Chapter 10



MESSENGER
BBALL BOIS

Theo:
Ganda talaga ni Ziah 🥵

Lachlan:
Ziah? Who?

Rence:
Florencio yan no?
Gaguh brooo hahaha
Negats! Lalakero yan eh

Lachlan:
Aziah Florencio?
Oo nga, ang ganda nga
May boyfriend ba ito?

Rence:
Marami HAHAHAHAHA
Pero sana maging isa man lang ako sa lalaki nya
Shes so hottt 🔥🔥🔥

Theo:
Wala yata
Wala man lang na-soft launch eh
Kawawa naman yung lalaki nito kung nagse-settle siya na hindi man lang pino-post kahit anino man lang sa stories
[👍3 🖕]

Ryker:
tangina mo

Rence:
BAKIT? Hahahaha type mo ba, Ryker? Honest lang? Type ko rin eh pero negats nga kasi wala raw talaga yan siniseryoso

Ryker:
fuck you

Theo:
Naging man of few cusses ka yata, Ry?

Ryker:
busy ako

Lachlan:
Saan?

Ryker:
mag-overthink

argh fuck you to the moon and back reverse backflip up and down turn around, rence 🖕

#####

Chapter 10

MESSENGER
HAWT GURLS

Kelsey:
I want to drink 😭

Aziah:
Aga ah

Lotte:
She got dumped
May bago na agad yung guy haha
Fuuuck talaga mga lalaki

Aziah:
Argh kakaloka sabi ko na nga ba tarantado yun eh

Kelsey:
How would you know?
You never talked to him

Aziah:
Basta lalaki, alam ko na agad

Lotte:
Eh si Ryker? Haha

Aziah:
Ano

Lotte:
Di rin matino?
O baka napatino mo na?

Aziah:
Ewan ko dun haha

Lotte:
Kwento ka mamaya, Kels.
Ikaw naman, Ziah, always be careful

Kanina pa kami nandito sa dulo ng patio ng isang bar. Halos isang oras na umiiyak si Kelsey dahil sa isang lalaki. Lotte was comforting her by massaging her hand. I was sitting in front of Kelsey with my legs crossed as I listened to her story.

Tumatama ang ilang neon lights sa direksyon namin. Kanina ko pa pinaglalaruan ang margarita ko dahil parang may kumukutya sa akin sa mga naririnig ko kay Kelsey. Hindi ko magawang mabawasan ang inumin dahil sa kwento n'ya.

"Akala ko kasi talaga ay serious na kami," she wailed as she showed us her phone. Kitang-kita roon ang conversation nilang siya lang ang bumubuhay. Puro lang blue at wala man lang reply sa kausap n'ya.

"Seryoso naman talaga siya," Lotte said. "Seryoso siyang hindi ka n'ya seseryosohin."

Kelsey groaned as she rested her head on the chair. "Ang sabi ko naman kasi ay baka siya na talaga. He was the one who listened to all of my rants. He went to our house and met my parents. Hindi naman ako nagmamadali na mag-propose siya pero akala ko ay naiintindihan n'ya yung point ko. Pero after we did it. . .bigla na lang siyang lumamig?"

"May label ba kayo nung naguusap pa lang kayo?" Lotte asked. Napainom siya sa kan'yang alak. Sumimsim na rin ako para lang hindi sila magtaka kung bakit di ako umiinom.

Imbis na tamis ang una kong malasahan ay gumuhit agad sa lalamunan ko ang alak kaya naman napangiwi ako. Lotte looked at me, obviously surprised that I grimaced at my own signature drink. Nawala sa isip ko na dapat ay hindi ito masyadong binababad sa lalamunan.

"Wala," umiling si Kelsey.

Lotte rolled her eyes. "There, you have your answer already. Hindi mo na ako kailangan pahirapan pa. He got what he wanted and he didn't find any reason to stay."

"He gave me his Facebook password," giit ni Kelsey. "We were something! Hindi n'ya iyon gagawin kung wala lang kami sa kan'ya!"

She was seething but she also sounded indenial. Hindi ko tuloy siya magawang ipagtanggol kay Lotte dahil alam ko rin kung saan nanggagaling ang kaibigan namin. We already know the drill and the guy didn't need to speak it out loud—nilaro n'ya lang si Kelsey at nahulog naman ito.

"Girl, what made you think na ikaw lang ang may hawak ng Facebook password ni gago?" Ngumisi si Lotte at umiling-iling. "I'm sure that his previous girls had his password once. Madali lang din naman magpalit ng password. . .gaya ng mabilis lang din magpalit ng babae."

Napasinghap si Kelsey. Her eyes were already bloodshot red but she kept on crying. Kung kanina ay may halong awa pa ang pag-comfort ni Lotte sa kan'ya, ngayon ay may halong panunuya na dahil halata naman na pinagtatanggol ni Kelsey yung lalaki sa aming dalawa.

I kept my mum which only infuriated Lotte more. Siguro dahil kung noon ito nangyari ay nangunguna rin ako sa pag-trashtalk sa naging lalaki ni Kelsey.

Lumingon sa akin si Lotte, hinihintay na wasakin ko lalo ang puso ni Kelsey para tumigil na siya sa pag-iyak sa lalaki n'ya. I bit my lower lip as I tried to thread my words carefully. Iniisip ko kung paano ko siya pangangaralan nang hindi babalik sa akin ang mga payo ko.

I know I won't be like Kelsey. Pero kinakabahan ako na baka sa susunod ay ako na ang nasa pwesto n'ya. Iniiyakan ang isang lalaki. Umiiyak dahil kay Ryker.

"So? Ziah? Verdict?" Lotte pushed further, obviously irate. "Papayag ka na lang ba na tanga forever itong kaibigan natin?"

Napatikhim ako at umiwas ng tingin. Suddenly, sobrang interesting ng mga langgam na naglalakad patungo sa nilalamig naming pulutan. Wow! Kulay red sila, mga bad boy ang mga langgam na ito.

"Ziah?" Lotte repeated, trying to trap me into saying my opinion.

I sighed, I obviously can't avoid her forever.

"She can learn from her mistakes," I dismissed Lotte's straight remark towards me. "Hayaan mo lang siya."

"See? Even Ziah agrees that you shouldn't judge him too quickly!" ani Kelsey na tuwang-tuwa. Pinalis n'ya ang kan'yang mga luha.

Umirap si Lotte at malakas na napabuntonghininga. "Oh my gosh, pareho na kayong tanga sa lalaki! Are you seriously tolerating her ass? She's too infatuated to see that he's completely trash!"

"I'm not saying that he's good! Ang sa akin lang. . .hindi nakakatulong na pinapamukha pa natin sa kan'ya na tanga siya," I told Lotte. "What she needs now is a friend, not someone who would shove her mistake right in her face."

Kelsey wouldn't invite us here if she only wanted to hear straight insults to her face. P'wede naman kasi namin siyang pangaralan nang hindi pinapamukha na tanga talaga siya eh. Naaawa rin ako dahil bugbog na nga siya sa silent treatment ng lalaki n'ya, dadagdag pa ba kami?

Napapikit si Lotte sa inis. "Fine. Pero ang tanga lang talaga. Tingnan mo nga kung may access ka pa sa Facebook ni gago! Magpost ka man lang ng 'invisible etits ko, wow amazing!' sa wall n'ya para makaganti ka man lang!"

Bahagya akong natawa. "Shut up! Mamaya ay si Kelsey lang pala talaga ang may ibang hawak ng Facebook account. Mag-away pa yung dalawa. Malay mo naman naging busy lang, Kelsey. P'wede naman iyon? Naka-do not disturb lang siya?"

"Hala? May bago na nga yung lalaki!" frustrated na sabi ni Lotte, kulang na lang ay sabunutan na n'ya ang sarili n'ya para lang ipakita kung gaano siya ka-frustrated.

"Mayroon na ba?" I asked Kelsey for confirmation.

Ngumuso si Kelsey at nagkibit ng kan'yang balikat. "Hindi naman siguro?"

"You told me that he's been searching for girls on his account!" Lotte hissed, napairap pa siya nang wala sa oras.

"Totoo ba?"

Kelsey gulped down. "So what! It's not like he wanted to search for them!"

"Nakakabobo ka kausap, Kels! Ano iyon!? Penis n'ya nag-type for him?! Kaunting utak naman, Kelsey!" Lotte snarled at her. She was obviously irked by her reaction.

Suminghot si Kelsey at bahagyang natigil sa pagtatanggol sa lalaki n'ya. I looked at her with utmost pity, kawawa talaga siya kapag si Lotte na ang nagsalita. I may have a harsh mouth but Lotte never takes consideration when voicing out her opinion, kaibigan ka man n'ya o hindi.

"Lotte, tama na," saway ko.

Lotte snatched Kelsey's phone and immediately went to her boyfriend's Facebook. Pinakita sa akin ni Lotte yung listahan ng mga pangalan ng mga babae na kaka-search pa lang nung lalaki. Bahagyang nanglaki ang mga mata ko at umawang ang labi.

Nasa sampu na yata eh.

"Kayo pa yata pero naghahanap na ng iba," umiling-iling ako, finally siding with Lotte. Hindi naman ako bulag eh, kitang-kita na hindi talaga siya naging seryoso kay Kelsey.

Kelsey cried once again. Paulit-ulit n'yang tinitingnan yung ebidensya ng pagiging babaero ng nakausap n'ya. I don't know if he's her boyfriend, pero siguro naman ay break na silang dalawa nang makita ni Kelsey ang mga listahan sa search bar nung lalaki. That was a lot of girls, halatang kilala n'ya pa lahat at hindi lang naging curious siya sa mga babae na ito.

"Manonood ba tayo ng basketball?" tanong ni Lotte upang basagin ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.

I checked my calendar and realized that it was almost our intramurals, college division. Nagkibit ako ng balikat, hindi ko naman kilala yung mga players ng medtech eh. Depende na lang siguro kung may magyaya.

"Magkalaban yata departments natin," sabi ni Lotte habang nakatingin sa kan'yang phone. She was obviously diverting the attention from Kelsey who is still sulking on the corner.

Imbis siguro na maging pulutan ang katangahan ni Kelsey ay minabuti na lang ni Lotte na maging iba ang usapan naming tatlo. Hindi pa rin makasagot si Kelsey sa amin, she was still probably stuck with the thought that the boy never really took her seriously.

"Can I see the players?" tanong ko kay Lotte. Agad naman n'yang pinasilip sa akin ang pubmat ng school namin tungkol sa intramurals.

Hinanap ko ang pangalan ni Ryker. Nagningning ang mga mata ko nang mahagilap ang pangalan n'ya sa mga players. Kung nandoon siya, manonood na lang ako! I have nothing to do anyway.

I'll surprise him! Magsusuot ako ng kulay namin para sa kan'ya. Blue ba ang sa medtech? Nag-double check ako at nakitang color blue nga. I nodded as my mind wandered off to my wardrobe. May blue naman yata ako na damit!

Umuwi na rin kami nang tuluyan maging tahimik si Kelsey. I can see the guilt in Lotte's face but her pride precedes her. Hindi n'ya aaminin na naging harsh siya kay Kelsey. She would never admit that; kaya nga kung minsan ay iniintindi ko na lang sila. It's not that I would adjust myself to them, but I would try my best to see the situation in their shoes.

Naghahanap ako ng blue na damit sa closet ko nang maalala ko ang sitwasyon ni Kelsey. As far as I recall, puro babae ang nasa recent search bar nung lalaki n'ya. Napalunok ako at natigilan sa paghahagilap sa damitan ko.

I went to get my phone and searched for Ryker's profile on Instagram. Kumakabog ang dibdib ko habang hinihintay na mag-load ang feed n'ya. He had a nice aesthetic on his pictures, maganda rin ang mga nasa highlights n'ya, pero ang nagpapakaba sa akin ngayon ay yung mga nasa following n'ya.

I shouldn't. Alam ko naman na fubu lang kami. Kakakilala pa lang naman naming dalawa. My heart clenched against my ribcage. Fuck it.

Sinilip ko ang following n'ya. . .para akong nagbaril sa sarili kong mga paa.

Alam ko naman na masasaktan ako pero ginawa ko pa rin. Alam ko naman na maaaring hindi ko magugustuhan yung makikita ko, pero tiningnan ko pa rin. Alam ko naman na sa ginawa ko. . .mas lalo lang ako nagising sa katotohanan na hindi rin naman talaga siya seryoso sa akin.

There were a lot of girls in his following. Para siyang nagpatayo ng all girl's school sa following n'ya dahil ang daming babae rito. I would have let it pass if it were just celebrities but some of them were from our school.

It's crazy to think that this mere sight would cause my heart to ache. E. . .wala namang kami.

Para akong binuhusan ng malamig na yelo sa nakita ko. I scoffed to myself as I mentally slapped myself for being jealous over it. So what? Marami rin naman akong lalaki sa following ko? 'Di ba?

I checked my following and saw that only Ryker was the guy that I was following, kahit lalaki na artista o basketball player ay wala! Seryoso ba? Si Ryker lang ang lalaki sa following ko? I should follow Eastre and Cal then! Pero na-bo-bother ako kapag di ako fi-no-followback! Argh, ang hirap naman nito!

Ryker:
ziah ko
nood ka intrams
for me ☹️☹️☹️☹️

Imbis na mag-reply, nagtaklob ako ng kumot at tinulog ko na lang ang nararamdamang masamang engkanto sa loob ng tyan ko. I don't want this feeling! Bahala siya d'yan!

Wala naman akong choice kung di manood ng intramurals dahil parte siya ng clearance namin for this semester. Kailangan daw kasi ay may support kami sa mismong department namin. I still wore my blue shirt and denim pants. Nakahalukipkip ako habang nasa bleachers.

Kitang-kita ko ang kumag na naka-blue jersey rin. Naka-imprinta rito ang course namin at ang lawak ng ngiti n'ya. Hindi para sa akin, syempre. Para sa harem n'yang tili nang tili sa harapan ko. They even had banners for him! Tangina talaga!

"Pogi mo, Ryker!"

"Gwapo mo, number nine! Nabuhay lang ako para maging sa 'yo!"

"Please! Kunin mo na lahat ng dugo ko! I love you!"

Iritable akong umiwas ng tingin. Nakatayo lang ako dahil tinatanaw ko si Ryker na kumakaway sa mga babae n'ya. Pinapunta lang yata ako nito para asarin eh. Hindi ako selosa pero ang sarap n'yang tirisin ngayon sa harap ng mga babaing gustong-gusto siya!

Tama na kaka-angkin n'yo! Akin yan eh!

Napailing na lang ako. Nakita ko si Lotte sa kabilang bleachers. Kulay green naman ang department nila. Lotte waved at me. I waved back then forced myself to smile. MassComm pala ang kalaban ng course namin ngayon. Nangliit ang mga mata ko habang nakikita si Ryker na ngiting-ngiti, naniningkit na naman ang mga mata n'ya kaya lalong tumili yung mga babae. Mga medtech pa man din! Higher year pa nga yata yung iba!

Tuwang-tuwa ka ah?

May pumito na kaya naman pumasok na yung players sa kabilang team. May nakita akong naka-salamin doon na mukhang mahinhin. Jersey number eleven. I inhaled sharply and exhaled. Inilagay ko ang mga kamay ko sa gilid ng aking bibig at sumigaw.

"Jersey eleven! Anakan mo ako! Kahit mga sampu lang!" sigaw ko sa crowd kaya naman lalong nagsipagtilian sila. Walang jersey eleven sa mga medical technology kaya naman kitang-kita ko ang alarma sa mata ni Ryker.

Our eyes met and there was an invisible lightning between us. He looked sharply at me as his lips parted. My heart throbbed against my chest. Ang kaninang tuwang-tuwa reaksyon n'ya ay napalitan ng kasungitan. Hindi ko alam pero parang lalo akong na-excite na asarin siya.

Ngumiti lang ako sa kan'ya nang mapangasar at muling sumigaw. "Jersey number eleven! Nag-medtech lang ako para maging housewife mo!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top