Chapter 32
*****
Chapter 32
I was numb all over and the only emotion that I could squeeze out of myself was melancholy for someone who didn't come to my graduation. Dapat sanay na ako eh. Hindi naman ito ang unang beses na may di dumalo sa graduation ko. There was even a time that I had no one during my graduation because my mother had an errand to run and my father. . .he never showed up to any of my events. Kaya bakit labis ang sakit na ginuhit nito sa puso ko?
My heart clenched as I sobbed when Ryker sprinted towards me. He had a bouquet of flowers on his other hand. Nagaalala siyang lumapit sa akin.
"May nangyari ba? Bakit ka umiiyak?" tanong n'ya agad nang makalapit sa akin. He was in a casual polo and black slacks. Baka nandito siya para sa girlfriend n'ya o para kay Audrey.
Humihikbi akong umiling. "Can you contact I-Iscaleon for me?"
"I'll try," sabi ni Ryker saka kinuha ang phone n'ya. He started to check his contact list by scrolling and immediately dialed Cal's number. Ilang ring ang nangyari pero walang sumasagot.
"B-baka may nangyaring masama kay Cal," pagaalala ko para kay Iscaleon. I shouldn't let myself be consumed by my wants. Kung may nangyari kay Iscaleon, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pipilitin ko siyang pumunta ngayon!
"Kuya?" someone emerged on our side. Si Audrey Adeva na may nakasabit pang medal sa kan'yang leeg. Magna Cum Laude. Beauty and brain talaga siya.
"Auds, congrats," Ryker handed the bouquet to Audrey. Agad naman itong tinanggap ni Audrey at ngumiti sa kapatid n'ya.
"Thank you, Kuya," Audrey said before glancing at me. "Celest, are you okay?"
"Oo," nahihiya kong sagot. Gosh, I didn't want Iscaleon to look bad because he couldn't come to my graduation!
"Si Cal ba nag-re-reply sa 'yo?" Ryker asked Audrey abruptly. Nakakunot ang noo.
Nagaalala akong tumingin kay Audrey. She took her phone out of her pouch and immediately nodded which. . .hurt my heart. Nag-reply siya kay Audrey? Pero sa akin. . .hindi?
"He congratulated me. Kanina pa ito eh, I think 8AM? Just after the program starts," siniwalat ni Audrey habang inosente pa ring nakatitig sa aming dalawa ni Ryker. "May nangyari ba kay Cal?"
The timing doubled my pain. I texted him that time as well. He could at least. . .acknowledged me. Sabihin na lang n'ya kung di siya dadalo. Patuloy ang pag-agos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Oh my god! Celest, bakit ka umiiyak?" Audrey went to me. Nagmamadali siya kumuha ng wet wipes sa kan'yang pouch upang ibigay sa akin. "Is something wrong?"
Umiling ako at pinahid ang mga luha. "I'm okay."
"Celest. . ."
"Please. . .just. . .tell me that Iscaleon is doing fine," I sobbed because, tangina hanggang kailan ako maghihintay sa kan'ya? Bakit ba wala siyang sinasabi? May nangyari ba? Ano ba? Naaksidente ba siya? Tangina? Saang hospital?!
Nanatiling tahimik ang mga nakapaligid sa akin hanggang sa kailangan na umuwi nina Ryker at Audrey dahil may party pa raw para sa kan'ya.
Unti-unting nawala ang tumpok ng mga tao. Para bang nasa isa akong palabas na paunti nang paunti ang mga dumadaang tao habang nagsisipagligpitan na sila ng mga gamit. I was just sitting near a Narra Tree, waiting for him until the sun set down.
"Anak, tara na," Mama coaxed me as she pulled me to get up from my seat. "Uwi na tayo."
"Baka d-dumating si Cal. . ." hikbi ko habang nakaupo pa rin. "Hintayin ko lang siya, ma. . ."
"Anak, anong oras na eh. . ."
"Ma, kawawa naman si Cal kung wala siyang aabutan dito."
"Celest," nagulat ako nang pumiyok si Mama. "Kahit ngayon lang, ako naman ang pakinggan mo. Tama na, anak. Uwi na tayo. Di na yun dadating."
Umiling-iling ako. Dadating siya. Alam ko kasi kilala ko si Cal. Pero kilala ko nga ba talaga siya? O sadyang nagpadala ako sa mga matatamis n'yang salita at mga aksyon n'yang may laman pero wala naman palang meaning? My heart was tightly squeezed as I shut my eyes closed just for my tears to roll down my cheeks.
"Tama na, Celest," iyak ni Mama at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Huwag kang gagaya sa akin. Nakapagtapos ka na oh? Mas malayo na yung narating mo sa akin. Huwag ka masisira dahil sa isang lalaki lang. Wala akong hiniling sa 'yo magmula no'ng bata ka kasi alam ko naman na ako ang dahilan bakit ka nandito sa mundo. Responsibilidad kita. Pero ito lang, ibigay mo na sa akin ito, huwag kang magmamahalan nang sobra. Habang kaya mo pa. . .ikaw na ang umiwas."
Pinahid ko ang mga luha ko habang unti-unting tumango. Lumabas na kami ni Mama ng school. Habang naglalakad patungo sa sakayan ay may bumusina sa amin. Napalingon ako rito. . .at namatay na nang tuluyan ang sindi ng pagasa na darating pa si Cal nang makitang hindi Ford Ranger ang sasakyan na gamit ng bumusina sa amin.
"Hi," Ryker said as he got out of his car. Batid sa mukha namin ni Mama ang pinaghalong pagtataka at gulat. Bakit pa siya nandito?
"Hatid ko na kayo. Mahirap na mag-commute kasi gabi na. Tita, ikaw na lang po i-passenger princess ko, okay lang?"
Natawa naman si Mama. "Kahit si Celest na lang. Mas kailangan n'ya yata ng kausap."
Tumango lang ako at mahinang nagpasalamat kay Ryker. Hindi ko siya hinintay pagbuksan ako dahil si Cal ang naaalala ko sa gawain na gano'n. I sat on the front seat and heaved a breath. May kinuha si Ryker mula sa likod at inabot sa akin. It was a bouquet of flowers as well. . .roses, huh?
"Congrats, Celest," he said as he gave me the flowers. "You made us proud." He then burst out laughing. Malamang dahil halos di naman talaga kami naguusap; paano siya magiging proud sa akin?
"Close ba tayo?" pagsusungit ko sa kan'ya. "Pero thank you."
"Alam mo kay Tita ko na lang yan ibibigay para may instant step dad ka na," panga-alaska sa akin ni Ryker kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Gago ka," I hissed. Ipukpok ko itong bulaklak sa kan'ya. Mahiya naman siya sa nanay ko, gagawin pang MILF eh.
"Kain muna tayo sa Aristocrat's?" sabi ni Ryker. "O may preference ka?"
"Busog pa ako," I said. Pero biglang kumalam ang tyan ni Mama kaya naman napalingon kami sa kan'ya. Gosh, di rin pala kumain si Mama habang nandoon kami. Nahihiyang napayuko si Mama. Pero mas nahihiya ako sa kan'ya dahil tiniis n'ya ang gutom n'ya para lang samahan ako.
"Okay, kami na lang ni Tita," Ryker said, then half-grinned at me. "Mag-date kami ng mama mo."
"Tarantado," I glared at him. "Fine. Sasama na ako."
Hindi ko alam bakit ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kan'ya. Ryker was just too. . .comfortable to be around with. Hindi n'ya masyado tinanong kung bakit ako umiiyak kanina o in-open up ang tungkol kay Cal. We talked about random stuff as we were on the road. Kahit paano ay napangiti n'ya ako.
We ate at Aristocrat's and had a small celebration. Panay ang tingin ko sa phone ko dahil baka. . .may text o chat man lang mula kay Cal. I was willing to compromise and accept anything that will come from him. Maiintindihan ko siya kasi mahal ko siya.
Ngayon ko lang naintindihan na mana nga talaga ako kay Mama. Pareho kaming tanga sa pag-ibig. Pareho kaming masyadong mataas ang tiwala sa taong minahal namin. At pareho rin kaming binagsak mula sa langit ng mga taong pinagkatiwalaan naming mahalin.
Nahihiya man pero nagpasalamat ako kay Ryker dahil kahit paano hindi naging sobrang sama ng gabi ko dahil sa kan'ya. He just shrugged off his shoulders and took one last glance at me before going on the road.
Sa sobrang pagod ko ay nagpalit lang ako ng damit at nagtanggal ng make-up bago bumagsak sa aking kama. I immediately went to sleep thinking that tomorrow will be better; maybe Cal is already here to console me like how he used to do before.
I started to think that everything wasn't real between us. Kasi paano n'ya akong nagawang iwan na para bang hindi kami nagsama ng ilang buwan? Napuno ako ng duda sa sarili ko dahil doon.
I wanted to reach out to him. . .but I got scared. Baka hindi na n'ya ako pansinin. Nanubig muli ang mga mata ko habang bumibigat ang pakiramdam sa dibdib.
Iscaleon. . .I miss you.
"Hindi ka ba talaga magkukwento?" tanong sa akin ni Micah.
Nasa kwarto ko siya ngayon. Inaalagaan ako dahil inaapoy ako ng lagnat. Ilang araw na kasi akong walang pahinga at matinong kain. Hindi naman ako maasikaso ni Mama dahil may trabaho pa siya. I moved on the other side of the bed. Hindi ko pinansin si Micah.
"Parang tanga lang, Celest," Micah sighed. "Ano bang nangyayari sa 'yo?"
"H-hindi ko rin alam. . ."
"Cel. . ."
"Kapag kaya nalaman ni Cal ngayon na may l-lagnat ako. . .papansinin na n'ya ako?" My voice cracked. Muling tumulo ang mga luha sa mismong unan. "Sabihin m-mo sa kan'ya, Micah. Pupunta yun dito. May p-pakialam yun sa akin eh."
"Tumigil ka na nga."
"Kailangan ko b-ba siya tawagan? I-text? I-chat?" sunod-sunod kong litanya. Nanunubig na mula ang mga mata. "Sabihin n-naman n'ya para magawa ko na. Miss na miss ko na siya."
Umiling si Micah. "Kailangan mo na siyang pakalawan. Tapos na kayo, Cel. Tigil ka na d'yan. Tumahan ka na."
"Paano?" I sobbed, my chest fluctuating. "Paano kami natapos? Ni hindi pa nga kami nagsimula. . ."
Micah gently squeezed my shoulder. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakatagilid sa kama. Hindi na alintana na mukha akong tanga sa pag-iyak ko sa isang taong walang pakialam sa akin. I could have given him everything if he only said anything to me.
"He has everything that I want," siwalat ko kay Micah. "Lahat ng standard ko, pasok siya doon eh. Matalino, gwapo, mabait. . ."
"Hindi ba kasama sa standards mo na mahal ka rin, Celest?" Micah asked which made me wail more. She gently rubbed her hand on my shoulder, para patahanin ako.
"Ano na gagawin k-ko?"
"Pakawalan mo na."
"Wala n-naman siyang sinabi sa akin."
"Kailangan pa bang may sabihin siyang masakit para tumigil ka na? Don't you think he's being generous enough for giving you space to heal? Okay na yan, Celest. Tanga ka na sa unang beses, huwag mo na ulitin."
"Mahal ko siya, Micah. . ." I muttered as I felt my whole body's getting warmer. "Mahal na mahal ko siya."
"Pero hindi mo dapat makalimutan kung sino ka dahil lang sa mahal mo siya." She stroked my cheeks. "You're Celest Haeia, ilang years ka naging single kaya alam kong kaya mong wala siya."
"Mahal ko siya, Micah."
She sighed. "Kaya ingat na ingat kami sa 'yo eh. Kasi alam naman grabe ka magmahal at magpatawad. Huwag na huwag mo na siyang kakausapin ulit. You didn't deserve that. Celest, kung yung pag-ibig na mayroon kayo ay inuubos ka, di siya worth it. Tandaan mo yan. Love doesn't have to hurt to be real."
Suminghot ako.
I refused to believe that Cal forgot about me. . .pero araw, linggo, hanggang buwan na ang lumipas pero wala akong narinig mula sa kan'ya. Kaya ang pagaalala at pagmamahal ko sa kan'ya ay unti-uting napalitan ng pagkamuhi at galit.
I defended him to my friends. . .I wanted to think that I was wrong. . .pero bumabagabag din sa akin yung thought na deserve ko ba yung ginawa n'ya? Yung pag-iwan n'ya sa akin sa ere? Tinaas n'ya ako upang ibagsak nang walang pasabi.
It was my coping mechanism. I couldn't love him so. . .I had to hate him.
Pinalitan ko lahat ng alaala naming dalawa. I made sure that if ever we crossed paths again, I wouldn't be the same Celest that fell for him at first sight. Hinding-hindi ko na siya papansinin. Wala siyang reaksyon na makikita sa akin.
Iscaleon Jaiven Altreano was my first boyfriend. . .and he was my first heartbreak as well. I promised myself since that day; hinding-hindi na ako mauuto ng pagmamahal na 'yan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top