Wakas
Dedicated ang 'Wakas' sa inyong lahat. Maraming salamat sa inyo sa halos mahigit isang buwang kasama ang kwentong ito. Finally, tapos na rin.
*****
❄KASHYL FROST LUXIARA💧
"Gising na, Kashyl."
Agad akong napamulat sa boses ni papa Kaden. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko at nakangiti sa akin. Napalingon naman ako sa kabilang kama at ginigising rin ni Papa Terrence si Tyzen.
"Nakalimutan nyo bang may pagsasanay kayo ngayon? Mag-asikaso na kayo, magagalit ang mama nyo."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumangon. Napalingon kami ni Tyzen sa isa't isa at mabilis na nag-asikaso.
"Papa, anong oras na?" Tanong ko habang naghahalungkat ng masusuot.
"Alas otso ng umaga."
"Lagot!"
"Patay!"
Magkasabay na sambit namin ni Tyzen at mas dumoble ang bilis ng pag-aasikaso. Gagalitan kami ni mama talaga dahil ang sabi niya ay dapat alas syete ay gising na kami pero natanghalian kami ngayon.
"Papa naman eh. Bakit ngayon nyo lang kami ginising?" Naninising tono ko at sumimangot habang nagsusuot ng panghuling kasuotan.
Tumawa sila papa kaya mas lalo akong sumimangot.
"Sabi ng mama nyo. Humanda na lang kayo sa galit niya."
"Galit talaga siya papa?" Tanong ni Tyzen.
"Oo, kaya bilisan nyo na."
Nagkatinginan kami ni Tyzen at kinabahan. Nakakatakot kasing magalit si mama na kahit sila papa ay walang magawa kapag nagsesermon ito. Nadadamay nga sila papa eh kasi lagi kaming pinagbibigyan nito sa mga gusto namin.
Halos tumakbo kami ni Tyzen hanggang sa makarating sa harap ng palasyo. Nakita agad namin si mama na nakaupo sa upuan habang nakatingin sa amin ng masama.
Ngumiti ako kay mama kahit na kinakabahan. Pagkalapit sa kanya ay yumakap ako at ganun din si Tyzen. Lalambingin na lang namin siya para hindi niya kami galitan.
"Sorry, mama." Sambit namin.
Niyakap niya kami pabalik na ikinaginhawa naming dalawa ni Tyzen.
"Hindi na muna tayo magsasanay ngayon. May bibilhin tayo sa pamilihan." Pahayag nito. Humiwalay kami sa yakap at nakita sina papa sa likod ng upuan ni mama.
"Anong bibilhin natin, mama?" Tanong ko.
"Para sa inyong lola Kalyxa. Kaarawan niya ngayon." Tumango naman ako. Oo nga pala ngayon ang kaarawan ng lola namin.
Pinagmasdan ko si mama. Seryoso ito. Alam namin ni Tyzen ang dahilan ng galit niya kay lola na maging kami ay ganun rin ang nararamdaman para sa lola namin. Dahil sa kanya nawala ang lola at lolo namin ina at ama ni mama. At dahil rin sa kanya muntik nang mawala kaming tatlo kina papa.
Naiintindihan ko si mama na mahirap magpatawad dahil sa laki ng kasalanan nito. Ni hindi namin gaanong pinapansin si lola Kalyxa sa tuwing magkikita kami rito sa Palasyo. Malapit kami kina lola Klyea, sa dalawa naming lolo pero sa kanya ay umiiwas kami.
Pitong taong gulang na kami ngayon ni Tyzen pero dala-dala pa rin namin ang sama ng loob kay lola Kalyxa. Noong kinasal sila mama at papa dito sa Palasyo nung pagkabalik namin rito isang taon nang nakakalipas ay hindi talaga namin siya pinapansin. Malayo ang loob namin sa kanya.
Hindi rin naman kami pinipilit nina papa na magpatawad agad dahil nauunawaan nila kami. Humihingi din sila papa ng tawad sa amin sa mga taong hindi sila nakatulong kay mama sa pagpapalaki sa amin. Ayos lang naman sa amin iyon dahil bumawi naman sila at ramdam namin ang pagmamahal nila sa amin ni Tyzen at lalo na kay mama.
Tumayo si mama at umalalay sa kanya sina papa Kaden at papa Terrence.
"Pumunta muna tayo kina Lia." Ani nito at nauna sa aming lumakad. Napatingin kami kina papa na nakakunot-noong nakatingin sa likuran ni mama.
"Papa?" Tanong ko. Lumingon ang mga ito sa amin at nagkibit-balikat.
"Lambingin na lang natin mamaya." Ngumisi si papa Kaden sa amin. Napangiti kami ni Tyzen at tumango. Sumabay kami kina papa maglakad. Humawak ako kay papa Terrence at si Kashyl kay papa Kaden.
Lumingon sa amin si mama. Masama ang tingin nito nang magtagal ay biglang nagbago at ngumiti. Sabay na napamura sina papa Terrence at papa Kaden.
"Ang ganda talaga."
"Sobra."
Natawa kami ni Tyzen sa reaksyon nina papa. Kapag kami lang ang magkakasama ay lagi nilang bukambibig kung gaano nila kamahal si mama. Kinenwento rin sa amin kung paano sila nahumaling at angkinin si mama para sa kanila. Masyadong maganda si mama para daw mapunta siya sa iba at sa kanila lang daw talaga bagay.
"Bilisan niyo."
Nang makarating kami sa nilipatang bahay nila tita Lia at tito Zanlex ay bumungad sa amin ang kanilang panganay na anak na si Zaliah. Ito ang bumukas ng pinto at nagpatuloy sa amin. Malaki ang ngiti nito at agad na sinigawan sila tita.
"Yejin!" Malakas na tawag ni tita Lia at yumakap kay mama. Sa likod niya si tito Zanlex na inaalalayang lumakad ang tatlong taong bunso nila na lalaki. Lumapit sa kanila sina papa at bumati sa kaibigan. Lumapit rin kami at pinagmasdan ang bunso nila na ang pangalan ay Zaren. Nang tumingin ito sa amin ni Tyzen ay ngumiti ito at gustong lumapit sa amin kaya mabilis naming kinuha kay tito Zanlex ang mga kamay nito at inalalayan.
"Darating rin dito ang iba pa. Dito na raw tayo kumain g tanghalian. Nag-umagahan na kayo, Yejin?"
"Wala pa."
"Hala! Baka gutom na sina Kashyl at Tyzen." Nag-aalalang tumingin sa amin si tita Lia. Kami naman ay bumaling kay mama. Hindi pa naman ako gutom. Nilingon ko si Tyzen at umiling ito sa akin.
"Mamayang tanghalian na lang kami kakain ng marami." Sambit ni mama at napatango si tita Lia. Umupo sila ni mama sa kanilang sofa at sumunod naman kami ni Tyzen na inaalalayan si Zaren. Sa likod namin sina papa at tito Zanlex.
"Ang laki na ng kambal. Sayang lang at hindi namin sila nasilayan nung maliliit pa."
"Isipin mo na lang ang mukha ni Terrence at Kaden sa batang bersyon. Ganun ang itsura nila. Ganun din ang ugali." Pahayag ni mama at natawa naman si tita Lia.
"Hindi nyo pa ba susundan?" Niyakap ni tita Lia ang tumabi sa kanyang si Zaliah.
Napalingon kaming lahat kina papa na nakatingin naman kay mama. Kapag ganun sila papa ay ang desisyon ay laging kay mama. Napaiwas si mama ng tingin.
"Meron na."
Napatili si tita Lia. Kami naman ni Tyzen ay nanlalaki ang mga matang nakatingin kay mama. May kapatid na kami!
"Congrats, Terrence, Kaden! Sana ay babae hahaha."
Lumapit sina papa kay mama at niyakap ito. Kinuha sa amin si Zaren ni tito Zanlex at agad naman kaming lumapit kay mama at nakiyakap. Masaya sa balita.
Nang humiwalay kami ni Tyzen ay nanatili sina papa at napangiti nang makitang lumuluha ang mga ito sa balikat ni mama. Napangiti si mama at pinunasan ang mga luha sa pisnge nila papa.
"Maipit nyong dalawa ako." Ani ni mama at agad namang napalayo ang dalawa na ikinatawa namin. Ramdam namin ang kasiyahan nila papa sa binunyag ni mama. Magagawa na nila ngayon sa magiging kapatid namin ang mga bagay na hindi nila nagawa noon nung kami ang pinagbubuntis ni mama.
Napalingon kami sa pinto nang may kumatok rito. Lumapit si Tyzen at siya ang bumukas ng pinto. Bumungad sa amin sina tita Zainah, ang asawa nitong si tito Dylan na buhat ang kanilang anak na si Dayne. Sa likod nila si tito Denver kasama ang asawa nitong si tita Hestia na hawak sa kamay ang anak nilang si Henria na ang alam ko ay kaedad ni Zaliah at kaibigan nito.
"Tuloy po kayo." Ani ni Tyzen at lumapit sa tabi ko.
"Anong ganap?" Tanong ni tita Zainah habang nakatingin kina mama.
"Buntis si Yejin." Nakangiting sagot ni tita Lia na ikinatili ni tita Zainah at mabilis na lumapit kay mama. Ang iba naming tito at tita ay lumapit rin at binati sila papa.
Nakamasid lang kami ni Tyzen at sabay na napunta ang tingin sa dalawang babe na magkatabi. Sina Zaliah at Hestia. Namula ang mga ito nang makita kaming napatingin sa kanilang dalawa.
"Mukhang may ship na ako sa mga batang narito hahaha. Yejin, si Kasyl ay para sa anak kong si Zaliah."
"Hindi. Para siya sa anak ko, kay Henria."
Nilingon ako ng kambal ko. Tiningnan ko lang siya ng seryoso at nginisihan naman niya ako. Inikutan ko siya ng mata at hindi pinansin sina tita Lia at tita Hestia sa mga sinabi nito. Sa aming dalawa, ako lang pwedi sa mga babaeng mula sa Aquarian dahil sa dominante sa akin ang yelo. Sa kanya naman ay mula sa Ician dahil sa dominante sa kanya ang tubig. Mga prinsipe kami kaya't ang mapapangasawa namin ay mula sa kabilang angkan na hindi dominante sa amin.
"Na kay Kashyl ang desisyon sa kung sino." Ani ni mama na sinang-ayunan nila papa Kaden habang nakatingin sa akin.
"Mga bata pa kami, mama." Sambit ko at umiwas ng tingin. Nagtawanan naman sila. Totoo naman na wala pa kami sa tamang edad para magdesisyon sa gusto namin. Hindi ko pa rin iniisip ang mapapangasawa ko dahil sa masyadong maaga pa. Saka na.
Naging maingay ang aming tanghalian sa dami namin sa pangunguna ni tita Lia, tita Zainah at tito Zanlex. Si mama ay nakikisali rin sa mga asaran nung mga panahong magkakaibigan pa lang sila at nag-aaral. Lagi nilang puntiryang asarin ay si mama kaya't panay ang bara at pang-aasar rin nito sa kanila.
Nang humapon ay sumama rin sila sa amin na pumunta sa pamilihan. Halos ang mga nadadaanan namin ay nakatingin sa amin. Nagbibigay-galang rin sa amin nina Papa. Marami kaming napasukan na mga tindahan para mamili. Ang amin ni Tyzen ay bulaklak para kay lola Kalyxa. Ang mga regalo naman nila mama ay ipinabalot na rin.
Ayon kay papa Terrence ay may pagdiriwang sa Palasyo. Inaayos ang bulwagan kanina para sa gaganapin. Sina lola Klyea raw ang namamahala sa pagsasaayos nito.
Bago rin kami bumalik ng Palasyo ay nagpalit kami ng mga kasuotan. Magkapareho kami ng kulay ni Tyzen. Sina papa Terrence, papa Kaden at mama naman ay magkakulay rin ang mga suot. Sabay-sabay kaming lahat na pumasok sa Palasyo. Hawak ako ni papa Kaden at si Tyzen naman ni papa Terrence.
Nagsisimula na ang pagdiriwang. Ang mga naimbita ay nasa kanya-kanyang upuan at medyo nabawasan ang pag-ingay dahil sa dumating kami. Sa gitna ng bulwagan ay naroon si lola Kalyxa na inaalalayan ni lolo. Nakangiti ito sa ibang kausap ngunit nang makita kami ay nawala ito at mukhang kinakabahan.
Naunang bumati ang mga tita at tito namin. Sumunod sina papa na humalik sa pisngi nito at iniabot ang kanilang regalo. Kitang-kita naman ang saya sa mga mata nito sa ginawa nila papa. Si mama na nasa gitna namin ni Tyzen ay bumitaw sa amin at lumapit kay lola.
Tahimik lang ang mga tita at tito namin, maging sina papa ay nakamasid lang kay mama. Inaabangan ang gagawin nito.
"Maligayang kaarawan po, mama." Sambit ni mama at inilahad ang kanyang regalo para rito. Nagulat si lola at may lumandas na mga luha sa kanyang mga pisngi at niyakap si mama. Napatawad na niya si lola dahil sa nakaya na niya itong matawag na mama na hindi niya magawa noon.
Lumapit kami ni Tyzen nang humiwalay ng yakap si mama. Napunta ang tingin sa amin ni lola at tulad ni mama, pinatawad na rin namin ito. Kay mama siya lubos na nagkasala kaya't ang desisyon ni mama na patawarin ito ang tumulak rin sa amin.
"Maligayang kaarawan po, lola." Sabay na bati namin ni Tyzen at inilahad ang bulaklak na hawak namin. Naluluhang tinanggap ito ni lola na nagpangiti sa amin ni Tyzen. Niyakap niya kami ng mahigpit. Lola pa rin namin siya kahit naging masama siya.
"Maraming salamat, Yejin sa pagbigay sa amin ng mga apo. Sa pagpapalaki sa kanila kahit na hindi mo naging katuwang ang kanilang mga ama. Maraming salamat din sa pagmamahal kay Terrence at Kaden."
Ngumiti si mama at tumango. Nasa magkabilang gilid na niya sina papa. Pagkatapos kay lola ay kina lola Klyea at sa mga lolo naman kami yumakap. Hindi na nila kami mabuhat dahil sa malaki na rin kami at mabigat na.
Nagpatuloy ang pagdiriwang. Kami nina mama, at nila papa ay nasa isang mesa para kumain. Nasa kabilang mesa naman ang aming mga tita at tito.
Nasa magkabilang gilid ni mama sina papa. Halos ang kumikilos para kay mama ay sina papa. Napapaangat na lang ng kilay si mama sa ginagawa nila papa habang ang dalawa ay tuloy pa rin. Sumimangot si mama dahil sa kinurot ni papa Kaden ang pisngi niya. Natawa kami kasi kinurot niya sa tagiliran si papa Kaden at nadamay si papa Terrence.
Hindi nakakasawang pagmasdan kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
"Mahal na mahal ka namin, Yejin."
"Mahal na mahal ko rin kayo, Terrence, Kaden."
Nagkatinginan kami ni Tyzen at ngumiti. Mahal na mahal rin namin kayo, mama, papa Kaden at papa Terrence.
Kapag dumating ang oras na sa ganyang edad kami ni Tyzen ay hahanap kami ng mamahaling babae sunod sa aming ina. Kung babae man ang sunod naming kapatid ay sunod sa kanya ang babaeng para sa amin. Mamahalin at tatanggapin tulad ng aking mga papa sa babaeng Frost na kinaayawan nila lola, ang pinagmulan ng titulong Icy Princess, ang susunod na reyna ng dalawang angkan at ina ng makapangyarihang kambal na prinsipe sa buong Wisteria, ang nag-iisang lugar na tinitirahan ng nagtataglay ng tubig at yelo na kapangyarihan.
-----WAKAS----
-btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top