Chapter 13


to those who availed HYA today,

thank you so much! ang bilis na-sold out ng libro. di ko in-e-expect yun. sobrang thank you po!

paalala lang na traditional at for mass print siya so makikita pa rin sa bookstores at magiging available online (kung saan baka may discounts/vouchers); huwag magmadali bumili :) unahin palagi ang sarili at gastos responsibly.

TW: sexual harassment

Messenger
ALTREANO FAMILY

Cayden:
Di umuwi si Iscaleon 😭😭😭

kakaproud!!!!

Lolo na ako huhu

Istelle Altreano:

OHHHHH

What happened 😟

Bakit Lolo ka na?

EDI LOLA NA AKO

Tama ba 👵🏻👵🏻👵🏻

Iscalade:
wala pa nga!!!

sa bagal ni Kuya, mauunahan ko pa yan eh

Cayden:
Aaaah bff for two years????

Iscalade:
aaaaaah di first love????

Cayden:
Sang sperm ka ba galing
bakit ang sama ng ugali mo 🥸🥸
RAAAH

Istelle Altreano:
That's okay! Wala naman sa first love o first anything ang ending ng isang bagay. Your firsts are definitely not your last, most of the time anyway.

I love you, Cayden 🥰

Cayden:
OHHH
KITA MO YUN
May ganyan ka Iscalade????

WALAAA kasi tulog pa yung bff mo

I'm well loved talaga ☺️ (what if iscabella making later)

Iscalade:
GUSTO KO NA
TALAGA MAGLEAVE 🗣️🗣️🗣️

*****

Chapter 13

"Dito ka na upo."

"Tabi ka na lang sa amin, Cal."

"Cal, ihaw tayo mamaya."

"P'wede bang isa-isa lang kasi isa lang naman si Cal eh," nayayamot kong sabi sa mga kamag-anak ko. Magmula nang magising si Cal ay pinagaagawan na nila ito. Ayaw nilang tantanan eh.

Cal was still drowsy, kakagaling lang n'ya sa Hot Springs na hotel. Sabi ko nga sa kan'ya na tabi na lang kami pero ayaw. Akala naman n'ya gagapangin ko siya! Nag-book pa tuloy siya ng room sa malapit na hotel.

Nag-two days kasi biglaan 'tong mga ito kahit alam naman nilang may pasok kami sa Monday, goodluck talaga sa katawan ko dahil mukhang bibigay na sa pagod!

"Bumili ka ng pamalit?" tanong ko sa kan'ya. Nakita ko kasi na may mga dala siyang damit bukod sa isang plastic ng grocery na binigay n'ya kina Mama, pangdagdag siguro sa pagkain namin mamaya.

"Yeah," tumango siya habang kumakain. "Maliligo ba tayo mamaya?"

"Oo sana," I said, then smiled evilly. "Bakit? Shy ka? Ayaw mo?"

"Okay lang naman. . ." he meekly said, then focused on his food again. Ang cute n'ya talaga, nakakaiyak!

"Cal? Gusto mo?" Inabot ni Zyra yung inihaw na bangus kay Iscaleon.

"Thank you," tinanggap naman ni Cal.

"Cal, baka gusto mo?" Si Walter naman ngayon yung may inabot na hotdog kay Cal.

"Thank you," kuha ulit ni Cal. Umakyat na sa noo ko ang isa kong kilay.

"Cal, tikman mo ito," Alexander raised the plate of pork chops and went towards Cal.

Tumikhim na ako saka inagaw yung plato mula sa kan'ya. "Tama na yan, di na nga makaalis sa upuan si Cal kanina pa kayo abot nang abot ng mga pagkain."

Another mental note I took from Iscaleon is he doesn't know how to say no. Marunong naman siyang magsabi ng opinion n'ya pero hirap siyang tumanggi pagdating sa alok o mga pabor.

"Saan kayo nagkakilala?" tanong ni Alexander nang makaupo sa tabi ko.

"Secret, no clue," sagot ko sa kan'ya. Gagawan ba nila kaming biography at bakit kailangan invested sila sa love story naming dalawa?

"I'm just curious! Hindi kasi talaga madalas ligawan itong si Cel," halakhak ni Alexander.

"Akala nga namin magiging matandang dalaga na siya eh," dugtong ni Alanie. "Never yan may pinakilala sa amin."

"Ikaw pa lang," sabi ni Walter. "Baka nga tropa lang kayo tapos nagpapanggap ka lang na boyfriend n'ya eh."

Nasamid naman ako sa iniinom kong pineapple juice. "Di ako gano'n."

Tumingin sa akin si Iscaleon. I looked back at him. I saw the slight movement of his hand that went towards my hand, unti-unti n'ya itong hinawakan. He gently squeezed my hand as if to assure me he got this.

"We met in school," Iscaleon said. "She is the prettiest girl I've met there. Malabo lang mata ko pero di naman ako bulag para di makita yun."

My heart pounded against my chest. How can he be so expressive like this? Naninibago ako. Was he always like this?

"Sigurado ka? Dami pang iba d'yan," tawa ni Walter. "Baka pinikot ka lang nitong si Cel."

Muntikan ko na siyang ma-fuck you sa mukha. Pinigilan ko lang dahil ayaw ko naman makita ni Cal. Isipin pa n'yang ang balahura kong babae.

Bigla nga akong tinubuan ng hiya dahil yung jowa ng kapatid ni Cal, sobrang bait at sobrang hinhin! Parang ako lang eh. Magka-vibes talaga kami ni Philomena.

"I was the one who approached her," Iscaleon replied. "And I didn't want to approach anyone else."

Nanatiling nakatikom ang mga bibig ng mga kamag-anak ko. They were probably taken aback because Iscaleon isn't mollycoddling them unlike before. Maybe they thought that if they trash talked me in front of him, he would only agree with them.

"Ang seryoso mo naman!" basag ni Alanie sa katamihikan. "Let's swim na lang, guys?"

Tumayo si Alanie saka sumunod naman yung boyfriend n'yang si Daniel na kanina pa tahimik. Honestly, if only they shower him with attention the way they're bombarding Iscaleon, I would totally appreciate it.

"May damit pamalit ka, Iscaleon?" tanong ni Alexander. "May extra kaming shirt."

Tumango si Cal. "Yes, meron ako, thanks for the offer though."

"Palit lang ako," paalam ko kay Cal. He looked at me like a kid who didn't want to be left behind.

Ngumisi ako. "Oh bakit? Gusto mo ba sumama?"

His cheeks reddened and he abruptly shook his head. Unti-unti na naman siyang yumuko para itago ang nahihiyang ekspresyon. Natawa lang ako sa kan'ya.

We went to the shower room. Naririnig ko ang hagikgikan ni Zyra, Fiona, at Alanie. They were talking about who swims better among the boys. Nanatili naman akong tahimik habang naga-ayos ng mga damit na tuyo.

The water from the faucet was dripping to the floor. Binuksan ni Alanie yung tubig upang makapag-shower na. She was wearing a rashguard whereas the other two girls were wearing two piece bikinis.

"Have you seen him naked, Cel?" tanong ni Alanie sa akin.

"Sino?"

"Si Cal? Maganda katawan n'ya?"

"I. . .don't know," napalunok ako bigla. Oo nga pala, malamang maghuhubad yun kasi mags-swimming! Umakyat ang init at pamumula sa buong mukha ko.

"Feeling ko, oo eh," Alanie said. "Kita mo ba biceps n'ya? It was toned!"

"Di ko pa siya nahuhubaran," I managed to say. Natawa naman silang tatlo. Doon ko lang na-realize yung lumabas sa bibig ko. Aba may balak ka pang hubaran yung tao, Cel!?

"Oh? So your relationship is probably new?"

Di ko na yun sinagot. One word from my mouth and I think I'll be caught immediately. Pagkalabas namin ng shower area ay nakita kong naliligo na ang mga pinsan ko maliban ay Iscaleon na nagbababad lang ng paa.

Naka t-shirt siyang puti. Hindi man lang nag-rashguard o kung ano. Wala yatang balak maligo. Too much for having a good body and toned biceps, I guess? Ano nga ba aasahan ko sa mahiyain na si Iscaleon? Not that I mind.

Hinayaan ko na lang siya sa gilid habang nakipaglaro ako sa mga pinsan ko. We play various games until we got tired. Hindi lang kami makaahon dahil mas malamig kapag nasa labas ka ng mismong pool. Occasionally, niyayaya ko siya pero umiiling si Iscaleon. Kahit yung ibang mga kasama namin ay niyayaya rin siyang sumali sa pool games. Kaya naman di ko na rin pinilit. I just let him do his own thing which was watching me from afar, akala mo lifeguard eh.

I was busy minding my own business when someone bumped into me. Malapit sa dibdib ko kaya naman agad ko itong nilingon. He was taller than me so I had to look up.

"Sorry!" Si Daniel na jowa ni Alanie yung nakabangga sa akin.

"Ah, no, it's fine," I politely said. Umiwas na lang ako dahil hindi okay sa pakiramdam yung mabangga malapit sa dibdib. Sensitive pa naman yung area.

Habang papalayo ako ay lumalapit naman yung langoy sa akin ni Daniel. Naiilang na ako sa sobrang lapit n'ya. Whenever I swim to the other side, he would swim just right next to me. Tinitingnan ko nga kung malapit ba sa amin si Alanie pero malayo naman kaya naiirita ako na lapit siya nang lapit.

Nanginginig na ako sa irita pero di ko magawang sigawan. I decided to ignore him and went far away from his area. Pero sunod nang sunod yung hayop, di makaramdam!

I was pissed off when he wouldn't take a hint and kept on moving towards me. Hinarap ko siya para pagsabihan ngunit natigilan ako nang makita kung nasaan yung kamay n'ya. It almost touched my breast. Halos panawan ako ng kulay sa mukha dahil kung di lang ako lumayo nang kaunti ay baka nahawakan na n'ya yung dibdib ko.

"Tangina, ano ba!" sigaw ko sa kan'ya. It caught the attention of my relatives, particularly Alanie who was with Fiona and Zyra.

Nanginginig ako sa galit! Naiiyak dahil di ko alam kung paano ko gagawan ng paraan na makalayo sa kan'ya.

"Ano nangyayari d'yan?" Lumangoy papalapit sina Alanie. Alexander and Walter were also alarmed with how I reacted.

"Sorry, bumabangga kasi ako sa kan'ya," Daniel shrugged off as if he didn't almost touch my private part!

"Dan! Dito ka na nga," Alanie said. "Alam mo namang sensitive si Celest eh."

Wow, what the hell!?

"Anong sensitive ako?!" naiiyak kong sigaw.

"Bakit di ka na lang kasi lumayo? O pumunta sa ibang area? Kailangan pa bang sigawan si Dan?" Alanie retorted then caressed her boyfriend's back. "Tara na nga, hayaan mo na yan si Celest."

"Cel, huwag ka naman sumigaw."

"Nakakahiya, makamura ka naman ng ibang tao," Walter shook his head. "Dahil lang sa space, Celest?"

"Huwag ka naman bastos, Celest," Alexander said. "Bisita natin yan eh."

My eyes sting because of how I was trying my best not to cry. Ako yung kamag-anak nila, ako yung muntik na mahipuan, ako yung dapat mas kinakampihan nila, kaya bakit parang kasalanan ko kung bakit manyak yung boyfriend ni Alanie?

Ang bigat ng pakiramdam ko kaya umahon ako mula sa paglangoy. Nilingon ko si Iscaleon pero wala na siya sa pwesto n'ya. Right, wala pa rin pala akong kakampi.

Pumunta ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Nakita ko sina Mama at ang mga kamag-anak ko na naguusap. Nandito na rin pala yung asawa ng mga Tito at Tita ko. I wanted to tell them what happened but I couldn't. Not when my own cousins wouldn't back me up. Mas naniniwala pa sila sa kwento ng boyfriend ng isa naming pinsan.

Now tell me if blood is indeed thicker than water?

"Ano pala balak ni Celest pagkagraduate? Sa kanilang magpipinsan, parang siya lang yung walang plano," sabi ni Tita Agnes.

"Akala ko nga wala rin plano sa pamilya eh. Pero mukhang okay naman sila ni Iscaleon," paggatong ni Tito Fred.

"Hayaan n'yo na si Celest," sabi ni Mama habang kumakain ng natirang pulutan. "Wala naman akong inaasahan sa kan'ya. Okay na ako kung saan siya masaya."

"Naku? Kaya lumalaking walang direksyon sa buhay si Celest eh," ani Tita Agnes. "Magulat ka lalaki yan na asa lang sa 'yo."

I swallowed the bile on my throat. Hindi ko alam kung paano aalis doon nang hindi umiiyak. Tama naman sila eh. Kumpara sa mga pinsan ko, I was not good enough. I was never enough.

Kaya nga siguro, kung wala lang yung kontrata namin ni Iscaleon, hanggang ngayon ay walang nangliligaw sa akin o wala akong boyfriend.

I was just never good enough.

Bumalik na ako sa pool, walang pumapansin sa akin dahil siguro sa nangyari. I didn't mind it anymore. Honestly, gets ko naman kung bakit parang ako yung pinaka-di nila close. I just want to stay here for a while because it's also late. Halos 7PM na nga kung tutuusin dahil lumubog na yung araw.

I was minding my own melancholy when Daniel was moving towards me again. Patago lang at halos di halata kung di nakatitig kan'ya yung mga kasama namin. My whole body stiffened and I was about to move when a hard thing cornered me. Napalingon ako at nakitang si Iscaleon na basa na ang buong t-shirt dahil nakalubog na rin sa pool.

"P're, p'wede bang distansya naman sa girlfriend ko? Kanina ka pa eh," naaasar na sabi ni Iscaleon at hinawakan ako sa bandang baywang. My body froze upon receiving his warmth, ironically.

"Salbabida ka ba ng girlfriend ko kaya di mo siya magawang layuan?" banas na saad ni Iscaleon. His eyes were turning to slits, wala siyang suot na salamin kaya lalo siyang nagmukhang masungit.

"Sorry, p're," Daniel said. "Liit kasi ng pool eh."

"Kasing liit ng utak mo?" pabalang na sabi ni Cal kaya naman nangunot ang noo ni Daniel. Partida yung boses ni Cal ay kalmado lang at hindi tumataas.

"Inaano ka ba?" Tumaas ang boses ni Daniel.

"Ikaw," Cal managed to pull me calmly away from Daniel. "Bakit ka ba lapit nang lapit sa girlfriend ko? Di ka ba makaintindi? Maliit ba talaga ng utak mo?"

"Maliit nga yung pool!"

"Gagawan kita ng sariling pool, layuan mo lang girlfriend ko," naiiritang saad ni Cal. "Gawan pa kita ng sketch ngayon din."

Gago.

Ang pogi naman magsungit nito!

"Cal, tama na," awat ko kay Cal dahil sa totoo lang parang lumalabas lang sa tainga ni Daniel yung saway namin sa kan'ya.

"Tayo na lang umahon," I said. Hindi makaimik yung mga pinsan ko dahil siguro si Cal na yung nagsalita. Two mouths probably made them realize that what I've said earlier is partly true, di man nila aminin na buong katotohanan yun.

Nanatiling matalim yung tingin ni Cal kay Daniel. He helped me get up from the pool. Kumuha rin siya agad ng towel upang lagyan ang bandang balikat ko. I looked at him and said thank you. Bumalik na kami sa isang malapit na cottage-like na lugar kung saan p'wede magpahinga.

"Sorry, nabasa ka pa tuloy," I said then looked at his white shirt that got soaked—hala puta may abs!?! Parang gago!?

Nanglalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kan'ya. Agad akong lumipat ng tingin sa mukha n'yang malungkot at mukhang nagsisisi. Paano nagka-abs yung tuta?!

"Sorry, if I didn't go to you immediately. Tinago ko kasi yung salamin ko," he apologized then caressed my hair. "I should have been there from the start. Are you okay?"

"Hala," I blinked numerous times. "Ha? Bakit?"

"Did he touch you? Hindi ko kasi makita dahil malayo ka sa akin n'on," he asked. Ha? Teka, okay. Focus. Sandali kasi!

"Uhm," suminghap ako saka naisip ko kung saan ako titingin dahil naiilang ako sa katawan n'ya. "Ilan yan?"

"Yung?" Cal widened his eyes at me.

"Uhm, sorry, wala, wala," I said. Naiiyak na ako sa sobrang hiya pero grabe naman yung plot twist ni Cal? Nerd pero mukhang mahilig din mag-gym!? O baka nahawa sa kapatid ito!

"You okay? Really ba?" He was worrying over me. Lalong naningkit ang mga singkit na mata.

"Thank you for looking over me," I managed to say. Stop thinking about abs, Cel! Parang ewan! Abs, abs, abs mong nakakasilaw! Nasa ilalim naman ng t-shirt, paano ka masisilaw!?

"Syempre," Cal sneezed cutely then shook his head to remove some water from his hair. "Boyfriend mo ako. I shouldn't let anyone make you feel uncomfortable."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top