Chapter 9

to denih,

also reminder: this story is tagged as mature and it isn't under teen fiction.
*****
Messenger
ALTREANO FAMILY

Istelle Altreano:

I created my own memoji na hehe.

But I don't know how
to turn it blue 🙁
🤣2

Cayden:
Hays.
My Istelle, how can you be so cute 👯‍♂️

Iscalade:
Sayo talaga ako mana, Mom.
Pareho tayong cute. 🥰

Cayden:
Sa kapal ng mukha ko
ikaw nagmana, Lade.
MWAHAHAHA

We all know na si Iscaleon
ang cute na nagmana
sa mama mo.
❤️2 👺

Iscaleon:
I'm not cute. 🙁
🥹3

I REFUSE to be cute. 😠
🥹3

Bawiin nyo yun. 😡
🥹3

Iscalade:
Cute mo talaga, Kuya 🤭🤗🫶🏻🫵
👺

*****

Chapter 9

Most first kisses should be memorable. Kahit naman sino siguro ay gustong magkaroon ng first kiss na tatatak sa kanilang isip hanggang sa pagtanda. The type of first kiss that you'll be able to tell your grandchildren and would make their toes curl because of how good that first kiss was.

Eh tangina yung akin ni hindi man lang tumagal ng one second. Hayop, parang .5 second lang yung pagdaplis ng labi n'ya sa labi ko. Pareho pa kaming nagulat dahil wala namang nagsabi na mag-ki-kiss pala kami. Wala pa akong lipstick! Tanging lip balm na cherry flavor lang ang nilapat ko rito sa labi ko bago umalis ng bahay.

"Sorry," Iscaleon whispered using his low tone. Agad siyang yumuko saka bumalik ang tingin sa harapan namin. Namumula yung bandang leeg n'ya. Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang lamig ng aircon ng sasakyan n'ya.

Busangot ako habang patuloy sa pag-da-drive si Iscaleon. Walang namutawing salita mula sa mga bibig namin. Pareho yata kaming di maka-move on sa nangyari dahil mukhang problemado rin si Iscaleon.

Okay.

Ngayon lang ako na-inggit sa isang prinsesa—yung prinsesa sa The Princess and the Frog. Mabuti pa siya, may life changing kiss. Nagawang prinsipe ng halik n'ya ang isang di hamak na palaka.

Idagdag ko na rin pala sa listahan si Sleeping Beauty at Snow White; may natanggal silang sumpa dahil sa mga first kiss nila. Samantalang yung akin ay sinumpa yatang mayamot ako habang nasa biyahe dahil yun na yun? Walang dila? Walang arching back? Punyetang first kiss yan, di ko nalasap.

Bumaling ng tingin sa akin si Iscaleon. "You okay?"

"Badtrip ako ngayon, Iscaleon."

"Sorry," tumikhim siya. "Hindi k-ko talaga sinasadya. I. . .well, I don't know how to make it up to you pero aksidente lang talaga siya."

My mood plummets more. Mas lalo akong nairita dahil para kay Cal ay aksidente lang pala ang first kiss naming dalawa. You don't really associate accidents as good omen, kadalasan ay nasa bad side siya—accidents can sometimes be concluded as mistakes and most mistakes aren't good. Nakakainis talaga!

"Badtrip talaga," naiiritang bulong ko sa hangin. "Yun na yun?"

"What?"

"First kiss ko yun," matamlay na sagot ko. "Wala man lang fireworks, parada, o kahit nga anong espesyal sa kiss na yun. Sa sasakyan mo lang din nangyari. Paano ko yun ikukwento sa mga apo ko?"

Biglang natahimik si Iscaleon. He maneuvered the car in front of a pizza parlor, mukhang magpa-park na siya. Nanatili naman akong nakatingin lang sa harapan, ang isip ay lumilipad pa rin sa first kiss kong hindi man lang naging meaningful.

"We can try again."

"Ha?"

"First kiss mo," he uttered slowly for me to understand. "Re-enactment. Ulitin na lang natin."

"T-teka!" Napalayo ako bigla, umurong yung lungkot ko. Hindi ko inakalang lalabas yun sa mismong bibig n'ya.

"Ayaw?"

"No!" I blurted out. "P'wede n-naman pero dito? Ngayon na?"

Tama ba itong pinapasok ko?!

"Yeah sure," he innocently said. "Gusto mo ba?"

"Makapagyaya ka naman, di mo nga ako matingnan nang diretso sa mga mata," halukipkip ko habang nagiinit ang mga pisngi.

"Kapag ba natingnan kita sa mga mata mo, p'wede na tayo mag-kiss ulit?" he asked, na para bang nanghihingi lang ng papel sa katabi habang examination.

Umawang ang labi ko. "Seryoso ka ba?"

His eyes looked at me directly. Agad akong napalunok nang wala sa oras. Hindi umalis ang tingin n'ya sa akin, diretso lang mismo sa aking mata kung saan siya nakatingin. How can he have such mesmerizing eyes? Na para bang kahit anong gawin n'ya ay para akong mapapaluhod?

Teka? Parang bumabaliktad talaga ang mundo! Nawawala na ang hiya ni Iscaleon! Pero parang bet ko kapag ganito siya every day!? Did he just initiated na mag-kiss kaming dalawa? Bakit kami magki-kiss!? Ano ba kami!?

I raised my hand, lifting only one finger to hush him. Agad namang kumurap-kurap ang cute na si Iscaleon dahil sa ginawa ko. I managed to get my phone and I contacted my friend immediately to ask for her advice.

Celest:
MICAH SOS SOS SOS

Micah:
HELLO
HI
KAMUSTA

Bati na ba tayo OR
sobrang emergency lang talaga
kaya pinapansin mo na ako????

Celest:
Pwede ba ako makipag-kiss
kahit walang kami????
😈

Micah:
Ampota ka!

MAY LALAKI KA NA!?

Kaya di dapat tayo nagaaway kasi
ang bilis naman ng mga ganap mo

GAGO AYAN BA
YUNG ANO
SA PHHILO
YUNG SA COOKIES

HAYP WAIT

Celest:
Oo lang or yes ang hinihingi ko teh para masunggaban ko na 🥹🥹🥹

Micah:
Shota ka naghanap ka lang
ng magvavalidate sa
kalandian mo 🙂

Celest:
Sooo pwede???

Micah:
HINDI

KONTRATAHIN MO MUNA

OKAY

Celest:
PAANONG CONTRACT

OK


NAPAPIRMAHAN KO NA

Micah:

BUTETE KA MALI

"Okay," I exhaled a breath nang makita ang cute na digital signature ni Iscaleon. He used his fingers to sign our 'agreement' and he did it without even asking me why. Iscaleon Jaiven Altreano in cursive, oh my god. Ganda ng penmanship!

"Okay?" ulit n'ya sabay tawa. His laugh sounds so good. "P'wede na?"

"Di mo man lang tinanong kung para saan yung contract!" I hissed.

"I didn't have to," ikiniling n'ya ang kan'yang ulo. "Gusto na kita halikan."

"P-p'wede ba ako mag-lipstick muna?" Nangangatog na sabi ko.

Ilang beses kumurap si Iscaleon bago tumawa ulit. "Alright, take your time."

Paano ko ita-take ang time ko kung gan'yan siya tumingin sa akin? As if I'm the most entertaining living species he had ever since. I swallowed the bile on my throat as I rummaged through my small bag. Wala nga itong masyadong laman dahil isa lang naman talaga ang klase ko ngayon, kadalasan ay mga anik-anik lang na nadadampot ko kung saan-saan.

Nanginginig pa ako habang nag-a-apply ng lipstick. I could taste the fruity flavor of my shade, I pucker my lips before facing him. Kita ko naman na bahagya siyang nagtaas ng kilay, his left hand on the steering wheel while his right hand was playing with his lips.

"You done?" tanong n'ya.

Nagugulat talaga ako sa ina-akto nitong isang ito kasi sa pagkakatanda ko ay mahiyain siya!? Kumakapal ba mukha n'ya kapag nahahalikan? Halik lang pala dapat nirereseta sa isang ito eh.

"O-oo," tumango ako at humarap na sa kan'ya nang tuluyan. "Gusto ko memorable, ha! Yung makukwento ko sa mga apo ko."

"Alright," he chuckled once again. Damn his low voice! Malalim na rin ang pagkahumaling ko sa kan'ya!

I closed my eyes and then positioned myself. My breathing was shallow as I felt him slowly moving near me. When I can feel his breath just right in front of me and I could smell the faint scent of floral and fruits. Hindi masakit sa ilong ang amoy n'ya—kasing hinhin n'ya ito.

Ilang segundo akong nakapikit habang hinihintay siyang halikan ako pero walang labing dumaplis sa akin kaya naman sa sobrang inip ko ay dumilat na ako.

Sumalubong sa akin ang mga mata n'ya. His gaze was gentle and he was directly looking at me closely as if I'm a souvenir at a gift shop that he badly wants to take home. Parang hinigit tuloy ang hininga ko dahil sa klase ng pagtingin n'ya sa akin.

"It doesn't sound right. . ." aniya habang ang isang kamay ay unti-unting giniya papunta sa aking pisngi. He clasped on my right cheek and slowly went nearer to my face. "But I'm glad no other men took your first kiss; I'm honored to be your first as well."

I gasped, trying to catch my breath.

"Buksan mo lang mga mata mo," he said in his usual honeyed voice. "I want you to remember your first kiss that you'll tell to our grandchildren."

As soon as those words left his mouth, he kissed me gently and slowly. Each passing moment was a different movement of lips, mouths, and tongues. Hinawakan n'ya ang ulo ko upang i-guide sa tuwing iniiba n'ya ang landas namin. Even when I wanted to open my eyes, the feeling alone made me close my eyes to savor the sweetness of his lips. The only break we had was breathing in between our faces.

The movement of his mouth magnified the intense feeling I always wanted to feel. Libog lang talaga yun—pero halos magmakaawa ako na huwag siyang tumigil. I was feeling hot all over. He was making me want him more and more.

Before our lips parted from each other, he gently nibbled on my lower lip, making me gasp a moan. It was as if he was sure that I would want more.

Tulala ako nang matapos ang session namin. Akala ko pa naman ay ako yung magiging teacher pero hayop!? Ang sarap n'yang humalik! Halos mamaga ang labi ko dahil sa kan'ya.

"Sorry," Iscaleon said while driving. "Nabitin ka.  . .yata."

I glared at him. Totoo naman! I was about to unbutton his polo but he stopped my hand mid-air. Kaya natapos yung session namin!

"Malamang! Pero ayoko rin naman pilitin ka saka sa contract natin kissing buddies lang naman. . ."

"Is the contract still valid?" he asked.

I gulped. "Ang pangit nga naman ng term. Papayag ka ba kung. . .boyfriend? Hanggang graduation?"

Nanatiling tahimik si Iscaleon, para bang malalim ang iniisip habang nilalakbay namin ang daan patungo sa subdivision kung nasaan ako nakatira. So apparently, ihahatid na n'ya ako pauwi.

"I actually don't have the time to date."

Oh. This type of conversation again. It's the type where I won't be pursued. Napakuyom ako ng aking mga kamao. Not this time.

Para akong nabagsakan ng bato sa buong pagkatao dahil sa isiniwalat n'ya. This wasn't my first rejection. Ito lang yata yung pinakamasakit dahil si Iscaleon yung pinaka-gwapo, pinakamabait, at pinaka-magaling humalik sa mga kinahumalingan ko. I started to press my fingers using my nails. Okay, back to zero ulit ako.

"Kahit fake lang?"

"What?"

I bit my lower lip then faced him. "A fake boyfriend! It means, wala ka talagang obligations sa akin. Parang magkikita lang tayo kung kailan mo gusto. Your terms! Wala akong masyadong expectations sa 'yo. Kahit hanggang graduation lang. For experience lang. . ."

"Celest?" Iscaleon looked at me for a bit. "You don't deserve that kind of treatment. Hindi naman kailangan magkaroon ka ng jowa dahil lang sa mayroon na yung iba."

"Gusto ko nga," giit ko. "Gusto kita sobra. Kahit nga fake boyfriend lang until graduation. I won't expect anything from you—except sa halikan at minsan na dates, gano'n! Pero kung ayaw mo sa dates. . .okay lang kahit hindi na mag-date."

"Still," Iscaleon frowned. "I don't think I'll be a good boyfriend. I never even had one before."

"NGSB ka!?" I blurted out. Sa sobrang gwapo n'ya at perpekto n'ya, walang pumatol!?

"Busy sa studies. . ." aniya. "Also, I was never interested in dating."

"Eh bakit ang galing mo humalik?" I asked him in an accusing tone.

Natawa siya. His eyes turned to slits. "Romance books! Never thought it'd come in handy one day."

Bigla siyang natahimik at nahiya siguro dahil sa isiniwalat n'ya. Oh, so he reads, huh? Apparently romance was one of his genres.

"Not porn?" I teased. Normal sa ibang lalaki ang manood no'n kaya di ako magtataka. It's not like I mind.

"No," he straightaway said. "Hindi kasi na-normalize sa household namin 'yan kaya walang nanonood sa bahay ng gan'yan. It's not like it's heavily bad but our household isn't much of a fan."

"Ang bait mo talaga, need mo ng kasamaan na tulad ko, payag ka na maging boyfriend ko kahit hanggang graduation lang?"

"Celest. . ."

"Please payag ka na? I hate how I'm always left out because I'm single. Nakwento ko naman sa 'yo 'di ba? I just need romance even if it's fake, kahit hanggang graduation lang?" I pouted at him, pleadingly.

Desperate times call for desperate measures. Titig na titig lang ako sa kan'ya. Iscaleon muttered something incoherent under his breath before sighing.

"Okay," he said slowly. "Until graduation."

"Until graduation," napangisi ako at muling binalik sa daan ang tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top