Kabanata 12

YEJIN

"Talo ka na!" Aniya at pinakawalan ang palaso.

Malapit na ito tumama sa akin kaya mabilis kong sinalo ito ng kaliwang kamay ko. Naging yelo din ang kamay ko at ramdam ko ang hapdi. Nagulat siya sa ginawa pero agad nagpakawala ulit ng palaso.

Bago pa iyon tumamasa akin mabilis akong gumamit ng kapangyarihan sa parteng naging yelo at nabasag ito saka iniwasan ang palaso. Naging mabilis ang kilos ko at nang mapunta ako sa gilid niya ay isang sipa ang iginawad ko na nagpatalsik sa kanya.

Hindi ko sya hinayaang makatayo pa at itinutok na ang lasong yelo sa leeg niya. Hindi naman maipinta ang mukha niya.

"Iyon na ba ang emosyong mong pagkaayaw sa akin? Kulang. Kulang para talunin ako."

Inalis ko sa pagkakatutok sa kanya ang lasong yelo at ibinalik ito sa dati. Itinali sa buhok ulit. Seryoso ko siyang tiningnan at lumayo ng ilang hakbang. Inilagay sa harap ang kaliwang kamay na may tumutulong dugo at sinipat ito ng tingin. Hindi naman malalim ang sugat.

Muli ko siyang binalingan at nakatayo na siya. Masama ang tingin sa akin.

"Pisikal at paunang kaalaman sa paggamit ng yelo lamang ang ginamit ko. Kung gusto mo akong matalo, huwag mo akong hayaang makalapit sa iyo." Sambit ko. Ngumisi at tinalikuran siya.

Kung wala lang akong respeto sa lahat ng narito at sayo, kanina ka pa bumalagta, duguan at walang malay.

"Ang nanalo ay si Yejin Namero." Anunsyo ni Masyer Vinz.

"Maganda ang ipinakita nyong lahat ngunit marami akong nakikitang dapat ninyo pang pagtuunan ng pansin at ehensayo. Bukas ay ang mga Aquarian na naman ang maglalaban. At inaasahan kong magandang laban din ang inyong ipapakita sa klase. Magandang hapon, tapos na ang ating klase."

"Paalam po, Master!" Sambit namin.

Lumingon muna ito sa akin bago tuluyang umalis.

Lumapit ako sa kinalalagyan ng kahon na dala ko at bago ko pa buksan ito ay may nauna na sa akin. Si Zanlex.

"Waahh! Ang galing mo! Ang angas mo, Yejin!"

Hinawakan ni Zainah ang dalawa kong balikat at malaki ang pagkakangiti sa akin. Napansin ko rin ang ibang Elitian sa gilid namin.

"Kuryuso ako. Tungkol pala sa linya mong huwag hayaang makalapit ka sa kanya, may kaugnayan ba iyon sa totoo mong kapangyarihan?"

Bago sagutin ang tanong ni Zainah ay napatingin ako kay Zanlex na nasa kaliwa ko na kinuha ang kaliwang kamay ko. Pinigilan ko pa ito pero muli niyang hinila at inasikaso gamit ang mga panggamot sa kahon.

"Yejin?"

"Wala. Ang tinutukoy ko roon ay ang pisikal na kakayahan ko."

"Wow. Akala ko din hindi ka gagamit ng kapangyarihan tulad ng sabi mo."

"Walang ibang paraan. Hindi naman iyon ang totoo kong kakayahan at kapangyarihan pagdating sa yelo. Si Master Vinz at ang kaibigan ko pa lang ang nakakakita nun. At si Master Vinz pa lang ang nakalalaban ko gamit ang kapangyarihang iyon."

Sa tingin ko nga, asar pa rin sa akin si Master Vinz kaya gusto niyang pwersahin akong gamitin ang kapangyarihan ko. Kahit pa na gusto ko rin, hindi naman lingid sa kaalaman ko na pinagbabawal gumamit ng kapangyarihan ang mga tagapagsilbi sa Palasyo.

"Gusto ko rin makita!"

"Maglaban tayo?" Tanong ko na nagpaisip sa kanya.

"Si kuya Zanlex na lang. Talunin mo siya." Ani nito at napatingin naman kami kay Zanlex na patapos na sa ginagawa.

"Bakit pa kailangang lumaban kung ipapakita lang naman ang battle armor at kapangyarihan?" Ani nito.

"Gusto ko yung pipilitin akong ipakita iyon sa pamamagitan ng isang laban. Kung walang laban, uuwi na ako." Hinila ko ang kaliwang kamay sa pagkakamahawak ni Zanlex. At kinuha ang kahon.

"Ako ang lalaban sayo."

Nagulat ako at napatingin kay Kaden na nagsalita. Seryoso ito na nakatingin rin sa akin. Pumasok naman bigla sa utak ko ang itsura niya kanina suot ang kanyang battle armor at hindi ko na naman maiwasan na purihin siya sa isip ko.

"Mukhang magandang laban ito. Yelo sa yelo."

"Sige. Pumapayag ako." Sambit ko na nagpatuwa kina Zainah.

"Doon tayo sa bahay nyo, Kaden." Sambit ng isa sa kambal. Si Denver. Napatingin kami sa kanya at kay Kaden.

"Sige." Sagot nung huli. Nag-aalangan naman ako.

"Bakit Yejin?"

"May inaalala lang ako." Sambit ko at tumingin sa kasuotan ko.

"Yejin! Yejin!" Napaangat ako ng tingin at nilingon ang tumatawag sa akin. Nakita ko si ate Ylenna na palapit sa akin kaya agad akong yumuko sa Elitian at kay Zainah saka sinalubong si ate Ylenna.

Huminto ito at nang makita ang Elitian ay yumuko rin saka binalingan ako. Pero agad dumapo ang kanyang tingin sa aking kaliwang kamay.

"Anong nangyari sayo?" Nag-aalala niyang tanong.

"Wala ito, ate. Ayos lang ako." Sambit ko at ngumiti sa kanya.

"Hinahanap ka na nila Ina, uuwi na tayo."

"Magandang hapon po!" Nabaling ang tingin namin ni ate Ylenna kay Zainah na nasa tabi ko.

"Narinig ko po kasing pauwi na kayo, pwedi po ba namin mahiram hanggang mamaya si Yejin po? Pangako po, ihahatid namin siya pauwi. Sabay na rin po siyang kakain sa amin."

Napatingin sa akin si Ate Ylenna at napansin niya sigurong ganun din ang gusto kong mangyari ay ngumiti siya.

"Ako na ang bahalang magsabi kina Ina at ama. Paano ang suot mo?"

"Ako na rin po ang bahala sa kasuotan niya." Singit ni Zainah.

"Sige." Pagpayag ni ate Ylenna. Narinig ko naman ang mahinang pagbunyi ni Zainah. Muling napatingin si ate sa Elitian at yumuko rito saka binalingan ako.

"Yung sinabi ko sayo a, Yejin." Ngumiti ito sa akin na ikinailing ko na lamang at napangiti din.

"Pag-iisipan ko, ate Ylenna."

Muli itong nagpaalam kaya nagpaalam na rin ako sa kanya at kumuway.

"Sana ganyan din kapatid ko sa akin, mabait. Yung kuya ko kasi salbahe." Si Zainah.

"Sinong salbahe?"

"Sino pa ba? Ikaw malamang."

Nabigla ako nang mabangga ako ni Zainah nang tumakbo ito dahil kay Zanlex. Habang naghahabulan sila ay iniangat ko naman ang kaliwang kamay at tinanggal ang bendang nilagay ni Zanlex kanina.

Halata pa rin ang sugat rito at may pagka mahapdi. Nagpalabas ako ng kapangyarihan sa kanang kamay at pinadaanan ito hanggang sa maglaho ang sugat. Inunat ko ito at pinatunog ang mga buto.

"Tara na." Nabigla ako nang umakbay sa akin si Zanlex.

"Kuya, ako yan dyan e!"

"Pangit ka. Di ka pwedi dito."

Nadala naman ako sa paglalakad nito.

"Zanlex, ang kamay mo. Aalisin mo o puputulin ko?" Nanlaki naman ang mga mata nito sa sinabi ko kaya agad na napabitaw. Agad naman pumalit sa kanya si Zainah pero sa braso ko ito kumapit.

"Ang brutal mo naman, Yejin."

"Ikaw pa lang ang unang lalaking gumawa nun sa akin. Kung gusto mo pang mabuhay ng kumpleto ang kamay mo, wag mo nang uulitin."

Sumimangot naman ito sa akin samantalang tinawanan lang siya ni Zainah.

"Wala ka pa palang kasintahan kung ganun." Ngumisi ito ng nakakaloko sa akin.

"Kop---" Bago pa nito matuloy ang sinasabi ay mabilis kong hinila ang laso at ginawang yelo saka itinutok sa mukha niya. Namutla naman ito.

"Kop? Anong Kop?" Si Zainah.

Umatras si Zanlex kaya binalik ko na rin sa dati ang laso ko.

"Nagbibiro lang ako. Masyado ka naman---" Tinaasan ko siya ng kilay.

Alam niyang kasama namin ang may-ari ng kopitang iyon tapos nakuha niya pang isingit iyon!

"Kawawa ka naman, Zan." Sambit ni Denver at tinawanan si Zanlex.

"Nahihiya lang talaga si Yejin kaya ganyan."

Nakakapikon 'tong lalaki na ito.

"Zanlex, tigil na." Napatingin kaming lahat sa Mahal na Prinsipe. Seryoso lang itong nakaupo sa isang upuan habang sa gilid niya si Kaden.

"Umalis na tayo." Sambit ni Kaden. Tumayo ang Mahal na Prinsipe at nauna ito sa paglakad. Sumunod si Kaden at ang kambal.

Binalingan ko si Zanlex at naasar lang ako nang makitang nakangisi ito sa akin.

"Halika na, Yejin. Hayaan mo ang kuya kong kulang sa pansin." Hinawakan ni Zainah ang braso ko at hinila. Sumunod kami sa likod ng kambal.

*****
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top