Kabanata 28
❄YEJIN❄
"Yejin, nakahanda na ang umagahan natin." Nilingon ko si ate Ylenna at tumango. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko at ngumiti dahil sa maumbok na ito. Nagpapahiwatig na lumalaki na ang laman ng sinapupunan ko.
Tatlong linggo. Ganun na ang lumipas na panahon simula nang mangyari ang gabing iyon.
Sa kung paano ako nakaligtas sa ganung sitwasyong meron ako ay dahil habang inaala ko ang dalawa ay may umudyok sa aking lumaban pa para mabuhay. Nanlalamig na ako sa tubig nun at nanghihina pero dahil sa kagustuhan ng isip ko ay ang kapangyarihan ko mismo ang kumilos para makaalis ako sa pagkakatali at gumaling ang nga sugat. Matapos kong madala ang sarili sa mga batuhan ay nawalan ako ng malay.
Tulad ng bilin na ibinukong ko kay ate na hanapin ako ay tinupad niya iyon, inabot siya ng tatlong araw bago ako mahanap dahil na rin sa hirap ng pinaglalagyan ko at dahil na rin sa sitwasyon nila.
Inalis sila sa dating bahay namin at nilipat sa malayong kabahayan. Inalis bilang tagapagsilbi sa palasyo at hindi hinahayaang makalapit sa sentro. Ang mahalaga sa akin ay walang lubhang nasaktan sa kanila at nagsisimulang ulit.
Hindi pa nakakauwi sa kanila si Ate Ylenna simula nang mahanap nya ako sa batuhan malapit sa bangin. Sa takot niyang balikan ang lugar na ito nang may gawa sa amin, napilit niya akong maglakbay. Abutin ang pinakamalayong lugar sa norte ng Wisteria. Ilang araw din ang naging paglalakbay namin. Wala akong reklamo dahil gusto ko rin na makalayo dahil manganganib ang buhay ko, ang buhay nila at ang buhay ng anak ko.
Ang bahay na naitayo namin ni ate Ylenna ay gawa sa yelo na siyang kapangyarihan ko. Ngunit ang mga gamit ay hindi purong gawa sa yelo dahil may ibang gawa sa kahoy na kami mismo ang gumawa at bumuo.
Tahimik. Simple. Payapa. Ganun ang buhay rito. Nanggaling sa sapang malapit sa bahay namin ang pinagkukunan namin ng isda at mula naman sa gubat ang iba naming pagkain.
Gusto ko rin kumilos para mag-asikaso pero hindi ako hinahayaan ni at Ylenna. Sinasabi niya na lang sa akin huwag daw tapos magdadahilan na...
"Hindi dapat napapagod ang mahal ng Mahal na Prinsipe. Dapat magpahinga ka lang para malusog ang munting prinsipe."
Pinipilit niya ring lalaki ang nasa sinapupunan ko dahil sa gusto nya rin ng lalaking pamangkin. Wala na nga daw kasi kaming kapatid na lalaki kaya pati ba naman ang anak ko ay babae pa rin. Kung sa akin naman ay wala namang kaso kung babae o lalaki. Ang mahalaga, ang ama niya ay ang dalawa.
Wala rin akong balita sa dalawa tulad ni ate Ylenna na walang masabi sa akin. Pakiramdam ko tuloy ang naging pag-anunsyo. Baka nga pinaghahandaan na ang kasal nila o baka ikinasal na? Ayaw ko isipin na maging iyon ay tuloy. Lalong hindi ko mapapatawad ang Mahal na Reyna kapag nangyari iyon.
Kung hindi lang delikado para sa akin at sa mga nakapalibot sa akin ay babalik ako.
Pero naisip ko. Dito ko gustong palakihin ang anak ko. Malayo sa panganib na dulot ng Mahal na Reyna at ng mga Daevons.
"Siguro, Yejin. Huwag na ikaw bumalik sa bayan. Hindi sa itatago na natin sa dalawa ang tungkol sa anak nila at ang katotohanang buhay ka pa pero hanggat nandun ang Mahal na Reyna at ang Daevons, manganganib ang buhay mo at ng anak mo."
"Sige, ate Ylenna."
"Naalala mo? Yung gusto kong ako ang mag-aalaga sa anak nyo. Gustong-gusto ko nang mangyari yon kaya sana bumilis ang oras at lumaki na agad!"
Tumawa na lang ako sa kanya.
Lumipas pa ang mga araw, hanggang sa mag-ilang buwan. Positibo kami ni Ate Ylenna na hindi lang isa ang nasa sinapupunan ko kundi dalawa. Nagsimula na rin akong mahirapan dahil medyo mabigat kumilos kaya lagi na lang akong nakaupo. Minsan ay naglalakad.
Nung panahon na naglilihi ako ay lagi kong naalala ang dalawa. Gusto kong makuha nila ang halos katangian ng kanilang mga ama.
Hindi naman ako nabigo dahil sa nung ipinanganak ko sila sa tulong ni ate Ylenna. Kambal na lalaki at halatang halata kung kanino nagmana dahil sa kulay ng kanilang mga buhok tulad sa dalawa.
Ang kulay gintong buhok tulad ng kay Prinsipe Terrence ay pinangalanan kong Tyzen. At ang kulay puting buhok tulad ng kay Kaden ay Kashyl. Parehong malamig tumingin. Tulad ng mga ama ay napakagwapo rin.
"Ang g-gwapo ng mga pamangkin ko." Naiiyak na ani ni ate Ylenna matapos buhatin si Kashyl at ganun din si Tyzen.
"Kamukhang kamukha nila ang kanilang ama. Walang nakuha sayo, Yejin. Halatang patay na patay ka sa dalawa kaya kamukhang-kamukha." Hindi ko alam kung maaasar ba ako matutuwa sa sinabi niya.
Kahit mata lang ay pinagdamot sa akin. Sa ama pa rin nila nakuha. Medyo nakakatampo pero sana ay bumawi sila sa kapangyarihan at manahin ang akin. Kapag talaga hindi pa rin ay sasadyain ko ang dalawa at gumawa pa kami ng isa pa at hihilingin na magmana naman ito sa akin.
Ilang taon pa ang lumipas at nasa apat na taon na ang dalawa. Nung nasa pagitan ng dalawa at tatlong taon sila ay masyadong makukulit. Hinahayaan ko lang pero kapag sumobra ay nagagalit ako na nagpapatigil sa kanilang dalawa.
Hindi ko rin maiwasan na hindi maluha dahil sa namimiss ko na ang kanilang mga ama. Lagi kong naalala ang dalawa dahil sa mas lalong naging kamukha nila ito ngunit sa pinabatang bersyon.
Nang mag-limang taon ay nagulat ako nang minsang nagpalabas sila ng kapangyarihan. Hindi ko akalain na sa murang edad ay magagawa nilang magamit ang kapangyarihan. Si Tyzen ay mas umibabaw sa kanya ang kapangyarihan ng tubig ngunit kaya niyang magpalabas ng yelo. Kabaligtaran naman ang kay Kashyl.
Kasabay ng paglaki nila ang paghanap rin nila sa kanilang ama. Lagi kaming nagkakatinginan ni ate Ylenna sa tuwing maghahanap sila.
Ilang buwan bago sila mag limang taon ay bumalik si ate Ylenna ngunit wala siyang dalang balita tungkol sa dalawa. Mas lalo raw humigpit ang mga bantay sa nakapalibot sa bayan at ang tanging kaya niya lang mapuntahan ay ang pamilya.
Wala rin siyang naririnig tungkol sa palasyo kaya't wala siyang masabi sa akin. Pagkabalik niya ay may dala-dala siyang mga kasuotan para sa dalawa. Magaganda ang mga ito at sabi niya ay nakagawa ng paraan sina Yessa at Yurika para makabili sa pamilihan.
Nalaman rin kasi nilang may anak kami nila Terrence at Kaden. Gusto nila ina makita kaso sinabi ni Ate Ylenna ang dahilan kung bakit hindi kami makabalik.
"Mama, gusto kong makita sila papa." Seryosong ani ni Tyzen. Nakatayo siya sa harapan ko habang nakaupo ako sa duyan. Katatapos ko lang silang turuan kung paano kontrolin ang mga kapangyarihan nila.
Pinagmasdan ko siya at hinawakan sa magkabilang braso. Kuhang kuha niya ang awra ng kanyang ama.
Alam na nilang dalawa na dalawa ang kanilang ama. Alam na rin nila ay ang mga pangalan nito at kung saan ang mga ito.
"Mama, punta tayo sa bayan. Diba nandun sila." Lumapit sa akin si Kashyl at nagpabuhat sa akin upang iupo siya sa kandungan ko. Sa kanilang dalawa medyo si Kashyl ang may pagkamalambing.
"Hangga't hindi nyo nagagawa ng maayos ang pagkontrol sa kapangyarihan nyo hindi tayo aalis rito." Seryoso kong pahayag. Pero nagulat ako at natigilan nang mamula ang mata ni Tyzen at magsimulang umiyak ng tahimik. Nabigla ako at mabilis siyang niyakap.
"Sige na mama. Puntahan natin sila." Sambit nito. Mas nataranta ako nang maging si Kashyl ay umiyak na rin.
"Yejin? Bakit anong problema? Bakit umiiyak silang dalawa?" Maging si ate Ylenna ay nataranta na rin. Ngayon lang ulit namin sila nakitang umiyak kaya nakakapanibago.
"Gusto nilang makita ang kanilang mga ama, ate Ylenna." Nanlaki ang mga mata nito at hindi alam ang gagawin at sasabihin.
"Ate, panahon na siguro para bumalik." Mas lalo siyang nataranta sa sinabi ko.
"S-sige kung iyan ang nais mo. Maghahanda lang ako ng mga gamit natin."
"Salamat, ate." Ngumiti siya at nagmadaling bumalik sa loob ng bahay.
Hinarap ko ang mga anak at hinimas ang kanilang mga ulo.
"Naalala nyo ba ang kwento ko kung bakit narito tayo ngayon at hindi natin sila kasama?" Sambit ko at naramdaman ko ang pagkatigil nila. Nag-angat sila ng tingin sa akin at pinunasan ang sariling mga pisngi saka tumango.
Alam nilang hindi alam ng kanilang ama na buhay ako, na buhay silang dalawa. Ang ginawa sa akin ng kanilang lola. Lahat nailahad ko sa kanila at gusto kong maunawaan nila na hindi ganun kadali ang lahat. Kaya nagtataka ako kung bakit bumalik ang nais nila na makita ang mga ama gayong alam nilang kasama nito ang lola na dahilan kung bakit hindi nila kasama ang mga ito.
Umalis rin kami kaagad dahil malayo layo pa ang lalakbayin namin pabalik. Lahat kami ay nakasuot ng balabal na natatakpan ang mga mata namin at ang mga labi lang namin ang makikita. Ang nakatakip sa mga mata namin ay nakikita ang nasa harap namin pero sila hindi nila kami makikilala.
Hawak ko sa magkabilang kamay ang dalawang anak. Habang si ate Ylenna ay may dala ng mga gamit namin. Paminsan minsan ay gumagamit ako ng snowflakes para mapadali ang paglalakbay namin.
Inabot lang kami ng dalawang araw sa paglalakbay bago makarating malapit sa pader ng bayan. Hapon na at malapit na kami sa kinaroroonan ng bagong tirahan nila ina ayon kay ate Ylenna. Sa isang lagusan kami dumaan at mabilis na nakarating sa kinaroroonan ng bahay.
Nanlaki ang mata namin ni ate Ylenna nang may dumaan na bantay kaya napatago kami sa mga damuhan na mataas sa tabi ng malaking puno. Malapit na ito sa pwesto namin kaya ang paraan na lang ay gumamit ng snowflakes.
Pinalabas ko ito at lumusot kami. Dinala kami sa harap ng pinto na agad binuksan ni ate Ylenna.
Pagkabukas ay agad kaming pumasok at tinanggal namin ni ate Ylenna ang balabal ngunit natigilan kami. Ang mga taong nasa sala ng bahay ay nakalingon sa amin ni ate Ylenna. Nanlalaki ang mga mata nang dumako sa akin ang paningin.
"Y-yejin?"
*****
-btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top