Ako tutor mo?
Maririnig mo ang ingay ng mga kaklase ko sa loob ng room, kami kasi ang Worst Class ng Academy! Hindi na nga kami nakikinig sa kanila, nagagawa pa naming magingay at manggulo!
Nasa Classroom namin ang mga low graders, troublemakers, tamad, at madami pa. Talagang pinagsama-sama kami ng head ng school na 'to sa iisang room. Wala atang isip 'yun eh! Ano sa tingin mo ang mangyayari kung pagsasamahin mo ang magugulo sa iisang room?
Syempre edi, disaster! Kaya nga ang malas ko at sila pa ang naging kaklase ko this last year. Isn't it hell? HAHA! A big hell year for me. Mabait naman ako, mataas-taas naman ang grade pero bakit ako napasama sa kanila! Huhuhu!
Pagpasok ko sa loob ng room, agad akong yumuko. Alam ko na kasi ang mangyayari pagpasok ko. Edi babatuhin ako! Ganun ang nangyari sakin sa unang pagpasok ko dito. Binato ako ng papel tapos paglingon ko binato nanaman ako!
Kaya halos gumagapang na ako para lang makaupo! Mas hell pa nga nung ako ginawang President ng klase namin! Takot na takot kasi ang teacher namin, sino ba namang hindi matatakot sa mga ito? Akala mo mga siga!
Kaya malas na lang kung may ililipat na estudyante dito or transfer man. Kasi dito ang bagsak nila, ito na kasi ang Last Class. By the way, hindi naman Worst Class ang name ng room namin ah?
Actually it's Lilac Class, yan ang name ng room namin. Yung iba naman mga, Iris, Wildflower Lily, Orchid, Sunflower and more. Change topic naman tayo, boring na 'yan eh, back to reality na lang.
"G-goodmorning Lilacs." yan ang tawag nila samin, Lilacs. Walang pakialam ang lahat, syempre mabait ako kaya ako lang ang nagsalita.
"Goodmorning Ma'am!" agad akong pinaupo at mabilis siyang nagdiscuss kahit na walang paki ang mga kaklase ko. Nakafocus lang ako sa harap at hindi pinapansin ang magugulo kong kaklase.
"Miss Andisce, ikaw na lang ang magsabi about sa homework niyo, I'm leaving." as usual.. maaga talagang magleave ang teachers namin, obvious naman kung makikita mo ang buong classroom.
Sinong teacher ang makakatiis sa gulo namin? I mean sila lang pala, hindi ako kasali jan!
"Koi! Ano homework natin? Pwede pakopya na lang ako, hehe!" kahit na magulo ang klase na 'to, meron padin naman akong kaibigan! Hindi ako loner ah! Wala lang boyfriend huhu.
"Nahiya ka pa talaga sakin ah? Diba kahit na di ka magpaalam eh, kinukuha mo na notebook ko para lang mangopya? Feel free, Ani!" sinabayan ko pa ito ng irap.
"Easy ka lang chong! Mabuti pa nga at nagpaalam ako sayo, ikaw pa tong galit!" sabay kuha ng notebook.
Wow ha! Siya pa ang may ganang magalit! Masasapok ko tong si Ani eh! Walang kwentang friend ko yan dito. Hindi ko nga malaman ang tinatakbo ng isip niya kasi nga wala talaga siya sa pagiisip, wala pang pagiisip. HAHAH shh lang!
"May balita nga pala ako sayo! May lilipat na idol satin! Poging nilalang tapos ililipat satin!" natawa ako sa sinabi niya.
"Bakit ka tumatawa, hoy? Nasisiraan ka na ba ng ulo?"
"HAHAH? Ako pa ang pagsasabihin mo niyan? Asa ka na malilipat un dito, idol nga tapos dito pa sa class natin?"
"Oo nga noh, pero balita ko napilitan lang siya lumipat gawa ng lolo niya! Isa nga siyang idol, hindi naman nagaaral ng mabuti! Bagsak pa mga grades niya! Kaya itinigil muna ung career niya at magfocus muna sa pag-aaral.
Babalik siya sa pagiging idol pag-graduate!"
"First, bakit mo sinasabi to sakin? Alam mo naman na walang ako paki sa mga ganyan! Sabihin na nating pogi, wala namang utak!"
Suddenly, nakarinig kami ng malakas na irit ng mga kababaihan sa labas ng classroom namin.
"OMGGGGGG" nakakabinging sigaw ni Ani.
"Loko ka! Di mo kailangan sumigaw, isave mo muna yang boses mo mamaya okay? Ano ba nakita mo?" lumabas din ako ng room ng malaman kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga babae.
"Speaking of the devil,"
***
Mas lalong umingay dito, kasi ang daming babae sa labas ng room namin. Kasi nandito na nga ang sinasabing 'handsome idol'
Sabihin na nating may itsura pero parang may something wrong with him.
"Hello ladies and gentlemen, I am Frans Tyr Laxwell, who is now one of your classmate. Please treat me as your friend and not as an idol!" tumingin sa side ko at kumindat.
Agad akong umiwas, hindi dahil sa kinikilig ako or naiilang dahil nadidiri ako!
Sabay-sabay ang irit sa labas matapos ang speech ng sinasabing nilang 'idol'.
Idol pala yan? Hindi halata, kitang kita mo palang itsura player na eh. Sa dami ba naman ng kanyang mga fangirls.
Naglakad siya papalapit sakin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Excuse me? Sa dami dami ng pwedeng upuan, bakit dito pa sa may occupied seat?"
"Ah, sorry! I didn't know, then can I sit here Miss?"
Tumingin ako kay Ani at sinenyasan na huwag papayag....
At masasabi ko ngang hindi ko maiintindihan ang babaeng ito, kasi pumayag ang bruha!
"Thank you, I owe you one" sabay kindat kay Ani.
Napabuntong hininga na lang ako, at hindi na binalak na tignan itong weird na katabi ko.
"Hey."
"Heyy."
"Ey, Miss Brown."
Sinong Miss Brown ang tinatawag nito, huh!?
Lumingon ako, at tinignan siya ng masama.
"Why look at me like that? I don't know your name, I called you Brown because of your hair. I was calling you but you won't look, it's not my fault." he chuckles.
Inirapan ko siya, "Ano ba gusto mo? Sabihin mo na agad."
"Name"
"I don't have one sorry."
"Wow, really? Then can I call you anything you want?" hindi ba niya naintindihan ang gusto kong iparating?
"I mean was, leave me alone? Hindi ka ba marunong makaintindi huh?" hampas ko sa desk.
"Easy men, may teacher." tawa ulit niya.
"What's wrong, Andicse?" tanong ng prof namin.
"N-nothing, Sir! I'm good," nakahinga din akong maluwag!
Mabuti na lang at buong klase, tahimik ang lalaking ito. Maayos din naman pala andar ng utak nito kesa kay Ani eh.
**
"Hoy, Ani! Saan punta mo?" tanong ko.
"Ah wala akong gana kumain! Sorry ha? Ikaw na lang muna kumain hehe!" sabay takbo palayo.
Walang balak kumain ah.. pero may pupuntahan? Sagana lang naman sakin yan sa kopya, tsk! Ewan ko na lang sayo at bakit naiintindihan ka ng iba at ako hindi.
"Wanna go join me?" tanong ng katabi ko. "No thanks, I'm good." sabi ko.
"Sigurado ka ba jan? I'll treat you, since I'm like being nice today." tama ba narinig ko?
"I mean, hindi naman siguro masama pumayag noh?" sabi ko at tumingin sa kanya na nakangiti.
"Omg, did you hear that? Frans is trying to treat a meal for someone! I wish I'm that girl!! But, I can't believe it has to be her!!" rinig kong sabi ng mga fans nitong Frans.
Putulin ko mga dila nito eh!
**
"Hindi ba masyadong madami yang kinuha mo?" tanong niya.
"Ano ka ba! Kulang pa nga to sakin! At tsaka nilulubos ko na, kasi libre mo naman!"
"Then you will treat me too next time, right?" halos mabitawan ko ang hawak ko sa sinabi niya.
"W-wait! Wala ka namang sinabing ganyan kanina ah! Hindi ba fair yun!"
"C'mon, it's fair if you'll treat me too!" how evil.
Akala ko pa naman mabait ang taong to! Nagagawa pa nga niya akong tawanan.
"No thanks na lang pala, ikaw na lang kumain nito, nabayaran na kaya di ko na mababalik, enjoy"
iniwan ko ung tray na puno ng pagkain, kahit na ayaw ko iwan kailangan kong gawin!
Wala akong pera para ilibre din siya noh! "Sayang naman to kung itatapon ko lang.."
ARGHHHHHH!
**
I got no choice but to eat it, kasi nga masama magtapos ng pagkain! Bakit hindi na lang itapon sa tiyan ko ng mabusog!
Kanina ko pang nakikitang tumatawa ang lalaki to!
"Bakit ka ba tumatawa!!" inis ko tanong. "Nakakatawa ka kasi kung kumain,"
"Akala mo baboy" halos mailuwa ko ang kinakain ko sa sinabi niya!
"Anong baboy! Mukha ba kong baboy! Ikaw nga tingting, kumakain ka nga.. hindi naman halata!" inirapan ko siya matapos magsalita.
"Ang dali mo namang magalit!" at tumawa nanaman ulit siya. Ngayon lang ba to nakakatawa ulit?
"Tell me, bakit ang saya saya mo?" tanong ko. "Wala lang, hindi kasi ako makapaniwala na ikaw magiging tutor ko eh."
"Loko ka talaga eh-ANO!?" napahampas ako sa lamesa sa gulat.
"Kelan pa ko naging tutor mo!? Kelan ako pumayag at bakit di ko alam?" is he crazy?
"Malalaman mo na lang, see you!" sabay alis ng walang sabi.
Kapal ng lalaking to ah? Akala mo kung sino, basta basta umaalis!
"Hoy! Bumalik ka nga dito! Makakatikim ka talaga sakin!" sigaw ko sa kanya.
Sino ba talaga tong lalaking to?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top