Kabanata 23

YEJIN

"Bakit pala napaaga ang dating nyo?" Kuryoso kong tanong sa kanila. Bumaling ako kay Lia at tinaasan ito ng kilay.

"Hindi ka pa uuwi?" Umiling ito sa akin.

"Nakalimutan mo na yata na nagpapasama ka sa akin pumunta sa bahay ni Master Vinz." Kumunot ang noo ko at nang maalalang sinabi ko ito sa kanya kahapon ay napatango na lang ako at napabuntong hininga.

"Para saan at bakit ka pupunta roon?" Seryosong tanong ni Terrence. Sa halip na sagutin siya ay tumingin ako ulit kay Lia.

"Sa linggo na lang ng hapon."

"Sige, sige."

"Yejin, tinatanong kita."

Napabaling ako kay Terrence at isang biro na naman ang pumasok sa isip ko.

"Magpapakonsulta dahil hindi ko magamit ang kapangyarihan ko ngayon." Seryosong pahayag ko na ikinagulat nilang lahat. Napansin ko naman ang pag-aalala nila matapos magulat. Akmang lalapit na sa akin si Kaden nang magsalita ako.

"Biro lang." Ani ko at ngumiti sa kanila.

"Yejin!" Sabay na banggit ng magpinsan sa seryoso at malamig na boses.

"Ang pangit ng biro mo talaga kahit kailan." Napahilamos si Zanlex sa kanyang mukha. Problemado sa akin. Napatawa naman ako.

"Saan ba ang lakad ngayon? Ayos lang sa akin na umuwi ng gabi." Sabi ko.

"Sama ako!" Ani ni Lia saka kumawit sa braso ko. Nakita ito ni Zainah kaya gumaya sa kabilang braso ko. Nakasanayan na nilang dalawa ang kumawit sa akin.

Napatingin naman ako sa dalawa na masamang nakatingin sa magkabilang braso ko na okupado ng dalawang babae.

"Malay sa dalawang 'to." Tukoy ni Zanlex sa magpinsan. Nasa kanila tuloy ang atensyon namin.

"Depende sa kanya." Tulak naman ni Kaden sa akin. Napa-angat naman ako ng kilay. Nung mga nagdaang araw ay pumupunta lang kami sa tambayan nila o kaya sa lugar na walang gaanong tao at pagkatapos nun ay inihahatid na nila ako sa bahay. Hindi ko nga lang sila pinapalapit masyado.

"Parang nakaraan lang kayo pa ang nauuna mag-aya sa Bahay-Aliwan---" Sumama ang tingin ko kay Zanlex. Binalingan ko ang dalawa at nang magsasalita ito ay tumalikod ako at nasama naman ang dalawang sa magkabila ko saka nauna nang lumakad. Tahimik naman ang dalawa sa magkabila ko.

"Yejin!"

"Bahay-Aliwan pala ah." Madiing sambit ko na ang nakakarinig lang ay ang dalawa. Natawa ito sa akin pero hinayaan ko na lang dahil nakaramdam ako ng mabigat sa nalaman kay Zanlex.

"Pumupunta pala sila doon. Kaya siguro hindi nahihiyang magpakita ng pagkagusto sina Khiela, Saphira sa kanila kasi nagkikita sila doon." Sambit ni Zainah na nagpasama pa ng loob ko lalo.

"Nilalandi nila si Prinsipe Terrence at Kaden?" Tanong ni Lia.

"Palagay ko nga ay sumaya sila na wala na si Yejin sa Palasyo. Sila mismo lumalapit sa dalawa. Medyo nakakasar lang kasi kapag sa akin ay masama ang tingin pero kapag sa dalawa ay makangiti, wagas."

"Doon tayo pupunta ngayon." Seryosong saad ko na nagpaggulat sa dalawa.

"Ngayon na? Ganitong suot?" Tumango ako kay Zainah.

"Si kuya kasi pasmado ang bibig." Nakangiwing sambit nito.

Napabuntong hininga ako ngunit di pa rin nababawasan ang bigat ng loob ko.

Muli akong tinawag nila pero natigil kaya napalingon ako. Kita ko ang paglapit ni Hestia kay Terrence. Hindi pa kami nakakalayo ng masyado kaya't rinig pa ang usapan.

"Pwede ka bang makausap kahit saglit, Mahal na Prinsipe?" Sambit nito na may halong pagmamaka-awa.

Napakunot-noo ako. Hanggang ngayon pa rin ba pinipilit niya pa rin yung pagkagusto niya kay Terrence?

"Ayan na naman siya. Makulit talaga. Hindi nga sabi siya pwedi kay Prinsipe Terrence, pilit pa rin siya." Nilingon ko si Zainah.

"Hindi siya lantaran sa palasyo tulad nina Khiela. Naging kasama ko sya pero nakakasama rin ang sobrang pagkagusto kasi nawawalan siya ng pake sa batas na meron ang bayan natin."

Nilingon ko ulit sila pero nakaramdam ako ng kung ano nang hawakan na niya ang braso ni Terrence. Pinipilit ito.

"Tumigil ka na, Hestia." Malamig at may diing pahayag ni Terrence at inalis ang pagkakahawak ni Hestia.

Medyo nakakuha iyon ng atensyon kaya't napilitan si Hestia na umalis. Tumakbo ito palayo.

Kung ako sa kalagayan ni Hestia, sapat na sa akin ang paalisin ako sa harap nito para tumigil na. Naiisip ko kung ganun kalalim ang pagkagusto ko kina Terrence at Kaden ay malamang na magagawa ko rin ang mga bagay na ginawa niya tulad ng paghingi ng atensyon mula sa kanila kahit na hindi pinaglalaanan kasi iba ang kanilang gusto.

Pero sa kaso ko ngayon, sa akin sila. Ako ang gusto nila. Kung sakali, ayaw kong dumating sa punto na mangyari iyon. Na paalisin nila ako kasi hindi na nila ako gusto o nagsawa na sila sa akin.

Inalis ko ang tingin sa kanila. Gumamit  ako ng snowflakes para malayo sa paningin ng Elitian. Muli ko itong ginamit kasama ang dalawa hanggang sa makarating kami sa tabing dagat.

Naupo ako sa buhangin at sumandal sa mga tuhod ko. Ang isang kamay ay humahawak ng buhangin. Natutok naman ang paningin ko sa kulay yelong singsing.

"Iniisip mo pa rin ba yung pagpunta nila sa Bahay-Aliwan? O yung kay Hestia? Wag ka mag-alala, Yejin. Ramdam ko namang tapat sa iyo yung dalawa." Ani ni Zainah at tumabi sa akin.

"Kaya nga." Sang-ayon ni Lia at tumabi sa kabila ko.

"Magpabuntis ka na kaya sa kanila para siguradong iyo lang ang dalawang iyon." Nanlaki ang mga mata ko na binalingan si Lia. Tumango-tango naman si Zainah rito.

"Ang ganda ng payo mo, mukha akong naghahabol ng magandang lahi." Plat na tonong pahayag ko.

"Hindi naman. Kapag kasi may anak ka sa kanila ibig sabihin pag-mamay-ari mo sila."

"Nakalimutan mo ang kasal, Lia. Ganyan ba ang balak mo kay Zanlex?" Nang-aakusang tanong ko sa kanya. Napangiwi naman sya.

"Zanlex? Bakit anong meron kay kuya? May gusto ka, Lia kay kuya?" Nahihiya namang tumango si Lia.

"Hala! Naku! Wag kang paloloko dun. Siraulo yun. Palagay ko nga siya ang mas laman ng Bahay-Aliwan. Hindi ko nga lang mahuli." Napangiwi na lang kaming pareho ni Lia sa mga salitang ginamit nito sa kanyang kuya.

"Sinong siraulo? Ha? Zainah?"

Sabay-sabay kaming napalingong tatlo sa pinanggalingan ng boses at nakita ang Elitian na palapit sa pwesto namin.

"Hala. Patay!" Napatayo si Zainah at hinila kami ni Lia. Akmang tatakbo na ay may humawak sa akin at binuhat ako. Napabitaw sa akin si Zainah na hinahabol na ni Zanlex at si Lia na tumatawa sa tili ni Zainah.

Bumaling ako kay Kaden at kay Terrence saka sinamaan sila ng tingin. Gumamit ako ng snowflakes kaya nawala ako sa pagkakabuhat ni Kaden. Nasa tabi na ako ni Lia. Nagulat pa ito sa akin.

"Yejin!"

Hinawakan ni Terrence ang braso ko at hinila ako papusunod sa kanya. Sa likod ko naman si Kaden nakabantay.

"Bitaw!" Seryoso kong sambit ngunit hindi pinansin. Huminto kami sa malayo sa Elitian at hindi pa din binibitawan ang kamay ko ni Terrence.

"Hindi na kami pumupunta roon." Tukoy niya sa Bahay-Aliwan.

Medyo mas mabigat ang kaalamang pumupunta sila dun kesa sa pagkagusto ni Hestia kay Terrence.

"Totoo pala. Siguro doon din nakikipagharutan sa inyo sina Saphira kaya ganun na lang sila makalapit sa inyo." Malamig na sabi ko.

"Kung hindi nyo siguro ako nakilala, malamang ay kayo na. Kaya siguro ganun na lang galit nila sa akin kasi nasa akin ang atensyon nyo." Dagdag ko.

"Ngayon ko lang ito naramdaman pero ang bigat ng loob ko sa mga narinig ko. Palagay ko ay hinahayaan nyo lang sila kasi gusto nyo rin." Mas naasar ako nang tahimik lang sila at saka nagkatinginan.

"Siguro may nangyari sa inyo---" Natigilan ako nang buhatin ako ni Terrence at bigla na lamang kaming nawala sa tabi ng dagat at sa loob na ng isang kwarto.

Inilapag ako ni Terrence sa kama at agad naman akong umupo at sinamaan sila ng tingin.

"Bakit dito niyo ako dinala? Terrence? Kaden?" Galit na sambit ko.

(Warning: May SPG)*

Pero natigilan ako sa sunod nilang ginawa. Humubad sila ng damit kaya kitang kita ko ang nga katawan nila. Itinapon nila ang suot na damit sa sahig.

"Anong ginagawa nyo?" Nataranta kong tanong nang makitang hinawakan na nila ang pang-ibaba nilang suot.

"Umayos kayong dalawa!" Tumigil sila pero hindi pa dun natatapos ang pagkataranta ko nang lumapit sila sa akin kaya napaatras ako sa uluhan ng kama.

"Terrence! Kaden!" Matigas na tawag ko kahit nanginginig na ang tuhod ko. Hindi rin ako makatingin sa katawan nila kundi sa mga mukha lang nila.

Umupo sila sa kama na nakaharap ang kalahati ng katawan sa akin.

"Wala pa kaming karanasan, Yejin. Walang nangyari sa pagitan namin tulad ng iniisip mo."

"N-nagsasabi kayo ng totoo?"

Sabay silang tumango na nagpawala ng sama ng loob ko. Kailangan ko lang talaga magtiwala sa kanila ng buo para hindi ako magduda ng husto. At yung sagot nila ang kailangan ko.

"Hindi kami papayag na ang una naming kasiping ay hindi namin gusto." Sambit ni Kaden na kinuha ang kaliwa kong kamay at hinalikan ang likod nito kung saan naroon ang singsing.

"Ikaw lang ang gusto namin." Napalingon ako kay Terrence at nakalapit na ang mukha nito sa akin. Lumapat ang labi niya sa labi ko, gumalaw ito na nagpapikit sa akin. Naramdamn ko ang kamay niya sa likod ng ulo ko at napasunod ako nang yumuko pa siya hanggang sa naramdan ko ang unan sa ulo ko.

Patuloy lamang sya sa paghalik na hindi ko mapigilang hindi tumugon at sabayan ang paggalaw nito. Naramdaman ko ang mga kamay niyang inaangat ang suot ko at nang sa dibdib ko na ito ay humiwalay siya at tuluyang hinubad sa akin.

Napatingin ako kay Kaden na humahalik sa nakalabas ko nang tiyan. At nang humawak ito sa dalawang huli kong saplot sa pambaba ay hindi ko maiwasang tawagin ang pangalan niya.

Muling lumapat ang labi ni Terrence sa akin kaya napahawak ako sa buhok niya nang maramdaman kong unti-unting ibinaba ni Kaden ang saplot ko sa baba.

Naramdaman ko rin ang kamay ni Terrence na tinatanggal ang telang nakatakip sa dibdib ko. Nang magtagumpay silang maalis ang mga saplot ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya dahil sa nakita na nila ang buo kong katawan.

"Sa amin ka lang, Yejin."

Bumitaw si Terrence sa paghalik at dumako ang kanyang labi sa tuktok ng isa kong dibdib habang ang isa niyang kamay ay nasa kabila kong dibdib. Hindi ko maiwasang hindi umungol at hawakan siya sa buhok. Napahinga ako ng malalim nang maramdaman ang paghiwalay ni Kaden sa dalawa kong hita at pumwesto siya sa gitna. Napasinghap ako nang lumapat ang labi nito sa gitnang bahagi ng kaselanan ko.

Hindi ko mapigilan na tawagin ang mga pangalan nila. Bumibigay rin ang katawan ko sa dulot nila wari'y gustong gusto ang ginagawa ng dalawa.

*****
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top