Chapter 2

Joy's POV

*sa kotse*

Isang mahalimuyak na amoy ang bumungad sakin sa kotse. Parang pamilyar yung amoy. Sobrang bango para sa isang lalaki so I guess, sa mama ni Kent?

"Mahal, galing si tita dito sa kotse? Sobrang bango eh." pagtatanong ko habang nag-aayos ng seatbelt.

I never doubted that Kent will cheat on me. Never naging issue samin yun. Di ko alam kung bakit pero I think, honest lang siguro kami sa isa't isa. Subok ko na yan. Everytime that someone is trying to flirt with him, sinasabi nya agad sakin and he always assure me na he will never entertain other girl maliban sakin kasi ganun daw nya ko kamahal. And I always believe him.

I'm just asking questions for my assurance na ako pa rin, syempre.

"Ah. Hindi, mahal. Si Kurt kasi kahapon, nagpahatid sa kanila. Eh sabay naman kaming galing sa gym so why not di'ba? Tsaka sobrang bango ba? Hindi ba pabango ko yung naaamoy mo?" pagpapaliwanag naman nya.

Ah. Si Kurt sa umaga na nagiging Courtney sa gabi. Hay nako yang beki na yan. Talagang dumidiskarte pa rin sa jowa ko. Hays.

"Ah. Okay, baby. Sige na. Friend mo naman yun eh so go." pagbabalewala ko na lang.

Wala naman akong problema if my boyfriend is getting some beki friend. Maliban sa sobrang maaasahan sila, funny din sila. I'm not against with that. Pero that Kurt kase, nakita ko na ang mga tingin at hawak non kay Kent and believe me, it's beyond being friends.

Never ko namang inopen-up kay Kent 'tong issue na 'to since tropa ang tingin nya kay Kurt. Ayoko namang isipin ni Kent na pinipigilan ko sya sa pamimili ng group of friends nya kasi never naman nya kong pinigilan sa pamimili ng group of friends ko. So yun, bigayan lang. And on top of that, di ko naman alam ang ugali nitong Kurt sa likod ng relasyon namin ni Kent. Malay ko ba kung naiiyakan nya si Kurt or what not. So yon, let him be. Ako pa rin naman ang mahal ni mahal eh. Wala naman akong dapat ipag-alala..

ata?

Pero kung ako lang, sobrang sigurado na ko sa taong 'to eh. Kasal na lang ang kulang talaga.

Isipin mo, sobrang gentleman, gwapo, ma-effort, matalino, mayaman at family-oriented na tao eh mahal na mahal ako, may hahanapin pa ba 'ko dun?

Di ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa taong nasa tabi ko habang hawak ang kamay nya at nagdadasal. Oo, nasa simbahan na kami.

"Mahal, bakit ka naman ganyan makatingin sakin?" sabi ni Kent nang saktong pagdilat nya ay nakita nya kong nakangiti sa kanya.

"Wala lang, mahal. Sobrang masaya lang ako na ikaw ang minahal ko." pagpapaliwanag ko naman.

"Sus, nambola pa. Oh sige, ikaw mag-decide kung saan tayo kakain." sabi naman nya sabay halik sa noo ko.

Agad kaming lumabas ng simbahan at nagpunta sa kotse nya.

Pero pabukas pa lang si Kent ng pinto ng kotse nang may tumapik sa kanya.

"Hey, brad. Dito ka rin? Akala ko 9 am mass kayo?"

Oo, tama kayo. Si Kurt nga.

Nice timing di'ba?

"Uy, brad. Wala eh. Tinanghali ng gising si mahal." paliwanag ni Kent sabay hawak sa bewang ko.

YES, BABY!!! IPAGSIGAWAN MO SA MUNDO NA SAYO LANG AKO!!!

Agad na tiningnan ni Kurt yung parte ng katawan ko na hawak ni Kent.

"Ahhh. Kasalanan pala ni Ligaya eh. Uy, lumalaki ka lalo ah." pang-aasar naman neto ni Kurt sakin.

Aba, naghahanap ata ng away 'tong baklitang 'to ah.

Sasagot pa lang sana ako nang sumagot si Kent na syang ikinawindang ko.

"Hahaha. Nasa tamang tao kasi pre. Osya, mauna na kami ah." walang alinlangang sagot ni Kent sabay bukas ng pinto para sakin.

Oh, ano kayo? Parang pang-miss universe ang ganda ko di'ba?

Di pa agad pumasok ng kotse si Kent, mukhang pinagbantaan pa ata si Kurt.

Wawa naman si ate mo girl. Di ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero parang iniwan ni Kent si Kurt ng lugmok ang mukha at kumaway na lang sakin para magpaalam. Diretsong pasok naman ni Kent sa kotse.

"Sorry for that baby." bungad ni Kent pagpasok nya ng kotse sabay halik sa noo ko.

Ngumiti na lang ako bilang tugon at hinawakan ang kamay nya.

"Let's go?" tanong nya.

At dahil kanina pa ko nagugutom, "Tara na. Mang Inasal tayo para unli rice. Hehe." paglalambing ko sa kanya.

"Anything for my baby." sabi nya sabay ngiti sakin at pinaandar ang kotse.

Di ko alam kung anong meron pero parang nakakabother yung pinag-usapan nila kanina. Maliban sa hindi ko narinig kung ano yun, mas na-bother naman ako sa sad face ni beks. Ano kaya yun?

-
Author's Note: Kent or Kurt's POV? Choose.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top