Chapter 19
to loreveriesse,
*****
iMessage
Tita Renna
Tita Renna:
Cal! Sorry for the late notice.
Thank you for being with Warren!
Cal:
Okay lang po.
Hanap n'ya po kayo.
Baka need n'yo po siguro
mag-family date with Warren
next time.
Tita Renna:
Ay.
No need na siguro.
Bata pa naman yan.
He won't remember
this one anyway.
And also I'm working for him.
He should know now that
I'm also doing it for him. Para alam
nya na kailangan magwork para sa toys, food and education nya. Nothing is free in this world.
Cal:
I beg to differ, Tita.
His toys, food, and education are part of your obligations. It is also your obligation to make time for him.
Opo, pumapayag po ako na
saluhin palagi yung mga lakad n'yo with Warren. Pero huwag n'yo po sana hayaan na ako na yung hahanapin nya at hindi na kayo.
Anak n'yo ito, Tita Renna. Hindi naman ito galing sa akin.
Tita Renna:
Don't worry. If ayaw mo na bantayan pamangkin mo, I'll hire yayas and nannies na lang.
Dami mong sinasabi.
Cal:
Tita, you don't get my point po.
Tita Renna:
I thought you were different, Cal.
Para ka talagang si Istelle.
Feelings > rationality.
Kaya sinusuka yang nanay mo sa pamilya namin. She's too weak-willed. Swerte lang nya type siya ng isang altreano. Ganda lang puhunan eh. Walang utak.
I work for my son so ibig bang sabihin nun I can't have my own time? Eh ano naman ngayon kung nagpa-spa ako and all? I'm still human. Nanay lang ako pero i should have my own time rin.
Cal:
Akala ko po ba may meeting? Kailan pa po meeting yung spa? Anyway, that's not the point po, Tita.
Tita Renna, with all due respect po, the mere fact that even if your family ignored my mother all throughout her life and I'm still having the decency to talk to you—it should be a sign that my mother raised me well and by well I meant well-loved.
Sure po ba kayo na paglaki ni Warren; gano'n din ang tingin n'ya sa inyo? Did you raise him well-loved, Tita Renna?
Because I'm sure that my mother might be weak-willed by your standards but she is someone I'm proud to call my mother.
Eh kayo po?
*****
Chapter 19
Malikot si Warren dahil siguro bata pa siya, he was currently eight years according to Iscaleon himself. Kanina lang ay nasa mga bike at kotse-kotse-han siya tapos biglang napunta siya sa fire truck. Ang bilis n'ya kaya naman naiintindihan ko kung bakit parang ang gulo na ng mundo ni Iscaleon; malabo ba naman mga mata eh. Mahihilo talaga siya sa bata.
"Anak siya nino?"
"Kapatid ni mom, yung bunso sa pamilya nila. Pinsan ko talaga si Warren pero ang laki kasi ng agwat ng edad namin kaya pamangkin na ang turing ko," he answered as he roamed his eyes to spot Warren. Ngayon naman ay nasa malapit sa slide siya. Ang bilis eh, parang kiti-kiti.
"Oh, close kayo?"
"No," he replied abruptly. "Si Warren lang dahilan bakit kinakausap ko pa yun eh. Paglaki siguro ng pamangkin ko baka di ko na yun kausapin si Tita Renna, ang labo kausap eh lalong lumalabo mata ko sa kan'ya."
"Bakit lumalabo paningin mo sa kan'ya?" I asked.
"Nandidilim kasi," he shrugged, which made me laugh. Ang gago naman nito mag-joke.
"Bakit kasi pumapayag ka na ikaw magbantay? Dapat hayaan mo siya eh, anak n'ya yan," I pointed out. Kung ako ginaganyan ng nanay ng pinsan ko? Baka dinala ko na sa Baguio yung anak n'ya at doon kami nag-hide and seek. Loko ka pala eh.
"Warren shouldn't be liable for his parents' behavior. Mabait na bata yan; buti nga di nagmana sa kanila eh. I'm just worried that he'll grow up knowing his parents makes him feel that they don't prioritized him," aniya.
"Totoo naman, di naman kasi talaga natatapos sa obligasyon na damitan, pakainin, pag-aralin ang mga anak eh. Hindi kasi yun naiisip ng ibang mga gustong mag-anak. May emotional needs din yung mga bata," sabi ko naman.
"Right," tumango si Cal habang ang mga tingin ay nasa may slide kung nasaan si Warren. "Parang di sila mga naging bata rin."
"Maybe because they were raised that way."
"Then why would they pass it to their children? Kung di naman naging okay sa kanila yung gano'ng klaseng pagpapalaki?" Iscaleon sighed, I could see that the aircon is affecting his eyeglasses, it was having some fog on it.
"You're lucky that you grew up with parents who ended their generational trauma to themselves and didn't let you experience it," sabi ko sa kan'ya. Tita Istelle and Tito Cayden looked like they were fun parents; sana nga totoo yung gut feeling ko na mabuti silang magulang.
Si Mama naman ay mabuting ina eh, pero mabuting magulang? Hindi ko sigurado. Hindi ko alam. Natatapos ba sa obligasyon ang pagiging mabuting magulang? Dahil hindi ko alam kung hanggang saan lang ang pagiging mabuti n'ya.
Iscaleon barely nodded. "I'm grateful for my parents. Ang hirap ng ginawa nila. They made sure that all the pain of their past generations wouldn't affect us."
"Sana gan'yan din si mama," I laughed it off. "Kasi alam mo ba? Nakikita ko yung sarili ko kay Warren. Priority ng magulang yung mga pisikal na kailangan, pero yung emosyonal? Di ko nga alam kung ano yung huling usap namin ni Mama na tungkol sa mga ganap namin sa buhay eh."
"Celest. . ."
"Nasanay na lang ako, lumaki na lang ako, at tinanggap ko na lang na buti nga hindi n'ya nakakalimutan yung obligasyon n'ya sa aking bilang ina," I swallowed the huge bile on my throat. Tangina? Bakit ba ang lamig?
"I'm sorry."
"Huwag," natawa ako, pinipigilan ang maiyak kasi bakit ako iiyak sa isang public place? Ang dami pang bata rito! "Wala kang dapat ipag-sorry dahil sawang-sawa na ako marinig yan sa mama ko."
She always says sorry. No'ng di siya um-attend ng graduation ko, nag-sorry naman siya kaya napilitan akong intindihin. No'ng seventh birthday ko mismo, wala siya dahil tatlo yung trabaho n'ya no'n kaya dapat maging thankful ako dahil kumpleto sa lobo, sa gown, at sa clown ang birthday ko—pero wala siya. No'ng first time ko magkaroon ng recognition, sobrang saya ko no'n kasi finally! Makakaakyat na si Mama ng stage, isang bagay na di n'ya nagawa dahil sa nanganak siya sa akin—pero kahit mismo sa sarili kong recognition ay di siya naka-attend dahil may trabaho siya.
Pinigilan ko ang mga luha sa aking mga mata. I hate how this tightened my chest, making breathing hard for me. Nagulat ako dahil naramdaman ko ang mainit na palad ni Iscaleon sa likod.
He started rubbing circles around my back. "It's okay. Ihahatid ko lang mamaya si Warren. Tapos usap tayo, okay?"
"Huwag na."
"No," he whispered through my ears. "We should talk about it. Hindi dapat natin pinagsasawalang bahala yan."
"Iiyak ako."
"Edi iiyak ka sa akin, I'll be with you."
"P'wede umiyak sa biceps mo?"
"Celest?"
"Tanong lang eh," I laughed then slowly a smile creeped in my face. "I really like you, Iscaleon."
Agad siyang yumuko upang itago ang pamumula ng kan'yang mga pisngi.
"Bati na ba tayo?" he asked in a low tone voice. Cute talaga ng pagiging soft spoken n'ya.
"Sure, pero next time yung thirst trap mo dapat sa akin mo lang i-se-send, alright?"
Ngumuso siya. "I can say that to you as well."
Ngumisi ako. "Kahit nudes pa i-send ko sa 'yo eh."
"Celest!" Namumulang umiling siya. I laughed because I can't see myself sending nudes as well. Hindi ako sobrang confident sa katawan ko.
And for some reason, we talked our way out. Kumain kami ng pizza after maglaro ni Warren kahit may pagkain din naman mula sa party na yun. It was because I told Iscaleon that I like to have some pizzas. Nang pauwi na ako siniko ko si Iscaleon.
"Daya mo," I pouted upon realizing.
"Why?"
"Paano tayo nagkaanak, di man lang kita sinubo!?"
"Celest!" Iscaleon blurted out, his whole face slowly materializing redness as if he was a tomato. He can't even look at me! Hiyang-hiya siya!
Tawang-tawa naman ako, mabuti na lang na malayo sa amin si Warren dahil ayoko naman i-explain sa kan'ya yung mga sinabi ko. Daya eh, may anak kami, di ko naman naramdaman yung process kung paano kami nagka-anak!
*****
I failed my final examination.
Okay, ang OA ng fail. Pero pakiramdam ko ay failure na agad ako dahil sa lahat ng mga kaklase ko, ako yung pinakamababa. Ako lang yata yung di naka-tsambang pumasa nang mataas ang score kahit walang review.
It's not like I was expecting to be on top. I know my capabilities on this subject and although it could be said that this was an easy one compared to the other accounting subjects I had; it wasn't easy for me because most of the questions were random and weren't discussed thoroughly. Ganito naman talaga sa college, kaya di na ako nag-expect.
Lumabas ako ng classroom na bagsak ang mga balikat at di alam kung sino ang kakausapin. Alam ko naman na grades lang ito, mababawi pa. Pero may parte lang sa akin na kung kaya naman ng iba na pumasa nang walang review, bakit di ko nagawa? Rinig na rinig ko pa na matataas mga marka nila.
Cal:
Goodluck on
your exam week!
Celest:
bagsak nga eh hahaha
Cal:
Oh.
Do you want to talk
about it or not?
Celest:
You want some coffee?
Cal:
Sure.
Celest:
Sa condo mo?
Cal:
Basta coffee lang.
Celest:
tarantado toh!!!
mukha bang nasa mood ako
for loving-loving! nauulol nga
ako kasi ang baba ko eh
Cal:
Just a heads up. 🤓
Ngumuso naman ako. Inabangan ko na lang ang sasakyan n'ya sa may gate. Ilang minuto lang naman ang tinagal bago siya makarating. Agad naman itong bumalandra sa harapan ko. I walked towards the passenger seat and hopped in. Nagulat pa si Iscaleon sa akin.
"Tara na sa condo mo?"
It was only a 30 minute drive. Sumakay kami ng lift matapos dumaan sa may lobby. Di na ako nagtaka nang ma-realize na nakatira siya sa isa sa mga mamahalin na condo sa Metro Manila. I mean. . .he's an Altreano; although mukha siyang simple lang dahil sa pamilya n'ya, may apilyedo pa rin siyang tinitingala ng iba.
"Are you okay?" bungad n'ya sa akin habang nagtatanggap kami ng sapatos.
This was the first time someone asked me if I was okay just because I looked like I wasn't and also because I opened up for some reason.
Nangilid bigla ang mga luha ko. Tangina. Di ko na kaya pigilan. Naramdaman ko ang bahagyang pagyakap sa akin ni Iscaleon.
"You've been keeping it all to yourself," bulong n'ya sa akin. "It's okay to let it go now. I'm here, nakikinig na ako sa 'yo."
"I didn't cry because I failed. . ." anas ko sa kan'ya. "Umiiyak ako dahil ngayon ko lang na-realize na hanggang ganito na lang ba ako? I'm no one special. I don't have anything that my mother can be proud of. Hindi matalino. Sakto lang ang itsura. Hindi mabait. Ewan ko ba; naiiyak ako kasi sayang yung buhay n'ya eh. Nawalan siya ng kinabukasan para magkaroon ng ako."
Ni hindi ko man lang na-appreciate ang pagiging malinis, organized, at mabango ng condo unit ni Iscaleon. Nauna na agad ang mga emosyon ko na kanina ko pa pinipigilan sa loob ng classroom.
Tears slowly spiked my eyes. "I'm afraid that I ruined my mother's future by just existing."
"Celest. . ."
"Ang dali na lang no'ng test, nakayanan nga ng mga kaklase ko sagutan kahit walang review. So, bakit di ko nagawa?"
"Cel."
"Nasa accountancy ako kasi akala ko. . .alam mo yun? I might not like someone who gives a fuck but I wanted my mom to be proud of me," hagulhol ko kay Iscaleon. "Gusto ko lang sana patunayan na h-hindi ko sinira yung kinabukasan n'ya kahit sa sarili ko na lang p-pero di ko nga kaya i-convince yung sarili ko—yung iba pa kaya? I'm a fucking failure in everything."
Gets ko naman na examination lang yun. Mababawi pa naman. Pero hindi naman ito yung unang beses. I had my highs as well but never too high. Pero ang dami kong failures; hindi ko na alam kung paano pa nagiging balanse iyon para sa akin. Pakiramdam ko magmula nang nasa college na ako, hindi na ako naging magaling.
Iscaleon went to my side and slowly embraced me. We were both still standing in the middle of his living room. His warmth transcends through our skinship. Hinayaan n'ya akong magpahinga sa balikat n'ya, I nestled in his neck as I cried my heart out. I was disappointed in myself and this was the first time that someone saw me being this vulnerable. Kahit ang mga kaibigan ko ay di ito alam dahil ayokong may nakakakita na mahina ako.
"Dito lang ako, Cel," he whispered as he kisses my hair. I slowly closed my eyes as I bathed in his scent. "Proud na proud ako sa 'yo kahit anong mangyari. Thank you for existing, love. You can cry. Nandito lang ako."
So this is how it feels. . .to have your own person. He was proud of me even when I failed. He comforted me even when it was sudden. He is here with me even when I'm sad. He is my person.
Napapikit ako nang mariin habang ang mga luha ay nagpapahinga sa balikat ni Iscaleon.
Please, my Iscaleon. . .I want you to be my person forever. . .let me have more moments with you. . .but if this all ends in the month of where I'll wear my toga for my final academic year. . .know that you'll always be my favorite person.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top