Kabanata 22
P.S.
Ang kwentong ito ay magkakaroon ng polyandry relationship.
Polyandry is the practice of a woman having legitimate sexual or romantic access to more than one man, through marriage or other social agreement.
Kung ang dalawang lalaki sa kwento ay hindi nagkasundo sa set-up na meron sila kasama ang babae, that's cheating. Kabaligtaran nun ang situation ng polyandry relationship kung saan agree silang dalawa at patas ang relasyon sa babae.
I have read some stories na hindi naipapaliwanag ang ganyang set-up. Nag-e-exist ang ganyan in-real world pero ginawa ko sya rito sa fantasy story where everything is just a fiction.
If ayaw ng ganitong set-up, it is your choice to stop or to continue reading this story.
♡
*****
❄YEJIN❄
"Susunduin ka ulit nila mamaya diba?" Napatingin ako sa tumabing Lia sa akin. Tumango ako sa kanya. Ilang oras na lang kasi ay magsasarado na kami.
"Kasama kaya nila si Zanlex?" Sinamaan ko siya ng tingin.
Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang maging kasintahan ko ang magpinsan. Medyo nagulat ako na payag sila sa ganung set-up, na hati sila sa atensyon ko. Sekreto lang ang relasyon namin at ang tanging nakakaalam lang ay sina Zainah, Lia at ate Ylenna na pinagsabihan ko. Ayaw ko munang ipaalam kina ama at ina dahil alam kong mabibigla sila.
Unang napagsabihan ko si Lia, gulantang ito sa kinwento kong nangyari at kung paano. Hindi makapaniwala at sa sobrang tuwa dahil nga nakita ang suot kong mga singsing ay muntik nang may makarinig. Ang mga singsing ay sinusuot ko lamang kapag umaalis ako ng bahay dahil alam kong mapapansin nila ina.
Nang isabi ko rin ito kay Ate Ylenna ay hindi nalayo ang reaksyon niya kay Lia. Ang malala ay humiling sa akin na magkaroon ng anak sa dalawa para daw siya ang mag-alaga.
At dahil nga wala na ako sa Palasyo ang tanging oras lang na nagkikita kami nina Kaden at Terrence ay pagkatapos ko ng trabaho at sila sa kanilang klase. Terrence dahil ayaw niyang lagyan ko ng prinsipe. Saka ko lang sya tinatawag ng ganun kapag kami o ang Elitian lang ang kasama.
"May gusto ka ba sa kanya?" Tanong ko rito at pinaningkitan siya ng mata. Tumango naman ito at napabuntong hininga na lamang ako.
"Sige. Pinapayagan na kita basta kapag may hindi siya ginawang maganda sayo, isumbong mo sa akin agad kahit anong mangyari." Seryosong saad ko na ikinalaki ng ngiti niya at tumango-tango sa akin.
"Kapag ikaw nasaktan, pareho kayo ni Zanlex ang malalagot sa akin."
"Pangako." Aniya at bumalik sa kaninang pwesto nito.
"Yejin." Naplingon ako sa tumawag at nabigla nang makita si Matt. Ilang araw na din na hindi ko ito nakita. Hindi rin kasi ako pumunta sa pagbibigay ng parangal sa kanila tulad ng pangako ko kay ina na huli na iyong sa pagsusulit.
Yumuko ako rito. Nagtataka kung bakit narito siya samantalang may klase sila sa Palasyo.
"Kamusta?" Tanong niya na nagpadalawang isip pa sa akin kung sasagutin ko ba pero ginawa ko na lang.
"Ayos lang." Tumango naman ito at ngumiti sa akin. Nabigla naman ako. Nagtataka sa kilos niya.
"Hmm. May gagawin ka ba mamaya pagkatapos dito?" Nangunot ang noo ko.
"Bakit?"
"Pwedi ka bang maayang lumabas?" Napanganga ako at hindi makapaniwala dahil ramdam kong seryoso siya sa sinasabi. Lumihis ang tingin ko sa likod niya at napansin si Lia na may nginunguso kaya napalingon ako rito.
Nasa tanggapan ang Elitian at si Zainah. Dumako ang tingin ko sa dalawa at nakita ko ang pagiging seryoso at malamig na tingin sa akin. Bumalik naman ang tingin ko kay Matt.
"Pasensya na, Matt ngunit may gagawin ako mamaya." Naramdaman ko ang pagkabigo sa kanya pero agad na ngumiti sa akin.
"Hmm. Sige. Sana sa sunod ay pwedi na. Aalis na ako. Salamat, Yejin." Hindi na niya ako pinasalita pa at agad na umalis.
Hindi ko ito sinundan ng tingin at napalingon na lamang sa orasan. Mahigit kalahating oras pa bago kami magsasara. Hindi ako bumaling kina Zainah lalo na sa dalawa.
"Ate, ganda!" Isang malakas na sigaw ng bata ang pumailanlang sa loob ng tindahan. Napabaling ako rito at agad nakita ang tumatakbong apat na taong gulang na si Freiya. Sa likod nito ang buntis na ina niya na si Fauna.
Nang makita ako ni Freiya ay dumiretso ito sa harap ko. Bumaling naman ako kay Fauna na nabigla pa nang makita ang Elitian kaya agad na nagbigay-galang saka lumapit sa akin.
"Nagulat ako roon. Anong ginagawa pala nila dito?" Bulong niya. Patukoy sa Elitian.
"May hinihintay po, ate Fauna." Tumango siya at bigla na lang lumawak ang pagkakangiti.
"Oo nga pala. May pagsasalo sa bahay sa sabado dahil sa kaarawan ni Freiya. Pumunta ka, Yejin ha. Nandito kami para bumili ng kasuotan ko at balak ko rin na para sa iyo."
Nagulat ako.
"Pero ate, ako na bahala sa damit---"
"Ako na. Sige na." Ngumuso siya na ikinabuntong hininga ko na lamang at tumango. Napatingin naman ako kay Freiya na humawak sa kasuotan ko at gustong magpakarga.
"Pagod na si ate Ganda mo, wag na magpabuhat." Umiling ako kay Fauna at binuhat si Freiya. Yumakap ito sa akin na ikinangiti ko.
"Pasensya na, Yejin ha. Hindi ko kasi siya mabuhat dahil sa ang tiyan ko lumalaki na."
"Ayos lang po, ate Fauna."
"Pili na tayo ng kasuotan."
Sumunod ako sa kanya habang karga si Frieya. Habang pumipili ay nagkikwento siya tungkol sa kanyang pagbubuntis. Maging ang pagiging asar niya sa asawa dahil sa nagseselos siya sa mga nakikita niyang mga lumalapit na babae rito.
Kung ako rin naman ay ganun din ang magiging reaksyon sa dalawa. Kahit hindi pa kasal magseselos akong talaga.
"Ikaw pala, Yejin. May kasintahan ka na?"
"Opo, ate." Nanlaki ang mga mata nito at muntik na tumili na ikinangiwi ko.
"Hala! Sino? Gusto kong makilala. Dapat sobrang gwapo din ah para pantay sa ganda mo." Hindi ko naman mapigilang matawa nang pumasok sa isip ko ang dalawa.
"Sobrang gwapo, ate. Pero sekreto po muna."
"Hala, bakit? Kuryoso ako kung sino. Sige na sabihin mo sa akin hindi ko ipagkakalat."
Natawa akong umiling sa kanya na ikinasimangot niya.
"Sige na nga. Hihintayin ko kung kelan mo ipapakilala sa akin." Tumango ako sa kanya at nagpatuloy naman siya sa pagpili. At nang may magustuhan ay isinukat.
"Ayos na ito sa akin. Ang ganda ng disenyo. Yung sa iyo naman." Aniya na hinayaan ko na lang. Kabilang sila sa Ician at nakilala ko dito sa tindahan lang din.
May kinuha siyang bestida na ang kalahati ay maaninag ang kalahati ng hita kapag isinuot. Kulay langit ito na maganda sa paningin at iba rin ang tela na ginamit.
"Isukat mo, dali!" Tumango ako at ibinaba si Freiya. Kinuha ang hawak ni ate Fauna at mabilisang nagpalit. Sakto lang sa akin ang sukat ng damit at hindi na rin ako magtataka. Halos kasi ang iba ay ang sukat ng katawan ko ang binatayan nila Lady Lorraine. Tulad nga ng inaasahan ay kita ang kalahati ng hita ko dahil sa manipis at naaninag sa telang ginamit.
Lumabas ako at ipinakita kay ate Fauna. Mangha naman ito at napangiti ng malaki.
"Bagay na bagay sayo. Ang ganda mo talaga, Yejin! Iyan na ang suotin mo ha."
"Sige po, ate Fauna."
"Halika na. Bayaran ko na." Tumango ako at muling bumalik sa silid sukatan at ibinalik ang dating suot.
Nang makalabas ay nakangiti lang si ate Fauna at si Freiya ay muling nagpabuhat sa akin. Nang makapunta kami sa babayaran ay nadaanan namin ang Elitian. Nasa tabi lang kasi sila ng parte ng babayaran at sa kabila nila ay malapit ang pinto ng tindahan.
"Ate, ako na ang magbabayad nung para sa akin."
"Hindi na, Yejin. Ako na. Basta suotin mo iyon ha."
"Ate, ganda. Suot mo iyon ha."
Napangiti naman ako sa ka-cute -an ni Freiya kaya napatango na lamang ako.
Nang maayos na ang lalagyanan ng para sa binili niya na para sa kanya at yung sa akin ay iniabot niya yung akin na tinanggap ko.
"Salamat, ate Fauna." Ngumiti ito pabalik sa akin at tinawag na si Freiya na bumaba na mula sa pagkakarga ko. Sumunod naman ito. Inihatid ko sila sa may pintuan.
"Oo nga pala. Isama mo ang kasintahan mo, Yejin ha." Namula naman ako dahil alam kong rinig iyon nila Zainah dahil malapit lang kami sa kanila.
"Opo." Sambit ko at ngumiti naman ito. Kumuway sa akin na tinanguan ko na lamang.
Agad kong hinanap si Lia dahil oras na para sa pagsasara. Lumapit ako rito.
"Ayos naman din kaya pwedi na." Ani nito. Tatlo lang kasi kami ngayon kaya kami lang ang naiwan para mag-asikaso rito. Tumango ako sa kanya. Ang isa naman naming kasama ay inaayos ang benta. Muli akong umikot at nang makitang ayos na talaga ay binilinan ko si Lia na ang naghihintay ay sa labas na lang.
Ako ang huling lumabas kaya nagulat ako nang makita sila sa harap lang ng pinto kasama si Lia.
"Yejin, yung kaninang lalaki bago sila ate Fauna ay si Matt diba?"
"Oo."
"Anong sabi niya? Medyo nakangiti kasi nung palabas na."
Nangunot ang noo ko kaya nang maayos ko na ang pagkakandado ay humarap ako kay Lia. Dito pa napiling itanong, sa harap pa ng Elitian, sa naririnig pa ng dalawa.
"Niyaya niya akong lumabas---" Natigil ako at napalingon sa nagbagong awra ng dalawa.
"Patapusin nyo akong magsalita." Seryosong sambit ko na ikinaiwas nilang dalawa ng tingin. Narinig ko pa ang hagikhik nina Zainah, Zanlex at Denver.
"Niyaya nya akong lumabas ngunit tumanggi ako. Hindi ko alam kung bakit ganun ang ekspresyon niya." Tumango naman sa akin si Lia.
"'Yan selos pa." Sambit ni Zanlex habang natatawa. Sinamaan siya ng tingin ng dalawa kaya lumayo siya rito.
*****
-btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top