Kabanata 7

❄YEJIN❄


"Kuya!"

Malakas na sambit ni Prinsesa Thiana at humiwalay sa akin. Tumakbo siya kay Prinsipe Terrence na alam kong madiin ang titig sa akin.

Naestatwa ako sa kinatatayuan at nang makabawi ay humarap ako rito at yumuko.

"Anong nangyayari rito? Tyrell? Thiana?"

Ang lamig talaga ng kanyang boses. Nakayuko pa rin ako at mas gusto kong nakaganito lang kesa makita ang mga titig niya.

"Kuya, gusto kong maging tagapagsilbi ko siya."  Ani ni Prinsesa Thiana na nagpaangat sa akin ng tingin habang nakaturo sa akin ang hintuturo niya.

Magkahawak lang ang dalawang kamay ko sa harap at nanliliit sa sarili dahil sa nasa harap ko ang tatlong anak ng Mahal na Reyna at Mahal na Hari. Sa kasuotan pa lang namin ay mahahalata na ang agwat ng katayuan namin sa buhay.

"Nakatalaga siya sa akin, Thiana. Hindi ba't meron kang sariling tagapagsilbi."

Hindi ko maiwasang manigas sa narinig mula sa kanya.

"Kuya, ayaw raw ni Thiana sa nakatalaga sa kanya. Masyado raw kasi itong matanda na at mahigpit sa kanya." Napatingin si Prinsipe Terrence kay Prinsipe Tyrell.

"Iyon ang bagay sa iyo. Hangga't hindi ka natututo ay mananatili iyong tagapagsilbi mo. Maliwanag ba, Thiana?"

"Opo, kuya." Malungkot na tugon ni Prinsesa Thiana.

Naisip ko na maayos na rin iyong pasya ng Mahal na Prinsipe dahil sa hindi naman ako magtatagal rito sa Palasyo. Kapag napalapit ako sa Mahal na Prinsesa ay mahirap para sa akin at para sa kanya. Baka masanay siya sa presensya ko.

Lumapit sa akin si Prinsesa Thiana at hinawakan ang mga nanlalamig na kamay ko. Nagulat pa ako sa ginawa niya.

"Ate, ano pong pangalan mo?"

"Y-yejin po, Mahal na Prinsesa." Mas domoble ang kaba na nararamdaman ko. Kilala na talaga ako at wala na akong magagawa pa para tumanggi kung sakaling komprontahin ako ng Mahal na Prinsipe.

"May nakaatas ba sayong gawain ngayon, ate?"

"Wala naman po, Mahal na Prinsesa. Hindi pa ako nasasabihan dahil sa bago lamang ako rito at pansamantala lamang ang pagsisilbi ko sa Palasyo."

"Hala, ate!"

"Pasensya na, Mahal na Prinsesa. May gusto ka po bang ipagawa sa akin ngayon? Tapusin ko muna ang paglinis at saka ko gagawin."

Akmang magsasalita na si Prinsesa Thiana nang naunang magsalita si Prinsipe Terrence.

"Pagkatapos mo maglinis ay pumunta ka sa aking silid. May ipapagawa ako sa iyo."

"Po? Masusunod po, Mahal na Prinsipe." Pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis na siya. Naiwan naman akong tulala at hindi makapaniwala.

"Ate, siguro po, simulan nyo na maglinis. Hindi po kasi magandang paghintayin si Kuya lalo na't may iniutos ito." Nilingon ko si Prinsipe Tyrell at tumango.

Bumalik ako sa paglilinis at hindi naman ako inawan ng tingin ng dalawa. Lalo na si Prinsesa Thiana na nakamasid sa akin at hindi ako lubayan kahit saang parte ng silid niya ako pumunta.

"Ate, pinagpapawisan ka na." Nagulat ako ng maglahad ito ng panyo sa aking harap pero agad akong umiling at pinakita ang kamay kong marumi na.

"Ayos lang po ako, Mahal na Prinsesa."

"Napakaganda mo pa rin po kahit na pinagpapawisan ka, ate." Napangiti ako sa kanya.

"Napakaganda mo rin, Mahal na Prinsesa." Pansin ko ang pagkapula ng mga pisnge niya.

"Ako, ate, Gwapo?" Sabay naming nilingon ang nakasandal sa ulunan ng kama na si Prinsipe Tyrell.

"Opo, Mahal na Prinsipe." Tapos ay pinakagwapo naman ang inyong kuya. Malamig nga lang kung magsalita at makipag usap.

Nang matapos ako ay ayaw pa sana akong paalisin ni Prinsesa Thiana kung hindi lang siya pinigilan ni Prinsipe Tyrell. Saka niya lang ako papaalisin kapag pinayagan ko siyang punasan ang buong mukha ko. Pinagbigyan ko na lamang at nagpaalam sa kanilang dalawa.

Habang palapit naman sa silid ng Mahal na Prinsipe ay triple na ang kabang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na baka dalawa lang kami sa silid niya at magtanong tanong siya tungkol sa pagdiriwang sa pamilyang Daverro.

Huminto ako sa harap ng pintuan ng kanyang silid at ilang beses na huminga ng malalim. Kumatok ako ng tatlong beses at akmang magsasalita na nang may dumaan na mga tagapagsilbi.

"Ano kayang ginagawa niya riyan? Kabago-bago ay nagpapansin sa Mahal na Prinsipe."

"Maganda lang siya pero tagapagsilbi pa rin siya."

"Di rin naman magtatagal iyan."

Sinundan ito ng kanilang tawa. Bago pa sila umalis ay inilingan pa nila ako, wari'y naawa sa akin. Na akala naman nila ay may epekto sa akin. Sila nga e, hindi lang tagapagsilbi, trabaho rin ang maliitin ang kapwa nila.

"Hindi na nga nabiyayaan ng ganda, di pa bumawi sa ugali." Ani ko at inikutan ng mata ang dinaanan nila kanina.

Ibinalik ko ang tingin sa harap ko at ganun na lamang ang pag-atras ko at panlalaki ng mga mata nang makita ang Mahal na Prinsipe na nakatayo sa harap ko na seryosong nakatingin sa akin. At---at sa likod niya ang apat pang Elitian.

"Hi, Yejin!" Si Zanlex!

Nakita nila ang ginawa ko? Ang malas naman. Nakakahiya! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Unang araw pa lang pero pinagkita-kita agad kami. Umaga pa lang nga e.

Nang makabawi ako sa gulat ay seryoso ko silang tiningnan. Kunwaring walang ginawa para mapagtakpan ang kahihiyan.

"Magandang umaga!" Bati ko at yumuko. Sana mag-utos na si Prinsipe Terrence at nang makaalis na ako rito. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at ganun na lang ang pahkabigla ko ang hilahin ako sa braso ni Zanlex. Nang makapasok kami ay nagkanya-kanyang pwesto yung apat at nanatili si Zanlex sa gilid ko.

"Pinuntahan ka namin ni Zainah kina Lady Lorraine kahapon pero wala ka roon. Gusto ka nang makita ni Zainah."

"Pasensya na. Narito ako dahil may iuutos sa akin ang Mahal na Prinsipe."

Nabigla siya sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa at nilingon si Prinsipe Terrence.

"Anong iuutos mo sa kanya?" Tanong niya kay Prinsipe Terrence na nakatingin sa may bintana. Tumingin ito sa amin at nagkibit balikat. Napataas naman ako ng kilay sa isip. Seryoso ba siya?

"Ako na lang ang mag-uutos. At gusto ko dito ka muna."

Tuluyan nang napataas ang kilay ko sa sinabi niya at inisa-isang tingin ang Elitian. Ang Mahal na Prinsipe ay ganun pa rin, si Kaden ay nakapikit habang nakasandal sa ulunan ng kama. Si Dylan at Denver na nakatitig sa amin ni Zanlex.

"Tapos anong gagawin ko?" Tanong ko na nagpa-isip pa sa kanya. Naglakad lakad pa siya sa harap ko at nang maka-isip ay tumigil at hinarap ako.

"Imasahe mo ang likod ko." Aniya na parang yun na ang pinakamagandang naisip niya.

"Manigas ka." Seryosong tugon ko. Narinig ko pa ang tawa ng kambal. Napansin ko pa ang pagngisi ni Kaden.

Hindi namang makapaniwala si Zanlex at nakangangang nakatingin lang sa akin.

"Hindi na ako maaring magtagal pa dahil baka hinahanap na ako ng ate ko. Ipatawag nyo lamang ako kung may nais kayo."

"May ate ka?" Binalingan ko si Zanlex.

"Parang hindi mo alam kung saang pamilya ako at sino ang tinutukoy ko ha, Zanlex? Sa pagkakatanda ko, sa inyong tahanan, nabanggit mong kilala mo."

Tumawa siya at napailing na lamang ako. Nang makalapit sa pintuan ay binuksan ko ito at humarap sa kanila.

"Ikinagagalak ko kayong makita muli, Elitian. Magandang araw." Isinara ko ang pinto at tahimik na umalis. Hindi ko akalain na nakayanan ko nang ganun katagal sa harap nila.

Sa sunod kaya, anong gagawin ko?

Nang pabalik sa may kusina ay nakasalubong ko ang dalawang tagapagsilbi na nag-uusap. Hindi nila ako napansin dahil abala sila sa kung ano mang paksa.

"Hindi pumasok ang Elitian kanina. Marami ang naghahanap sa kanila at nakakalungkot lang ay hindi ko sila napagmasdan."

"Ang swerte mo nga e, nakatalaga ka sa silid aralan nila."

"Hindi rin, masyadong pangit ang ugali ng mga Ician na nandun. Alipin ang tingin sa mga tagapagsilbi."

"Sana walang mapili ang Mahal na Prinsipe sa kanila. Hindi ko ma-isip kapag isa sa kanila ang naging asawa ng Mahal na Prinsipe, malamang na kakawawain tayo."

"Sinabi mo pa."

"Yejin?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si ate Ylenna na nag-aalala sa akin. Agad akong lumapit rito at ganun na lamang ang hawak niya sa magkabilang braso ko.

"Saan ka galing?" Bago pa ako sumagot ay hinila niya ako paalis at nang makarating kami sa walang masyadong tao ay muli niya akong hinarap.

"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?"

"Pinatawag ako ng Mahal na Prinsesa sa kanyang silid. Pagkatapos ay ganun din ng Mahal na Prinsipe. Ang kaso nakita ko dun ang buong Elitian."

Nakita ko ang pagkagulat niya.

"May ginawa ba sila sayo?"

"Wala naman, ate. Nagkakilala na rin kami nung pagdiriwang sa Pamilyang Daverro." Tumango siya. Akala ko ay may idudugtong pa siya tulad nang iwasan ko ang grupo pero wala.

"Kung sakaling magkaroon ka ng kasintahan, gusto ko mula sa Elitian."

Napanganga ako. Habang siya naman ay tumatawa at hinaplos pa ang aking buhok.

*****
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top