Chapter 27: Start
Nakayuko ako habang nakaupo sa gilid ng kama ko. Si Von naman ay tahimik na nakatayo sa harapan ko at matamang nakatingin lamang sa akin.
"What really happened to you, Destiny? Sa loob ng anim na taon, ano ang totoong nangyari sa'yo?"
Napalunok ako at napahugot ng isang malalim na hininga.
Alam kong wala na akong takas pa kay Von Sirius ngayon. Dahil sa emosyon ko kanina, nasabi ko sa kanya ang tugkol sa anak namin. Kaya naman noong kumalma na ako sa pag-iyak kanina ay maingat niya akong pinasok sa kuwarto ko at pinaupo sa gilid ng kama.
Muli itong nagtanong sa akin kaya naman ay napaayos na ako nang pagkakaupo at sinalubong ang mga titig nito sa akin.
"Bago pa man ako umalis dito, buntis na ako, Von," seryosong wika ko na siyang ikinatigil nito sa kinatatayuan niya. "At dalawang tao lang ang nakakaalam tungkol sa pagbubuntis ko, si Adliana at... si Xavi."
"Fuck that asshole," mariing sambit ni Von noong banggitin ko ang pangalan ng pinsan niya. "Bakit hindi mo sinabi sa aking ang tungkol sa kondisyon mo? Bakit si Xavi pa ang mas nakakaalam sa pagbubuntis mo?"
"Noong pumunta tayo sa ospital para kausapin si Zsamira, Xavi was there too, remember? Noong halos magwala na ito at iniwan mo ako para tahanin ang kaibigan mo, si Xavi ang kasama ko. At sa mga oras din na iyon ay nakaramdam ako nang pagkahilo. Sinamahan ako ni Xavi at nagpatingin ako sa doktor."
"And you were pregnant. With my child."
"Yes, Von," mahinang sagot ko.
"Bakit hindi mo ito ipinaalam sa akin?" ulit na tanong nito sa akin na siyang ikinahugot kong muli ng isang malalim na hininga.
"Dahil magulo pa tayo noon, Von. Sobrang gulo. Hindi pa maayos ang lahat sa atin. Plano kong sabihin iyon sa araw ng kasal natin ngunit noong engagement party pa lang, hindi ka na sumipot. Hindi ka na dumating para sa amin ng anak mo."
"I was there, Destiny. Dumating ako," mariing sambit niya na siyang ikinatigil ako. "Dumating ako pagkatapos kong asikasuhin ang tungkol kay Mira."
"Iyon na nga ang problema natin noon, Von. You cared too much sa kaibigan mo na iyon kaya sa mismong engagement party natin ay nahuli ka. Hindi mo na ako naabutan pa."
"Ginawa ko iyon para matapos na ang lahat-lahat. Sa araw na iyon ay tinapos ko na ang kung anong pagkakaibigan namin ni Mira. I told her that it was the last time I will ever see her again. Na hindi na ako tatakbong muli para iligtas ito. Na mas uunahin kita dahil mahal na mahal kita!"
"But... you came late, Von." Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. "Sa simula pa lang, plano na nilang sirain ang relasyon natin. Si Mira at Harlyn, plinano nilang lahat at noong araw ng engagement natin, I was alone. I faced them alone!"
"Destiny-"
"I was so damn scared that day, Von. Hindi mo alam kung anong klaseng takot ang ibinigay nila sa akin! I can feel my parents and your parents' disappointment with me and my actions! Wala akong ginawang masama, Von, so, bakit nila iyon ginawa sa akin? I was cornered by them! Hindi ko alam na kaya nilang gawin iyon sa akin! Hindi ko alam na kaya nila akong sirain sa lintek na presentation na ginawa nila sa araw ng engagement party natin!"
Mabilis kong inalis ang mga luha at napayuko na lamang. Napaawang ang labi ko dahil sa matinding kirot sa puso ko. Biglang bumalik sa akin ang mga nangyari noong gabing iyon. Lahat ng galit sa puso ko ay biglang bumalik sa akin. Lahat ng ginawa nila noon ay naging sariwang muli sa isipan ko. Lahat ng iyon ay isang bagsak na bumalik sa akin at ngayon ay hindi ko na mapigilan pa ang mga luha ko.
Damn! Hindi pa ba nauubos itong lintek na mga luhang ito?
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at mariing ikinuyom ang mga kamao.
"Alam ko... hindi dapat sila ang sinisisi ko sa mga nangyari sa akin pero nasaktan ako, Von. Takot na takot ako sa maaring mangyari sa akin. I have your child and I can't afford to lost it because of them."
"Kaya umalis ka? Kaya iniwan mo ako?" mahinang tanong ni Von at nilapitan na ako. Lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko. "Destiny, puwede naman tayong umalis na magkasama. Dapat ay hinintay mo ako at sabay tayong lalayo sa mga taong nais sumira sa relasyon natin. Love, dapat ay hinintay mo ako."
"I... I can't wait you that night, Von. Isa ka sa labis na nagbigay sa akin ng sakit noon. Hindi mo man ito sinadya, still, I was hurting because of you, because of my love for you. And to save myself from my own emotion, I need to leave, Von. I need to leave you and all the people who gave me too much pain."
"I'm so sorry, love. Hindi ko alam na nasasaktan na kita noon. I was... I was busy fixing my own mess. Hindi kita nabigyan ng tamang atensiyon. Forgive me, love."
Umiling ako kay Von at malungkot na ngumiti dito.
"Desisyon ko iyong pag-alis ko noon, Von. Desisyon ko iyon at kung ano man ang nangyari sa akin noon, dapat kong pagdusahan iyon ng mag-isa."
Natigilan si Von Sirius sa sinabi ko at marahang inangat ang kamay nito. Napapikit ako noong maramdaman ang kamay nito sa pisngi ko at noong magtanong itong muli, mabilis kong kinagat ang mga labi ko at sinalubong muli ang mga mata nito.
"What happened to our child, love?" Tila nanghihinang tanong nito sa akin. Umawang ang labi ko at pilit na nilalabahan ang muling pagbuhos ng mga luha. Napayuko akong muli at humugot ng isang malalim na hininga.
"Naaksidente ako," sambit ko at tiningnan muli si Von. Hindi ko inalis ang paningin dito at pinagpatuloy ang pagsasalita. "After eight months of pregnancy, I had a car accident and lost our child,"
Kita ko ang pagyuko ni Von Sirius at unti-unting humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
"I was in coma for months," pagpapatuloy ko pa na siyang ikinailing ni Von.
"Stop, love. P-please," ani Von sa nanginginig na boses.
No. I can't stop now!
Nandito na kami kaya naman ay dapat malaman na niya ang lahat-lahat!
"Noong magising ako mula sa pagkaka-coma, I forgot everything. I forgot my name, my family. I forgot you."
"Jesus!" Bulalas ni Von at mabilis na niyakap ako sa bewang ko. Nakaluhod pa rin ito ngayon sa harapan ko kaya naman ay napirmi ako sa kinauupuan ako. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang pag-iyak ni Von Sirius kaya naman ay maingat kong inilapat ang kamay sa likuran nito. Mahina kong hinaplos ang likod nito at napatingala na lamang.
"Veron... that was the name of the man who helped me. Siya ang ama ni Ayah," pagkukuwento ko ulit dito habang nakayakap pa rin ito sa bewang ko at umiiyak. "He gave me a new family. Nagpakilala itong asawa ko at anak ko nga raw si Ayah." Ramdam kong natigilan si Von ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa. "Ayah lost her mother giving birth to her so technically, ako ang kinilalang ina nito. Well, iyon din naman ang buong akala ko. I lived with them peacefully, without any memory of my past, for four years and when I met Sasa and saw Xavi, I started remembering some of my memories. I started questioning Veron about my past and when he told me that I was not his wife, I was lost again."
"And he's dead now?" tanong ni Von at maingat na humiwalay sa akin. "Ayah's father is dead, right?"
"Car accident," naiiling na sambit ko dito at napabuntong-hininga na lamang. Inalis ko ang mga luha at tiningnan nang mabuti ang mga mata nito. "And I met mom there and moved from New York to Boston. And recently, I recovered every memory I lost."
"Kaya ka umuwi na dito..."
"Maliban sa kondisyon ni daddy, yes, iyon din ang dahilan kung bakit umuwi na ako. Because I'm back. My old self is back." Malungkot akong ngumiti kay Von at hinawakan ang pisngi nito. "It was all my fault, Von. It was all my damn fault why I lost everything. Ako ang gumawa nang desisyong iyon. And I'm really sorry."
"You can't take all the blame here, love," anito at hinawakan ang kamay kong nasa pisngi nito. "May kasalanan din kami sa'yo. Kami ang rason kung bakit ka umalis. So, please forgive me too, love. Hindi ko kayo naproktehan ng anak natin."
Hindi ko alam kung kailan mauubos ang mga luha ko. Basta na lamang bumubuhos muli ang mga ito nang hindi ko nalalaman.
And when I felt Von's lips on mine, suddenly my world stops. Wala akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang lakas ng tibok ng mga puso namin. Napahawak na lamang ako sa balikat ni Von at dinama ang mababaw na halik nito sa labi ko. At noong matapos ito sa paghalik sa akin, dahan-dahan nitong inilayo ang mukha sa akin at matamang tiningnan ako.
"Let's start all over again, love."
Natigilan ako sa sinabi nito.
"You, me and Ayah. Let's start all over again."
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kay Von. Yes, I want to start all over again but, I don't think if I can do this with him!
Oo, mahal ko pa rin si Von pero sapat na ba iyon para magsimula ulit kaming dalawa?
Iba na ang sitwasyon namin ngayon. I have Ayah and I can't decide anything without thinking about her! Hindi lang sarili ko ang dapat kong isipin dito! And I promised Veron that I will live for our daughter!
"Von-"
"I will love her, Destiny. I will love and cherish her as my own child, so please, pagbigyan mo na ako. Let's start all over again, love."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top