Chapter 3: Visitor

"Mommy?"

Napabaling ako kay Ayah noong magsalita ito sa tabi ko. Maingat nitong inilagay ang kamay sa kamay ko at matamang tiningnan ako. She pouted then played my hand.

"Are you okay, mommy?" She asked and slowly hugged me. "Is your head okay? Ma-masakit po ba?" Nahihirapang tanong nito sa akin.

Mabilis akong umiling at gumanti nang yakap sa anak ko. "Mommy's okay, baby. Just a little tired but I'm okay. Don't worry about me, hmm."

"Okay," mahinang sambit ni Ayah at mas isiniksik ang katawan sa akin.

Palihim akong napabuntong-hininga at tumingin sa labas ng taxi na kinaroroonan namin. Kaya kong tiisin ang sakit sa ulo ko ngunit hindi kaya ng puso kong makita nalulungkot at nag-aalala ang anak ko. As much as possible, I wanted to look fine and okay infront of her. Ayah is a smart kid. Alam nito ang nangyayari sa paligid niya. Kung kaya kong magtiis, gagawin ko.

Marahan kong hinaplos ang buhok ng anak ko at matamang pinagmasdan ito. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at naalala ang nangyari kanina.

That man... that was Sasa's fiancé. And the way he mentioned my name, it triggered my old and healed wounds. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero sa tingin ko'y kilala niya ako, kilala niya ang dating ako. Iyong ako noong hindi pa nawawala ang mga alaala ko. And his voice, pamilyar ito sa akin. It was so damn familiar that it hurts. Kaya marahil nagreact ang katawan ko dito. 

Destiny Amari.

The way he uttered that name ached my heart, painfully. At kung hindi ko lang kasama si Ayah, paniguradong mananatili ako roon. I will stay and ask him questions that will surely harm myself again. And again. Damn this!

Tahimik at maingat kong inilapag si Ayah sa kama nito. Nakatulog ito kanina habang nasa biyahe kaming dalawa at hindi ko na ito ginising pa. Mukhang napagod din ang anak ko sa activity nila sa eskwela. She's an active student. Kung sinu-sino rin ang kinausap nito kasama ang mga kaibigan niya. She enjoyed every seconds with them and I'm happy for her. Nakakaproud lang maging ina ng batang ito.

Tahimik kong pinagmasdan si Ayah at mayamaya lang kinumutan ko na ito at walang ingay na lumabas sa silid nito.

Deretso ang lakad ko patungo sa kusina ng unit namin at kumuha ng isang baso ng tubig. Marahan ang bawat kilos ko at tahimik na pinagmamasdan ang cellphone kong nakapatong sa mesa namin.

"Hindi pa rin ba tapos ang meeting ni Veron?" Tanong ko sa sarili at inubos ang tubig sa baso. Dinampot ko ang cellphone ko at tahimik na nagtungo sa may sala. Pabagsak akong naupo sa sofa at wala sa sariling napatitig sa kawalan. Pinaglaruan ko ang cellphone at mariing ipinikit ang mga mata. I cleared my mind and tired to relax. May kaunting kirot pa akong nararamdaman ngayon sa ulo ko but I can manage the pain. I just need to forget what happened earlier and make sure not to overthink.

Relax, Amari. Clear your mind and calm down.

I'm done with this one. Tapos na ang therapy at medical counselling ko dito. I already overcome this phase of my medication. Alam ko na ang dapat kung gawin. I just need to forget what happened, again. Forget and move on. For the sake of my health, at para hindi na rin mag-alala si Ayah at si Veron, kailangan kong kalimutan ang nangyari ngayong araw. 

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako kakahintay kay Veron. Naalimpungatan lang ako noong marinig ang tunog ng doorbell ng unit namin. Napakunot ang noo ko at dahan-dahan naupo nang maayos sa sofa. Wala sa sarili akong napatingin sa orasan at ipinilig ang ulo pakanan noong makitang alas-sais na pala ng gabi.

Hindi ako kumilos sa kinauupuan ko at noong muling tumunog ang doorbell namin ay maingat akong tumayo mula sa pagkakaupo. Kunot-noo akong naglakad papalapit sa pinto. Sino naman kaya ito? Obviously, it's not my husband. Veron will never use our doorbell. May sariling susi ito. At isa pa, minsan lang kaming magkaroon ng bisita dito. Kung mayroon man, ang personal doctor ko ito na siyang kaibigan din ni Veron na nagtratrabaho sa ospital nila ngunit mag-aabiso muna ito bago pumunta dito sa unit. My doctor never visit us here without a schedule.

Maingat akong tumingin sa front door security camera at noong mamataan si Sasa ang nasa labas ng unit namin, mabilis kong pinagbuksan ito ng pinto.

"Hi, Amari!" Nakangiting bati nito sa akin at bumeso sa akin.

"Sasa!" Sambit ko at tiningnan ang dala nito. "What are you doing here?" Tanong ko at itinaas nito ang dalang eco bag.

"Brought something to eat," aniya at maingat na bumaling sa katabi nito. "I invited him, too." Dagdag nito na siyang ikinatigil ko.

"Hi!" Bati ng kasama ni Sasa at tipid na ngumiti sa akin. "Sorry about earlier. I didn't mean to make you uncomfortable."

"Uhm, no, sorry, uhmm, ayos lang." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mariing napahawak sa doorhandle ng pinto namin. "Uhm, pasok kayo," yaya ko sa dalawa at pinapasok na sa unit namin. Tahimik na naglakad papasok ang dalawa at pinaupo ko ang mga ito sa sofa sa may sala namin. "We only have orange juices here. I'll prepare some. Excuse me." Sambit ko at iniwan na ang dalawa sa sala.

Tahimik akong naglakad patungo sa kusina at inihanda ang orange juice para sa aming tatlo. Noong maihanda ko na ito, wala sa sarili akong napatingin sa daan pabalik sa sala namin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at marahang humugot ng isang malalim na hininga. Mayamaya lang ay bumalik na ako sa sala at tahimik na inilapag ang inihandang juice sa mesa.

"Where's Ayah?" Tanong ni Sasa habang pinagmamasdan ang tahimik at simpleng unit namin. Inilabas na rin nito ang dalang pagkain at inilagay sa may mesa.

"She's sleeping. Napagod yata kanina," sagot ko dito at wala sa sariling napatingin sa fiancé nito. Namataan kong tahimik lang itong nakamasid sa akin kaya naman ay mabilis akong nag-iwas nang tingin dito.

"Xavi, stop it," natigilan ako noong suwayin ni Sasa ang fiancé nito.

Xavi? That's her fiancé name? Xavi... sounds familiar to me.

"I'm sorry, Sasa. Medyo makulit lang ito. No worries, he's harmless naman." Natatawang sambit ni Sasa sa akin. Tumango lang ako kay Sasa at muling tiningnan ang fiance nito. Nagtaas ito ng kilay sa akin kaya naman ay napaayos ako nang pagkakaupo.

What his deal?

"Where's your husband?" Tanong ni Xavi na siyang ikinatigil ko. "Is he home now?"

"Uhm, bumalik ito sa ospital." Tipid na sagot ko dito at kinuha ang baso ng juice sa harapan ko. Right! Sinabi ko pala kanina na si Veron ang susundo sa amin ni Ayah. Now, I need to tell them that he left again!

"He's really a busy man," komento ni Sasa na siyang ikinatango ko dito. Akmang magsasalita na sanang muli ako noong nagtanong na naman si Xavi sa akin.

"How long have you been here, Amari?" Maingat na tanong nito sa akin na siyang ikinatigil kong muli. What the hell? Lahat ba nang sasabihin ng lalaking ito ay dapat kong ikagulat? It's like he's about to drop something infront of me! I feel uncomfortable whenever he opens his damn mouth!

"Xavi, please, pinag-usapan na natin ito kanina, hindi ba?" Suway muli ni Sasa sa fiancé nito.

"I'm just curious, babe." Ani Xavi habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin. "Cause she looked exactly like her. Like a perfect copy of her. "

"Xavi!" Mabilis na tumayo si Sasa at nilapitan ang fiancé nito. "That's enough, babe." Hinawakan nito ang kamay ni Xavi at hinila ito patayo. Nagpahila naman ang lalaki habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin. "I'm so sorry, Amari. Dapat talaga ay hindi ko na sinama ang isang ito." Naiiling na sambit nito sa akin.

"A-ayos lang, Sasa," sambit ko at tumayo na rin mula sa pagkakaupo. "I... I don't mind him asking anyway."

"See..."

"No," ani Sasa at binalingan si Xavi. "Stop." Pigil na naman nito sa fiancé. "He's being an ass right now, Amari. Pasensiya na talaga." dagdag pa nito na siyang ikinailing ko.

"Really, it's okay, Sasa. I really don't mind. I... I was just shocked. For years, no one questioned me about how long I've been living here. Hindi lang siguro ako sanay. Ngayon lang talaga ulit ako may nakasalamuhang ibang tao maliban sa asawa at anak ko."

"They kept you away," ani Xavi na siyang pareho naming ikinagulat ni Sasa. "Anong ginawa nila sa'yo, Destiny Amari?" Seryosong tanong nito sa akin na siyang ikinatigil kong muli. "We've been looking for you."

"W-what?" Naguguluhang tanong ko dito.

"That's enough, babe." Mariing sambit ni Sasa at muling binalingan ako. "We're leaving, Amari. I'm sorry about this. See you next week? I'll be babysitting my niece again."

"Uhm, yeah, sure," iyon na lamang ang naisagot ko dito at hindi na nagsalita pa noong magsimula na silang maglakad palabas ng unit namin. Hinatid ko na silang dalawa patungo sa front door ng unit namin at noong nasa labas na sila, muling nagpaalam si Sasa. Tahimik naman si Xavi at hindi na muling nagsalita pa.

"Thank you for visiting, Sasa, uhmmm, Xavi." Maingat na turan ko na siyang ikinatango ng dalawa. Muling nagpaalam si Sasa sa akin at hinila na palayo ang fiance nito.

Tahimik kong isinara ang pinto ng unit namin noong tuluyang umalis na ang dalawang bisita ko. Dahan-dahan akong bumalik sa may sala namin at dinampot ang mga basong ginamit naming tatlo. Maingat ko itong inilapag sa sink sa may kusina at muling bumalik sa sala. Kukunin ko na sana ang eco bag kung saan nakasilid ang ilan pang pagkaing dala ni Sasa noong natigilan ako sa pagkilos. May nakita akong maliit na envelope sa upuan kung saan nakaupo kanina si Xavi. Napakunot ang noo ko at dahan-dahan akong lumapit dito. Noong nasa harapan ko na ito, walang ingay kong dinampot ang envelope.

"What is this?" Mahinang tanong ko sa sarili at binuksan ito. Kunot-noo kong kinuha ang laman ng envelope at noong mamataan kung ano ang laman nito, nanlamig ang buong katawan ko.

What the hell is this? Bakit puro litrato ko ang laman nito?

Napaupo ako sa sofa at hindi inalis ang paningin sa litratong hawak-hawak. Maingat kong tiningnan ang sumunod na larawan at noong makitang ako at si Xavi iyon, napaawang ang labi ko.

"What's the meaning of this?" Nanginginig na tanong ko at tiningnan ang isa pang litratong kasama sa loob ng envelope.

It was me and Xavi, Sasa's fiancé, again! Paanong may litrato kaming dalawa?

Don't tell me, he really knew me before? Dahil kung titingnang mabuti, I looked young here! Mas bata akong tingnan dito. Mukha akong college student lang sa mga larawang ito! Damn, anong nangyayari dito?

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at muling tiningnan ang mga larawan.

He called me Destiny Amari, okay. No one called me by that name. Well, yes, that's my real name but even Veron doesn't call me like that!

I... I need to know!

Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit kasama ko ito sa mga larawang ito! I need answers and I know Xavi can give me the answers I've looking for!

Akmang tatayo na sana ako noong biglang makaramdaman na naman ako nang matinding sakit sa ulo ko. Napahawak ako sa dating sugat ko at mariing ipinikit ang mga mata. Napaawang ang labi ko dahil sa tindi nang sakit na nararamdaman ko ngayon. No. Please, no. Not this time.

Damn it!

Just this one! Kahit sa pagkakataong ito lamang! Kahit ngayon lang, sana ay hindi makisabay itong lintek na sakit sa ulo ko!

"V-Veron... help me." Naiiyak na sambit ko habang unti-unting bumabagsak ang katawan ko sa sahig. "Please, h-help... stop the p-pain. V-Von..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top