Kabanata 1
Hello! Kung new reader ka, 'wag i-skip yung note sa last part ng 'Simula'.
❄YEJIN❄
"Saan ka pupunta?"
Natigil ako sa pag-ayos ng maliit na bag na nilalagyan ko ng mga gamit ko sa tuwing aalis ako. Nilingon ko si Yurika na nasa pintuan ng aking silid.
"May trabaho ako sa pamilihan. Bakit Sasama ka?"
Sinimaan niya ako ng tingin at padabog na isinara ang pinto. Napakibit-balikat na lamang ako. Palagay ko ay dahil sa parusa nilang dalawa ay mas lalo silang naiinis at ayaw sa akin.
Kasalanan naman nila tulad ng sabi ni ina kaya't pagbabayaran din nila. Yun nga lang dinadamay nila ako sa inis nila. Nangyari na kasi ang kinaayawan nila, ang makapunta ako ng palasyo.
Simpleng kasuotan lamang ang suot ko tulad sa tuwing aalis ako patungo sa pinagta-trabahuan. Kulay lilang bestida na may hanggang sikong manggas at ang haba ay hanggang tuhod. Ito yung uniporme sa trabaho ko. May disenyo itong malaking puting bulaklak sa ibabang bahagi at maliit naman sa magkabilang manggas.
Kahit anong kulay lang ang kasuotan namin pero naiiba lahat sa disenyo at dami ng palamuting alahas para malaman kung maharlika ba o karaniwan lang. Ang kasuotan ng kababaihan ay purong bestida lamang at sa kalalakihan ay polo at slacks.
Sa disenyo nagkakaiba ang bawat kasuotan. Depende iyong katayuan at sa kaya mong bilhin ang iyong magiging kasuotan.
Pagkalabas ko ng silid ay tahimik akong dumaan sa harap ni Yurika na masama ang tingin sa akin. Malamang ay ang natitira ay tulog pa dahil sa maaga pa naman ngayon.
Habang naglalakad ay dinadama ko ang pang-umagang simoy ng hangin. Nililipad nito ang mga maliliit na buhok sa noo ko at ang nakatali kong mahabang buhok.
May nakakasalubong akong mga Maharlikang Ician habang naglalakad at halos tinitingnan ako ng may pang-mamaliit. Kapag nakikita naman nilang nakatingin ako sa kanila ay iniikutan nila ako ng mata at hinahawi ng sadya ang buhok.
Nang makarating ako sa sentro ay mas maraming tao at halo na ang Aquarians at Icians. Dumaan ako sa fountain at naghulog ng perlas. Lumihis ako ng tingin at nakita ko na ang tulay at ang napakagandang palasyo.
Tumuloy ako sa pamilihan at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa isa sa tanyag na tindahan ng kasuotan. Ang pangalan nito ay Shine in Pearls na pagmamay-ari ng maharlikang Aquarian, ang pamilyang Verona.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang naging kaibigan na nakilala mismo rito sa tindahan.
"Aloha, Maganda kong kaibigan!" Sigaw nito at agad pinisil ang aking pisngi at niyakap. Nakasanayan na niya itong gawin at ganun na rin ako.
[Aloha - Hello]
"Magandang umaga, Liazyl!" Ngumiti ako sa kanya. Tumuloy kami sa kanyang pwesto sa pagitan ng kasuotan ng kalalakihan at kababaihan. Ako kasi ay nasa kabila, malapit sa sukatan.
"Oo nga pala, Lia. Magpapa-alam ako kay Lady Lorraine kasi pansamantala akong papalit sa dalawa kong kapatid sa palasyo. May nangyari kasi kaya't sabi ni Ina ay ako muna ang magsisilbi sa palasyo ng dalawang linggo."
"Waahhh, nakakalungkot naman. Mawawala na ang makinang na perlas ng tindahan." Natawa naman ako sa kanya. Tinutukoy niya akong ganoon ay dahil aniya mas angat pa raw ang ganda ko kesa sa mga naging mamimili naming mapagmataas at akala'y sila na ang pinakamaganda sa lahat. Halos karamihan sa ganun ay mahaharlikang Ician.
Si Liazyl ay isang Aquarian pero naging magkaibigan kami dahil sa pagiging makulit, maingay at masiyahin niyang katangian na taliwas naman sa akin. Palagay ko nga ay hindi kumpleto ang araw na hindi siya nag-iingay sa tabi ko.
"Pansamantala lang naman."
"Hmm. Tatlong linggo na lang diba magsisimula na ang paligsahan sa pagpili ng mapapangasawa ng napakagwapong prinsipe. Di mo maabutan! Sayang naman!"
Napangiwi ako sa paglakas ng boses niya.
"Alam mo, palagay ko ay bagay kayo ng Prinsipe. Kasi pareho kayong napakaganda at napakagwapo. Perpekto!"
Tinawanan ko na lamang siya. Ilang beses na niya kasing naikwento sa akin na ilang beses na niya nakita ang Prinsipe. Ang prinsipe niyang tinutukoy ay ang panganay ng kasalukuyang Mahal na Hari at Reyna.
Natigil kami nang may pumasok sa tindahan. Nilingon namin ito at grupo ng mga dalagang Maharlikang Ician ang nakita namin. Halata ang pagiging ma-arte nito sa pagsasalita, pagkilos at pagtingin.
Agad silang pinuntahan ng isa naming katrabaho at iginaya sa pinagdidisplay-han ng mga kasuotan, sa pwesto namin ngayon ni Liazyl. Pagkalapit nila ay yumuko kami bilang pagbati at gumilid.
"Sa tingin nyo ay naroon ang Prinsipe Terrence sa engrandeng pagdiriwang ng pamilyang Daverro?"
"Ang alam ko ay inimbitahan ang Royal Family sa pagdiriwang. Kung kaya't ay humanap tayo ng agaw pansin na kasuotan para mamaya."
"Siguradong pupunta sila dahil kaibigan nila ang kuya ng may kaarawan. Makikita ko na ulit si Kaden!"
"Kung pareho lamang ako ng angkan kay Zanlex at sa kambal siguradong mapapansin nila ako."
"Ang magpinsan ang pakay natin."
"Alin ang mas maganda? Ito o ito?"
"Mas maganda ako kesa sa napili mo."
"Damit ang tinutukoy ko, hindi tao."
Nakamasid lamang kami sa kanila at napapansin ko ang pagpipigil na tawa ni Lia dahil sa huling narinig.
Matagal ang naging pagpipili nila at agad ko naman silang iginaya sa sukatan na parte. Tinarayan pa nila ako na hindi ko pinansin at nagkunwaring walang nakita.
"Hoy!" Nilingon ko ang isa sa kanila na alam kong ako ang tinatawag sa ganun. Ayaw kong lingunin pero ayaw ko rin ng away kung sakali.
"Bakit po?"
"Anong gamit mong pampaganda sa mukha?" Nakataas-kilay nitong tanong.
"Wala po." Halata naman ang pagkabigla nito sa mukha at maging ang kanyang mga kasama.
"Imposible."
Akmang lalapitan ako nito nang may pamilyar na boses ang nagsalita sa aking likuran.
"Kamusta, mga binibini. Naisukat na ba ninyo ang mga hawak nyo?" Nilingon ko ito at nakita si Lady Lorraine. Ang may-ari ng tindahang ito at nagdidesenyo ng halos ng mga panindang kasuotan.
"Tapos na po." Minatahan nila ako at sabay-sabay na silang pumunta sa kahera.
Hinarap ako ni Lady Lorraine at nginitian. Ngumiti ako sa kanya pabalik at nagpasalamat.
"Sa ganda mo ay dumadating na sa puntong kinekwestyon ang mga ginagamit mo. Kahit sa totoo naman ay wala at sadyang natural na ang iyo." Namula ako sa sinabi niya na ikinatawa niya.
Lumapit naman sa amin si Lia at agad na binati ang ginang.
"Mamaya ay isasama ko kayo sa pagdiriwang sa pamilya ng Daverro."
"Po? Totoo po?" Si Lia.
"Oo, mga binibini. Tumanggi kasi ang aking anak na babae. Ang sabi niya'y mas gusto niya pang matulog kesa makihalubilo kahit sinabi kong nandun ang Mahal na Prinsipe."
Lumaki naman ng ngiti ni Lia sa narinig.
"Kaya pumili na kayo ng masusuot, wala na iyong bayad. Alasais pa ang pagdiriwang kaya't magsasara tayo ng alas tres."
"Baka po hindi kami papasukin dahil wala kaming imbitasyon." Alala ko.
"Akong bahala sa inyo." Ngumiti ito sa amin at agad naman kaming nagpasalanat. Umalis na rin ito at pumasok sa kanyang opisina.
Nagkatinginan naman kami ni Lia at sabay na pumunta sa pilian ng mga damit.
Ang totoo ay ngayon lang ito nangyari kung kaya't nakaramdam ako ng pagkagalak. Sa tuwing may pagdiriwang kasi na pupuntahan si Lady Lorraine ay lagi niyang isinasama ang anak. Kahit nagtataka ngayon na hindi niya pinilit ito ay pagbibigyan ko ang opportunidad na ito.
Natigil ako sa pagpili nang may nakakuha ng atensyon kong bestida. Kinuha ko ito at sakto namang paglapit sa akin ni Lia, dala ang kanyang napili.
"Hindi naman siguro agaw-pansin kung ito ang susuotin ko diba?" Tanong ko. Nilingon ko si Lia pero manghang mangha siya sa hawak ko.
"Duda ako sa sinabi mo, Yejin Namero!"
*****
-btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top