Kabanata 26
❄YEJIN❄
"Terrence! Kaden!" Sambit ko sa kanilang pangalan sa madiin na tono nang maramdaman ko ang dalawa nilang kamay sa ilalim ng kumot na nagsimulang humaplos sa bahaging tiyan. Ang isa ay pataas sa dibdib ko at ang isa ay pababa sa puson ko.
Tumigil sila at mahinang tumawa.
Nang akmang gagawin nila ulit ay sabay kong hinampas ang kanilang kamay saka bumangon hila ang kumot na itinakip ko sa aking dibdib at sumandal sa uluhan ng kama.
"Magtigil kayong dalawa. Yung damit ko, saan na?"
"Sa tuwing nagsusungit o nagagalit ka, mas naaakit kami." Ani ni Terrence at bumangon upang umupo. Namula naman ako sa kanyang sinabi at dahil na rin sa itaas na bahagi ng katawan niyang nakabalandra habang ang puson paibaba ay natatakpan ng kumot.
"At mas ginaganahan kami kapag ang galit mong tono ay nagiging ungol sa tuwing tinatawag mo ang aming pangalan." Napalingon ako kay Kaden na ganun din ang ginawang pwesto kay Terrence. Mas nadagdagan naman ang pagkapula ko.
"Araw---"
"Tigil!" Bago pa matuloy ni Terrence ang sasabihin ay sumingit na ako. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang linya ni Master Vinz.
'Araw-arawin nyo para sigurado.'
"Bakit?" Takang tanong nito sa akin. Umiling naman ako pero alam kong mas namula ako. Bwiset talaga si Master Vinz.
"Uuwi na ako." Nasambit ko na lamang at bigla namang naging seryoso ang mga mukha nila. Hindi payag sa sinabi ko.
"Mag-uusap tayo."
Tumaas ang isang kilay ko.
"Kanina mo pa yan sinabi pero iba ang nangyari."
Napangisi silang pareho sa pahayag ko na ikinaikot ko ng mata. Nanlamig naman ang pakiramdam ko nang may naalala.
"Gusto kong makita ang mapapangasawa niyo."
Sabay silang natigilan at nagkatinginan na dalawa. Muli nila akong binalingan, tinatantya kung seryoso ako.
"Hindi na kailangan."
"Hindi naman ngayon. Manonood ako sa opisyal na pag-anunsyo." Pahayag ko at napansin ko ang pagkaputla nila.
Kahit naman ayaw nila ay wala silang magagawa. Kuryuso ako sa pamilyang iyon dahil may kutob ako. Palagay ko ay ang pagkakasundo kina Terrence ay bahagi ng plano ng Mahal na Reyna.
"Hindi ka pupunta, Yejin." Seryosong pahayag ni Terrence na sinang-ayunan ni Kaden.
"Ayaw naming madagdagan ang galit mo sa aming dalawa dahil sa sitwasyong meron kami ngayon. Hindi namin gusto ang nangyayari." Si Kaden.
Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Hindi nila alam na may iba pang pinanghuhugutan ang galit ko sa kanila. Alam kong hindi dapat pero damay sila dahil pamilya nila.
Hahayaan kong matuloy ang pag-anunsyo sa kasunduan pero ang hindi ko hahayaan ay ang matuloy ang kasal nila. Sa akin ang dalawa. Akin lang.
"Para saan ang ngisi mo, Yejin?" Napabaling ako sa kanila. Napangisi na pala ako sa iniisip.
"Mas magagalit ako kapag hindi niyo ako payagan." Napanganga sila sa akin.
"Pero---"
"Alam na ng pamilya ko na may relasyon tayong tatlo at gusto nila tapusin na natin dahil sa sitwasyon nyong dalawa. Alam kong hindi rin nila hahayaan na pumunta ako ng palasyo ngunit hindi nila ako mapipigilan."
"A-ayaw nila sa aming dalawa para sayo?" Inirapan ko si Kaden.
"Dahil sa sitwasyon nyo. Matagal na kayong gusto, lalo na ng ate Ylenna ko para sa akin. Ako lang naman ang nagdadalawang isip dahil alam kong darating din at nangyari na nga ang araw na ipagkakasundo kayo at maiiwan ako." Nahaluan ng pait ang mga huli kong salita.
"Kung ganun pwedi kaming bumisita sa inyo." May bahid ng pagkatuwa ang boses ni Terrence na napaangat ang isa kong kilay. Hindi nila pinansin ang iba kong sinasabi. Tsk.
Nagkatinginan ang dalawa.
"Hindi pweding padalos-dalos tayo sa pagbisita kailangang may dala tayong handog." Ani ni Terrence na tinanguan ni Kaden. Napakunot-noo naman ako.
"Ano ba? Kasuotan? Pagkain? Alahas?---"
"Anong pinag-uusapan nyong dalawa?" Napalingon sila sa akin ngunit saglit lamang at binalik ang tingin sa isa't isa. Nararamdaman ko rin ang pagkataranta nila na ikina-kunot noo ko ulit.
"Alin ba doon? Yung magugustuhan nila."
"Pwedi kaya yung---hanap tayo sa pamilihan?"
Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanila at hindi maiwasang hindi mainis. Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila.
Umangat ang tingin ko sa orasan at nagulat na alasais na ng hapon. Ang bilis naman ng oras. Bumalik ang tingin ko sa dalawa at ngayon ay tahimik na sila pero halata namang may iniisip.
Napaangat ako ng kilay ng nagtinginan sila at ngumisi na parang may naalala saka bumaling sa akin.
"May ipapakita kami sa iyo."
Nagtaka ako. Sabay silang tumayo na ikinalaki ng mga mata ko kaya mabilis kong hinila ang kumot upang itakip sa mukha ko. Wala kaming saplot at kahit na nakita ko na ng ilang beses ay pakiramdam ko mamumula ako ng husto kapag nasisilayan ko ulit.
"Hindi ka pa rin sanay?"
Nahihimigan ko sa tanong ni Terrence ang pangangasar sa akin at si Kaden naman naririnig kong tumatawa. Sa asar ko ay inalis ko ang kumot na nakatabing sa buong katawan ko at umalis ng kama ng walang saplot. Natigilan at nalaglag ang panga nila sa ginawa ko. Habang naglalakad ako ay nakasunod ang tingin nilang dalawa at sabay ring napalunok nang marating ko ang aking damit.
Nakasuot na sila ng pambaba kaya nakahinga ako ng maluwag. Wala akong gaanong lakas ng loob ibalandra ng ganito ang buo kong katawan pero ilang beses naman nila nahawakan, nahalikan, nakita at sinamba ay medyo nagkaroon ako ng lakas.
Tinaasan ko lang sila ng kilay habang isa-isa kong sinusuot ang kasuotan ko. Nakatitig lang sila sa akin at mababasahan ng pagkamangha sa mga mata. Ngayon ko lang ito ginawa sa harap nila dahil lagi ko silang pinapaalis sa tuwing magbibihis ako.
"Akala ko ba may ipapakita kayo sa akin?" Tanong ko. Natigilan sila at napalunok saka umiwas ng tingin. Sabay na nagmura at sinuot ang pang-itaas na damit. Hindi ko naman maiwasang hindi matawa.
Pagkatapos ko ay lumapit silang dalawa sa akin. Pumwesto sa magkabila ko habang ang mga kamay ay pumalibot sa magkabilang bewang ko. Isang iglap lang ay nasa loob na kami ng isang panibagong silid.
Humiwalay sila sa akin at lumapit sa isang kabinet na malaki. Umikot ang tingin ko sa kabuuan ng silid at may hinuha akong isa ang silid na ito sa maraming silid rito sa Palasyo. Ngunit napakalaki at napakalawak nito para sa isang tao. Dalawa ang kama na magkahiwalay ng ilang metro. Meron ding mga sofa't maliit na mesa. Sa tabi nun ay ang bintanang may nakatakip na kurtina.
"Yejin!" Napalingon ako sa dalawa pero lumihis ito sa dalawang kuna na malapit sa kinalalagyan nila. Nangunot ang noo ko. Bumalik ang tingin ko sa kanila at lumapit.
May kinuhang kasuotan ang dalawa, tig-isa sila. Patuloy ang pagkunot ng noo ko. Inilahad nila ito sa akin at tumambad sa akin ang kasuotang pambata.
"Kanino itong silid?"
"Para sa magiging anak natin." Nanlaki ang mga mata. Napangisi silang pareho sa reaksyon ko.
"Kapag hindi tayo nagkikita nandito kami para ayusin ang silid na ito at ang gamit ng magiging anak natin. Gusto namin dito sila lumaki kaya't pinaghandaan namin."
Kinuha ko ang mga kasuotan na inilahad nila at pinagmasdan ito. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Nabigla ako. Hindi ko akalain na pinag-isipan nila ito. Na alam nilang magkakaroon kami ng anak kaya't nanguna na sila sa paghahanda. Naghalo-halo ang mararamdaman ko.
"Positibo akong lalaki ang magiging anak natin. Hindi na ako makapaghintay na dumating sila." Si Terrence.
"Mas maganda na lalaki kesa sa babae dahil hindi ko mawari kung paano ito po-protektahan dahil siguradong magiging tulad ito ng ina na agaw-pansin sa mga kalalakihan." Si Kaden.
Pinagmasdan kong mabuti ang tela ng kasuotan at ang mga disenyo nito. Pangmaharlikang kasuotan. Hindi ko maiwasang hindi manginig at magtubig ang dalawang mata. Napangiti ako. Mas lumalim ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa.
"Yejin..." Niyakap ako ni Terrence. Dumikit ang ulo ko sa dibdib niya ng maramdaman kong hinahaplos ni Kaden ang ulo ko.
"Ikaw lang tanging nakikita naming magiging ina ng anak namin, Yejin. Wala nang iba."
"Kaya sinisigurado naming magbubunga ang pagtatalik natin. Ikaw ang gusto naming pakasalan."
Hindi ako makaimik. Sobra sobra na ang nararamdaman kong kasiyahan sa loob ko. Naiiyak ako sa labis na tuwa dahil sa ginawa at sinabi nilang dalawa. Labag ito sa gusto ng kanilang magulang pero nagpatuloy sila. Kaya alam at ramdam kong seryoso sila sa akin. Totoo ang nararamdaman nila para sa akin. Dahil kung hindi, hindi sila makakaisip na paghandaan ang hinaharap namin.
"Yejin, magsalita ka." Nag-aalalang ani ni Kaden nang hindi pa rin ako nagsasalita.
"Mahal kita, Terrence, Kaden, please." Ani ni Terrence sa malambing na boses.
"Mahal ko kayong dalawa, Terrence at Kaden." Sambit ko at gumanti ng yakap kay Terrence. Naramdaman ko naman ang paghalik nito sa noo ko at ramdam ko rin ang halik ni Kaden sa ulo ko.
"Mahal ka rin namin, Yejin." Sabay nilang sambit.
Matapos ay humiwalay ako sa kanila para usisain pa ang ibang narito na gamit. May mga damit pang sanggol rin ang narito. Inaasahan nilang kambal ang magiging anak namin kung kaya't ang mga gamit ay tig-dalawa. At siguradong sigurado sila na parehas lalaki.
"Ang anak nating magmamana sa akin ay papangalan kong Tyzen" Nakangising ani ni Terrence habang nakaupo sa isang kama. Si Kaden sa kabilang kama at napabaling ako ng magsalita rin ito.
"Kashyl (Kashil), yung akin."
Napaangat ang isang kilay ko.
"Paano kung hindi kambal tapos babae?" Tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa at napabuntong hininga. Parang ang laking problema para sa kanila kung babae ang anak namin. Ang totoo ay wala namang kaso sa akin kahit anong kasarian basta silang dalawa ang ama.
"Tyra."
"Kashyn."
Magkasabay na banggit nila ng pangalan na ikinangisi ko dahil parang magkadugtong ito. Gusto talaga nilang kapareho ng pangalan nila ang simula pero napansin ko ring hindi nawawala ang letrang y sa mga ito.
"Luxiara." Dagdag ko. Pero hindi ko maiwasang hindi mapawi ang ngisi dahil sa ang pamilya nila ang dahilan kung bakit wala na ang mga magulang ko. At nawala ang titulo kong Icy Princess ng angkan namin.
Hindi ko matukoy kong masaya ba o ano kung dadalhin ko ang apelyedong iyon. Isa akong Frost. Kalaban ng pamilyang Luxiara. Kahit nagbago ang lagay ng loob ay hindi ko iyon pinahalata sa dalawa. Para mas lalong hindi nila mapansin ang pagiging malamig ko ay inaya ko silang ihatid ako sa malapit sa bahay namin.
Isang halik ang iginawad nila sa akin bago ako iwan tulad ng nais ko. Mula sa pwesto ko ay ginamit ko ang snowflakes ko para mapunta sa silid ko na hindi dumadaan sa pinaka-pintuan ng bahay.
Ngayon lang ako dinapuan ng pagod at akmang uupo na ako sa kama nang natigilan ako sa narinig.
"Huling tanong, nasaan siya?" Hindi ko kilala ang boses nito kaya't nakaramdam ako ng kaba. Lumapit ako sa pintuan ng aking silid at maingat itong binuksan upang magkaroon ng maliit na siwang upang masilip ko ang nagsalita.
"Hindi pa nakakauwi si Yejin!" Madiing sagot ni ina habang nakaluhod sila at nakatutok ang espada sa kanilang lahat ng mga lalaking nakasuot ng balabal. Nanlaki ang mga mata ko sa ganap.
Sa harap nila ay may babaeng nakatayo ngunit hindi ko makilala dahil sa may suot rin itong balabal. Mata lang nito ang nakikita ko.
Anong kailangan nila sa akin?
"Tatlong minuto, kapag hindi pa siya nakarating ay dalhin sila sa gubat at patayin." Malamig na utos ng babae nagtindi ng kaba ko. Umiiyak na sila Yessa, Yurika at ate Ylenna. Wala ring magawa si ama at ina dahil hindi sila hinahayaang makaalis sa pwesto nila.
Nag-init ang sulok ng dalawa kong mata. Binuksan ko ng malaki ang pinto ng aking silid at hinarap ang babae. Napunta sa akin ang tingin niya at palagay ko ay napangisi siya.
"Nakita na rin kita. Ang tanging natitira sa pamilyang Frost, Yejin Frost." Ani nito na ikinatigil ko. Mas natigilan ako nang makita ko sa kamay nito ang isang bulaklak. Pamilyar ito sa akin o mas tamang sabihin na hawak niya ang palantandaan, ang delosperma kaya hindi ko maiwasang hindi magsiklab ang galit sa puso ko.
*****
-btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top