Chapter 2


to coco,

Messenger
ALTREANO FAMILY

Iscalade:
Hi kuya pogi ☺️😊😍🥰😘

Cayden:
Baket

Iscalade:
lah, kuya ba kita

Cayden:
lah, sabi mo pogi

Iscalade:
DAD 🙂🙂🙂

Cayden:
ANAK 🙂🙂🙂

Iscaleon:
What?

Iscalade:
P'wede pa-deliver ulit 🥹

Iscaleon:
Panglima na yan, this week, ah?

Iscalade:
Para naman kay Philo eh.

Iscaleon:
Fine.
Send mo na lang
sa akin address and name.

Iscalade:
The best ka talaga 😁

*****
Chapter 2

We had a deal. Palagi akong mag-o-order ng cookies sa kan'ya at palaging si Iscaleon ang magd-drop off nito sa akin. Philomena hesitated at first as she viewed this as taking advantage of someone. Ang sabi ko naman ay nakakatulong siya sa isang tuyot na bulaklak na tulad ko kung papayag siya sa arrangements namin.

I added Philomena Gracia on Facebook. Kita ko roon ang sinasabi n'yang boyfriend n'ya. Her boyfriend had a boyish grin on his face while hugging her from the back. Gwapo ito pero mukhang maloko. Couple photo ang cover ni Philo habang ang profile picture naman n'ya ay drawing lang ng isang daisy. She really has her own aesthetics, huh? Sa bio n'ya ang tanging nakalagay ay 'contact me on @/philogracia and @/madewithphilo for inquiries.' siguro ay kahit dito nakakatanggap siya ng mga orders para sa pastries n'ya.

Only a few minutes had passed when she accepted my request. Agad naman siyang nag-message sa akin, to my surprise. Napaupo ako sa sofa bigla, I crossed my legs by putting one thigh onto another.

Philomena:
Hi po ☺️
Iscaleon Altreano po FB name ni Kuya Cal. Try n'yo po siyang i-add.

Celest:
Hala nakakahiya!
Penge link 😁

Philomena:
https://www.facebook.com/leon.jaiven

I clicked the link. Dali-dali itong nalipat sa isang profile na pamilyar sa akin. My mouth watered as soon as I was able to find his profile. His hair looked like it was soft, sarap sabunutan. His eyes were ridiculously attractive, pakialam ko kung malabo 'yan! And his lips were just too kissable. I licked my own lips.


Kailan ba ulit p'wede mag-order!?

Saka anong 'for school purposes'?! Hindi ba p'wedeng gamitin 'yang account na 'yan para sa landian namin? I was about to add him when I realized that he might not accept me. Sino ba naman ako para i-accept n'ya tapos nakalagay pa sa mismong bio n'ya na para sa school lang ang account na yun.

Tangina, ngayon ko lang pinangarap maging eskwelahan! Tuturuan ko siya magmahal!

Philomena Gracia:
Magbigay din po pala ako ng discount kasi mukhang ilang beses ka po o-order sa akin 😄

Celest Ybanez:
Ang supportive?! Thank you, ganda <3

Agad kong in-off ang phone ko dahil medyo nahihilo na ako from the radiation of the phone. Kanina ko pa yata tinititigan ang add button sa profile ni Iscaleon. Hindi naman yun kusang ma-a-add kung idadaan ko lang sa tingin.

I decided to do the first move. Ako naman talaga ang mangungulit eh. Pumunta muna ako sa kusina upang kumuha ng pitcher ng water at magsalin sa isang baso. Habang nandoon ako ay s-in-end ko na ang message ko para kay Iscaleon. I added him first before clicking the message button just beside the add button. Pagkalabas pa lang nito ay agad na akong nagtipa ng mensahe para sa kan'ya.

Celest Ybanez:
Hi.
Teacher mo ito, pa-accept ako.
Thank you.

I was smiling from ear to ear. Napainom pa ako ng tubig bago bumalik sa living room para umupo ulit. I saw the remote of the TV and decided to put Netflix on, nanood muna ako ng TV series habang naghihintay ng reply n'ya. It took a few more hours before I slumped against the soft cushion of my seat. Walang reply pa sa akin. Pakiramdam ko ay naka-long press zone ako kay Iscaleon.

"Celest, kakain na," Mom called for me. Nasa kusina siya at naghahanda na ng hapagkainan. I looked at her as I was pulled from the abyss of having no shame. Napanguso na lang ako. Kaninang lunch ko pa siya sinubukan i-chat pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang reply mula sa kan'ya.

I was disappointed, my shoulders lowered as I looked for another reason to chat with him; none appeared in my mind. Para bang sinasabi sa akin na dapat na akong magising na wala itong patutunguhan. Just like the others, it was meant for me to realize that I was hard to be like. . .what more to be love?

"Ayaw mo ba sa kare-kare?" Mom asked upon seeing the distress all over my face.

I slowly rose from my seat, I proceeded to walk towards her and hugged her body tightly. Agad naman n'ya itong sinuklian. I heaved a breath against her skin. Nakaramdam naman agad siya dahil yumakap siya kaagad sa akin. Her warmth trascends through our skinship contact. Iba talaga ang yakap ng isang ina.

"Nagsisisi ka bang ako ang naging anak mo? Parang di ka yata makakaranas maka-attend ng kasal eh," pabirong saad ko ngunit alam ko naman sa sarili ko na hindi na ito biro.

I hate that I couldn't even make her meet a suitor. Alam ko naman na partly may kasalanan din ang mga magulang ko kung bakit ako walang jowa. Ever since I was young, it was imprinted in my brain that I wasn't allowed to have someone as my lover at a tender age. Lahat ng mga kaibigan ko noon ay may mga MU (mutual understanding) o di kaya ay may jowa. Tiniis ko na huwag pansinin ang mga lalaki noon kasi bata pa raw ako.

Ayoko matulad kay Mommy. Ayoko maaga ma-inlove at masaktan. Pero sa sobrang pag-iwas ko naman doon, mukhang tatanda akong dalaga. The realization hit me like a house being wrecked a thousand times over. Paulit-ulit. Nakakarindi. It got drilled inside my brain already.

What's wrong with being single anyway? Hindi ko talaga alam bakit parang may hinahabol akong oras; I hate how it affects me sometimes. Minsan pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa pa na magkaroon ng lovelife. Almost all of my friends had at least a fling, ako kahit MU ay minsan pinagkakait pa.

"Are you okay? Stress ka ba sa school?" Humarap sa akin si Mommy. She took a careful look at my face.

"Hindi n-naman," I answered her truthfully.

"Okay lang naman sa akin na di ka topnotcher sa board exams ng mga CPA," she said in a hush tone. "Huwag ka ma-pressure. Kung gusto mo nga, mag-shift ka pa."

"4th year na ako, ma." I managed to say despite being in her embrace. "Pero wala pa akong boyfriend."

"Hay, oo nga. Mukhang dadalawin na lang kita sa kumbento."

"Grabe ka naman."

Natawa kami pareho. It was just a joke but I feel like she's disappointed as well. Siguro ay sa sobrang gusto kong huwag matulad sa kan'ya; pakiramdam n'ya ay sinira n'ya ang future ko. When in fact, it was all me. Ako naman ang may gusto na mag-abstinence noon eh. Ako ang umiwas sa mga landian o kung ano pa man.

When the feeling finally settled in. I ate kare-kare even if my stomach felt full. Tahimik kaming dalawa ni Mommy habang kumakain. Bawat subo ay halos tatlong minuto nginunguya. I can even feel my jaw hurting because we were both trying our best not to get up first. Sa huli ay siya na ang unang umalis dahil nag-volunteer akong maglinis ng pinagkainan at maghugas ng pinggan.

Nagtali muna ako ng buhok bago maghugas. I scrubbed them so hard that I could feel my fingers being pruney; sa sobrang babad siguro sa tubig. Pinatalsik ko muna ang nanatirang tubig sa lababo bago umakyat ng kwarto upang mag-half bath at magpalit na ng pangtulog.

I looked at my phone one last time, isang mata ko lang ang nakadilat dahil siguro sa nararamdamang kaba na baka wala pa ring reply. To my fake surprise; wala pa rin talaga. Maybe I was too forward or maybe a little bit of a papansin. Hindi natakas ang disappointment sa loob ko.

Isang message lang mula kay Philomena ang na-receive ko.

Philomena Gracia:
Ate Celest, baka po wala akong deliver for tomorrow :(

Celest:
Hala, ano ka ba? Okay lang.
May nangyari ba?

Philomena Gracia:
Hehe, may date po kasi kami ni Iscalade.

Celest:
Ah ah, sana all. Haha!

Kinginams, nang-inggit pa itong si Philomena, siya na ang nasa healthy relationship. Binato ko sa kama ko yung phone ko. I went to my closet to get some clothes to prepare for my half-bath. Tingnan mo, heater na lang talaga ng shower ang nagpapainit ng gabi ko eh. My lips contorted into a scowl.

My phone vibrated in the sheets. Sinilip ko ito at dali-daling kinuha upang tingnan kung sino ulit ang nag-message. Magh-half bath na sana ako nang maka-receive ako ng mensahe mula sa taong hinihintay ko mula kanina pa.

Iscaleon Altreano:
Hi! Sorry for the late reply, ngayon ko lang kasi nahawakan phone ko. Galing ako from graduating council.

Ah, Celest Haeia?

Teacher ka po pala. . .saan kita professor?

Fresh graduate ka po ba; as far as I'm concerned, wala akong new subject or may pinalitan ka po bang professor?

My jaw slackened as I pressed a hand on my mouth. Masyado naman itong seryoso! Never ba itong nilandi? O binanatan?! My mind wandered off to answers that I could possibly tell him. A knowing smile slowly formed to my lips as I prepared to reply to his message. Wala kang takas sa akin ngayon.

Celest Ybanez:
Sex education. Mag-enroll ka ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top