpatawad agad eh.

Napailing na lang ako sa aking sarili. You can apologize but you can't force yourself to be forgiven.

"Mahal kita, Ziah," my mother's embrace tightened. "Sobrang mahal na mahal kita."

I rolled my eyes. . .my lips curved because I wanted to tell her that I love her more. Pero umiwas ako nang tingin at nag-focus na lang sa iniinom na juice.

Matapos kumain ay naligo na ako. Sumunod na akong pumasok nang maging presko na ang pakiramdam. In my peripheral view, I saw someone familiar. Nangunot ang noo ko dahil. . .maganda siya at matangkad.

"Sino iyon? Yung kasama ni Ryker?" tanong ni Mikay na nasa tabi ko ngayon.

She resembled a Korean actress, her features were strong but her stance was elegant. May pinaguusapan sila ni Ryker at halatang enjoy na enjoy kausap ni mokong yung babae. Iba ang uniporme n'ya kaya naman nakasisiguro akong tiga-ibang school.

I scoffed to myself. Malamang! Chicks eh! Kahit ako ay matutuwa kung gan'yan kaganda ang kausap ko. Sa height pa lang ay lamang na siya sa akin.

"Matinik talaga itong si Adeva! Ang ganda naman no'n! Di man lang hinayaan na makilala muna natin!" sitsit ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

"Ryker, kami naman!"

Dumungaw pa ang mga kaklase namin sa railings. This time, because of the noises, the two of them looked our way. Nagtaas ako ng kilay nang magtama ang tingin namin ni Ryker.

Lumapit yung babae sa kan'ya upang may ibulong at namula naman si Ryker. Kiniliti pa nung babae sa tagiliran si Ryker kaya naman lalong nag-init ang ulo ko. Tingnan mo ang lokong ito, selos na selos pero kapag siya ay may pa-kiliti pang nalalaman!?

Isusumbong ko siya kay Ryzi! Ang kapal ng mukha maging malandi sa iba tapos may anak—fuck it! Ano ba itong pinagsasabi ko? Technically, aso si Ryzi! Walang alam yung aso sa pinaggagawa ng hayop n'yang ama!

Bumaling na ako ng tingin sa iba. I should not get jealous over it. Hindi naman sila naglalandian sa harap ko. Maybe they're close friends. . .at binisita lang siya ng babae n'yang kaibigan.

Nagkaroon kami ng vacant period dahil wala ang professor namin. Nagkaroon tuloy ako ng dahilan para tumambay sa hallway. I saw Kio talking to some seniors. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung may close ba siyang med tech student din. Akala ko pa naman ay aloof siya. . .I should probably talk to Lotte about it.

"Ziah ko," someone placed his chin on my shoulder.

Nilingon ko ito at nakitang si Ryker ang nagpapa-cute sa akin. He had a huge smile on his lips. Para talagang aso ang pota.

"Ano?" iritadong saad ko nang maalala na kanina ay ngiting-ngiti rin siya sa kausap n'yang babae.

"Na-miss kita," he said.

"Kakakita lang natin kanina ah?" I sneered, nilingon siya. "May kasalanan ka 'no? May nilandi ka ba habang wala ako? O baka habang nandito ako, may babae kang sinamahan? Baka tiga-ibang school? Na-campus tour mo na ba?"

He blinked a few times. . .before laughing. Nagulat ako nang yakapin n'ya ako mula sa likod. My cheeks heated. Marami ang makakakita dahil nasa hallway lang kami!

"Hmm," he hummed. "I miss you."

"Parang ewan?"

"Wala lang," he shrugged off. "I just don't want you to think that I didn't miss you."

I bit my lip. As if I'd tell him that I've missed him as much as he missed me. Umiling lang ako sa kan'ya. Tinanggal ko ang pagkakayakap n'ya sa akin.

"Alis na ako, mag-re-review pa ako," sabi ko sa kan'ya.

Ngumuso naman siya na para bang batang hindi pinayagan makipaglaro.

It was a lame attempt to get away from getting all the unwanted romantic feelings that I've been getting. Oo, gusto ko naman talaga siya. Pero hindi ko hahayaan ang sarili kong mahulog sa kan'ya. Ayoko. Hindi talaga.

Matapos ang huling klase ay umuwi na rin ako. Sumalubong sa akin ang mga mapaglarong tahol ni Ryzi. He was waiting patiently for me. Napangiti naman ako.

I scooped Ryzi on my arms as I went inside my room. Nagulat ako dahil may isang basket doon na puno ng mga essentials ng isang aso. . .at bulaklak.

My heart started to send sharp palpitations which made me blush. Alam ko naman agad kung kanino ito galing.

I went to my phone and checked Ryker's profile. May bilog ito na kulay green. . .bale stories siguro para sa mga close friends n'ya at isa ako roon.

There was a picture of him with the girl from the other school. Nakangiti sila sa picture.

[rideryker: buti naman naalala mo may kapatid ka @soaudeva ]

Nalaglag ang panga ko. All this time. . .kapatid n'ya yung babae? I clicked the tagged profile and saw her face once again. Audrey Evangeline Adeva! Gosh, kaya pala maganda! Kapatid n'ya pala!

Oh my god! Nakakahiya naman! I appeared like a jealous bitch kanina tapos kapatid n'ya pala yung kausap n'ya!

Bumalik ako sa stories n'ya at balak sana mag-reply sa mismong story na iyon—but the next slide showed itself without me even pressing on it.

rideryker: flowers for my pretty girl.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top