Chapter 16




#####

ry @rideryker

ry @rideryker
ganda naman ng karma ko, mukhang short-haired kulot na may small waist, petite, at may malalambing na mga mata

ry @rideryker
imbis mag-review, iniisip ko kung paano mo ako natitiis <\\\3

ry @rideryker
ako na kaya mag-sorry? 😔😔😔

#####
Chapter 16

z @ziahsfleur
okay lang gago hahaha

z @ziahsfleur
deh masakit din pala

I know I should be grateful that he understood where I was coming from; pero pakiramdam ko ay mali ang pagkakaintindi ko sa sitwasyon namin.

I wanted him. . .but I knew I couldn't keep him.

Matapos ang practical activity namin ay hindi na kami muling nag-usap. He aced that, of course. Samantalang muntik na ako mag-remedial sa activity na iyon dahil ramdam ko na nabigatan si Ryker sa kamay ko. . .he just didn't told our instructor. Ako na nga mismo ang nagsabi na kailangan ko pa ng practice, hindi naman kasi mag-a-adjust yung pasyente sa akin sa totoong buhay. They're not as kind as Ryker and also I want to be professional.

"Anong gagawin mo kung ibibigay sa 'yo yung gusto mo?" tanong ko kay Lotte habang nasa isang coffee shop kami. "Pero di mo naman pala talaga gusto?"

"Iuumpog kita," Lotte said.

"Bwisit ka!" I sneered at her.

"Tanga na si Kelsey sa pag-ibig," she told me. "Huwag ka na dumagdag."

Ngumuso ako. "I think I like Ryker."

"Like lang?"

"Oo?" I hedged.

She tilted her head and her face crumpled. "Hindi ka sigurado? Kung like lang iyan, hindi ka pa mag-pa-panic na para bang end of the world na bukas."

"Hindi naman ako nag-pa-panic."

"Hindi ka na nga mapakali porke't hindi ka lang nakakausap ng ilang araw," Lotte chuckled. "Alam mo? There's no harm in admitting that you love him already."

"Ayoko," I said firmly. "No, ayoko."

Falling in love with someone was already a big mistake—but falling for the biggest playboy in town was definitely a sin.

Tumawa si Lotte. "Bakit mo ba pinipigilan? Eh halata rin naman kay Ryker na. . .gusto ka na n'ya. He won't pester you just because he can, Ziah."

I scoffed. "How can you say so?"

"Crush ko iyon dati 'di ba?" Halakhak ni Lotte. "Bonus na gwapo siya at academic achiever. . .but what's charming about him is his vibes. Kahit alam namin na playboy, gugustuhin namin kasi challenging. Pero wala eh, tinapos mo agad yung laro—hulog agad sa 'yo eh."

"Hindi kaya," sabi ko sa kan'ya.

"Ikaw lang ang tumatanggi roon, Ziah. Kahit si Kelsey ay alam ang tinginan sa 'yo ni Ryker. Let me guess. . .magka-partner ba kayo sa recent activity n'yo sa lab?" Nagtaas ng kilay si Lotte sa akin.

I hesitantly nodded my head. "Oo, paano mo nalaman?"

Ngumisi siya. "Of course, malakas siya sa mga instructors n'ya. Paborito siguro ang isang iyon at dahil alam ng mga kaklase n'ya na crush ka ni Ryker o may something sa inyo. . .baka hiniritan nila yung instructor."

"Grabe ha," halakhak ko at napailing. "Ikaw lang din ang nagiisip na gano'n ang nangyari. For sure, hindi big deal kay Ryker ang presensya ko."

Napalunok na lang ako sa sarili kong laway. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sakaling tama sila at mali ako. Kung tutuusin, totoo naman na malambing talaga si Ryker sa akin at sa lahat ng mga naging lalaki ko sa buhay. . .siya ang bukod-tanging nagpa-dalawang isip sa akin. Napaisip ako at napabuntonghininga.

I'd rather stay pessimistic than hope that he would love me.

Nagkibit ng balikat si Lotte. "Ikaw bahala. Baka magising ka na lang na mapagtantuan na tama naman kami pero ayaw mo lang pakinggan yung sinasabi ng mga kilos n'ya sa 'yo. Tama naman na utak ang unang pinapagana sa pagmamahal pero totoo rin na dapat may kasama pa rin itong puso, hindi lang puro utak."

Umiling na lang ako sa pangaral n'ya sa akin. I don't want Lotte to think that I don't take her seriously. . .kasi ang totoo ay pinipilit ko lang pakalmahin ang puso kong naghuhumerentado na dahil sa mga nalaman. Kaya ba Aziah Adeva? Sadya ba iyon? They all root for me to be with him?

Napanguso naman ako.

I miss Ryker terribly.

The way his eyes slit, instantly creating small crinkles on his forehead. The way he's effortlessly funny. The way he makes me feel that I want to be loved by him.

Tumigil ka na nga, Aziah.

Ayaw na sa 'yo nung tao. Sa sinabi at sa ginawa ko ba naman? Kahit ako ay ma-tu-turn off din. Hindi ko pa nga alam kung totoong gusto na n'ya ako pero alam ko na baka naudlot na iyon. Huminto na siguro bago pa man lumalim.

Buti naman.

If he stopped now. . .maybe I could also run away from these blossoming feelings. Baka sakaling tulad n'ya ay makatakas ako sa makamandag na pag-ibig. Love ruined my mother. . .and I know I would be a willing victim soon if I let myself fall for someone like Ryker.

Sa dumating na Lunes ay napagpasyahan kong kausapin na rin si Kio na hindi na ako comfortable sa mga binibigay n'yang pagkain at sa mga naririnig ko mula sa blockmates n'ya. It irked me that I heard that I was letting him court me. Hindi naman iyon totoo.

I texted Lotte to know their schedule. Kaklase n'ya pala si Kio sa ilang minor subjects, tahimik lang daw talaga ito pero mabait naman. Yet Lotte doesn't like him for some reason. Kaya nga nagsisisi na ako na napagtripan ko siya nung intramurals. Wala siguro ako sa sitwasyon na ito kung di ko pinairal ang pagiging petty ko.

"Ziah!" someone shouted my name which reverberated in the hallway. Lumingon ako sa pinanggalingan nito at nakita na nandoon na si Kio.

He was panting as he approached me. Nanatili naman akong nakatingin lang sa kan'ya. Normally, I'd find it easy to reject him. Pero nang umangat ang tingin n'ya sa akin ay nakaramdam ako ng guilt.

"S-sorry, hindi ko alam na pupunta ka rito. . ." sabi n'ya at tumingin sa akin. "Hinahanap mo raw ako?"

"Ah oo," tumango ako. "I appreciate the food and your efforts. . .pero okay lang ba kung tumigil ka na?"

That sounded wrong. . .but I didn't want to prolong the conversation. Kahit naman pahabain ko ito ay masasaktan ko pa rin siya dahil pinapatigil ko na siya sa pangliligaw n'ya sa akin.

Hindi rin ako pumayag na ligawan n'ya ako! Kaya bakit kailangan ko makaramdam ng guilt? Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam na para bang may kasalanan ako.

Nanglaki ang mga mata n'ya. "P-pero akala ko gusto mo rin ako?"

"May gusto akong iba," I blurted out. Upon the release of those words, a certain face appeared in my mind. Medyo singkit. Itim na itim ang buhok. Undercut. Katamtaman ang kulay ng balat. Maganda ang ngiti. Mas gwapo kapag tumatawa. May Miguel sa pangalan.

"S-sino?" He sounded like he was panicking. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang naging reaksyon n'ya. I also didn't get why he was invested in knowing who I like.

"It's none of your concern," I said, coldly. "Pasensya na kung. . .ginulo ko ang buhay mo. I swear, I find you cute and all. Pero hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama ka."

He was nice. . .sabi rin nila at kung tutuusin ay matino naman talaga siya kausap. Wala pa naman siyang ginagawa sa akin na masama. He's weird sometimes but I wouldn't use it against him.

"Si Adeva ba?" He narrowed his eyes. "That playboy?"

Humalakhak ako, tila na-offend sa paratang n'ya kay Ryker. "I told you, wala ka na roon."

"Ah, so si Adeva nga?" He laughed which caught me off-guard. Gone with the good boy facade, he started to show the reason why Lotte was against him.

"Anong problema mo sa kan'ya?"

He snickered, "I thought you would be different. Pero pinakitaan ka lang ng sweetness, bumigay ka na rin pala? Nagpauto ka na rin pala? I thought you weren't like the other girls, Aziah."

My eyebrow rose up as I shifted my weight. Sandali lang ah? Parang may pinaparating siya na hindi maganda sa pandinig ko? What is he trying to say by telling me that he thought I wasn't like 'the other girls'? What's wrong with being like them?

"I don't see your point," puna ko sa kan'ya. "Sabagay, talking to you was pointless as well."

His shoulders loosened down. "Galit ka ba sa akin, Aziah? May nagawa ba ako? Hindi mo ba nagustuhan yung inabot ko sa 'yo na lunch?"

Nangunot ang noo ko sa kan'ya. Why is he acting like he didn't insult me?

"I'm telling you nicely. . .to stop courting me. Hindi naman kita hinayaan at hindi ko rin alam na nangliligaw ka sa akin."

"You accepted the lunch that I gave you!"

"Because I thought it was out of goodwill! Ano bang malay kong feeding program pala ang love language mo!?" Naiirita kong saad.

"May ginawa si Ryker? May sinabi ba siya tungkol sa akin? Siniraan n'ya ba ako sa 'yo?" His nose flared up. Unti-unti rin ang pagtaas ng tono n'ya.

Umiling ako. "Ni hindi ka nga nababanggit ni Ryker sa akin!"

My god! He was getting on my nerves! Hindi naman siya ganito noon, sana pala nakinig ako kay Lotte!

"So, he was the other guy! Pinagsabay mo pala kami!" he accused me, pointing a finger at me while we were in the hallway.

Natawa ako. "Wala akong pinagsabay. It was always just Ryker."

The hurt on his face was evident, ang kan'yang noo ay kumunot nang marinig iyon. Nanatili akong nagtataray sa kan'ya. I wouldn't want to hurt him but I didn't want to hear rude comments about Ryker.

"I don't get it. . ." bulong n'ya. "He's a playboy for pete's sake, Ziah. Hindi kayo bagay. Hindi ka n'ya aalagaan. Pagsasawaan ka lang n'ya at itatapon gaya ng nakasanayan! He wouldn't settle down with you!"

"You really won't get it because you don't know him," pagtatanggol ko kay Ryker. "And he's my playboy. . .I can assure you. . .na ako lang ang babae n'ya."

I can vouch that he won't have any girls while we are currently exclusive. Hindi man kami nagkikita ngayon, I was oddly assured that he wasn't fucking anyone behind my back.

Nag-igting ang kan'yang panga. "He's blackmailing you, isn't he!? With a possible sex tape? O baka naman ay napipilitan ka lang na samahan siya?"

"Saan mo ba hinuhugot 'yang mga pinagsasabi mo?" Natawa ako. "He's not like that, he wouldn't do anything to hurt me."

"Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi mo siya kilala," umiling-iling si Kio. "I refuse to believe that you love him. Mahal mo ba siya? Is that it?"

"Hindi," I hedged. My throat suddenly felt dry. "Pero wala ka na nga roon. Can you leave me alone?"

Tumitig lang siya nang matagal sa akin bago nagsalita. "He's manipulating you, isn't he? Siguro. . .pinipikot ka n'ya? Hindi mo ako ipagpapalit sa kan'ya, Ziah. Alam ko na napipilitan ka lang kay Ryker."

Nagtiim ang bagang ko. "Tumigil ka na nga, p'wede ba? I don't get why you're so obsessed with the idea that Ryker isn't good to me."

"Because he's not!" His voice thundered across the hallway. Pinagtitinginan na kami ng lahat. Nakikita ko na rin ang mga pagbubulungan ng tao sa paligid namin.

"I'm sure that Ryker isn't perfect; we all have flaws, anyway. Pero isa lang ang nasisiguro ko, Kio," I pointed at his chest. Dinuro-duro ko ito. "He's better than you. And if I'll date someone. . .anyone seriously. . .it would be him."

Kio's eyes darkened as his hand slowly went to grab my wrist. Hinila ko ito upang bawiin mula sa pagkakahawak n'ya. Lalong humigpit ito kaya naman umangat na ang tingin ko sa kan'ya.

Nabalot ako ng takot at nanginig nang makitang. . .halos lumuwa ang kan'yang mata sa galit. I never feared anyone but I was trembling when I couldn't get my hand back.

No one is helping, lahat sila ay parang napatda rin sa kinatatayuan nila. Some of them were even whispering to each other and slowly departing from the scene; tumatakas mula siguro sa guilt kung sakaling may mangyari sa akin.

Totoo nga siguro. . .if people don't see themselves being affected by the situation, they wouldn't do a thing to stop the cruelty that they're seeing. Empathy doesn't course down their veins.

I was feeling helpless. . .akala ko matapang ako. . .pero para akong kinidlatan ng katotohanan na wala rin akong laban sa kan'ya. He was stronger than me. His grip tightened as I struggled to get away from him.

Someone smacked him from behind. Napabitaw si Kio habang napahawak sa ulo n'ya. Nanglilisik ang kan'yang mga mata nang nilingon kung sino ito.

"Ipapa-OSA kita," kalmanteng sabi ni Lotte habang nagtataas ng kilay. "Tigilan mo yung kaibigan ko."

"Sino ka ba?" angil ni Kio kay Lotte.

Nakabwelo si Lotte at malakas na sinipa ang gitnang parte sa pagitan ng hita ni Kio. Kio yelped in pain as Lotte watched him slowly descend on the floor. Ako naman ay nanatiling tulala sa ginawa ng kaibigan ko.

"Subukan mo akong isumbong. . .at subukan din ng mga nasa paligid ko ngayon na magsabi sa ginawa ko," she warned Kio and the people around us with a glare. "Saksi kayo sa pagbabanta ni Kio kay Aziah pero wala kayong gagawin? Tapos itong ginawa ko, isusumbong n'yo? Check your morals, mukhang tumatagilid."

Hinila ako ni Lotte papalayo sa building nila. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. I wanted to cry but the tears wouldn't fall. I wanted to scream yet I had no voice. Ang tanging nagagawa lang ng katawan ko ngayon ay manginig habang nakayuko ako.

"Don't be ashamed, Ziah. . ." sabi ni Lotte habang naglalakad kami palayo. "Mga putangina sila."

Wala akong narinig mula sa department ng MassCom dahil mukhang natinag sila kay Lotte. It's completely absurd that they were silent during the whole ordeal when they should have been the ones who helped me first.

Hindi pa rin kami naguusap ni Ryker. Hindi ko nga alam kung tuloy pa ba ang naging usapan naming dalawa. I sighed as I walked outside while the rain was pouring. Buti na lang na may payong ako pero ang hassle dahil puting-puti ang uniporme ko. Puting sapatos din ang gamit ko kaya naman hindi nakakatakas sa putik.

Sumilong muna ako sa park ng school namin kung saan may mga stone tables. I was mumbling to myself on how this is such an inconvenience on my part.

"Arf!" a dog started to bark at me. Nilingon ko ito at kitang-kita ko ang kumikinang na mga mata ng isang aso. He was wiggling his tail and his tongue was out.

"Hey, dito ka. . ." I guided the dog on my side. "Maputik d'yan."

"Arf!" sinunod n'ya ako at lumingon muli sa akin. "Arf!"

The dog was small. . . a brown and white aspin. Ngiting-ngiti ito sa akin. Akala mo naman close kaming dalawa! Pero ngitian ko na lang din dahil ang lambing n'ya tingnan.

Kamukha ni Ryker.

Natawa naman ako dahil gano'n na ba ako nangungulila sa kan'ya? Nakikita ko na siya sa isang malambing na aso? Napailing na lang ako. Ang lala na!

"Ryzi!" Someone whistled.

Lumingon ako rito at kitang-kita ko si Ryker na basang-basa habang may sinisilip sa ilalim ng mga lamesa. I shot up an eyebrow. He was also wearing his white uniform while the rain was completely pouring on him. Malalakas pa naman ang patak ng ulan!

"Ryzi! Nasaan ka na?" He whistled again. "Nandito na si Dad mo!"

"Para kang gago, alam mo ba yun?" sabi ko kay Ryker nang malapit na siya sa akin. Sino hinahanap ng isang ito?

"Arf!" the dog agreed. Well, I don't know what his 'arf' means but I would like to assume he agreed.

Umangat ang tingin sa akin ni Ryker. His hair was damp. . .grabe, papatungan ko talaga ang isang ito kahit basa eh. Ang gwapo-gwapo n'ya talaga kapag basa siya. The best look that he has for me is his wet look. Nakaka-turn on siya sa akin!

"Ryzi!" His eyes twinkled upon seeing the aspin on my side. "Nandito ka lang pala!"

"Arf arf!" Ryzi, the dog, barked. Tuwang-tuwa na nakita n'ya yung amo n'ya.

Nangunot ang noo ko. So, all this time. . .habang may silent war kaming dalawa ay nagpapakatatay siya sa isang aso?

Teka? At anong pangalan? Ryzi? Ry-Zi?

"Anong pangalan ng aso!?" tanong ko kay Ryker.

He looked at me while blinking. "Ryzi?"

"Ryzi!?" I questioned him.

"Oo, Ryzi," tumango siya habang unti-unting lumapit sa kan'ya yung aso. "Ryzi Rivero pangalan n'ya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top