Chapter 40


Chapter 40

I love my mother. . .but I didn't want to be like her. I remember the cheesy letters we created for mother's day when I was in high school. Sa katunayan nga, hindi lang naman no'ng high school pinapagawa ang mga iyon. It was a mandatory thing to give something to your mother when it was mother's day.

Everyone was busy thinking of their experience with their mothers. Mga away, paglalambing, o mga bagay na madalas gawin nila kasama ang kanilang mga ina. Alam nila ang ibibigay nila sa mama nila: mga tsokolate, tsinelas, tupperware, suklay o simpling sulat.

Ako? Ni hindi gumalaw ang ballpen ko para magsulat ni isang letra. Hindi gumana ang isip ko kung ano ba dapat ang ibigay sa kan'ya. Hindi ko pala kilala ang mama ko.

I never knew what to give to my mom. When my classmates were busy writing how thankful they were for their mothers and their experiences with them. . .I couldn't even form a sentence alone. Hindi ko pala talaga kilala si mama. Hindi ko alam anong paborito n'yang ulam. Hindi ko alam kung ano ang paborito n'yang kulay. Hindi ko alam paano siya nagkagusto sa walang kwenta kong ama.

I don't know my mother at all.

Upon seeing her breaking down on my feet, begging for me to forgive her for what she did. Instead of feeling fury in my heart. . .I was consumed by extreme grief for not knowing why she had to do it.

Ano ang tumatakbo sa isip n'ya no'ng gabi na iyon?

"Hindi kita maintindihan ma. . ." Umiling-iling ako sa kan'ya. "Hindi rin kita kaya intindihin ngayon."

Napahilamos siya sa kan'yang mukha gamit ang kan'yang mga kamay. Isang buntonghininga ang pinakawalan n'ya bago magsalita muli.

"N-naalala mo yung gabi na graduation mo? P-pumunta siya ng bahay. . .humihingi siya ng sorry kasi na-late siya . . ." Humihikbi si Mama at nanginginig ang labi. "Alam ko n-na kung makita mo siya n'on. . .baka makalimutan mo yung ginawa n'ya sa 'yo. Mabait na bata si Iscaleon. . .pero parang di ko pa kayang pakawalan ka, 'nak. Hindi ko kayang makita kang masaktan dahil sa pag-ibig."

"Anong ginawa mo?" mahinang tanong ko. My chest fluctuated in mixed emotions. Halos matulos ako sa aking kinatatayuan.

"Sabi ko na h-huwag ka na gambalain. . .kasi gago siya. . .kasi pinaghintay ka n'ya," patuloy n'yang pagsumbong. Hindi pa rin magawang tumingin sa akin nang diretso. "Na hindi ko siya kaya tanggapin para sa 'yo. Nakita ko yung sarili ko noon sa 'yo, Celest. Ayoko na matulad ka sa akin. Ayaw ko na ikaw yung mas nagmamahal dahil ikaw yung mas masasaktan."

Bahagya akong napasinghap. All along, she knew about something that I didn't know? Pinuntahan ako ni Iscaleon no'ng graduation pero hinarang n'ya? I wanted to get mad at her but at the same time. . .what's the use of it? Ang bottomline ay hindi naman na talaga kami p'wede dahil hindi n'ya ako kayang ipaglaban.

Pero pakiramdam ko ay alam ko kung bakit hindi ito binanggit ni Iscaleon sa akin.

"Hinding-hindi talaga ako gagaya sa 'yo," giit ko sa kan'ya. Nanubig na rin ang mga mata ko. I was trembling as I said those words. Hindi ko naman sinasadyang maging masakit ang atake nito pero hindi ko na rin napigilan ang sarili ko sa pagsasalita. 

Agad siyang natahimik at natigil sa pag-iyak. She lowered her gaze as if a big rock was thrown at her back. Kahit napupuno na ng guilt ang puso ko ay di ko pa rin siya nilingon. Napabuntonghinga lang ako at inilahad ang aking kamay.

"Alam ko naman na gusto mo lang yung makakabuti sa akin," sabi ko sa kan'ya habang hinihintay ang kan'yang kamay na hawakan na rin ako. "Pero sana hinayaan mo na lang kami mag-usap ni Cal. I won't be like you. . .at hindi ko hahayaan na gagamitin ng iba ang past ko para lang masira ang sarili ko na matagal kong binuo matapos mawasak."

I know that even if she was working hard to redeem herself, the people around her kept on pulling her downwards. . .as if she didn't already pay for a sin that she didn't commit. Doon pa lang ay alam ko na dapat mas mahaba ang pasensya ko kay Mama. She's doing her best to be a mother and I know that she can be the best if only she knew how I felt.

She was still sobbing. Hindi ko alam kung dahil pa rin ba sa alak pero ramdam ko na nagiinit pa rin siya. May alak pa rin siguro sa kan'yang sistema hanggang ngayon kaya hirap siyang sumagot sa akin.

"Hindi naman kita iiwan," my voice croaked. "Gusto ko rin bumawi sa lahat ng binigay mo sa akin hindi dahil anak mo ako. . .kung di dahil mahal kita."

This time, her head raised to meet my level. Halos pugto na ang kan'yang mga mata nang magtama ang aming paningin. I cleared my throat as I offered my hand once again for her to stand from her position.

"I don't like kare-kare," sabi ko sa kan'ya. "Pero kapag ikaw ang may luto, gusto ko siya dahil minsan ka lang naman magluto sa bahay."

Nanglaki ang mga mata n'ya sa akin.

"Ayaw ko rin ng take outs," sabi ko pa. "Pero kapag ikaw naguuwi, kinakain ko talaga kahit gaano kalamig iyon dahil sa 'yo galing."

My eyes welled up in tears as I told her all of the feelings that I kept to myself because I didn't want her to worry over me. Akala ko mas mabigat kapag sinabi ko sa kan'ya ang mga pagkukulang n'ya sa akin. . .pero gumaan lang ang pakiramdam ko sa kan'ya.

"I'm sorry.  . ." She cried once again, the alcohol in her system was instigating her emotions. "Ayoko talaga nago-overtime pero d-di ko kasi alam kung gusto mo ba ako na nasa bahay dahil b-baka nandito nga a-ako pero wala naman t-tayong napaguusapan. Wala rin kwenta."

"Mas gusto ko na nasa bahay ka at nagpapahinga," I bit my lower lip. "Gusto ko rin malaman ang mga paborito mong bagay para di naman palaging towel at mug ang nireregalo ko sa 'yo."

She laughed heartily. "Kahit ano naman. . .basta galing din sa 'yo."

Lumuluha na ako pero nagawa ko ring tumawa dahil sa kan'ya. "Tangina, ang dali mo naman palang kausap eh."

"Sorry kung hinarang ko si Cal noon," she confessed as she lowered her head once again. "Ayoko maging tanga ka sa pag-ibig, Celest."

"Tanga na nga ako sa school, pati ba naman sa pag-ibig? Tama ka d'yan." I managed to joke around. "Pero ma, pinuntahan n'ya talaga ako?"

Hinintay n'ya ako sa school magdamag. . .saka pumunta sa bahay namin? Just right after knowing that his own mother was battling cancer? Naiintindihan ko kung gaano magulo ang isip n'ya noon pero nagawa pa rin n'yang isingit ako ng araw na iyon?

"Madaling araw na n'on at tulog ka na. Mukha siyang tuliro habang paulit-ulit ma humihingi ng sorry. . ." Tumango si Mama na para bang inaalala n'ya ang mga pangyayari. "Hindi ko alam ang nangyari  pero halatang galing siya sa pag-iyak. Ayoko man siyang gatungan pero ayoko rin na magkausap kayo n'on. Sinabi ko sa kan'ya na layuan ka na lang dahil hindi siya b-bagay sa 'yo."

Iscaleon. . .is a filial man. At kung titingnan sa pagiging malapit n'ya sa kan'yang ina, he probably didn't want my mother and I to have a fight just because he wanted to pursue me. Napapikit ako at napabuntonghininga. Kahit paano ay alam ko na bakit gano'n siya.

He probably wants to pursue me but the reminder of my mother is making him restrict himself.

"Ayaw mo ba kay Iscaleon?" tanong ko nang diretso kay Mama.

Umiling siya. "Mabait siyang bata. Siguro dala lang din ng galit ko at ng. . .naranasan ko noon kaya ko siya tinaboy. Ngayon ko napagtantuan na mali ako, Cel. Hindi ko dapat kayo pinangunahan. Hindi ko alam paano babawi sa inyo."

"Hindi naman kailangan," naiilang kong sabi sa kan'ya. "Hindi rin naman mababago ang isip ko tungkol doon."

Dahil kahit naman pinigilan ni Mama si Iscaleon, naniniwala ako na kung mahal n'ya talaga ako. . .gumawa pa rin siya ng paraan. He could try to change the mind of my mother. He could still approach me. There were ways for him to prove himself but he didn't. Nagsawa na lang talaga ako na palaging ako na lang ang gumagalaw.

I don't take this against him. Alam ko na filial siyang tao at dumagdag pa ang sitwasyon ni Tita Istelle kaya naman mas sensitive siya sa usapang pamilya. I just wanted him to at least fight for me even for a minute. Sumagi man lang ba sa isip n'ya na kung niyaya n'ya akong magtanan ay papayag agad ako? Gosh, daig pa kami nung pinsan kong sa school pa nakipag-meet up para lumayas eh.

"Mag-sorry ka na lang kay Iscaleon kapag nakita mo siya. I doubt it, kasi wala naman kaming plano na maging kami ulit," saad ko kay Mama.

"Sorry. . ."

"Iba naman na ako yata? Hindi na ako tulad noon na isang 'sorry' lang ay baka bumukaka na ako," prangkang dagdag ko. "Kaya huwag ka kabahan. Baka hindi na ako magka-pamilya."

"Anak lalo lang ako nag-guilty," she wailed as she heard those words from me.

"Ay hala, sorry!" Napapitlag ako nang wala sa oras saka umiling. "Hindi gano'n ang intensyon ko. Ayoko lang talaga isipin mo na kasalanan mo ang mga iyon. Kapag di ako nagkapamilya, it's because of me. Kung di kami magkabalikan ni Iscaleon, it's also because of me. Okay na ba yun?"

Walang gana siyang tumango. At least, we're both cleared on that part. I didn't want to blame her for something that wasn't her fault. She spearheaded the reason why Iscaleon was avoiding me but it ultimately boils down to what can Iscaleon do for me—in the end, he didn't even move an inch to reach out. Mahal n'ya ako pero wala siyang ginawa.

*****

I hated being single. Sabi naman nila ay choice raw natin ang maging single—pero hindi naman natin choice ang maging mag-isa minsan. The feeling of being alone creates the notion that we need someone.

Yet the truth was all you needed was yourself.

Ngayon ko lang napagtantuan na tama nga yung ibang mga ina-a-accuse ko na bitter na mas masaya nga kung single ka. Of course, there are benefits if you have someone but the idea that you can enjoy life with your own presence only? It's the fucking best. You didn't need anyone's validation but your own.

The transition of having this mindset scared me. Lalo na alam ng mga taong nasa paligid ko kung gaano ko gustong magkaroon ng jowa. Alam ko rin sa sarili ko na nagungulila ako noon sa isang tao. Kaya natakot ako na baka tawagin akong hypocrite ng mga taong nakakakilala sa akin noon.

Pero noon nila ako kilala. . .hindi naman nila nakita yung mga bagong pangyayari sa akin ngayon. They weren't there to see how my previous experiences shaped me to rely only on myself.

No one can call me a hypocrite for changing an opinion when time has already passed by. It's called growing and having the chance to experience what used to scare me before.

It was New Year's Eve and I stayed at home. Niyayaya ako nila Ryker pero tumanggi na ako. I wanted to stay with Mama because she prepared food on the table. Hindi na rin siya nag-overtime o pumasok sa trabaho kahit double pay pa iyon.

Napaupo muna ako sa sala habang hinihintay ang mga paputok sa labas. It's almost 12AM as well, ilang minuto na lang ang hinihintay ko para sa bagong taon.

I was wearing a red cardigan and white shirt underneath it. Puting pantalon ang pangibaba ko naman. Nagpa-ikli rin ako ng buhok at ngayon ay hanggang balikat na lang ito. I feel good about myself. It will be another year for me.

I was scrolling on my phone to at least kill time before the fireworks started to color the black canvas of the sky. Tumambay lang ako sa labas at sa mga myday ng mga kaibigan ko.

I saw Iscaleon reposted a story of Audrey where they were together. Pareho silang nasa frame at apat na shota iyon. It seemed like it was Christmas themed so I'm assuming they celebrated the day together. Napangiti naman ako. At least. . .one of what I wished for came true, right?

As the year ended, the fireworks started to burst in the sky. Napatingala naman ako at napabuntonghininga. I am happy even when I'm alone, that's all it matters.

My phone vibrated and I assumed it might just be a greeting from a friend or a distant family member.

From: Iscaleon
[email protected]

Subject: If Only You Knew

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top