Kabanata 10

YEJIN

"Sa araw na ito ang maglalaban muna ay mula sa Ician, bukas ay sa Aquarian, at sa ikatlong araw naman ay bukas ko na lamang iaanunsyo kung sino."

Patuloy niya sa sinabi at napalingon sa akin. Sinamaan ako ng tingin at muling ibinalik sa harap ng mga estudyante niya.

Dahil nalaman niyang nandito ako hindi ko alam kung anong gagawin ko para iwasan siya. Makulit din kasi siyang Master. At hindi pa rin kasi siya tapos magturo sa akin kaya ganyan na lamang siya. Masyado syang pokus at gusto niya lahat ng tinuturuan niya matuto at maging malakas.

Gwapo din kasi at maraming nagkakagusto sa kanya sa bayan. Alam ko kung sino ang gusto niya ang kaso hindi siya nito gusto dahil sa mahal pa nito ang dating kasintahan. Palagi ko siyang inaasar dahil doon at kaya medyo pikon siya sa akin.

"Humanda na kayo, Ician!" Malakas na anunsyo nito.

Napatingin ako sa mga kilala kong Ician at halata sa iba ang pagiging kabado. Napatingin ako sa pwesto nina Zanlex at ganun na lang ang gulat ko nang makitang papunta sila sa pwesto ko at nangunguna si Zainah.

"Waaaa, Yejin!" Malakas na sabi nito at niyakap ako. Napaatras naman ako sa ginawa niya at sa pagitan namin ang kahon na dala ko.

"Nagkita tayo muli!" Malakas na sambit nito na nagpangiwi sa akin. Napansin ko rin na nakaagaw na kami ng atensyon.

"Yung kahon, Zainah."

"Iyan talaga una mong sasabihin sa akin. Nakakatampo ka!" Bumitaw siya at sumimangot sa akin.

"Hindi mo dapat ako niyakap, Zainah. Isa lamang akong tagapagsilbi rito." Seryosong ani ko pero nagulat ako nang kunin ni Zanlex ang hawak kong kahon at hinila ako ni Zainah sa harap ng isang upuan at pinilit na pinaupo ako.

"Anong ginagawa nyo?"

"Hindi ka naman mukhang tagapagsilbi." Napatingin ako sa isang kambal na ngumisi.

"Mas mukha ka pang Maharlika kesa sa iba. Kasuotan lang ang nagdala sa kanila." Natatawang ani ni Zanlex na nagpangiwi sa akin.

Tumabi sa akin si Zainah at ayan na naman siya, pumalibot sa braso ko ang isang braso niya at sumandal sa balikat ko.

"May karapatan ba akong magreklamo?" Wala sa sariling tanong ko. Nagugulat sa mga ginagawa nila.

"Wala hehehe!" Napahinga na lamang ako ng malalim. Ano na naman kayang kalalabasan nitong pangyayari na ito?

"Siya nga pala, magkakilala kayo ni Master Vinz?"

"Oo."

"Hmm. Magkasintahan kayo?" Nakakunot noo ko siyang binalingan. Pinagsasabi nito.

"Hindi. Master ko rin siya."

"Ibig sabihin, marunong ka gumamit ng kapangyarihan. Tama?" Nilingon ko si Zanlex at tumango.

"Gusto kong makita ka lumaban, Yejin! Pero bago iyon, gusto ko muna makita ang battle armor mo." Bumalik ang tingin ko kay Zainah at napailing.

"Hangga't nandito ako sa Palasyo bilang tagapagsilbi, hindi ako maaring gumamit ng kapangyarihan. Saka lang kapag natapos na ang dalawang linggo."

"Pero---"

"Kapag ginawa ko iyon at nalaman ni ina, mapapaaga ang pag-alis ko ng Palasyo." Natigilan siya.

"Pero pwedi naman tayong maglaban sa labas ng Palasyo kung gusto mo. Doon ko ipapakita ang battle armor ko." Mahinang sambit ko at ngumisi sa kanya.

"Sige, sige. Pero hindi ako lalaban sayo, sila, ang Elitian."

"Bakit ayaw mo?"

"Nakakatakot ka. Yung ngisi mo parang may balak kang kawawain ako." Ngumuso siya na nagpangiti sa akin.

"Sabi na e!"

"Hindi naman. Si Master Vinz lang naman ang brutal sa pakikipaglaban---"

"Yejin Namero!" Napaangat ako ng tingin at nasalubong ko ang masamang tingin sa akin ni Master Vinz na nasa harap namin.

"Bakit po, Master?"

"May sinasabi ka ba?"

"May narinig ka po ba, Master?" Narinig ko naman ang mahinang tawa nila Zainah.

"May kasalanan ka pa sa akin baka nakakalimutan mo. Saan ka pumunta nung linggo at hindi ka sumipot sa pagsasanay mo?"

"Naligo po ng dagat, Master." Napahilot naman siya ng sentido sa sagot ko. Napangisi ako at nilingon si Zainah na tumatawa ng mahina. Binalingan ko ulit si Master Vinz at pansin ang pagkaaasar nito sa akin.

"Sasali ka sa pagsusulit nila. Iyan ang parusa mo." Sambit nito at umalis. Bumalik sa kaninang pwesto.

Napanganga naman ako.

"Yehey!"

"Hindi ako sasali." Seryosong ani ko. Kakausapin ko mamaya si Master Vinz tungkol sa sinabi niya at seryoso akong hindi ako sasali. Oo, may parte sa akin na gustong talunin ang mga umapi sa akin kanina pero hindi dito ang tamang lugar.

"Hindi pwedi kahit sinabi pa ni Master Vinz. "

"Paano kung pilitin ka niya?"

"Hindi ako gagamit ng kapangyarihan sa laban." Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"Lugi ka na nun. Matatalo ka!"

Nginisihan ko siya at pinagkrus ang mga braso at humarap sa nagsisimulang laban. Mula sa likod ko ay ramdam ko ang dalawang titig na alam kong mula sa dalawa sa Elitian. Nasa kabilang gilid ko si Zanlex, ang kambal naman ay nasa gilid niya at ang natirang dalawa ay nasa likod.

Sa kinalalagyan ko, palagay ko ay kasama ako sa grupo nila. Alisin lang yung suot ko ngayon. Hays! Baka usap-usapan na naman ako nito. Ang malala kapag umabot kina ina, lalo na sa dalawa.

Nagpokus na lamang ako sa naglalaban. Ang isa ay kasama sa grupo ng mga nang-aapi sa akin at yung isa ay hindi pamilyar.

Natigilan ako nang may naramdaman akong may naglalaro ng dulo ng buhok ko sa likuran. Dala ng natural na reaksyon, napalingon ako sa likod ko na sana hindi ko na lang ginawa dahil nagdulot lamang ito ng kaba sa dibdib ko. Nakasalubong ko ng tingin si Kaden na siyang may hawak ng buhok ko. Seryoso ito at nang malipat ng tingin sa Mahal na Prinsipe ay nakatingin rin ito sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanilang dalawa dahil sa dumoble ang kabang nararamdaman ko.

Nang maibalik ang tingin sa laban. Ramdam kong dalawa na sila ang naglalaro ng buhok ko. Pinilit kong ilagay ang buong atensyon kahit na may parte sa akin na nagtataka sa ginagawa ng dalawa.

Ang lamang sa laban ay ang kasama sa grupo. Aatras na sana ang isa ngunit agad siyang nadaplisan ng pinalabas nitong matulis na yelo. Napadapa ito at itinanghal na panalo ang kasama sa grupo.

"Ang nanalo ay si Nierra." Anunsyo ni Master Vinz at naghiyawan naman ang mga kasama nito.

Agad akong tumayo na ikinagulat pa ni Zainah. Bumitaw rin ang dalawa na naglalaro ng buhok ko. Kinuha ko kay Zanlex ang kahon na dala. Pinuntahan ko yung babaeng may sugat at tinulungan siyang makapunta sa gilid. Nagulat pa ito sa akin pero hindi ko na lamang pinansin.

Nilinisan ko ang naging hiwa sa balat niya at medyo mahaba ito kaya napapansin ko ang pagngiwi niya. Nang masigurado kong matatakpan ang gagawin ko ay hinawakan ko ang sugat niya at gumawa ng yelo na magsisilbing tapal nito. Tiningnan ko siya at kinindatan saka kinuha ang telang pang-benda.

"Kapag natunaw ang yelong 'yan, ibig sabihin ay magaling na ang sugat mo." Mahinang pahayag ko at muli siyang tinulungan paupo sa isang upuan.

"Salamat." Aniya na ikinatango ko.

Tumayo ako sa gilid niya at pinapanood ang nagsimula nang laban. Hindi ko kilala ang mga ito at ni isa ay walang pamilyar. Parehong lalaki sila.

Habang pinapanood ko sila ay nakikita ko ang mga mali sa galaw nila kaya mabilis silang mapagod. Hindi sakto sa kakayahan nila ang nilalabas nilang kapangyarihan. May nahuhuli at may nauuna. Hindi sakto sa tiyempo na dapat nilang isaalang-alang para makagawa ng isang opensa na makakaapekto ng sobra sa kalaban. Hindi rin sila magaling sa depensa. Kulang sa ensayo pa.

Napangiwi na lamang ako ng pareho silang tumalsik sa ginawa at natumba. Sa pagod nilang pareho, natapos na lamang ang bilang ni Master Vinz ay nakahiga pa rin sila.

May lumapit sa kanilang tatlong lalaki at tinulungan ang dalawa. Mukhang magkaibigan yata ang naglaban. Kaya siguro ganun ang laban nila.

Nagmadali naman ang tatlo na dalhin ang dalawa malapit sa akin. Agad naman akong lumapit rito kaya napaatras ang tatlo. Lahat silang lima ay nakatingin sa akin na binigyan ko lamang ng seryosong tingin.

Nilinisan ko ang mga pasa at galos ng isa at isinunod ang isa pa. Walang panalo sa kanila kaya nag-anunsyo ulit si Master Vinz nang panibagong maglalaban.

"Magpapabugbog din ako para maranasan ko din maasikaso ni Miss Yejin." Napalingon ako sa nagsalita na isa sa tatlo at nakitang titig na titig ito sa akin. Natawa naman ako sa sinabi nito at napailing.

"Ako rin!"

"Gusto niyo bugbugin ko na kayo ngayon?" Sabat ng isa na ikinatawa ko rin. Umangal yung dalawang naunang nagsalita sa sinabi nito.

"Kunwari ka pa, gusto mo din naman magpaasikaso." Sambit ng isa na tumago sa likod ng katabi niya.

"Ang ganda mo, Miss Yejin!" Napatingin ako sa inaasikaso kong lalaki at tumango sa sinabi niya.

"Salamat."

"Miss Yejin, may kasintahan ka na ba?" Tanong nung kaninang unang nagsalita. Napatingin sa akin silang lima na. May itsura naman sila at yung gwapo sa kanila yung isang seryoso na pangatlo sa nagsalita kanina.

"Wala."

"Miss Yejin, ako na lang ang kasintahan mo." Sambit ng makulit sa kanila. Umiling naman ako. Naisip ang kaninang sinabi ni ate Ylenna sa akin. At...at yung ginawang paglaro ng buhok ko ng dalawang tinutukoy ni ate.

"May gusto na akong maging kasintahan."

"Aray! Ang sakit sa puso." Natawa naman ako sa pag-arte nito.

"At saka, hindi ko naman kayo kilala." Sambit ko na nagpangiwi sa kanila. Wari'y ako lang ang hindi nakakakilala sa kanila. Napakibit-balikat na lamang ako at tinapos ang ginawa saka nagpaalam sa kanila. Bumalik sa kaninang kinatatayuan ko.

*****
-btgkoorin-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top