3rd

"Lady Shain pinapatawag kayo nang iyung ama" napakunot noo ako ng biglang dumating ang isang servant.

"At bakit naman?" Tanong ko

"Kaylangan ang lahat sa pag titipon, upang mag bigay galang sa mahal na hari" sabi nito

Nagbuntong hininga naman ako.

"Magbibihis muna ako bago pupunta" sabi ko sa kanya.

Yumuko ito, at umalis na.

Nagpasya akong magbihis ng damit, dahil isang royal pala ang bisita. Tsk!! Ano naman kaya ang mangyayari ngayon.

———————

NAKARATING AKO SA CENTER HOUSE at nakita ko si ama sa isang table na may kausap na may crown.

"Maligayang hapon sa lahat, pagpasensyahan nyo sana kung matagal akong dumating" sabi ko sabay upo.

"Umupo kana sa iyung upuan shain" sabi ni ama.

Tinignan ko ang paligid at nakita kung may vacant sa tabi ni xui, pumunta ako duon at umupo.

"Sya naba si shain? Sya ba yung fiance ni Xander?" Napatingin naman ako sa hari ng sabihin nya iyun.

Wait! Wait a minute! Tika may FIANCE ako?

"Xui may fiance ako?" Bulong ko sa kanya.

"Oo sister si prince xander" sabi nito sa akin sabay turo sa isa sa harapan namin.

Napatingin naman ako duon at nakita ko ang 10 na mga lalaki sa harapan namin, sila yata yung anak ng hari.

"Hindi ko sila kilala" sabi ko sa kanya.

"Oo your highness sya nga si shain." Sabi ni ama

"Ka gandang bata, tama nga ang decision ko na sila ang bagay na mag asawa" tsk bagay your face.

Siniko naman ako ni xui sabay turo sa pinaka unang naka aline na prinsepe.

"Sya si Prince Apollo ang crown prince sya kasi yung first child and 1st baby ng queen." Napatango ako sa kanya. " 2nd naman ay si Prince Twain, anak parin sya ng queen"sabay turo sa tabi nung crown prince. "Yan naman ay si Prince dark ang 3rd prince anak sya ng concubine ng hari si lady fei. Tapos yung 4th prince naman ay si Prince Xander, sya yung fiance mo at anak ng queen. Yung 5th at 6th ay kambal na sina Prince Hanx at Prince Hendrix, anak ng concubine na si lady tyra. Nxt ay si Prince Xag ang 7th prince at ang bunsong anak ni lady tyra. Tapos yung 8th prince na si Prince ace , ay anak ni Lady Fei. Yung 9th prince na si prince paed ay bunsong anak ng reyna. At ang huli, ang 10th prince nasi Prince Fadnir ay bunsong anak ni Lady feir" mahabang paliwanag ni xui, sabay turo sa mga taong sinabi nya.

Napatango ako sa kanya, ngunit hindi parin ako makapaniwala na may fiance ako at isang royalty pa hehehehe. Ehem!

"Mahal kung ama" sabi nung 4th Prince

Napatingin kami lahat sa 4th prince ng bigla itong lumuhod sa harap ng hari at nagsalita.

"Anong maipaglilingkod ko sayo xander?"

"Ama patawad pero may mahal na akong iba, hindi ko kayang magpakasal sa iba" yukong sabi nito.

Kita ko naman ang singhap ng tao sa paligid ko.

"Sinusuway mo na ako ngayon Prince Xander? Alam mong kapakanan mo lang ang iniisip ko"

"Ngunit ama, kung kapakanan ko ang iniisip mo hindi mo sana ako ipapakasal sa taong hindi ko mahal" napataas ako ng kilay sa sinabi nya.

Aba aba parang sya pa yata ang lugi kapag kami ay maging asawa, ang taray naman ni lolo ohh. Tsk!

Nagulat ako ng biglang hinampas ng hari ang table sa kanyang harapan.

"Hindi ko gusto ang tabas ng iyung labi, hindi kana nahiya kay lady shain at sa kanyang pamilya."

Oh yeah! Pinahiya mo akong walang hiyang prinsepe, para naman ako yung may gusto sa kanya eh, parang patay na patay ako sa prinsepe.

"Ama patawad"

"Sino ang babaeng yan?" Sabi ng hari.

Tahimik lang kami sa pamilya, at kita ko pa ang nakakalukong ngiti ng mga kapatid ko. Napairap na lamang ako.

"Hindi ko po pwedeng sabihin ama"

Maslalo nagalit ang hari sa kanyang sinabi, hahayssss. Tumayo ako at pumunta sa harapan.

Nakita ko pa ang pagtingin nila lahat sa akin.

"Mahal na hari, bakit hindi natin pagbigyan ang prinsepe" mahina kung sabi

Tumingala ang prinsepe sa pwesto ko, habang mariin naman nakatingin ang iba sa akin.

"Ano ang ibig mong sabihin lady shain"

"Ang ibig ko pong sabihin mahal na hari ay pagbigyan nyo po ang hiling ng inyong anak. Hindi naman kasi dapat magmadali sa kasal mahal na hari, kaya kung mahal ng prinsepe ang babaeng yun ngayon. Gagawin ko po ang lahat upang ibaling sa akin ang kanyang attention" ngiti kung sabi.

Akala nila ha! Lalaban ako no, sayang ang magandang buhay kapag kami ay makasal, pero kung hindi nya ako mamahalin edi maghanap ng iba diba?

Napanganga sila lahat sa sinabi ko.

"Mahal na hari, kung ok po sayo na hindi na kami fiance ng inyung anak pero sabi ko nga kung matutunan nya akong mahalin makakaasa kayong ako ay maging mabuting asawa" sabi ko.

Nagulat ako ng may kamay na humila sa akin palayo sa kanila. Nakita ko ang galit sa mukha ng 4th prince habang hawak nya ang braso ko.

"Ano itong kalukuhan mo ha lady shain?" Galit na sabi nito ng nakalayo na kami

"Ano naman ang ibig mong sabihin prince xander"

Kumunot ang noo nito.

"Akala ko ba susuko kana? Napa ka disperada mo babae" galit na sabi nya.

"Mahal na prinsepe, diba sinabi ko sa hari na papakawalan kana sa pagiging fiance ko. Pero gagawin ko naman ang lahat upang ikaw ang makagusto sa akin" ngiti kong sabi sabay hawak sa kanyang mukha.

Tinapik nya ang kamay ko.

Ewww! Parang ang disperada ko ahh! Well! May benefit naman kasi kapag maging kami no, hindi ko alam ang mundong ito. Atleast may taong magsasave sa akin sa katangahan ko.

"Hinding hindi kita magugustuhan, tandaan mo yan" sabi nito sabay alis.

"Ok tatandaan ko po" sabi ko sakanya na nakakaluko.

——————————-

Tinitignan ko ang labas ng bahay, madilim na at malamig.

Pumunta ko sa damitan at may nakita akong damit sa mga maid. Heehehehehe!

Sinuot ko ito, sabay pinaiba ko narin ang style ko. Iba na ang itchura ko, at mas lalo akong gumanda, charr! Ngayon ko lang na appreciate ang ganda sa bago kung katawan. Kinuha ko ang panyo ko at ginawang mask para maslalo akong hindi makilala kapag nasa labas ako.

Nagpasya akong umalis muna sa bahay, magliwaliw muna ako.

Lakad lang ako ng lakad sa roof ng mga bahay, namiss ko dito naglalakad. Ngiti kung sabi.

Nakita ko ang palasyo sa malapitan kaya nagpasya akong pumunta duon, tumakbo ako ng mabilis para madaling makarating duon.

Narating ko na ang palasyo at nakita ko sa garden ang 10 na prinsepe, nag uusap sila at may iniinum. Titingin lang sana ako, nag may biglang espada ang paparating kaya ang resulta ay nakita ako ng mga prinsepe ng napatalon ako sa pwesto nila.

"Shit lang" nasabi ko.

"Sino ka?" Sabi nung 2nd prince.

Napakunot nuo ako, hindi nila ako kilala? Mabuti naman.

"Its for you too find out darling" sabi ko.

Napatalon ako patalikod ng may taong sumulpot sa harapan ko, at binigwas ang kanyang espada. Naman ohh!

"Mahal na prinsepe, nakita ko itong babaeng nakatingin sa inyo. Liligpitin ko na po baka kayo ang sasaktan."

"Aba aba anong sasaktan? Tumingin lang ako sa kanila kasi mga pogi sila no, wag kang assuming dude" sabi ko sa kanila.

Tumakbo yung assassin yata sa isa sa mga prinsepe sa akin, habang binibigwas parin ang kaniyang espada. Talon at iwas lang ang ginawa ko sa kanyan. Ngiting ngiti lang ako, namiss ko kasi ang maging ganito no. Nung naging boss ako nuon minsan lang ako nakakaaway dahil underling ko pa ang lumaban sa mga kalaban, ay napapatumba na nila. Hahaysss! Mga weak kasi, kaya ito parang nakawala lang sa kulungan ehh.

Tinaas ko ang aking paa upang isangga sa kanyang espada, gulat ang rumesto sa kanyang mukha. Nginitian ko sya sabay sipa sa kanyang tyan. Tumilapon sya at napasuka ng dugo. Hindi na sya makatayo sa lakas ng sipa ko.

Kita ko na tinulungan sya ng mga prinsepe.

"Pasensya na mga mahal na prinsepe, hindi ko po sinasadya. Gusto ko lang naman makita kayo eh. Hehehe" tawa ko.

"Yun lang ba ang sadya mo dito?" Sabi nung 3rd prince.

"Yup! Alis na ako mga prinsepe." Tumalon ako sa bakod nila, at aalis na sana nang magsalita ang 7th prince.

"Pwede ba namin malaman ang pangalan ng magandang dalagang bumisita?" Sabi nito.

Tinignan ko sya, hindi naman masamang ibigay yung nakasanayan ko nang pangalan diba?

"Kate! Call me kate" sabi ko sabay alis na sa palasyo. Tama na yung oras na nagkausap kami, kaylangan ko nang umuwi baka malaman pa ng ilan sa bahay na umaalis ako. Patay talaga ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top