Volume 1 • Chapter 1: Idols With Mask


"Hidden in truths lie lies, hidden in lies hides the truth."-Rokudo Militia (Katekyo Hitman Reborn)

     "Shun, you must be careful next time. Other paparazzi caught you hugging a girl in the public! For god's sake! How should I cover this? You must be acting as the ideal boyfriend of your fans! Don't ruin their trust!" singhal ng manager ko.

Tinakpan ko ng headphone ang tenga ko at mabilis na kinuha ang gitara. "I get it now. I should go. I need to rest dahil bukas ang unang pasok ko sa Academy."

He sigh in frustration "You must be happy now right? Mas lumuwag ang sched mo this month because of your stupidity."

Natawa ako sa remark ni Manager Kid. "You really know me Manager!" proud ko pang sabi at dali-dali ng inayos ang gamit ko.

"Don't forget your mask." habol ni Manager. Iniabot niya sakin ang puting mask at isunuot ko kaagad iyun.

"Mag-ingat ka. Dapat walang makaka-alam sa totoo mong katauhan." babala ni Manager. Kahit kailan talaga. Ang hilig parin niyang mag-alala. Pati ako ay nahawa na sa kanya.

"Trust me. No one will know my secrets."

BUMABA ako ng elevator. Nagtungo ako ng second floor ng building kung saan ako nagtatrabaho. May suot akong Jacket at mask. Pumunta ako sa pinakasulok ng 2nd floor kung saan walang CCTV. I look everywhere. Sinisiguradong walang tao sa paligid. Pumasok sa isang silid na ginawang tambakan ng props.

I sigh in relief. Mabilis kong hinubad ang suot kong wig at tumambad ang mahaba kong buhok. Mala-abo ang kulay nito at hanggang bewang ang haba.

Ito ang tinatago kong sekreto. Si Shun Koriyama, ang lalaking sikat na singer at iniidolo ng maraming kababaihan ay isang BABAE.

Mabilis akong nagbihis pangbabae. Nagsuot ako ng bonnet at nakamask. Itinago ko ang suot-suot kong headphone dahil wala dapat makakapansin na gamit-gamit ko ang pagmamay-ari ni Shun.

Ako ngayon si Sun Hara. Isang simpleng babae na walang hinangad kundi ang mamuhay ng simple. Mula ng mawala ang mga magulang ko ay ako na mismo ang nagsikap para buhayin ang sarili.

Lumabas ako ng silid at nagtungo kaagad sa elevator. Pagkabukas ng elevator ay tumambad naman sa harapan ko ang vocalist ng SHOUT OUT. Sila ay sikat na boy band na binubuo ng apat na kalalakihan. Mas nauna akong magdebut kesa sa kanila at di ko pa sila masyado nakakasabay sa trabaho minsan.

Mabilis akong pumasok ng elevator. He didn't bother to look at me. So I silently wait for him to push the button. Ngunit nakaabot na lamang ng isang minuto ay di parin siya kumikilos. Napagdesisyonan ko na lamang na ako na lamang mismo ang pipindot para sa kanya.

Nilingon ko siya. "What floor?" tipid kong tanong ngunit di siya nagsalita. I was about to poke him but he suddenly collapse.

Nataranta naman ako sa nangyari. Mabilis kong pinindot ang elevator patungong first floor. Mabilis kong ibinaba ang gitara at bag ko sa tabi. Napaluhod ako at ipinatong ang ulo niya sa lap ko. "Hey! Are you okay?" di ko mapakaling tanong.

Napansin ko na suot-suot niya parin ang itim niyang mask. Medyo na curious ako sa totoo nilang katauhan. They are Masked Band, nagsusuot sila ng mask during performance. Wala pang nakakakita sa mga mukha nila. That's why sila ang palaging habol-habol ng mga paparazzi to know their hidden identity. Ano kaya ang itinanatago nila?

Hinawakan ko ang suot niyang mask. Di naman siguro masama kung sisilipin lang kahit sandali ang mukha niya di 'ba? He is unconscious, so I think it's a chance for me to see his face behind his mask.

Bago pa man bumukas ang elevator ay mabilis kong tinanggal ang mask at di umabot ng limang segundo ay mabilis ko ring isinuot pabalik ang mask sa kanya. Nabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ng magtagpo ang tingin namin ng lalaki.

We're the same. He is also an IDOL IN DISGUISE, but unfortunately not anymore.

Our eyes met. Napabangon siya bigla mula sa pagkakahiga sa aking paanan. Inayos niya ang kaniyang mask at tumayo. Medyo kinakabahan ako dahil nahuli niya 'kong sumilip sa mukha niya.

"A-ayos ka lang ba? You just collapsed earlier." Nag-aalala kong tanong.

"Did you seen my face?" malamig nitong tanong. He stared at me with hostility.

"I-I did." Tipid kong sagot. Napatayo ako ng maayos. "I'm sorry, I take advantage of you when you collapsed. Di ko mapigilan ang sarili ko na silipin ang nasa likuran ng maskara mo."

"What is your motive?" tanong niya ng may pagdududa. Mabilis niyang pinindot ang button ng elevator. Kaming dalawa lang ang nasa loob. "Are you a reporter?"

"H-Hindi! I-I'm just a normal high school student!" Kinakabahan kong palusot. Paano pag nabuking ako nito? I can't reveal my own mask to other people or else my career will be ruined!

Lumapit siya sa akin. Gulat na gulat naman akong napatingin sa kanya nang bigla niya akong kinorner. Sinandal niya ang dalawang braso sa pagitan ng ulo ko para di ako makawala. Ramdam ko naman ang malamig na salamin sa likuran ko na nagpadagdag sa kaba ko.

"Really? Do you think I'll believe you? No one can enter here without Identification Card." Tanong niya sa akin na may pagdududa. Crap! Mabilis kong kinapa ang Identification card ko na nasa bulsa ko lamang. Di niya dapat makita 'to or else mabubuking talaga ako at malalaman niyang babae si Shun Koriyama, ang lalaking singer na palaging nakakakuha ng number one spot sa Weekly Singles Chart and the most selling album in history! I can't afford na mawawala na lamang 'yun lahat!

This is bad. Balita ko na ang banda nila ay itinuturing akong RIVAL! If they will found out about my secret, for sure gagamitin nila 'yun laban sa akin.

Di ako makatingin ng deretso sa kaniyang mga mata. "I-I just want to see my idol!" palusot ko.

Napakunot naman ang noo niya "Another Sasaeng Fan? What a creepy."

Napahinga naman ako ng maluwag. Mukhang naniwala naman siya sa palusot ko, mukhang wala siyang balak na hanapin ang identification card ko. Di rin naman talaga secured ang Lorelie Entertainment dahil ilang beses na ring napasok ng mga sasaeng fans ang building na 'to, so no doubt na kakagatin niya talaga. Good thing that I am quite witty when times like this.

But one thing that made me irritate from what he said a while ago. I don't like the way he talks about the fans.

"Do you think it's rude to talk like that in front of a fan?" medyo masungit kong wika at tinulak siya palayo. "Di mo ba alam na nandito ka ngayon dahil sa mga fans mo? You should be grateful to them."

"So you're telling me to treat you better because you're one of my fans?" inis nitong wika at mahigpit na hinila ang braso ko. "You should know na medyo nakakairita na kayo dahil sa pag-trespass ng mga privacy namin." Malamig niyang wika ngunit ramdam ko ang kinikimkim nitong galit.

Marahas ko namang ikinalas ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. "Hoy! Di lahat ng fans ay gano'n! Don't talk us in general!" bulyaw ko. Teka. Kinareer ko na ata ang pagiging fangirl ko.

"So anong kaibahan mo sa mga Sasaeng Fans? Di ba ang ipinunta mo lang naman dito ay mangstalk ng mga idols? After you glimpse behind my mask, ano pa bang kaya mong gawin?" nakangising wika nito ngunit ramdam ko ang galit niya sa mga tingin niya.

Medyo nafru-frustrate na ako sa usapan namin. I just want to go home that's all. I'm really exhausted from work and I really need to rest. Di naman big deal sa'kin ang pinagsasabi niya ngunit feel ko talaga na sa akin niya ibinubunton ang lahat ng galit niya sa mga fans. I'm really unfortunate. Idol ako tulad niya but I don't really hate my fans. I have no choice but to fight alongside my fans!

"Bakit ba galit na galit ka sa amin?! Magpasalamat ka dapat sa mga fans, dahil kami ang bumibili ng mga albums niyo! Tsaka kayo ang pinili namin kesa mga boyfriends namin, and also imbes na family pictures ang nakadisplay sa bahay namin e ang swapang mong mukha ang nakapaskil do'n!" Bulyaw ko sa mukha niya. Gosh! I'm sounded like a genuine fan girl. First time kong nagtaas ng boses maliban sa pagkanta. Kabanat kasi 'tong singer na sa harapan ko. Ang sama ng ugali. Paano na lang pagnarinig ng mga fans niya ang pinagsasabi niya?

"Hell I care!" Sigaw niya rin pabalik. Aba't sumusubra na siya!

Itinaas ko ang kaliwang kamay ko. Sasampalin ko na sana siya ng biglang nagbukas ang elevator.

Gulat na gulat naman ang dalawang lalaking nakatayo sa harapan ng elevator. Mabilis kong ibinaba ang aking kamay at mabilis na tumalikod sa kanila. Buti na lang at nakamask ako. Ayokong maeskandalo ng dahil sa swapang na katabi ko ngayon.

"Anong eksena naman 'yan pre?" tanong ng lalaki. So magkakilala sila? Napatingin ulit ako sa dalawang kalalakihan. Bigla naman ako nataranta nang marealize ko kung sino sila. Nakamask rin sila katulad ng vocalist ng SHOU OUT at nakasuot ng black jacket at may butas ang jeans. Crap! The SHOUT OUT members are here! I should get out from here or else they will interrogate me!

Tumalikod ako. They all possess some kind of aura. Ang lakas ng charisma nila. Mukhang nangliliit ako sa sarili ko kahit na pareho kaming idols.

Di naman kumikilos ang katabi ko. Mukhang wala atang balak na umalis. Lumabas ka na ng elevator jerk! Hayaan mo na akong makauwi!

"Who's that girl with you? It's a miracle to see you with anyone except us." Wika ng isa pang lalaki.

Geez. Pwede ba, wag niyo na akong pagkaabalahan. Unti-unti akong lumayo kay swapang at isiniksik ang sarili sa sulok ng elevator.

"That was close. Akala ko may lilipad na namang kamay sa mukha mo dude." Singit naman ng isa habang pinipigilan ang sarili na di matawa.

"How about the show?" malamig na tanong ng lalaking swapang at lumabas ng elevator. Napahinga naman ako ng maluwag. He's one meter away now. Makakahanap rin ako ng pagkakataon na makalayo sa bastardong vocalist.

"5 minutes late na. Nawawalan na ng pasensya ang Director. Bilisan na natin or else ipapacancel niya ang show."

Good. Mukhang nalipat ang atensyon nila sa show. I am safe now. Kinuha ko sa tabi ang mga gamit ko. Isinabit kong muli ang gitara sa likuran ko pati na rin ang shoulder bag na dala ko which is pinaglagyan ko ng damit bilang Shun.

"Tsk. Eh di i-cancel niya." Masungit na wika ni swapang.

"Come on dude," Akbay ng kasama "We can't let this chance slip away."

Tumalikod na sila. Buti na lang at di na niya ako pinansin pa. Geez. What a troublesome guy.

Pinindot ko na ang elevator papuntang first floor and then the door close. Napahawak ako ng sintido ko. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa hectic ng schedule ko today at dinagdagan naman ng isang male idol na may malaking problema sa utak.

Biglang nagbukas ang elevator. Napalaki ang mata ko. Teka paano niya nabuksan? Gulat akong napatingin sa vocalist ng SHOUT OUT at mabilis niyang hinila ang braso ko at inilabas ako sa elevator. Di na niya ako hinayaang magsalita pa at mabilis niya akong hinila papunta sa likod ng performance stage.

What's happening?! Bakit ako dinala ni swapang dito?!

"Wait here or you'll be dead." Malamig niyang bulong at iniwan ako. Mabilis niyang kinuha ang gitara niya na nakapatong sa upuan at lumabas ng stage kasama ang kabanda.

What am I doing here? I am supposed to be at my apartment right now! Oh my goodness. Kailangan ko pa ba talagang maghintay para sa kanya? Mukhang di pa siya tapos sa debate namin. How childish!

He suddenly strums his guitar. He looked at me. Mukhang sinisigurado na di ako mawawala sa paningin niya. He suddenly grabbed the microphone and look at the audience.

I bit my lip because of frustration. Ghad! This is crazy!

To be continued...

[A/N: HAPPY NEW YEAR GUYS!!!!! What did you feel after you read this? If you like this story then you has freedom to vote and comment. If you dislike this, you better not vote :D pwede kang magalit sa comment. Lol. Thanks for reading!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top