Kabanata 16

❄YEJIN❄

Sa mga nagdaang laban ay patuloy lamang ako nagmamasid sa kanilang ipinapakitang mga kapangyarihan. Kumukuha ng ideya.

Habang nanonood ay isa isa ring naging malinaw sa akin ang mga kakayahan ng Elitian at ni Zainah.

Una si Kaden na nag-iisang yelo ang kapangyarihan sa kanila. Kontrol nito ang purong yelo na nagagawa niyang maging isang espada, panangga na hindi matablahan at iba pa. Mahusay siya sa paggamit at pagkontrol. Mabilis at nasa tama ang tiyempo ang mga tira na kapag hindi maiwasan o masangga magdudulot ng malaking pinsala.

Kung si Zainah ay may kakayahang gawing sandata ang mga bula, si Zanlex naman ay kayang gawing acid ang kanyang tubig na kapangyarihan. Kapag pinagsama ang kanilang kapangyarihan ay masyadong mapanganib dahil sa ang kapangyarihan ni Zanlex ay nakakapaglabas ng bula na pweding palakasin ni Zainah. Kaya rin ni Zanlex bumuo ng kahit anong sandata gamit ang acid na tubig na kung sino at ano man ang matamaan ay magdudulot ng sugat at pagkatunaw.

Ang kambal naman na sina Dylan at Denver ay kayang ibahin ang temperatura ng tubig. Si Dylan ay nagagawang painitin ang tubig tulad ng magma. Habang si Denver ay kaya itong palamigin nang hindi nagyeyelo. Gumagamit silang dalawa ng isang harang na gawa sa tubig na kapag nalagay sa loob ang kanilang kalaban saka nila kokontrolin ang temperatura nito. O kaya ay gumagawa ng sahig na tubig at babaguhin ang temperatura nito na hindi sila naapektuhan.

Kaya nararapat lang sila na maging parte ng Elitian dahil angat ang lakas nila. Hindi kabilang si Zainah pero makakahabol siya at maging si Hestia.

Ang hindi ko pa nasisilayan ang kapangyarihan ay ang sa Mahal na Prinsipe. Ang huling lalaban sa hapong ito mula sa Aquarian.

Gusto kong makita ang battle armor niya.

"Si kuya, namana niya ang kapangyarihan ni ama pero may kakayahan rin siyang gumamit ng yelo. Si kuya Tyrell ay tubig lang. Ako naman ay kay ina na yelo lang."

Napatingin ako sa Mahal na Prinsipe na nasa gitna at seryoso lamang na nakatingin sa kalaban na lalaking hindi pamilyar sa akin. Isang hudyat ni Master Vinz ay nagsimula ang laban.

Ang kanyang kalaban ay kayang gawing lastiko ang tubig. Sa bawat tama nito ay dumidikit sa sahig. Pag-iwas naman ang ginagawa ng Mahal na Prinsipe. Nang dumami ang binibitawang ganun ng kanyang kalaban ay nanatili siya sa pwesto at kasabay ng pag-angat ng kanyang kamay ay may lumabas ditong tubig na hinigop lamang ang kapangyarihan ng lalaki.

Nabigla ito at napalayo. Ang naipon sa kamay ng Mahal na Prinsipe ay naging isang bolang tubig at itinira patungo sa kalabang lalaki. Pag-iwas ng lalaki ay saktong pagpalit din nito ng battle armor.

Muling nagpaulan ng tubig na lastiko ang lalaki sa Mahal na Prinsipe at tulad kanina ay isang kamay lang ang ginamit nito para sanggain ang lahat ng atake. Napakalakas niya para mabalewala lang ang atakeng pinalakas ng battle armor.

"Ang galing ni kuya!" Sambit ni Prinsesa Thiana. Malawak ang pagkakangiti nito habang tutok sa naglalaban.

Bumalik ang tingin ko sa Mahal na Prinsipe na may malaking bolang tubig sa kamay niya. Bigla na lamang itong napalibutan ng kuryente at kasabay nun ang pagpalit nito ng battle armor.

Napanganga naman ako sa ganda nito. Agad na natuon ang mga mata ko sa kanyang mukha. Sa kanyang mga mata na kulay langit. Ang kanyang buhok na kulay-kape ay may highlights na puti. Napaka-perpekto niya.

Naitira na niya ang bolang kapangyarihan sa lalaki ngunit hindi ko man lang ito masundan dahil nasa mukha niya pa rin ang atensyon ko. Ganito rin ako sa pinsan niya, kay Kaden. Talagang magpinsan sila dahil sa parehong nakakalaglag-panga ang kagwapuhan.

Nabigla ako nang may humawak sa magkabilang pisnge ko at napatingin kay Prinsesa Thiana.

"Ate, tapos na ang laban pero yung tingin mo kay kuya pa rin." Ani nito. Bigla naman akong nanlamig at namula ang magkabilang pisnge sa hiya. Tumawa ito at binitawan ang pisnge ko.

"Ayos lang naman sa akin ate Yejin kung may gusto ka kay kuya. Pabor sa akin." Aniya at kumindat pa. Napanganga naman ako rito.

"Maraming salamat sa magandang laban, mga Aquarians. Bukas ang huli nyong pagsusulit at ito ay hindi na labanan ng kapangyarihan kundi pisikal na lakas." Napalingon ako kay Master Vinz.

"Nais kong bumuo kayo ng limang grupo na may tig-limang miyembro. Kayo ang bahala kung purong aquarian o ician ang bubuuin nyo. Ang mekaniks ng pagsusulit ay bukas ko ihahayag."

"Master, kasali ba siya bukas?" Tanong ng isang kasama ni Saphira at itinuro ako.

"Oo."

"Pero Master, sakto lang kaming lahat para sa sinabi nyong bilang ng miyembro kada grupo."

"Isa lang siya sa grupo." Nagulat naman ang mga ito at hindi makapaniwala sa sinabi ni Master Vinz. Hindi na sana nila tinanong kung paano ako edi sana tahimik ang buhay ko bukas.

"Tama lang naman dahil isa siyang tagapagsilbi. Hindi nararapat makigrupo sa mga maharlika." Sambit ni Saphira at tumawa. Tumawa rin ang ibang nakarinig sa sinabi niya.

Dumako ang tingin ko kay Master Vinz nang maramdaman ko ang pagbago ng awra nito. Naging seryoso ang mukha at hindi mawari ang gagawin.

"Aasahan kong makakapasa kayong lahat bukas." Seryosong ani nito at umalis. Natigil sa tawanan ang grupo nila Saphira dahil sa tono ng pagbanggit nito.

"Ang pangit ng ugali." Napabaling ako sa Mahal na Prinsesa na ngayon ay nakatayo na at nakakuyom ang mga kamay habang nakatingin sa grupo nila Saphira.

"Prinsesa Thiana, kailangan mo nang magpahinga sa silid mo." Kuha ko sa atensyon nito. Humarap ito sa akin at nakikitaan ko ng galit ang mga mata.

"Huminahon ka, Prinsesa Thiana. Hindi mo man nagustuhan ang narinig mo pero hayaan mong bumalik sa kanila ang sinasabi nila." Tumango ito sa akin ngunit hindi naalis ang seryosong mukha.

"Mauna na ako, ate Yejin."

"Ingat po, Mahal na Prinsesa." Yumuko ako sa kanya. Tumakbo ito at mabilis na umalis ng silid. Hindi man lang dumaan at nagpaalam sa Mahal na Prinsipe. Hindi ko maiwasang hindi makaramdaman ng inis dahil sa narinig niya ang mga ganung salita mula sa kapwa maharlika. At pagiging walang galang nila Saphira sa prisensya nito.

Tumayo ako at kinuha ang kahon. Akmang hahakbang na ako nang mabalutan ng yelo ang mga paa ko. Napatingin ako kina Saphira. Tumatawa ito sa akin.

Gamit ang kapangyarihan ay nabasag ito at natuloy ako sa paghakbang. Lumakad ako sa papunta sa kanila na deretso ang tingin at seryoso. Nang makapunta sa harap nila ay tiningnan ko sila isa-isa.

"Kahit ano pang salita o kapangyarihan ang ibato niyo sa akin ay hahayaan ko lang. Hindi kasi ako pumapatol sa mga maharlikang mahihina." Sambit ko at akmang sasampalin ako ni Saphira nang masalo ko ito.

"Napakahina." Puna ko at malakas na binitawan ang kanyang braso kaya napaatras siya. Masama ang tingin sa akin.

"Hindi pa tayo tapos, Yejin Namero!" Galit na pahayag niya na tinalikuran ko lang.

Hindi ko hahayaang makapasa kayo bukas.

Napatigil ako sa paglakad nang makita ko sa harap ko ang Elitian at si Zainah. Sa unahan nila si Prinsipe Terrence at Kaden. Seryoso ang mga ito at lampas sa akin ang tingin.

"Papalampasin ko ang kawalan nyo ng respeto sa harap ng kapatid ko. Isa pang ulit ay hindi na kayo makakatapak sa Palasyo."  Malamig na ani ng Mahal na Prinsipe kina Saphira.

Habang nakatingin ako rito ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Nang madako ang tingin niya sa akin ay mas dumoble ang kabang nararamdaman ko. Para mabawasan ay yumuko ako rito bilang paggalang na rin at lumihis ng daan.

Bago ako makalampas sa kanila ay may humawak sa braso ko at nagkasalubong kami ng tingin ni Zainah.

"Ayos ka lang, Yejin?" Tanong nito. Nasa akin ang tingin nilang anim. Umiling ako.

"Hindi." Sagot ko at inalis ang kamay ni Zainah sa braso ko. Muli akong yumuko at nagpatuloy sa pag-alis.

*****

[12-02-21] Hindi daw okay si Yeji ngayon kasi ini-endure nya yung back injury niya. :<

-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top