Chapter 21: Family

Pagkatapos ng kasal ni Nempha at Aleph, mabilis kaming nagtungo sa reception hall ng hotel. Hindi humi-hiwalay sa akin si Andrea kaya naman ay palihim akong nagpasalamat dito.

Maingat ang bawat galaw ko at pilit na iniiwasan ang mga titig ni Von Sirius sa akin. Walang problema sa akin ang presensiya nito ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para sa aming dalawa. This is Nempha's day. I can't ruin her wedding day! Sana nga lang ay ganoon din ang nasa isip ng lalaking ito.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ako nakatitig sa inumin na nasa harapan ko. Panay ang butong-hininga ko na rin at pilit na ikinakalma ang sarili.

"Von, nakikinig ka ba?"

Hindi ako kumibo sa kinauupuan ko at nanatiling nakatingin lamang sa baso ng wine sa ibabaw ng mesa. Pinaglaruan ko ito at mayamaya lang ay inisang tungga ko na ito. Hindi ko alintana ang mga matang nakatitig sa akin at ang muling nagtawag ng waiter para sa panibagong baso ng ininom.

"Stop staring at her, Von! You're creeping me out!"

Narinig kong bulalas ni Andrea kaya naman ay napatingin ako dito. Namataan ko ang pag-irap nito sa isa sa kasama namin dito sa mesa at tiningnan ako. Nagtaas ito ng isang kilay sa akin at napabuntong-hininga na lamang.

Damn, Nempha! Bakit ganito ang seating arrangement namin dito? Bakit niya kami inilagay sa iisang mesa lang? Yes, kaunti lang ang bisita nila dahil exclusive ang kasal na ito sa pamilya at kaibigan nila ni Aleph pero naman, she knows what happened to us before!

Bakit nasa iisang mesa pa? Nagkulang na ba sila ng budget at ito lang kinayanan nila? Dapat ay sinabi niya sa akin para naman ay nagawan namin ito nang paraan! Napailing na lamang muli ako. Unbelievable!

Kakabalik ko lang dito sa Pilipinas at ngayon ay tila gusto ko nang makabalik sa Boston at alagaan na lamang si Ayah doon!

Come on, Destiny Amari! You came here prepared, physically and mentally! I should know better! Kailangan kong kumalma dahil kung hindi, masasayang lang ang lahat nang pinaghirapan ko!

"Chill, people!" ani ng isang kaibigan nila Aleph at itinaas ang hawak na baso. "Nandito tayo para sa bagong kasal! Kumalma tayo at hayaan na ang mga past issues natin! Let's cheers!" dagdag pa nito at hinikayat kaming itaas ang mga baso namin. Nagkibit-balikat na lamang ako dito at wala sa sariling itinaas ang hawak na baso. Ganoon din ang ginawa ng mga taong kasama ko sa mesa, at noong lahat ng baso ay nasa ere na, sabay-sabay nilang binati si Nempha at Aleph at ininom ang wine nila.

Tahimik kong tinunggang muli ang inumin ko at pabagsak na inilapag ang baso sa mesa.

Kita kong natigilan sila at tiningnan ako. I just smirked at them at tumayo na sa kinauupuan. Hinawi ko ng buhok sa balikat at umayos na sa pagkakatayo.

"Excuse me," ani ko at binalingan ko si Andrea. "Pupunta lang ako sa kabilang resort. I forgot about the favor daddy asked me to do here. Kakausapin ko lang iyong manager doon."

"Ngayon na talaga, Destiny? Ipagpabukas mo na iyan!" sambit ni Andrea na siyang marahang ikinailing ko.

"I can't do that, Andrea. Maaga akong aalis bukas. May aasikasuhin din ako sa Manila. And besides, sa makalawa na ang dating nila mommy at..." Natigil ako sa pagsasalita at palihim na napangiwi. Muntik ko nang mabanggit ang tungkol kay Ayah! Damn it, Andrea! Wala pa itong alam tungkol sa anak ko kaya naman ay kailangan kong mag-ingat dito! "Ako ang susundo kay mommy kaya naman kailangan ko nang matapos ang trabaho ko dito."

"So, busy!" turan ni Andrea na siyang ikinailing ko na lamang muli. "You're here to enjoy, Destiny! Huwag ka munang magtrabaho. Bukas, sasamahan pa kita bukas doon!"

"I already enjoyed the party, Andrea," wika ko at pinakita ang basong wala ng laman. Naka-limang shots na yata ako ngayon and I think I'm done here! I need to work! Ito naman ang rason ko kung bakit umuwi ako. Ang matulungan si daddy at Adliana sa negosyo namin. "Enjoy the night everyone." Nakangiting dagdag ko pa at inisa-isa ang nasa mesa, at noong nagtagpo ang mata naming dalawa ay nawala ang ngiti ko at pinagtaasan ko lang ito ng kilay.

No, Von. Hindi mo ako madadala sa mga titig mo na iyan.

Hindi na ako muling nagsalita pa at umalis na sa puwesto ko. Tahimik akong naglakad hanggang sa makalapit ako sa dalampasigan. Maingat kong tininggal ang suot na sandals at dinampot ito.

I missed the cold water of the beach. Noong nasa New York ako, I was once tempted to asked Veron to bring me to one of the nearest beach in the city. Pero noong may naalala akong tagpo na may kinalaman sa dagat ay biglang sumama ang pakiramdam ko kaya naman ay hindi ko na ito tinuloy pa. Those years were really hard for us, lalo na kay Veron. Dalawa kami ni Ayah ang inaalagaan niya kaya naman ay talagang humanga ako sa kanya.

Siguro nga ay minahal ko talaga si Veron noong nabubuhay at kasama pa namin ito. He was kind to me. Hindi niya ako sinukuan kahit na halos ayaw ko na sa sariling buhay ko. He was my hope. He saved me and made me fall for him. Pero mukhang huli ko na iyon nalaman. I was busy trying to remember my past and ignored his feelings for me.

Malungkot akong napangiti at napatingin sa maliwanag na buwan.

"I missed you, Veron," mahinang turan ko at wala sa sariling napahawak sa dibdib ko. "Please guide me and your daughter, Ayah. Alam kong hindi mo kami pababayaan. I... I will do everything to be okay. Para sa'yo at para sa pamilyang matagal na naghintay sa pagbabalik ko."

Napapikit ako at marahang napabuntong-hininga.

"I love you," bulong ko pa at muling tiningnan ang buwan.

"Destiny."

Mabilis akong natigilan noong may nagsalita sa likuran ko. Kilala ko ang boses na iyon kaya naman ay hindi na ako nagulat noong nakita ko itong seryosong nakatitig sa akin.

"Von," sambit ko sa pangalan niya at umayos nang pagkakatayo.

Seryoso lang itong nakatingin sa akin na siyang pinantayan ko naman. Ilang minuto kaming tahimik kaya naman noong hindi pa rin ito umimik ay tinalikuran ko na ito at naglakad nang muli. Kung wala siyang sasabihin, then, I better keep going. Wala akong sapat na oras para sa kanya. 

"Destiny, wait." Mabilis na pigil nito sa akin at noong maramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko ay mabilis akong natigilan sa paghakbang at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "I'm sorry," anito noong makita ang gulat ko sa ginawa niya.

"Don't touch me, please," mahinang sambit ko noong makaramdam ako ng kaunting takot sa dibdib ko. Pinagsawalang bahala ko ito at mariing ikinuyom ang mga kamao.

"Are you okay? You're trembling, Destiny," sambit pa nito at muling sinubukang hawakan ako.

"Don't!" Sigaw ko at umatras muli ako palayo sa kanya. "I'm sorry but please, huwag kang lalapit sa akin, Von Sirius."

"Destiny-"

"Leave me alone," mabilis na sambit ko at tuluyan na itong iniwan.

Dere-deretso akong naglakad hanggang sa makarating ako sa resort na pakay ko. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na tinawagan ang manager na kausap ko kanina bago kami pumunta dito sa Zambales. Agad din naman kaming nagkita at pinag-usapan ang tungkol sa negosyo na matagal nang napag-usapan nila ni daddy at Adliana.

Mahigit isang oras ang naging pag-uusap namin ng manager ng resort at noong matapos na kami, agad akong nagpaalam dito. Nagpasalamat ako sa kanya at tinahak ng muli ang daan dinaanan ko kanina papunta dito.

Kakatapak pa lang ng mga paa ko sa may buhangin ay mabilis na akong natigilan sa pagkilos. Napakunot ang noo ko noong mamataang nakatayo si Von 'di kalayuan sa puwesto ko.

What? Ano pang ginagawa ng lalaking ito dito? Hinintay niya ba ako?

Napairap na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. At noong lalagpasan ko na sana ito, natigilan muli ako noong marinig kong nagsalita ito.

"Hanggang kailan mo ako iiwasan?"

Napakuyom ako ng kamao ko at walang emosyon ko itong binalingan.

"Hindi kita iniiwasan, Von."

"Really?" tanong niya at humakbang ng isang beses palapit sa akin. Hindi ako kumibo sa kinatatayuan at nanatili na lamang sa kanya ang mga titig ko. "Then what are you doing right now? Running away? Again?"

Napatanga ako sa naging tanong nito sa akin. Napamewang ako sa harapan nito at masamang tiningnan ito.

"Kung sa tingin mo ay gagawin ko iyong ginawa ko noon, Von, think again. Hindi na ako ang dating Destiny Amari na tinatakasan ang lahat. I'm not her so please... stop looking at me like that!"

"So, why are you avoiding me?" malamig na tanong muli nito sa akin.

"Because I can, Von," mariing sambit ko dito habang masama pa rin ang tingin dito. "At isa pa, hindi ikaw ang rason kung bakit ako umuwi dito. I'm here for my family so I don't have a freaking time for you. Leave me alone!"

"I'm your family too, Destiny. Nakalimutan mo na ba?"

Nanlamig ako sa naging tanong niya sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at nailing dito.

"Oo, Von. Nakalimutan ko. Nakalimutan kong pamilya kita. Nakalimutan ko ang lahat-lahat tungkol sa akin, tungkol sa atin, kaya naman ay umabot ng anim na taon bago ako makauwi dito! Oo, nakalimutan ko ang lahat!" Hindi ko na napigilan pa ang mga emosyon ko. Sunod-sunod ang mga salitang nabitawan ko na siyang agad kong pinagsisihan. Napatampal ako sa noo at mabilis na paatras palayo sa kanya.

"Forget what I've said. Just... just leave me alone, okay?" Mabilis na sambit ko sa tulalang si Von at iniwan na ito.

Dahil sa buhangin ay nahihirapan akong maglakad nang maayos. Napailing na lamang ako at mas binilisan pa ang paglalakad.

"Destiny! Wait!"

Damn it!

"No, Amari. Keep on walking! Don't freaking stop," mariing utos ko sa sarili ngunit hindi pa ako nakakahakbang muli noong mabilis akong nahawakan ni Von sa braso ko.

"Destiny!"

"Stop calling me that name!" sigaw ko dito na siyang ikinatigil ni Von. Napabuntong-hininga ako at mabilis na binawi ang braso sa kanya. "Not now, Von. May dapat pa akong asikasuhin."

"Ano iyong sinabi mo kanina? What the hell was that?" mariing tanong nito at matamang tiningnan ako. "Destiny-"

"Wala na akong sasabihin sa'yo," saad ko at tinalikuran ko itong muli.

"Destiny-"

"Von Sirius, stop!" Sigaw kong muli at marahas na binalingan ito. Inilingan ko si Von at napaatras ng isang beses palayo sa kanya. Akmang tatalikuran ko na sana itong muli noong biglang tumunog ang cellphone ko. Natigilan ako sa pagkilos at napamura na lamang sa isipan noong makita tumatawag si mommy sa akin.

Really, mommy? At talagang sa facetime pa? Paano ko ito maitatago kay Von Sirius?

Napatingala na lamang at muling napabaling kay Von. Namataan kong muli ang seryosong mga titig nito sa akin kaya naman ay napairap na lamang ako sa kanya. Isang beses pa akong humugot ng isang malalim na hininga at sinagot na ang tawag ni mommy. 

I need to answer this call now! Baka emergency ito at kung ano na ang nangyayari sa kanila ng anak ko sa Boston!

Muli akong napabuntong-hininga at tuluyan nang sinagot ang tawag ng ina.

Sinalubong kong muli ang seryosong mga titig ni Von at noong makita at marinig ko ang boses ni Ayah, biglang nanghina ang buong katawan ko sa emosyong pinakita ng mga mata nito sa akin!

"Mommy! My documents are done! Lola and I will left Boston later! I missed you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top