Kabanata 11

❄YEJIN❄

Mula kanina ay patuloy lamang ang aking pag-asikaso sa mga nasugatan. Kapag natapos ay nanonood ako. Pinag-aaralan ang mga galaw at kilos ng mga naglalaban.

Napapansin ko din ang tingin nila Zainah sa akin, pinapanood ang ginagawa ko. Tinatapunan ko sila ng tingin ngunit saglit lamang.

Napapagod na rin ako sa ginagawa kaya nung inalok ako ng upuan nang kaninang mga lalaki ay tinanggap ko na lamang.

Nakalaban na rin yung kaninang umapi sa akin at nanalo ito. Walang sugat at massabi kong magaling rin siya makipaglaban. Masyado ring mayabang at hindi maganda ang tabas ng dila. Samahan pa ng mga kasama niyang ganun din ang ugali.

May nasugatan kasi sa kanila at ayaw magpaggamot sa akin. Tinarayan lang ako at hindi lumapit sa akin kaya hinayaan ko na lamang.

Ang maganda lang sa kanilang mga naglalaban ay ang kanilang battle armor. Hindi naman sa inatasan sila, pero mas lumalakas kasi ang isang tao kapag naka-battle armor ito. Nagagamit nila ng todo ang kanilang kapangyarihan.

"Kaden Luxiara at Matt Castriel." Anunsyo ni Master Vinz sa maglalaban na.

Napatingin ako kay Kaden at sinundan ito ng tingin papunta sa gitna. Malakas talaga ang dating niya, yelong yelo sa lamig tulad ng pinsan niyang prinsipe. Ang puti rin nitong buhok ay ang ganda sa paningin ganun din ang gwapo nitong mukha.

Isa siya sa gusto ni Ate Ylenna na maging kasintahan ko. Tinitingnan ko pa lang siya, imposible na. Pero yung ginawa niyang paglaro ng buhok ko, may ibig sabihin ba yun?

Nadako naman ang paningin ko sa lalaking palapit kay Kaden. Matt pala ang pangalan nung gwapo sa lima kanina.

Nang inanunsyo ni Master Vinz na simula na ng laban ay pareho silang tahimik at mabilis na sinugod ang isa'at isa. May lumabas na espadang yelo sa parehong kamay at nagkasangga iyon. Lumayo sila sa isa't isa at isang minuto lang ay nagpalitan na sila ng atake. Madiin ang bawat tama ng espada nila at habang tumatagal ay napapansin ko ang pagngiwi ni Matt samantalang walang pagbabago kay Kaden.

Nagsimula ring mag-ingay ang paligid lalo na ang kababaihan para isigaw ang pangalan ni Kaden at may iba rin kay Matt.

Malinis, magaan tinginan, pulido ang bawat binibigay na atake ni Kaden na nagiging kabaligtaran na kay Matt. Sa nangyayari ay tagilid si Matt. Bigla itong umatras at nagpalit ng battle armor. Samantalang si Kaden ay hindi.

Nawala ang espada sa kamay ni Matt at nagpalabas ng lumilipad na tipak ng matutulis na yelo at inutusan ito na sugurin si Kaden. Inilahad ni Kaden ang kamay niya at bago pa makalapit sa kanya ang atake ni Matt ay tumama ito sa yelong harang ni Kaden. Nawala ang mga ito at isang bolang asul na kapangyarihan ang pinakawalan ni Kaden na patungo na ngayon kay Matt.

Naiwasan ito ni Matt ngunit muling nagpalabas si Kaden. Nanatili sa kanina nitong pwesto samantalang kung saan saan naman napunta si Matt para iwasan at salagin ang mga bolang ito.

Nagpalabas si Matt ng mas malaki at mas matulis sa kaninang pinalabas. Ang mga ito ay nasasalo ang bolang kapangyarihan ni Kaden na nagdudulot ng pagsabog. Muling nagpalabas si Matt at itinuon agad ito kay Kaden. Malapit na ito sa kinatatayuan ni Kaden pero biglang naging yelo ang pumalit sa katawan ni Kaden.

Napadako ang tingin namin kay Matt at sa espadang nakatutok sa leeg nito. Sinundan ko ng tingin ang may-ari ng espada at nakita si Kaden suot ang kanyang Battle Armor.

Hindi ko mapigilang matulala sa ganda ng armor nito. Napakagwapo niya lalo. Hindi maalis ang titig ko sa kanya parang sa ayos niya ay inuutusan akong tumitig lang at wag alisin ito.

Siya ang nanalo sa laban. Nagkamay sila ni Matt at pareho na ring nawala ang kanilang battle armor. Walang sugat si Kaden at ganun din sa Matt pero pagod na pagod at may ilang galos.

Pumunta sa pwesto ko si Matt at agad ko naman inasikaso ang mga galos niya. Nakatingin lang ito sa akin hanggang sa matapos ako.

"Salamat." Aniya at tumango lamang ako. Saka bumalik sa kinauupuan ko.

"Para sa huling laban sa araw na ito, Saphira Canider at Yejin Namero."

Natigilan ako at tinitigan si Master Vinz. Seryoso ito sa anunsyo kaya kahit ayaw ko sumunod ay tumayo ako.

"Master, hindi ako makakapayag na isang tagapagsilbi lamang ang magiging kalaban ko!"

"Bakit kasali 'iyang tagapagsilbi na iyan? Taga-gamot lang siya diba."

"Anong alam niyan sa pakikipaglaban? Hahaha."

"Master!"

Pahayag nila na wala rin namang epekto sa akin. Seryoso ko lang silang tiningnan at binaling ang paningin kay Master Vinz. Hinihintay ang sasabihin nito.

"Kapag naharap ka sa totoong laban at totoong kalaban, natural na ayaw mo sa kanya pero kung kaligtasan mo na ang nakasalalay, iintindihin mo pa ba ang katayuan niya sa buhay? Kung di mo maintindihan ang sinabi ko, hindi ka nararapat lumaban ngayon at kahit kailan."

"Ang kalaban ay kalaban. Ang umatras nang hindi lumalaban ay kaduwagan. At ang umatras dahil sa ayaw mo sa kalaban ay walang pinagkaiba. Maliwanag?"

"Opo, Master!" Sagot namin.

"Walang maharlika at walang tagapagsilbi sa paningin ko. Lahat kayong narito ay estudyante ko."

"Kung ayaw mo sa kanya bakit hindi mo ipakita sa laban ang nararamamdan mong pagkadisgusto. Talunin mo siya dahil sa ayaw mo sa kanya. Iparamdam mong ayaw mo sa kanya sa pamamagitan ng pagtalo sa kanya sa isang laban."

"Bakit hindi mo subukan? Emosyon ang isa sa nagpapalakas sa isang tao. Mas malakas ang emosyon, mas mataas ang tiyansa na matatalo mo ang kalaban."

Tumango ang kalaban ko at binalingan akong nakangisi. Nadala sa sinabi ni Master Vinz. Pumunta ito sa gitna at hinintay akong makalapit sa kanya.

Pumunta ako sa harap niya at seryoso lamang siyang tiningnan.

"Kawawain mo, Saphira." Sigaw ng kasama na ikinatango niya. Hindi pa rin nawawala ang ngisi.

Nagpalit ito ng battle armor at mayabang akong tiningnan. Sa kanay niya ay may hawak siyang pana at palaso. Isang hudyat ni Master Vinz ay nagsimula siyang umatake sa akin.

Isang palaso ang pinakawalan niya at papunta ito sa akin. Iniwasan ko ito at nagsimula na naman siyang magpakawala ng palaso. Kada tama nito sa sahig ay umuusok ito na kapag tinamaan ako ay magdudulot ng sugat.

Puro pag-iwas lamang ang ginawa ko. Pero habang umiiwas ako ay unti-unti akong lumalapit sa pwesto niya. Nadaplisan pa ang damit ko sa ibang banda kaya punit ito.

Isang mabilis na paglapit ang ginawa ko at itinulak pakaliwa ang kamay na may hawak na pana kaya lumihis ang tira niya na nagwala sa kanya sa momento kaya hindi niya naiwasan ang malakas na pwersang pagtulak ng kanang kamay ko sa tiyan niya.

Kasabay ng pagtalsik niya ay ang pag-atras ko. Napatiyaya siya ng upo at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

Habang di pa siya nakakabawi ay mabilis kong tinanggal ang laso at tinali ang buhok ng mataas. Pinosisyon ko ang sarili nang magpapakawala na naman siya ng mga palaso. Napansin ko rin ang paglagay nito ng harang na yelo sa tiyan na ikinangisi niya sa akin nang mapansin akong napatingin sa nilagay niya.

Mahirap sa akin ang laban dahil pang malayuan ang kanya. Kailangan ko pang lumapit para lang patamaan siya. Alam kong tagilid talaga ako dahil pisikal na lakas lang ang ginagamit ko samantalang kapangyarihan sa kanya.

Hindi ko rin pweding saluhin ang mga palaso niya dahil siguradong masusugatan ang kamay ko. Hindi ako pweding magpalabas ng kapangyarihan sa laban pero anong gagawin ko?

Nagpakawala na siya nang palaso na siya namang paghila ko sa nakatali sa buhok at binalutan ito ng yelo para maging matigas na bagay at ginawang pangsangga sa mga patamang palaso.

Habang ginagawa iyon ay sinubukan kong lumapit at saka naman dumadami ang pinapakawalan niyang palaso. Naging mas mabilis rin ang pagsalag ko at napansin kong nilagyan niya rin ng yelo ang palibot sa kanyang katawan bilang sangga sa gagawing atake ko. Pero may naiiwang isang bukas sa kanya. Ang kanyang likod.

Isang pana ang dumaplis sa kaliwang balikat ko na ikinadaing ko. Nagpatuloy ang kanan ko sa pagsangga at nahirapan ako sa kanyang lumapit dahil masyado siyang maingat.

Napansin ko ang maliit na bolang kapangyarihan sa dulo ng palasong ipapakawala niya kaya napaatras ako. Nang pakawalan niya ito ay muntik na tumama sa paa ko pero huli na nang makaiwas ako dahil naabutan ng pagyelo ang dalawang paa ko.

Hindi ko maigalaw ang dalawang paa samantalang si Saphira ay nakatutok ulit sa akin ang isa pang palaso. Ngumisi ito sa akin. Naghiyawan naman ang paligid.

"Talo ka na!"

*****
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top