Chapter 29


*****
Messenger
ALTREANO FAMILY

Cayden:
👧🏻 mommy mommy mommy
Hala sorry ang kulit ni iscabella
Kunin ko lang siya sandali 👨‍👧
🤣2

Iscalade:
Seryoso yan???

Istelle:
Cutie 🫶🏻

Iscaleon:
Dad paano kung ako yung
gagawa ng iscabella?
😮3

Cayden:
huy
PILI KA NEW NAME
wag naman yung sa kapatid mo
malilito siya kung sakali 🥸

Iscaleon:
Just kidding! Haha!

Iscalade:
Philo galaw galaw 😭😭😭
Napagiiwanan na ako
Kiss nga lang parang kailangan
ko pang mangumpisal bago
makamit 🥲🥲🥲

Iscaleon:
Wag ka na.
Bata ka pa.

Iscalade:
Sabi nga nila, start it young. 😎

Cayden:
Bakit ba ganito mga anak ko ang mga pangarap ay maging mga batang ama 🥸

*****

Chapter 29

I could feel his arm completely draped over me. Ramdam ko ang bigat at init ng katawan ni Iscaleon sa akin. Lalo akong nagsumiksik sa tabi n'ya, patuloy na nilalanghap ang amoy ng boyfriend ko.

"You up yet?" he asked, his voice turning more mellow as his hands slid down to my stomach. His touch were both electrifying but also warm.

"Yes. . ." Tumango ako. The sun's rays casted down my face, making me wince as I once again tried to get closer to Iscaleon. Agad naman n'ya akong nilayo mula sa pagdaan ng init ng araw sa aking mukha.

"I love you," he kissed me on my shoulder blade. "So much."

"Hmm. . ."

"Don't I get a response?" malamyos n'yang untag habang humihigpit ang hawak sa akin.

Bahagya akong natawa. "I love you more, Cal."

These are the moments that I forget that once I graduate; he's not mine anymore. The way his warmth would stay on me even if it's the first day of December would always remind me of his onyx eyes, soft hair, gentle smile, and how his words can freeze this moment for a lifetime. I would remember it as if it was preserved for me.

I took a shower and used his shower gel. Ang bango-bango talaga ni Cal. I was humming as I scrubbed off my body. Ilang beses akong natigilan dahil paulit-ulit kong naiisip kung tatanungin ko ba kung magkano yung shower gel n'ya. It glides smoothly on my skin. Kinuha ko ang tuwalya upang takpan ang katawan ko. I went near the faucet so I could plug the blower on. Nagulat lang ako nang pumasok si Cal.

"S-sorry!" He immediately closed the door. Nangunot ang noo ko sa inakto n'ya. Tumigil ako sa pagpapatuyo ng buhok ko, nabitin sa ere ang kamay ko.

"Really, Cal?" I smirked at him. "You're being shy now?"

Minadali ko na ang pagaayos dahil kakain pa kaming dalawa. From what I remember, Cal will cook buttered chicken today. Ako naman ang bahala sa paggawa ng drinks; I will just slice some lemons and put it on some iced cold water.

Pumunta na ako sa kusina at nakita si Cal na busy sa pagluluto. I hugged him from behind, inhaling his scent and making sure that I would feel his warmth. He staggered a bit before looking at me with a warm smile. Inayos n'ya ang buhok ko na medyo mainit pa mula sa pagbo-blow dry ko ng buhok. I smiled sweetly at him.

"You used my shower gel?" mahinang tanong n'ya at bahagyang napalunok.

Tumango ako.

"I can buy your brand next time," he suggested as he stirred the chicken on the pan. He got a spoon and dipped it on the sauce, he lifted the spoon and fed me.

"Okay lang?" he asked.

Tumango ako. "Kasing sarap mo."

"Celest," he warned, yet he was blushing. Natawa naman ako.

Agad akong napailing. "I like your scent better. No need to buy me some shampoo or shower gel. I like being Cal's girl."

Sumilay ang ngiti sa labi n'ya. His hand cupped my face as he landed a small peck on my lips. Pumikit ako upang mas madama ito. I love him so much—it would hurt me beyond affliction if this ends now.

*****

"Fan ka ba ng Anagapesism?" tanong ni Cal habang nasa biyahe kami. We were driving to their house. Nagyaya kasi si Philomena na may ipapadeliver siya sana. Iscaleon couldn't say no so he asked if I wanted to be with him and since I didn't have anything else to do, I obliged.

"Oh yes!" I gushed over, napabaling ng tingin sa kan'ya. "Are you?"

"P'wede na. . ."

Nangunot ang noo ko sa sagot n'ya. Ang random naman kasi na biglaan siyang magtatanong tapos di pala n'ya kilala ang Anagapesism hindi na? It also bothered me that he was a fan. Although the songs of Anag are for everyone, most of their fans are girls. Kaya nga rumihistro agad ang gulat ko nang itanong n'ya yun.

Umayos ako nang pagkakaupo. "Why did you ask?"

"Sino bias mo?"

Oh. Nagseselos ba siya? A tinge of jealousy was heard from his tone. Bahagya akong natawa. Sino nga ulit ang pinakamalandi sa Anagapesism? Si Enoch? Maybe he would stalk him a bit and well try to adapt to him.

"Si Enoch," kaswal kong sagot. Okay lang, it's not like he is personally friends with them. Hindi ba? I mean. . .hindi naman siguro gano'n kalaki ang network nitong si Iscaleon lalo na't mahiyain pa siya?

Oh boy, I was so wrong.

Pagkadating pa lang namin ay nagduda na agad ako nang may isang convertible ang nakaparada sa garahe. It was too fancy for the Altreanos. Mas mahilig sila sa kotse na palaging may lalagyanan sa likura base lang sa obserbasyon ko. Kaya naman kunot na kunot ang aking noo nang makita yun.

"Kile's here," sumilip si Iscalade sa amin. Hindi ko alam bakit natigilan ako mula sa paglalakad patungo sa pintuan nila.

What?

If only I knew that Iscaleon, despite his inner shyness, has a lot of friends from different circles. Ngayon ko na lang din naalala na kaibigan n'ya si Eastre Zaguirre na pinsan ni Enoch Zaguirre na kabanda ni Kile Conjuanco. Kaya naman ngayon ay sobrang tahimik ko sa inuupuan ko habang pinapanood sina Philomena.

"The matcha cookies are for Kuya Enoch's girlfriend po?" tanong ni Philomena.

"Yup?" Pumalatak si Kile. "Pinapakuha lang."

I used to adore him so much. Kaya ngayon na prente siyang nakaupo sa harap ko ay hindi ko magawang tingnan siya. He was just there, sitting like a casual person. Ni hindi n'ya tinataas ang tingin n'ya mula sa cellphone n'ya. I swallowed hard because if he was beautiful on stage, mas kakaiba pala yung mukha n'ya kapag kaharap mo na. He's literally a person made of dreams. Sobrang di makatotohanan ang pagiging gwapo eh.

I looked at his phone and saw a photocard of a girl. . .pero hindi ko kilala. . .pamilyar pero hindi ko mamukhaan. It just feels deja vu but I couldn't figure it out. My eyes turned to slits as I tried my best to look it through. Kilala ko eh. . .hindi ko lang mabanggit pangalan dahil nasa dulo ng dila ko.

Umangat ang tingin sa akin ni Kile. He shot up a brow upon seeing my gaze at him. Nagsusungit ba siya?! Napayuko agad ako nang magtama ang tingin namin.

I don't like him anymore! But god, grabe talaga ang presensya ng isang ito! I know that among Anagapesism, he's the most intimidating one but being able to experience it first hand was a shake on my shoulders!

"Sino ka?" he asked me.

"Ah. . ." I stuttered. Putangina!

"Ate Cel? Okay ka lang d'yan? Tinatakot ka ba ni Kile?" pangaasar ni Iscalade habang tumutulong kay Philomena.

"N-no. . ."

"Bakit ka nauutal?" tanong ni Iscalade. "Fan ka ba ng Anagapesism?"

"You are?" Kile asked once again. At sa pangalawang beses ay hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kan'ya.

Mabilis akong tumango sa kan'ya. Beads of sweat formed in my forehead despite the aircon being on. Ramdam ko ang bahagyang paggalaw ni Kile mula sa kinauupuan n'ya. Hindi ko na talaga alam kung paano siya haharapin. Nahihiya ako kasi may mga sinabi ako noon na hindi ko naman na pagkatao ngayon.

Paano pa kaya si kilenation kung ako nga na hindi naman sobrang die hard fan ni Kile ay nanginginig na ngayon?

"Salamat pala sa pag-share ng account ni Philomena sa social media mo. It caused a stir among your fans because you reactivate your account for it," ani Iscalade na umupo sa tabi ni Kile.

Oh right. . .hindi ko alam kung kailan dahil di naman na ako masyadong naglalagi sa mga accounts ko pero ang huling balita ko ay nag-deactivate si Kile ng mga account n'ya. Maybe for his peace of mind or maybe he's just like me when I feel like my social media is not helping me cope with my pain.

Ewan ko kung ako lang ba yung nag-de-deactivate ng mga account kapag may problema tapos wala akong makausap. It just feels like my social media presence is not helping; nakikita ko ang mga kaibigan ko na online pero walang nagtatanong kung okay lang ba ako o kaya pakiramdam ko walang may pakialam na hindi ako okay. It sucks to feel that way.

It seems petty for most but it's how I feel. I couldn't let myself succumb to the idea that no one cares for me because the truth is far from what my mind tells me. Alam ko naman na may mga taong may pakialam sa akin pero may mga buhay rin silang inaayos.

"I didn't do it for Philomena," banayad na sabi ni Kile. "I was reactivating my account for someone else."

"Bakit?"

"Wala ka na roon," pagsusungit ni Kile. Lalong napukaw ang curiosity ko dahil doon.

"If it's your public accounts, then probably for a fan?" hula ni Iscalade.

"Tsk," Kile snarled before fumbling on his phone. "Ewan ko. Bakit ba kasi may mga taong manggugulo ng buhay tapos biglang aalis."

"Tama," Iscaleon appeared behind me. May hawak siyang tray na may cookies kaya mukhang galing siya sa kusina. "Bakit may mga taong manggugulo ng buhay tapos biglang di namamansin."

Oh.

I felt guilty because I've been to paralyzed on my spot that I wasn't able to notice Iscaleon that much. Ang alam ko lang ay tumutulong siya kay Philomena mag-bake.

"Tulong na ako sa 'yo? Mag-bake?"

Ngumiti sa akin si Iscaleon. "I bake some cookies for you."

"Para sa akin yan?"

"Kakasabi ko lang 'di ba?" pagsusungit ni Iscaleon kaya naman natunugan ko agad na mukhang matinding panunuyo ang gagawin ko mamaya. Isang hubad ko lang ito, pawi na agad.

Cal lifted a cookie and fed me in front of Kile. This public display of affection caught me offguard.

"Di ba masarap?" Cal asked me.

Tumango ako. "Y-yes."

Bahagyang ngumuso ang labi n'ya at napatingin sa cookies na ginawa n'ya. It was as if he was waiting for me to say something.

"Di na ba kasingsarap ko?" he asked in a low voice. Nanglaki ang mga mata ko at muntik na iluwa yung cookie. Oh god, bakit ganito na si Cal ngayon!?

Napatikhim ako nang wala sa oras dahil kitang-kita ko ang dismayang gumuguhit sa labi ni Cal. Anong isasagot ko d'yan?

"Ayaw ko na nga," pagtatampo ni Cal saka bumalik sa kusina.

"Anong nangyari sa kan'ya?" Sumilip si Iscalade sa kuya n'yang nagdadabog papuntang kitchen. Hindi naman talaga padabog ang akbang dahil nga mahinhin si Cal pero halata na mabigat ang bawat kalabog ng paa.

I swallowed the bile stuck on my throat as I pretended not to know. Sana talaga madaan sa paglalambing yun mamaya.

*****

"Uwi ka na?" Iscalade asked Kile who was starting the engine of his convertible car.

Kile shot up an eyebrow. "Hindi? Ibabangga ko lang 'tong sasakyan ko sa garahe n'yo."

Iscalade pouted his lips. "Ingat."

Natawa naman ako habang nasa labas na rin dahil paalis na rin kami ni Cal. Hindi kasi sa bahay nila matutulog si Cal kung hindi sa condo na lang n'ya. Kaya naman ihahatid na rin n'ya ako pauwi dahil kung di ako uuwi at didiretso sa condo ulit n'ya ay baka ipag-empake na ako ni Mama ng mga damit ko.

Bahagyang tumingin sa akin si Kile. I noticed his lips moving. Pero hindi ko masyado marinig yung sinasabi n'ya. But if I will read-lip it, he was muttering 'Thank you' to me. Kaya naman ilang beses pa akong napakurap. It's nice that he shows appreciation for those who appreciate him. Hindi ko inakala dahil sa dami naming tagahanga n'ya, sanay na siguro siya sa ganito. It shows his humility, huh?

Pinanood namin si Kile na pinaharurot ang kan'yang sasakyan palabas. He bid goodbye to us before moving farther away from Cal's house. Gosh, ngayon ko lang napagtantuan na hindi ko man lang kinausap si Kile! Unlike in my imagination, I thought I could create a conversation between the both of us. Pero para akong pinutulan ng dila dahil sa presensya n'ya.

Napasinghap ako. Kamusta na kaya si Cal ngayon? Kanina ay ubod ng tahimik ang isang yun. Kinakabahan nga ako dahil baka hindi madaan sa lambing ang pagtatampo n'ya kanina. Hindi ko naman na talaga crush o kung ano si Kile, bilang fan lang ay may tendency talaga siguro akong manahimik nang makita siya ng personal.

I went inside the house to check on Cal. Namataan ko siyang nakahilig sa kanilang hagdanan. I've notice the newly installed chandelier just above the stairs, pa-ikot ang style ng chandelier kaya naman maganda tingnan. Marunong talaga si Tita Istelle sa pag-disenyo ng bahay nila.

"Hi. . ." I cheekily greeted, knowing fully well that he was jealous because of Kile; o baka batak lang talaga ako mag-assume.

Ngumuso siya. He was holding something. . .it's a paper or some sort. Inabot n'ya sa akin ito kaya naman bahagyang napaatras ako at bumilog ang bibig. I looked at it more closely and my eyes widened a fraction.

An autograph of Kile? The familiar handwriting caught me off guard. Hindi ko magawang mabasa yung nakasulat dahil mas focus ako sa itsura ni Iscaleon na namumula na naman at umaabot sa leeg ang pangangamatis.

"Sana sinabi mo agad na siya yung idol mo," he said. "Okay lang naman."

"Hindi ko naman na siya idol. . ."

Ngumuso siyang muli. "Ang tahimik mo dahil nandoon siya. Gano'n ako dati kapag may crush ako."

"Aba, nagkakaroon ka ng crush dati?" I shot up a brow. "Sino ha?"

"Bakit parang napunta sa akin ang topic? Eh ikaw nga itong may Kile," pagtatampo n'yang muli. I laughed at him heartily, almost snorting.

"Wala akong pagnanasa kay Kile! Sa 'yo lang, gabi-gabi kitang pinagnanasaan!" proud na proud kong sinabi.

Cal suppressed a smile. "Really?"

"Oo nga." I smiled at him. "Pero p'wedeng akin pa rin yung autograph? Hehe."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top