If Only

If only I had him explain his side. If only I wasn't over thinking. If only everything had its undo button, I would search every corner of the world to find it.

Pero wala. Walang undo button. Walang redo ang buhay.

Naiwan ako sa puntod ni Gary. Ilang oras ng natapos ang kaniyang libing pero nandito pa rin ako. Yakap-yakap ang bulaklak na plano niyang ibagay sa araw ng anniversary namin.

Ngayon.

This isn't how it should be.

"Ashley."

Napaangat ako ng tingin kay Kian at agad kong napansin ang nakatuping papel na nakalahad sa'kin.

"Sa kaniya galing?" usal ko habang pinipilit na hindi pumiyok ang boses. "May mga bagay pa bang dapat kong malaman, Kian?"

Umiling-iling siya. "It's the list he made while we're still in the dorm." Tinapik niya ang balikat ko at agad na ring umalis.

Binuksan ko ang sulat at bumungad agad sa akin ang sulat kamay ni Gary.

~~~~
Things to do in summer with Ashley.
- Picnic date on the lake
- Rode a bicycle near the lake
- Catch fish in the nearby lake
- Watch sunset near the lake
~~~~

All his plans involve the lake. Dahil ang lawa ang naging dahilan kung bakit naging kami. Pero ngayon ayoko na sa lawa. Kinuha nito si Gary sa'kin.

Kung sana naniwala ako sa kaniya hindi sana siya maglalasing at magmamaneho ng sasakyan dahilan para mahulog siya sa lawa.

Alam kong ang babae ang unang humalik sa kaniya. Pero sa inis ko siya ang napagbuntunan ko ng galit.

Ngayon, wala na siya. Hindi ko na mababawi ang nasabi kong masasakit na salita. It pains me with regret how everything in us ended with hatred. He died thinking I hate him. He died not knowing I was dumb with my actions and I actually love him. I regret everything.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top