Chapter 20: Back
Dahan-dahan akong naglakad habang hila-hila ko ang dalang maleta. Nagpalinga-linga ako at hinanap sa paligid si Andrea na siyang susundo sa akin ngayon dito sa airport.
"Welcome back, Destiny!"
Napangiti ako noong sa wakas ay nakita ko na ang pinsan ko habang kumakaway pa sa akin. Mabilis akong naglakad patungo sa kanya habang hila-hila pa rin ang maletang dala. Tinanggal ko ang suot na salamin at mabilis na niyakap si Andrea nang mahigpit.
"Andrea!" I exclaimed with excitement. "I missed you!"
"Hala! Ang clingy naman!" ani Andrea at hinigpitan ang yakap sa akin. "I missed you too, my beautiful cousin!"
Natawa ako sa sinabi nito at humiwalay na sa kanya. Pinagmasdan ko ito nang mabuti at inilingan na lamang. It's been six years simula noong huling nakita ko ang malapit na pinsan kong ito. Andrea is like a sister to me. Kahit noong mga bata pa kami ay kapatid na ang turing ko dito.
But I can't hide my disappointment with myself.
Ni hindi ko man lang masabi dito ang nangyari sa akin. Hindi ko masabi sa kanya at sa iba pang miyembro ng pamilya namin ang pagkawala ng mga alaala ko. Iyon din kasi ang naisip na paraan ni mommy para hindi na ako ulanan ng mga tanong nila. Even Adliana agreed with my mom's idea. Well, wala naman ding magbabago kung ipapaalam ko pa sa kanila ang nangyari sa akin. Mas mabuting ilihim na lang daw namin ito at hintayin ang pag-uwi nila ni Ayah.
"Destiny..."
"Andrea, stop calling that name," natatawa kong sita sa pinsan. "Wala nang tumatawag sa akin sa pangalan na iyan! It's Amari. Kahit si mommy ay madalang na akong tawagin sa pangalang iyan."
"Your name is Destiny Amari, dearest cousin! At mas magandang pakinggan ang pangalang Destiny, noh!" anito at kinuha na sa kamay ko ang hawak-hawak na maleta. "Come on, Destiny! They're waiting for you! Excited na ako sa magiging reaksiyon nila kapag makita ka!"
Hindi na ako nakaangal pa sa sinabi ng pinsan ko. Napailing na lamang ako at sumunod kay Andrea.
Tahimik lang akong naglalakad sa tabi ng pinsan ko. Panay naman ang hugot ko nang malalim na hininga habang inaayos ang pagkakalagay ng bag sa balikat. Mayamaya lang ay narating na namin ang sasakyan ni Andrea na nakaparada sa may labas ng airport. Mabilis kaming dinaluhan ng driver nito at kinuha ang maletang hila-hila ko.
"Destiny, nga pala, dadaan pala muna tayo sa mall. May pinapabili si Tita Yve. If you're tired, you can stay inside the car. Ako na ang lalabas," wika ni Andrea na siyang ikinatigil ko. Napatango na lamang ako dito at ngumiti.
"I'll go with you, Andrea. Baka mainip lang ako sa loob ng sasakyan." marahang sambit ko at sumakay na sa sasakyan nito.
Mabilis ang naging biyhae namin patungo sa mall na tinutukoy ni Andrea. Minuto lang ay nasa loob na kami ng mall at agad na tinungo namin ni Andrea ang boutique na tinutukoy ni Tita Yve at mabilis na kinausap ang isang staff na naroon.
Tahimik kong lang na pinagmasdan si Andrea hanggang may inabot na mga dress ang staff dito. Napakunot ang noo ko at marahang ipinilig ang ulo pakanan.
"Para saan iyang mga dress na iyan, Andrea?" tanong ko dito noong mapansing limang dress ang inilabas ng staff at ipinakita sa amin. Looks like Tita Yve already paid for the dresses at narito lang kami ni Andrea para kunin ito.
"Oh. ito ba? Well, pupunta tayo sa Zambales sa susunod na araw, Destiny! Isa dito ay para sa'yo!" nakangiting sagot nito at kinuha na ang paper bags na naglalaman ng mga damit na pakay namin sa boutique. Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Para sa akin ang isa? Para saan naman at sa anong okasiyon? At bakit sa Zambales pa?
"Zambales? Anong mayroon doon?" takang tanong ko dito at umayos nang pagkakatayo. Kinuha ko ang ilang paper na hawak nito at takang tiningnan ang pinsan. Wala sa plano ko ang umalis ng bahay ngayong linggo. Gusto kong magpahinga at makasama si daddy at si Adliana. Magpapahinga ako hanggang sa makauwi na sila mommy at Ayah dito. Three days from now, sila naman ang susunduin ko sa airport.
"Cousin, hindi ka ba nagbabasa sa group chat natin? It's Nempha's beach wedding!" wika nito at inilapit ang mukha sa akin. "Don't tell me nakalimutan mo ang tungkol dito? My God, Destiny! Ano bang ginagawa mo sa ibang bansa at talagang pati ang bagay na ito ay hindi mo na nabigyan pansin pa? Akala ko ba maayos ka na? Nako naman!"
Natawa ako dito at wala sa sariling napakamot sa sintido ko! Yes! Nakalimutan ko ang tungkol dito! I don't even remember a thing about it! Kung hindi lang ito nabanggit ni Andrea sa akin ngayon, malamang ay magmumukmok lang ako sa bahay hanggang sa makauwi sila mommy at Ayah dito!
"I'm sorry, Andrea. Marami lang talaga akong iniisip. Mabilis ang naging pag-uwi ko dito dahil nga sa kalagayan ni daddy."
"I know. I know. Hayaan mo na nga. Basta sasama ka sa amin sa Zambales para sa kasal ni Nempha!" bulalas nito at lumabas na kami sa boutique. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko at sinabayan na lamang si Andrea sa paglalakad.
Mabilis ang naging biyahe namin pauwi sa bahay namin. Halos hindi ako mapakali sa puwesto ko sa buong biyahe namin at noong tumigil ang sasakyang kinaroroonan namin ni Andrea, bahagya pa akong napapitlag. Ikinuyom ko ang mga kamao at wala sa sariling napatingin sa labas ng sasakyan.
Napaawang ang labi ko sa mga nakikita. Sa labas pa lang ng mansiyon namin ay kita ko na ang iilang sasakyang nakaparada roon. Looks like the whole Asuncion Clan is here! Pero bakit? Dahil ngayong araw ang dating ko? Unbelievable!
"Nandito ba silang lahat?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Andrea habang hindi ko inaalis ang paningin sa mga sasakyan sa labas ng mansiyon. "Nandito talaga sila?" tanong kong muli at binalingan si Andrea.
"Iyong mga kamag-anak lang natin na narito sa Metro Manila. Ang iba ay sa kasal na lang daw ni Nempha sila maniningil sa'yo," anito sabay ngisi sa akin. Napangiwi ako dahil sa sinabi nito. "Come on! Kanina pa yata sila naghihintay!" Yaya nito at nauna nang lumabas sa sasakyan.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang bumaba sa sasakyan. Kinalma ko ang sarili at pilit na pinipigilan ang emosyon.
Six years.
It's been six years since I left this mansion. Six years since I ran away and forgot everything about my own family. And now that I'm back, I can't hide my emotions. I'm really happy that I remember everything about them now. Pero nalulungkot din ako dahil umabot ng anim na taon bago ko maalala ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko, tungkol sa kanila.
Pagkapasok ko sa gate ng mansiyon namin, mga nakangiting kamag-anak ang bumungad sa akin. Bahagya akong napako sa kinatatayuan ko at tiningnan isa-isa ang naroon. Napaawang ang labi ko at mabilis na napatingala. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot ng isang malalim na hininga. Muli ko silang tiningnan at maingat na ikinilos ang mga paa palapit sa kanila.
"Destiny!"
"Welcome home, Ate Destiny!"
"You're finally back, Destiny! We missed you!"
Hindi ko na napigilan pa ang maluha ko. Mahihigpit na yakap ang sinalubong nila sa akin na siyang ginantihan ko naman. Panay ang puri at pangangamusta nila sa akin na siyang magiliw na sinasagot ko. Natigilan na lamang kami noong marinig namin ang boses ni daddy. Agad ko itong binalingan at halos manghina ako noong makita itong prenteng nakaupo sa wheelchair niya.
Ilang araw itong walang malay sa ospital at noong magising ito, nagpumilit ito sa doktor niya na lumabas na sa ospital. Noong una ay hindi ito pinayagan nila mommy at Adliana ngunit dahil hindi kayang manatili ni daddy sa ospital, kinausap niya ang doktor nito at nangakong hindi muna ito magtratrabaho hangga't hindi pa bumabalik ang lakas nito. And now, here he is. On his wheelchair, looking at me. Looking at her daughter who was gone for six years.
"Destiny Amari," sambit nito sa pangalan ko na siyang nagpaluha sa akin.
"Dad," mahinang sambit ko at dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. Nanghihina akong lumuhod sa harapan nito at marahang hinaplos ang mukha nito. This man in front of me is my dad. Ibang-iba ang itsura nito noong huling nakita ko ito. His physical appearance changed. At kagaya nang sinabi sa akin ni mommy, tumanda na nga ito. Hindi na ito ang dating istriktong ama ko! "Oh God! Daddy!" Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. I cried and hugged my father. Para akong batang yumakap at umiyak sa bisig ng aking ama.
Six years, Destiny Amari.
Six years and now I'm paying the years I've lost because of what happened to me. Ito ang nawala sa akin dahil sa pagkawala ko sa sarili noon. Daddy was a strong and healthy man before I left the country but look at him now. He's sick and he needs a daughter to take care of him!
"Stop crying, Amari," rinig kong sambit ni daddy habang hinahaplos ang buhok. "You're finally home, darling. Thank you for coming back."
Umiling-iling ako dito at mas lalong lumakas ang iyak ko. Panay ang haplos ni daddy sa buhok ko at pilit na pinapatahan ako.
"Hindi ka na aalis ulit, hindi ba, Amari?" marahang tanong ni daddy sa akin na siyang ikinatango ko naman.
"Yes, daddy. I won't leave again." sagot ko dito at maingat na inilayo ang katawan sa kanya. "Hindi ko na kayo iiwan pa. Hindi na po."
Six years was enough to rebuilt myself. Six years was enough to gain courage and self confidence again. Na kahit nawala ang mga alaala ko, alam kong sapat na ang anim na taon para matuto ako sa naging pagkakamali ko noon. And I have my daughter now. Mas itutuon ko sa kanya at sa pamilya ko ang buong atensiyon ko at wala ng iba pa.
Naging mabilis ang pangyayari noong dumating ako sa mansiyon namin. Tinanong pa nga ng mga kamag-anak namin kung nasaan si mommy at dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, si Adliana na ang nagpaliwanag para sa akin. Adliana is confident now in front of our relatives. She's like the female version of my dad. Noong sinabi nito sa kanila ang dahilan na napag-usapan namin nila mommy noong nag-usap-usap kami, agad na naniwala ang mga kamag-anak namin at hindi na muling nagtanong pa.
Kinabukasan ay maaga kaming bumiyahe papunta sa Zambales. At noong makarating kami sa venue ng kasal ng pinsan namin, agad kaming inayusan at nagtungo sa tabing dagat kung saan gaganapin ang seremonya ng kasal.
"Andrea," tawag pansin ko dito. Dere-deretso lang ang lakad namin hanggang makarating kaming dalawa sa may dalampasigan. "Sino nga ang groom sa kasalang ito?" tanong ko dito dahil hindi ko ito nagawang itanong kanina kay Nempha. She was busy and all. Nakalimutan ko tuloy itanong kanina ang tungkol dito!
"Really, Destiny? Ano bang pinaggagagawa mo sa ibang bansa at naging makakalimutan ka yata?" Puna nito na naupo na kami sa upuang nakalaan para sa amin. Binalingan ko si Andrea at napangiwi noong makitang inirapan niya ako. "There," aniya at may itinuro sa gawing kanan namin, opposite side sa kinauupuan naming dalawa.
Napakunot ang noo ko at ipinilig ko ang ulo pakanan. Mayamaya lang ay natigilan ako noong makita ang mga pamilyar na mga mukha. It's a group of men. Limang lalaki ang naroon at isa na roon marahil ang groom ni Nempha.
"She's marrying Aleph," ani Andrea na siyang ikinatigil ko. Aleph? Nempha is marrying the Aleph I knew before? Oh my God! Hindi ba sila ni Andrea iyong may relasyon noon? Paanong ito na ang mapapangasawa ni Nempha ngayon? "And those men, oh, come on, Destiny. Alam kong kilala mo silang lahat." dagdag pa ni Andrea na siyang ikinangiwi ko.
"Paanong-"
Hindi ko natapos ang dapat sasabihin ko noong bumaling sa gawi namin ang isa sa mga lalaking naroon. Tila biglang sinaksak ang dibdib ko dahil sa biglang sakit na naramdaman ko dito. It was like I'm being stab again for the nth times. Napaawang ang labi ko at kinalma ang tibok ng puso ko.
Fuck, no! This is not happening to me!
Bakit ko nakita agad ang lalaking ito? Kakauwi ko lang kaya naman bakit nagtagpo agad ang mga landas naming dalawa? Damn, Amari! Dapat yata ay nanatili na lamang ako sa mansiyon at hinintay ang pagdating ni mommy at Ayah galing Boston!
Napaayos ako nang pagkakaupo at tiningnan na lamang ang altar sa harapan namin. Napabuntong-hininga na lamang ako at kinalma ang sarili.
Damn it!
This is not good.
Six years, Destiny Amari! Dapat ay wala na ang epekto nito sa akin!
"Destiny? Ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Andrea na siyang ikinatango ko na lamang.
Von.
Hindi ko alam kung tama bang makita kita agad sa lugar na ito. Pero kung ito talaga itinadhana para sa akin, haharapin kita. I'm not the same Destiny Amari six years ago. Hindi na ako basta-bastang tumatalikod sa bagay na nagbibigay sa akin ng matinding sakit.
I already suffered worst. I lost my child, my memory and my husband. And I know that facing you right now will be just a piece of cake for me. Kaya ko nang tumayo para sa sarili ko. Hinding-hindi na ako magpapatalo sa emosyon ko.
Hinding-hindi na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top