Chapter 11
#####
Chapter 11
You know. . .I can never feel good when bad things happen to anyone, even to my own enemy. Hindi naman ako mapagtanim na tao at sadyang hindi ko rin ginagawang big deal ang mga nagiging kasalanan sa akin ng iba. If they show remorse for it, then good. If they fail to see their mistakes, then I don't care. Not acknowledging your own mistake is your own downfall, after all.
Pero ngayon? Tuwang-tuwa ako sa iritasyong nakapinta sa mukha ni Ryker. Kanina pa nagsimula ang laro at halatang balisa ang loko dahil kanina pa kunot ang noo. His sweat were trickling down his face, pero hindi n'ya ito pinupunasan. Mas dumami ang tumitili para kay Ryker dahil. . .magaling pala siya maglaro. Akala ko visual lang ang ambag n'ya sa basketball eh. May binatbat naman pala talaga!
"Go! Number eleven! Wuhoo! Galing mo talaga!" Tili ko sa crowd kaya naman sumipat si Ryker sa akin at lalong nairita dahil kumuyumos ang mukha.
"Hindi naman naglalaro si number eleven?" Mikay pointed out, her eyes staring at the guy who was sitting on the bleachers. "Kanina pa siya bangko ah?"
"Yes, ang galing n'ya umupo, sobrang nice," tumango-tango ako habang malawak ang ngiti. Walang makakasira ng araw ko ngayon. Pero kay Ryker? Halatang winawasak ko na ang araw n'ya.
Namula si number eleven na may apilyedong Marcova. Sumipol-sipol pa ako para makuha ang atensyon n'ya. Hindi n'ya ako magawang lingunin dahil tinutukso na siya sa mga kagrupo n'ya. He was sitting diligently on his seat while his head was down. Hindi makatingin sa direksyon ko.
Ngumisi naman ako.
Tama 'yan, kitang-kita ko na parang apoy na nilalagyan ng kahoy sa inis ang isa d'yan. Partida, nakasalang pa siya ngayon kaya kita ko na nagtitimpi siya ng iritasyon n'ya para sa akin.
"Galing mo talaga, number eleven!" sigaw ko habang nagsisipagtilian sila sa three point shot ni Ryker.
Nagugulat yung mga nanonood dahil ang bilis ng laro. The screeching of sports shoes was evident because it echoed throughout the game. Pansin din na minamadali ni Ryker yung laro dahil puro siya. . .three points at halos hindi na siya nagpapahinga.
Ang gago? Hindi na hinayaan mapunta sa kamay nung kalaban nila yung bola! Nakaka-score lang yung kabilang team dahil sa free throw kapag may penalty.
"Tinatapos na agad ni Ryker yung laro," boses ni Mikay. "Alam ko na magaling siya pero nilalampaso n'ya yung kabilang team eh."
"Baka nag-e-enjoy lang maglaro," I shrugged my shoulders off as my heart throbbed against my chest. "Malay mo magaling lang talaga siya."
"Bakit hindi ka mag-cheer kay Ryker? Ka-course natin iyan ah," puna ni Mikay.
Nagtaas lang ako ng kilay. "Paano ako makiki-cheer? Mayroon na siyang harem galing sa medtech tapos mayroon din siya galing sa kabilang team!"
There were girls on the other courses screaming his name whenever he got to shoot the ball. Naubos na nga ang mga boses dahil sunod-sunod ang tira ni loko eh.
Napailing ako. I hate my dirty mind sometimes. Naghalukipkip na lang ako habang pinapanood ang laro na minamadaling tapusin ni Ryker.
Sa sobrang pagod ng mga tiga-masscomm ay pinapasok na nila si Marcova which made my ears perked up. Agad akong sumigaw muli para sa kan'ya.
"Go Marcova! Lampasuhin mo si Adeva! Galingan mo! Go go go!" sigaw ko kaya naman kinakatyawan ako ng mga ka-blockmates ko. Traydor daw ako! Aba, I don't care!
Masama na rin ang tingin sa akin ng mga kaklase ni Ryker. Pero ano namang pakialam ko? Hindi naman sila si Adeva!
Napalingon si Ryker sa akin, his lips pulled apart. His eyes were pitched black so it made me shut up for a bit. Ang makapal n'yang kilay ay nagkasalubong. His shaky breathing made me feel something between my legs. Bigla akong pinagpawisan.
Napalunok ako nang wala sa oras. Ang gwapo talaga ni gago. Pero hindi ko inaasahan na mas magiging gwapo pa siya kapag nagsusungit.
"Mamaya ka sa akin," he mouthed at me which rendered me speechless. Para akong napagalitang bata! Hindi ko alam kung bakit nanahimik ako bigla.
Naglaro na rin si Marcova pero hindi ko inaasahan na lampa si tanga! Ginawa ba namang dodge ball yung bola ng basketball at binato sa mukha ni Ryker! Hindi nakailag si Ryker dahil miski yung mga ka-team n'ya ay nagulat sa ginawa ni Marcova. Tumama sa mukha ni Ryker yung bola. Halu-halong tili at foul ang narinig ko. Kumakabog naman ang dibdib ko sa kaba dahil na-out of balance si Ryker at unti-unting natumba. May mga pumunta naman agad na medic dahil may mga naka-stand by para roon.
"Fuck! Ryker!" I shouted before moving and shoving other people just so I could go to his side easily. Para akong hinahabol sa sobrang pagmamadali ko at sa pagaalala ko sa kan'ya.
Dinala siya sa clinic at sumunod ako agad. Dumugo kasi ang ilong ni loko dahil sa lakas ng impact ng pagbato sa mukha n'ya. Agad akong bumili ng tubig bago siya dalawin sa isa sa mga higaan na nasa clinic. Hindi ko alam kung natuloy pa yung laro, pero nandito na agad ako dahil sa pagaalala kay Ryker.
Nakahiga lang siya habang nakatakip ang isang braso sa kan'yang mga mata. The cold compress was between his arms. Ramdam ko ang pagod sa paghigit n'ya ng hininga.
"Nahihilo ako," Ryker said, almost in a whisper. May cold compress siyang nakalagay banda sa kan'yang mukha.
"Hey," I helped him position the cold compress on his face. "Okay ka lang?"
Ngumuso siya. "Di tayo bati."
"Inamo," I hissed at him. "Anong ginawa ko sa 'yo?"
"Yayabangan mo na nga lang ako, doon ka pa sa bano sa basketball lumapit," he sneered at me. "Mukha ba akong ring sa kan'ya? Tanga, ang pota."
I chuckled but also felt guilty. "Di ko naman kilala iyon."
"Eh bakit ka nagc-cheer doon?"
I bit my lip in guilt. "Wala lang."
"Tapos sa akin, wala man lang 'fuck me, Ryker'! Sa kama lang talaga kita napapasigaw 'no?"
"Tarantado ka talaga!" Hinampas ko siya sa dibdib.
"Ack! Nurse! May nambubugbog ng pasyente rito!" impit siyang sumigaw dahil tinapalan ko ang bibig n'ya gamit ng aking kamay.
"Sorry," I said, "pero kasalanan mo."
"Ate ko?" Tinanggal n'ya yung cold compress at tumitig sa akin. "Nag-sorry ka pa? Pero kasalanan ko pa rin pala? I didn't cheer for other girls."
My eyes glowered with envious greed. "True. . .but you were clearly entertained that girls were cheering for you."
I can't erase his grinning face in my mind. Tuwang-tuwa nga siya na may mga babaing nagkakandarapa sa kan'ya eh.
Ngumuso siya. "Because I was expecting that you would cheer the same way for me. I was imagining you shouting my jersey name. Screaming for me."
O baka nabulag lang ako ng selos? Na baka totoo naman talagang ako ang inaabangan n'yang mag-cheer sa kan'ya?
"Ano?" Napalunok ako bigla.
"Akala ko tatapatan mo sila. . .I was only imagining you cheering for me the whole time," sumbong n'ya sa akin. "Tapos biglang number eleven Marcova lalabas sa bibig mo? Sana nilibing mo na lang ako nang buhay, Florencio."
My lips went agape. Nakaupo ako sa gilid n'ya ngayon kaya naman kitang-kita ko ang namumuong tampo sa kan'yang mga mata. I managed to take a quick gulp before diverting my eyes elsewhere. Alam ko naman na puro lang ito laro sa kan'ya. I'm afraid that playing with him too much would entail that I'm also betting my heart on it.
"I don't like it when you cheer for other guys," pag-amin n'ya sa akin, namamaga at namumula na nga ang ilong n'ya pero nagagawa n'ya pang magpa-cute eh.
"Sus? Eh ako nga, hindi ko sinisita yung mga babae mo."
"I can't control them," Ryker pointed out. "What I can control is my eyes only looking at you. Kaya lang naman sila nahahagip ng paningin ko dahil nasa likod ka nila."
I found myself pouting because he made sense. Totoo naman kasi talaga na nasa likod ako ng mga fangirls n'ya. Isa na rin siguro yun sa dahilan kung bakit iritable ako buong laro; naunahan nila ako sa pwesto ko. I should have been in the front row! Pero nandoon ako sa likod nila.
"Nagtatampo talaga ako, Ziah," sabi ni Ryker at unti-unting umupo habang hawak pa rin ang cold compress sa mukha n'ya. It rested between his nose and his lips.
"Sorry na nga 'di ba?" pagtataray ko habang inabutan siya ng towel. When he refused to get it from me, I sighed then proceeded to wipe his sweat for him.
"Nagtatampo ako," he repeated. "Suyuin mo ako, dali."
"Pinagsisilbihan ka na nga!" I hissed at him while still wiping his sweat off. Nakakainis! Ang bango-bango! Sana amoy araw man lang siya o pawis eh! Yet his scent invaded my nostrils, amoy lavender and mint pa naman si loko!
"Gusto ko nakahubad kapag sinusuyo ako."
"Ang dami mong alam!" My cheeks burned in heat. My hand abruptly touched his crotch because of acting animatedly. Napasinghap na lang ako dahil doon.
He smirked evilly. "Funny how your words and your actions are not aligned, Ziah. Gusto mo rito? Sa clinic? Ang naughty mo naman. . ."
Natigilan ako dahil sa sinabi n'ya. Mukha ba akong uhaw na uhaw sa kan'ya?! This isn't right. He should know his place, dapat siya ang mas dehado sa aming dalawa. Not the other way around.
"Ulol,"I spat out. "I honestly couldn't care less . . ."
He leaned forward which made me look away. Pinilit ko ang sarili ko na hindi lumingon sa kan'ya dahil alam kong nanghihina ako ngayon sa titig n'ya. His fingers carefully guided my face towards his direction. Hindi ko magawang umalma dahil sa kilos n'ya.
I gulped down the bile on my throat as he stared at me with prudence. . .he smiled sweetly which made me think that he must be thinking of something. Bakit naman siya ngingiti nang ganito kung walang dahilan?
"Ang ganda mo talaga," he murmured as he stared at my face. "I'm sorry for being territorial, babe. But I couldn't see you with the other boys at all. Gusto ko. . .ako lang."
Ikaw lang naman talaga. Kinagat ko ang dila ko upang pigilan ang sarili na sabihin ito sa kan'ya. I don't want him to know that he had me wrapped in his fingertips.
"Kwento mo 'yan sa pinatayo mong all girl's school sa Instagram," I snarled at him, ultimately revealing the root of my irritation.
His eyes widened. Naningkit ito nang matawa siya dahil sa sinabi ko. Totoo naman ah?
"I'll unfollow them. . ."
"Huwag na," I shook my head. "Ang irrational na bigla mo lang sila i-u-unfollow. There's no need for you to do that."
"If it bothers you, then it bothers me," sabi n'ya at nilabas ang kan'yang cellphone. "I'd rather get them mad at me than you being jealous."
"Hindi ako nagseselos," tanggi ko sa naging paratang n'ya. "Gawa-gawa ka naman."
Tumawa lang siya at pinakita sa akin ang cellphone n'ya. My curiosity won over me because as soon as the screen light faced me, sinilip ko rin naman talaga.
Ako na lang yung babae na fino-follow n'ya.
Napalunok ako nang wala sa oras. I don't know why I smiled after seeing it. Binawi ko ang ngiti ko dahil hindi naman talaga dapat ako masaya sa nakita ko. I should be ashamed because it's petty and immature. Hindi naman n'ya ako girlfriend.
"I'm not your girlfriend. . . kaya hindi yata tama na nag-unfollow ka ng mga babae dahil lang sa. . ." I trailed off. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya dahil nahihiya rin ako aminin na ang immature ng selos na naramdaman ko.
"You always seem to validate what others feel . . .but you're also good at invalidating your own feelings," sabi ni Ryker. "Next time. . .you should tell me ahead. Ayokong natutulog ka na iniisip na hindi ikaw ang gamit ko sa pagsasarili, okay?"
Napasinghap ako. "Tarantado ka talaga!"
"You are the girl of my wet dreams!"
"Bwisit!" I lightly punched him on his arms. Pareho kaming natawa dahil wala naman sa usapan namin ang ganito. Akala ko talaga ay sa kama lang kami maguusap. Hindi ba gano'n naman talaga dapat?
Dapat ganon lang kami.
"By the way, Ry?" Tumikhim ako.
"Hmm?" Umangat ang tingin n'ya sa akin. His stare lingered on me.
"Naiwan ko yata yung red bag ko sa condo mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top