Kabanata 17
❄YEJIN❄
Habang pauwi na kami nila Ate Ylenna, ina at ama ay nakita ko si Lia na nag-aabang sa kanto papasok sa aming bahay. Nagpaalam ako sa mga ito na susunod na lang sa pag-uwi at agad na lumapit kay Lia. Bumati rin ito at nang makalampas na sina ate Ylenna ay pumulupot ang kamay nito sa braso ko.
"Namiss kita, Yejin!" Sumandal siya sa balikat ko at ngumuso.
"Namiss rin kita." Sambit ko at ngumiti. Tumingin ito sa akin at kumunot ang noo.
"Ano iyong naririnig ko tungkol sayo? Nakakasama mo ulit ang Elitian?" Napabuntong hininga naman ako at hinila sya sa nakitang pweding pwestuhan. Kinwento ko sa kanya lahat ng naging ganap at sari't saring ekspresyon ang makikita sa kanya habang nakikinig.
"Galing ng nagpakalat ng tsismis, walang katotohanan." Komento niya na ikinatawa ko.
"Tungkol sa sinabi ng ate mo sa iyo, nakapili ka na ba kung sino sa dalawa?" Napaangat ang kilay ko. Pati kasi ang sinabi ni ate sa akin ay nakwento ko rin.
"Dalawa na lang sila." Direktang banggit ko na ikinangiwi niya.
"Hindi pweding dalawa. Isa lang, Yejin. Pero pwedi namang gawing kasintahan ang dalawa basta isa lang ang maging asawa sa kanila ay pwedi na rin dalawa." Napatawa kami pareho.
"Pero seryoso, sino para sa iyo ang mas malakas ang dating?" Natigilan naman ako sa tanong niya at napaisip. Sa dalawa, kung ilarawan ko sila ay pareho lamang.
"Pareho."
"Angat ng kunti na lang."
"Ang Mahal na Prinsipe kasi prinsipe siya. Pero si Kaden din kasi angat siya sa paggamit ng yelo." Tumango naman siya.
"Ito na lang. Kung pwedi silang dalawa, pwedi ka ba sa kanila?"
"Tanong mo sa kanila." Sambit ko. Napangiwi naman siya. Malay ko naman. Hindi naman ako desisyon para sagutin ang tanong niya dahil hindi naman ako ang dalawang pinag-uusapan namin.
"Hindi ka pala pwedi sa kanila kasi sa sunod na linggo ay pipili na para sa Mahal na Prinsipe at si Kaden naman, siguradong may ilaan din para sa kanya." Sabay kaming napatango sa katotohanang iyon.
Napabuntong hininga na lamang kami at sabay na naglibot ang mga mata sa maliwanag na gabi dulot ng iba't ibang ilaw na nagmumula sa paligid.
"Pero kung sa tingin mo, kung sino ang mas naramdaman mong may pag-asa huwag mo nang palampasin." Tumango ako sa payo niya. Kung darating man ang pagkakataong iyon ay sana nakaalis na ako ng Palasyo at bumalik kasama ni Lia sa tindahan ni Lady Lorraine.
Makalipas ang isang oras ay napagdesisyon na naming umuwi na sa kanya-kanyang bahay. Inaasahan ko na wala na sila sa sala ngunit nagkakamali ako dahil kumpleto sila roon.
Tulad ng ganap nung may nagawang kasalanan ang dalawa sa Palasyo ay ganun ring posisyon nila sa sofa. Nakaupo at masama ang tingin sa akin. Namumula ang pisngi.
"Dahil sa babaeng yan, pinagtulungan kami ng mga Maharlika!" Malakas na sabi ni Yurika na ikinagulat ko.
"Tumigil ka, Yurika. Hindi kayo mapapahamak kung hindi kayo umalis ng bahay natin." Sambit ni ina. Tiningnan ako nito at halatang may gustong itanong.
"Pero ina, hindi naman kami aawayin ng mga Maharlike kung hindi dahil kay Yejin. May kasalanan daw sa kanila ang babaeng iyan kaya sa amin sila gumanti." Napunta ang lahat ng atensyon nila sa akin.
Hindi ko naman mapigilan na mag-isip na ang tinutukoy niya ay sila Saphira.
"Yejin?" Pukaw ni ina. Akmang sasalita si ate Ylenna ay pinigilan ko siya.
"Ang totoo ina ay nakasalamuha ko sila nang pakiusapan po ako ni Lady Rema na maging tagagamot ng mga masusugutan sa klase ng mga maharlika sa ilalim ng pagtuturo ni Master Vinz. Hindi ako gusto ng mga maharlika na Ician at mas lalong nagalit nang makita nilang nilalapitan ako ng Elitian."
"Hindi ako ang lumalapit sa Elitian ngunit sila dahil sa kapatid ng isa sa Elitian ang kaibigan ko. Kapag nilalapitan ako nito ay sumasama ang Elitian. At kanina ay palagay ko kaya lumala ang pagkaayaw nila sa akin ay dahil sa akin lumapit at tumabi ang Mahal na Prinsesa." Seryosong pahayag ko at nakita ko ang pagnganga ng dalawa.
"Pasensya na po, ina. Pasensya na, Yurika at Yessa." Ani ko at yumuko sa kanila.
"Mula bukas ay aalis ka na sa Palasyo. Babalik na sila Yurika at Yessa roon at dito ka na lang."
"Pero ina, inaasahan po ako ni Master Vinz sa kanyang klase bukas." Naging seryoso ang tingin sa akin ni ina.
"Hindi ka tutuloy bukas. Para na rin makaiwas ka sa mga Maharlika at hindi madamay ang mga kapatid mo sa galit nito." Napayuko ako.
"Yurika, Yessa pumasok na kayo sa silid ninyo."
"Opo, ina."
Nang maiwan kaming apat sa sala ay nakayuko lamang ako. Lumapit sa akin si ina at hinawakan ako sa magkabilang pisngi at iniangat upang magpantay kami ng tingin.
"Hindi mo kasalanan na lapitin at agaw-pansin ka kaya ang magagawa mo na lang ay umiwas." Napatango ako.
"Pero ina, pwedi bang kahit sa oras lang ng klase ni Master Vinz? Pangako po, pagtapos nun ay iiwas na po ako."
"Mahalaga ba iyon sa iyo?"
"Patawad, ina. Hindi ko po nasabi sa inyo na kaya ko po gumamit ng kapangyarihan at ang nagsanay po sa akin ay si Master Vinz. Bukas po ay may pagsusulit kami kaya nais ko pong pumunta." Nagulat ito sa ibinunyag kong katotohanan. Napaisip ng malalim at namutla pero agad ding nawala at ibinalik sa akin ang tingin.
"Tupadin mo ang pangako mo sa akin." Tumango ako at ngumiti.
"Makaka-asa po kayo, ina."
Matapos ng ganap na iyon ay kinubukasan hindi na ako sumama kina ina sa pagpunta sa Palasyo kundi ang dalawa na. Ako na lang ulit ang natira sa bahay. Nag-iisip ng gagawin mamaya sa pagsusulit kung paano makakaganti sa grupo nila Saphira.
Kahit na ganun ang trato sa akin nila Yurika at Yessa ay kapatid pa rin ang turing ko sa kanila. Nadamay sila sa galit sa akin kaya dapat lang ako ang maghiganti. Alam kong mali ang nais ko pero gagawin ko ito sa paraang talunin sila sa pagsusulit at huwag hayaang makapasa.
Isang oras mahigit na lang ay napagpasyahan kong pumunta sa tindahan ni Lady Lorraine. Naabutan ko si Lia na nag-aayos ng mga lalagyan ng kasuotan sa gilid. Nakaupo ito kaya't mabilis akong umupo sa harap niya.
"Yejin!" Gulat na sambit niya at napahawak sa dibdib. Natawa naman ako sa reaksyon nya.
"Bakit ka nandito? Diba dapat nasa Palasyo ka?"
"Bumalik na yung dalawa kong kapatid kaya bukas nandito na ako ulit." Pahayag ko na ikinatuwa niya pero biglang napangiwi na ikinataka ko.
"Hala! Paano yan? Paano mo maakit yung dalawa kung aalis ka na dun?"
Napangiwi ako.
"Kalimutan mo na iyon. Tulungan mo na lang akong humanap ng masusuot sa pagsusulit namin ngayon." Nanlaki ang mga mata niya at agad na nabitawan ang hawak.
"Oo nga pala! Ang balita ko hindi sa Palasyo gaganapin kundi sa malawak na damuhan malapit sa gubat. Kasali ka nga pala!" Tumango lang ako sa kanya. Agad siyang tumayo at hinila ako.
Napatigil kami nang makita si Lady Lorraine kaya sabay kaming yumuko bilang paggalang. Nagulat ito sa akin pero ngumiti lang ako.
"Lady Lorraine, diba po may mga bagong disenyo tayong mga panindang kasuotan."
"Oo, Lia. Bakit? Para saan?"
"Para kay Yejin po. Susuotin niya sa pagsusulit nila na gaganapin na mamaya." May halong pagkagalak na sabi ni Lia na ikinabigla ni Lady Lorraine kaya tumingin ito sa akin na humihingi ng pagsang-ayon sa akin. Tumango naman ako rito kaya mas nabigla ito.
"Tara, sumunod kayo." Ani nito at nauna na sa amin. Nagkatinginan kami ni Lia at natawa. Mabait talaga sa amin si Lady Lorraine.
Pagdating namin sa silid kung saan nakalagay ang mga bagong disenyo ay agad kaming lumapit sa pila-pilang mga kasuotan para sa mga babae.
"Ang nais ko po sana ay yung hindi pang maharlika." Napatingin sila sa akin at ngumiwi. Taliwas sa gusto ko ang nais nila para sa akin.
Maya maya ay may itinapat na kulay maroon na bestida sa akin si Lady Lorraine at nang magustuhan ay ngumuti ito at ipina-subok sa akin. Nang makapalit ako ay nagkasundo kaming tatlo na ito na lang. Ang suot ko naman para sa mga paa ay ang plat na sandalyas na may buhol (knot).
Ang mga buhok ko naman ay iniayos palikod at ang nasa gilid ay nakaipit lamang sa may tainga ko. Tulad ng kulay ng kasuotan ko ang kulay ng labi ko. Hindi ko man nais na ganito ang ayos ko ngunit sinunod ko na lamang sina Lady Lorraine at Lia na tuwang-tuwa sa naging itsura ko.
"Kahit hindi ka na lumaban, ganda pa lang panalo ka na." Sambit ni Lia.
"Magkano po ito, Lady Lorraine?" Tukoy ko sa damit at sandalyas.
"Sa sweldo mo na lang pagbalik mo, ibabawas ko." Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Sige po. Salamat po, Lady Lorraine."
"Gusto nyo po ba manood?" Tanong ko sa kanila. Agad naman umiling si Lady Lorraine.
"Pasensya na, Yejin. May gagawin pa kasi ako. Pero papayagan kong sumama sa iyo si Lia." Sambit nito na nagpatili kay Lia. Nagtawanan naman kami dahil rito.
*****
-btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top