Chapter 17



to haiz,
thank you for the commissioned artwork !

#####

ry @rideryker
kasalanan mo to lahat kio

#####

Chapter 17

"Bwisit ka, Ryker," I hissed at him while having Ryzi on my lap. Nasa passenger seat na ako ng sasakyan n'ya. Ihahatid na n'ya ako sa bahay dahil nga malakas ang ulan.

Ryzi was sleeping soundly, he didn't mind the rain pelting on the window. Mas naging taimtim pa nga ang tulog n'ya dahil sa nakapatong siya sa hita ko. His soft fur was making me feel ticklish.

"Ano na naman?" he asked while wearing a cute grin. "Cute naman ang pangalan ah?"

My cheeks bathe in warmness. The dog's name was derived from our names being put together. Obvious naman pero dinagdagan n'ya lang ng Rivero. Ang gago lang talaga!

"Nag-adopt ka ng aso? Saan siya galing?" I asked, completely piqued.

Ngumuso si Ryker habang patuloy na nagmamaneho. "I found him in the school's park. Hindi ko siya p'wede i-uwi sa condo dahil pumupunta doon si Audrey. Saka, hindi ko nga sigurado kung may may-ari sa kan'ya."

"Pero pinangalanan mo?"

"Kaysa naman Blackie ang pangalan n'ya? Eh color brown at white siya!" He tilted his head to my side. "Okay na ang Ryzi!"

"Bahala ka," I sighed. "Talagang tandem pa ng pangalan natin ah?"

"Galing iyon sa basketball player," he laughed. "Sayang nga lang dahil hindi ko siya p'wede alagaan talaga."

"Kung walang nagma-may-ari at bawal sa bahay mo," I gulped down. "Sa akin na lang uuwi. Kawawa naman. . ."

His eyes twinkled. "Okay lang sa 'yo?"

"Oo naman? Kaysa naman tambay lang siya sa school? Saka, wala namang may-ari sa kan'ya roon?"

Umiling si Ryker. "Wala. Galing siya sa isang karton. . .pinagtitripan sila ng mga kapatid n'ya."

"Nasaan yung mga kapatid?"

Ryker's expression turned solemn. "Ryzi was weeping for help when I found him. . .nilaro-laro kasi yung mga kapatid n'ya at halatang napagtripan ng mga mas malalaking aso. . ."

My chest clenched. "He's the only one who survived?"

Tumango si Ryker. "I've tried to hide them. . .hindi ko kasi sila p'wede dalhin sa condo pero iniisip ko nga kung si Audrey na lang iba-ban ko sa buhay ko eh; para p'wede na si Ryzi sa condo at bahay."

"Who's Audrey?" Nangunot ang noo ko dahil kanina pa siya banggit nang banggit sa pangalan nito. It's not like I'm jealous. . .curious lang ako kung sino ito.

"Kapatid ko," halakhak ni Ryker habang pinapatuyo ang buhok gamit ng isang bimpo.

"Weh? Talaga?"

"Di pa nga tayo bati, magaaway ulit tayo?" He jeered, offering a dry laugh. "Kapatid ko nga talaga."

Huminto kami nang mag-red light kaya naman tinulungan ko siya sa pagpupunas ng buhok. Hininaan ko rin yung aircon dahil baka matuyuan siya ng pawis. Nakakaloka naman kasi itong si Ryker, nagpa-ulan ba naman!

"Nag-away ba tayo?" I questioned him despite knowing the truth. "Akala ko busy ka lang talaga."

I was good at masking my own emotions. I was good at making others feel that I didn't care. Bihasa na ako sa pagtago ng tunay kong nararamdaman sa isang tao. Ayoko na nakikita nilang may pakialam ako sa kanila. . .kasi ayoko isipin nilang kaya nila akong saktan.

Ngumuso siya. "Nagtampo ako dahil kay Kio. Mali rin na ikaw ang pinag-diskitahan ko dahil lang sa mas nakakausap kita. I'm sorry for not reaching out sooner."

"Okay lang. . ." I gulped down. Magso-sorry rin ba ako? Parang okay naman na yata. Ayoko na rin pag-usapan dahil mukhang tinapos na n'ya rin yung usapan eh.

"Mahilig ka rin ba sa aso?"

"Yes," I nodded my head. "Sa tingin mo ba kakausapin kita ngayon kung di ako dog lover?"

"Mukha akong aso sa 'yo?!" He gasped which provoked me to laugh. Gulat na gulat kasi ang tinig n'ya!

"Medyo na slight," I said amidst laughing. "Manang-mana sa 'yo si Ryzi."

"Malamang tatay ako n'yan," he said proudly. "Tapos ikaw. . .ewan ko tanong mo siya—"

"Putangina ka," I raised my middle finger at him. "Kapag 'to nagsalita, tatakbuhan ko talaga kayo!"

"Magrereklamo siya na absentee mother ka! Magmumukha rin akong tatay na nagtago ng anak!" giit ni Ryker. "Dahan-dahanin mo lang, okay? Huwag mo siya bibiglain na ikaw ang tunay n'yang ina."

"Huh!? Eh, kailan mo lang ba nakuha si Ryzi?"

"Last week lang?" He grinned.

I rolled my eyes in response. "Maiintindihan n'ya 'yan. Baka nga tumahol pa 'yan ng 'Totoo ang himala!' dahil sa akin siya nagmana sa pagiging cute at hindi sa 'yo."

"Ah, so, mukha ka ring aso?" Ngumisi siya habang lumiliko patungo sa street ng bahay namin.

I gritted my teeth and huffed. Hindi nakasagot dahil barado ako! Hindi ko na lang ginatungan dahil wala na rin akong masabi; mahirap din makipag-asaran kay Ryker dahil hindi siya pikon.

"Kung mahilig ka pala sa mga aso. . .bakit hindi ka na lang nag-vet?" I asked him while we were still on the road.

Seriousness etched on his face as the question was thrown at him. Lumingon naman ako para makita ang reaksyon n'ya dahil mukhang seryoso rin ang magiging sagot n'ya.

"Bawal si Audrey eh," sabi n'ya. "May allergy siya sa pusa. Hindi naman p'wedeng mamili lang ako ng mga hayop na tutulungan kung sakali. Yung vet clinic nga na malapit sa amin noon, may display na alligator eh."

"Buhay!?" I gasped. May mga napuntahan na rin naman akong mga vet clinic dahil kung minsan ay dumadayo roon si Lotte para sa pusa n'ya. Pero ngayon lang ako nakarinig ng may alligator!

"Sticker lang! Grabe ka naman sa may live alligator sa loob ng vet clinic!" Halakhak ni Ryker at umiling-iling.

Napangiti ako. I like his laughter, parang awtomatikong may switch na nagpapangiti sa akin kapag tumatawa si Ryker. Mas lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa siya. His eyes would go along with his laugh. . .I hope it will remained with him for as long as he can.

"Grabe pala sakripisyo mo 'no? Para lang sa kapatid mo? Siguro, sobrang na-a-appreciate n'ya yon. . ."

"More like. . .there's guilt whenever the topic is brought up," he sighed. "Mabait kasi si Audrey. Iniiwasan namin mapagusapan ang tungkol doon dahil ayoko rin na iniisip n'ya na siya ang dahilan bakit di ko rin talaga nagawang ipaglaban yung course."

"There are more reasons?" I questioned him.

"Alam mo ba? No'ng mga bata tayo. . .yun na pala yung huling beses na p'wede natin sabihin kung anong pangarap talaga natin. . .tapos matutuwa talaga yung mga tao sa paligid natin," he smiled while still driving. "Ngayon kasi hindi na eh."

Natahimik ako dahil sa sinabi n'ya. Totoo naman. . .when you were young, you were allowed to dream freely. Gusto mo maging teacher? That's good! Gusto mo maging painter? Magaling! Gusto mo maging pulis? Sige lang! No one would judge you based on your answers. . .despite how big or small or silly it is.

Ngayon. . .puro kasi may pero. Gusto mo maging teacher? Pero hindi sila priority ng gobyerno. Gusto mo maging painter? Pero walang pera sa arts. Gusto mo maging pulis? Pero palaging nasa panganib ang buhay mo.

"Ayaw ba nila maging vet ka?"

Umiling siya. "Wala naman silang sinabi. Pero ramdam ko. . .na mas may gusto pa silang course para sa akin. Puro kasi sayang naman yung talino mo. . .na para bang hindi ko ito magagamit kung sakali mang mag-vet ako?"

I could feel the frustration in his voice. Pabiro n'yang sinasabi pero halatang may hinanakit.

"Kaya ka nag-med tech kasi gusto ng parents mo?" Hinilig ko ang ulo ko sa head rest.

"Di ah," tawa n'ya. "Para mang-chicks nga."

It's weird how I could distinguish his laughter from what's real and what's fake. Halata na hindi seryoso ang naging banat n'ya sa akin.

"Kaya ka nag-med tech kasi sa tingin nila doon ka mag-e-excel? Tama ba?" I asked him. "Tapos ayaw mo rin na ma-disappoint sila? Kaya nagpapanggap ka na lang na masaya ka rito?"

He laughed. "You need to fake it 'till you make it, right?"

Nanatili na akong tahimik buong byahe. I like Ryker's humor and his laid back personality. Pero kapag nagiging seryoso siya, mas lalo ko siyang na-a-appreciate. Maybe because I could dive deeper into his life and get to know him more than how he presents himself to the crowd.

Tumila na ang ulan nang makarating kami sa bahay. Gising na rin si Ryzi at mukhang tuwang-tuwa nang makita ang bahay namin. I looked around and noticed that Mama is still not at home. Wala pa kasing ilaw sa bahay. . .baka ginabi na sa trabaho.

"Ingat ka," sabi ko kay Ryker na nanglalaki ang mga mata sa akin.

"Huh? Uuwi na ako?" hindi makapaniwalang tanong n'ya.

"Ay bakit? Papasok ka rin ba sa bahay? Akala ko uuwi ka na?" Nangunot ang noo ko sa kan'ya. Ryzi tilted his head while his tongue was out, inaasar pa siguro ang ama.

Ngumuso siya. "Kailangan ko pa bang maging aso para makapasok sa bahay mo? Grabe ka naman sa akin."

Napailing na lang ako at natawa. Giniya ko siya patungo sa gate. In my peripheral view, nakita ko ang mga tumutubong bagong bulaklak sa kapitbahay namin. Natigilan ako dahil ang ganda. . .it was glistening because it withstand the harsh droplets of the rain.

"Mahilig ka sa bulaklak?" tanong sa akin ni Ryker, sinisilip n'ya pala kung nasaan ang nakatingin.

"Hindi," I told him straightaway.

It was a blatant lie; I love flowers. It was a dream of mine to receive flowers from someone. No'ng bata kasi ako. . .nakakatanggap ng mga bulaklak ang mga batang kasama ko galing sa mga ama nila. I would pretend it didn't bother me. . .so Mama wouldn't bother to get me some flowers. I would even detest the thought that I needed flowers on occasions such as Valentine's.

Marami man ang nangahas na ligawan ako, none of them offered flowers. Hindi ko rin alam. . .basta ang naalala ko lang ay may nag-regalo sa akin ng condom. It was the biggest slap on my face.

Baka hindi ako yung babae na binibigyan ng bulaklak. Baka nga pang-kama lang talaga ang tingin sa akin ng mga lalaki. Maybe. . .they don't see me as someone they would treasure in the long run. Gaya ng papa ko na hindi man lang ako binisita magmula nang ipinanganak ako.

Pakiramdam ko, hindi ko tuloy deserve ang mabigyan ng bulaklak.

"Sayang," Ryker sighed, his eyes glued on the flowers. "Bagay pa naman sa 'yo."

"What?" I tilted my head to look at him.

He went towards the other side to gently pick a flower. Pinitas n'ya ito nang dahan-dahan kaya naman umawang ang labi ko. He went back to my direction and cupped my face.

My heart was acting crazy, beating rapidly against its normal rate. Dahan-dahan na kinabit ni Ryker yung bulaklak sa tainga ko.

Umangat ang tingin ko sa kan'ya. His eyes were sincerely. . .happy. As if he was a young boy finally discovering a new found hobby.

A smile glided through my lips. "Parang ewan ka talaga."

"Sayang naman ang fleur sa name mo kung ayaw mo sa bulaklak," he said. "Bagay siya sa 'yo."

"Malalanta naman ito," I told him.

"Pero hindi naman nabago no'n yung feelings na naramdaman mo nung nakatanggap ka ng bulaklak 'di ba?"

My heart clenched inside my chest. "I. . .don't think I deserve to have flowers."

"Bakit naman?" Ryker widened his eyes.

"It's my first time to receive one," sabi ko sa kan'ya.

Guilt coasted across his face. "Really? I should have known. . ."

"It's not like required ka magbigay," I said.

Ngumiti siya. He clipped the flower once again to the back of my ear. Mas inayos n'ya ang paglagay nito.

"Dadalhan na kita weekly," he said. "My pretty girl deserves every flower in this world."

Ryzi barked, seemingly agreeing with Ryker. Napangiti naman ako. Para silang mag-ama talaga.

"See? Di nagsisinungaling ang aso!" Ryker chuckled. "Ziah deserves a lot of flowers!"

"Nambabae ba papa mo nung wala ako?" tanong ko kay Ryzi. Tumahol si Ryzi at ngumiti. Bumusangot ako. Is that a yes or a no?

"Hey! Ibig sabihin n'on, hindi ah!" Ryker translated, unti-unting namutla. "Ikaw lang babae ko!"

"Arf! Arf!" Ryzi defended himself.

"Paano ka magkakapatid n'yan kung sinisiraan mo ako sa mama mo?" Ngumuso si Ryker.

Siniksik ni Ryzi ang mukha n'ya sa dibdib ko kaya naman sinamaan ko ng tingin si Ryker.

"Huwag mo nga inaaway yung bata!"

"Hindi ko naman inaaway!?" Ryker shot me a dubious look.

Tumawa lang ako at hinawakan ang bulaklak na nasa tainga ko. "Perhaps. . .flowers are nice after all."

[commissioned artwork of haiz (artist:kur_ui1)]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top