Chapter 2: Voice

Maaga pa lang ay handa na ako para sa activity sa school ni Ayah. Si Veron na rin ang naghatid sa amin dalawa at sinabihang siya na rin ang susundo sa amin mamaya pagkatapos ng meeting nito sa ospital.

"Enjoy your activity day, sweetheart," ani Veron at hinalikan sa pisngi ang anak namin. "Good luck, okay? Sorry cause I can't join you and mommy today."

"That's okay, daddy. I'll still do my best!" Nakangiting sambit ni Ayah at niyakap ang ama. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang dalawa hanggang sa kailangan na naming pumasok sa paaralan nito.

Nagpaalam na rin ako kay Veron at bago pa man kami tuluyang makababa ng sasakyan, hinalikan ako ni Veron sa labi at matamang tiningnan sa mga mata.

"After Ayah's activity, call me. I'll try to excuse myself if ever hindi pa kami tapos sa meeting." aniya na siyang tipid na ikinatango ko. "I love you." Pahabol nito at muling hinalikan ako.

"I love you, too," sambit ko dito at binalingan na ang anak namin. Hinawakan ko ang isang kamay ni Ayah habang ang isang kamay naman nito ay kinakawayan ang ama na papasok nang muli sa kotse.

Tahimik kong pinagmasdan ang pagpasok ni Veron sa kotse at noong makaalis na ito, nagsimula na kaming maglakad papasok ng ekswelahan ng anak ko. Panay ang kanta ni Ayah habang nakahawak pa rin ako sa kamay nito. Binalingan ko ang anak ko at napangiti na lamang habang pinagmamasdan ito.

"Good morning, Mrs. Mejia!" bati sa akin ng teacher ni Ayah. "Hello, Ayah! Are you ready for your presentation later?" she asked my daughter. Magaliw na tumango ang anak ko sa guro nito at dumeretso na kami sa loob ng classroom nito.

Tahimik kong pinagmamasdan si Ayah habang nakikipag-usap ito sa mga kaklase niya. Ang likot-likot na nito ngayon. She's excited with their presentation. Kagabi nga ay maagang natulog para may sapat daw itong lakas para sa araw na ito.

I secretly smile watching Ayah Dorothy.

I remembered the first time I saw my daughter. I remembered the first time I held her hand. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon ay biglang nawala noong mahawakan ko ito at marinig ang pag-iyak nito sa bisig ko. My body was aching because of all the surgeries I had back then but when I held Ayah, when Veron let me carry her in my arms, all the pain and confusion, vanished. Na kahit nawala ang mga alaala ko dahil sa aksidenteng natamo, alam ko at ramdam ko ang koneksiyon ko dito. She's my daughter. My own flesh and blood. Siya at si Veron ang bumuo sa akin. Even without my memories, I found myself smiling and felt somehow complete.

"Amari?"

Napabaling ako sa gawing kanan ko noong may tumawag sa akin. Nagkagulatan pa kaming dalawa noong magtagpo ang mga mata namin.

"Sasa!" Sambit ko at tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad naman ito palapit sa akin at mabilis na nakipag-beso sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at tiningnan ito nang mabuti! I can't believed this! Hindi ko inaasang magkikita kaming muli!

"Just babysitting my niece," aniya at may itinurong bata 'di kalayuan sa puwesto namin. "Her name is Lindsay," Dagdag nito na siyang ikinangiti ko. Looks like her niece is Ayah's classmate and friend! Nagsimulang mag-usap ang dalawa kaya naman ay napabaling ako kay Sasa.

"Anak ko naman ang kausap ng pamangkin mo ngayon," wika ko na siyang mabilis na ikinabaling muli ni Sasa sa dalawang bata.

"Ayah?" Gulat na tanong nito.

Tumango ako dito at matamang pinagmasdan ang anak at ang kaibigan nito. "They look cute together," puna ko at ngumiti. "I can't believe that I saw you again. Small world, huh?"

"Sinabi mo pa," natatawang turan ni Sasa at naupo na kaming dalawa. Nagkamustahan lang kaming dalawa habang hindi pa nagsisimula ang activity nila Ayah. Napag-alaman ko rin mula kay Sasa na matalik na magkaibigan ang anak ko at ang pamangkin nito. She met Ayah a couple times now. Simula daw kasi noong bisitahin nito ang kapatid, Lindsay's mother, dito sa New York, siya madalas ang naghahatid-sundo sa bata. She spoiled her too much simula pagkabata nito ay super close na ito sa kanya.

Mayamaya lang ay nagsimula na ang activity nila Ayah at ang buong klase nito. They're performing a group declamation and Ayah and her classmates really perfect their piece! They really did well! I felt proud and happy for them!

Napuno nang malakas na palakpakan ang classroom nila Ayah. Halos sabay kaming tumayo ni Sasa noong matapos ang presentation at nakangiting pumalakpak para sa anak at sa pamangkin nito. Kumaway naman sa akin si Ayah noong matapos sila sa pagtula na siyang nakangiting ginantihan ko rin nang pagkaway.

"You really did well, baby," puri ko kay Ayah noong makalapit na ito sa akin. "I'm so proud of you." Dagdag ko pa at hinalikan ang noo nito.

"Thanks, mommy," nakangiting sambit ni Ayah binalingan si Sasa sa tabi ko. "Hello, Tita Sasa!" She greeted her. Napabaling ako dito at takang tumingin sa kanya.

"Hello, beautiful! You did well," ani Sasa at nginitian si Ayah.

"Wait... she called you Tita," puna ko at tiningnan si Sasa. Well, I was surprised! Oo nga't tinuturaan namin si Ayah ng ilang tagalog words pero hindi ko matandaang nabanggit namin ang salitang iyon sa kanya.

"Lindsay told me to call her Tita Sasa, too, mommy." Wika ng anak ko na siyang ikinagulat kong muli. Mukhang naramdaman nito ang pagtataka ko kanina. "She's pretty, right? I want her to be my tita too, mommy!" Ayah exclaimed. Lumapit naman sa amin ang pamangkin ni Sasa na si Lindsay at niyayang lapitan nila ang ilang kaklase na ngayon ay kausap ang kani-kanilang mga magulang. Mabilis namang pumayag si Ayah at nagpaalam sa akin. Sinundan ko nang tingin ang dalawang bata at napangiti na lamang noong magiliw nilang binati ang mga magulang ng mga kaibigan nito.

"Ayah is a smart girl. The way she talks, alam mong matalino talaga ito."

"Mana sa ama niya," nakangiting sambit ko habang nakatingin pa rin sa anak.

"Where's your husband, anyway? Hindi ba ito nanunuod sa presentation nila?" Tanong nito na siyang ikinatigil ko. Bumaling ako kay Sasa at tipid na nginitian ito.

"Medyo abala ngayon si Veron." Turan ko at binalingang muli ang anak. "Siya kasi ang nagtratrabaho sa amin. He's a doctor."

"A doctor? Nice! Kaya pala matalino itong si Ayah! Mana nga sa ama niya!" Nakangiting sambit nito. "At mukhang mas malakas ang dugo ng asawa mo, Amari. Mas kamukha nito si Ayah!"

Napaisip ako. Well, yes, kamukha nga ni Veron si Ayah. Mas marami ang nakuha nito sa ama kaysa sa akin!

"You're right," mahinang sambit ko at muling tiningnan ang anak. "She's the girl version of her father."

"Hearing that from you, parang gusto kong makilala ang asawa mo." Magiliw na sambit nito sa akin. Natigilan ako sa narinig at muling binalingan si Sasa. Kita kong natigilan din ito sa sinabi niya at mabilis na nailing at natawa sa sarili. "Don't get me wrong. I just want to meet Ayah's father. Madalas din kasi nitong mabanggit ng bata tuwing nakakausap ko ito. Of course, kayong dalawa ang palaging binibida nito sa akin."

"I can arrange a dinner for us if you want," maingat na sambit ko na siyang ikinatigil ni Sasa. Muli itong ngumiti sa akin at magiliw na tumango.

"Of course! Isasama ko ang fiance ko kung ganoon!" Aniya na siyang ikinagulat ko naman. Nakangiting itinaas ni Sasa ang kanang kamay nito at ipinakita sa akin ang isang diamond ring na suot nito.

"Ang ganda," komento ko at wala sa sariling napahawak sa suot na singsing. Pinagmasdan ko ang maaliwalas na mukha ni Sasa habang ikinukuwento naman ang tungkol sa mapapangasawa nito. She's in love. Really. Ramdam ko ang pagmamahal nito base sa mga salitang binibitawan niya.

How I wish I remembered that feeling too. Iyong araw na niyaya ako ni Veron na magpakasalan, iyong araw na ikinasal kami at iyong araw na isinilang ko si Ayah. Sana ay kahit iyon man lang, kahit ang pakiramdam lang nang kasiyahan at pagmamahal sa mga araw na iyon, kahit iyon lang ay maalala ko, maalala ng puso ko.

"Amari?"

Napakurap ako at napatingin kay Sasa. Kita ko ang pagkunot ng noo nito at ininguso si Ayah na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Are you okay, mommy? Is your head okay?" Nag-aalalang tanong nito sa akin na siyang ikinakirot ng puso ko.

Napaluhod ako sa harapan nito at marahang hinaplos ang maliit na mukha ng anak.

"I'm okay, baby." Sagot ko dito at nginitian ito. "Done greeting your classmate's parents?" Tanong ko at muling umayos nang pagkakatayo. Hinawakan ko ang isang kamay ni Ayah at inayos ang ang suot nitong panali sa buhok. Simpleng tumango si Ayah sa akin at binalingan si Sasa at Lindsay.

"Tita Sasa, you promised me to buy ice cream the next time you visit us here. Can you buy it today?" Ani Ayah na siyang mabilis na ikinaalma ko.

"Ayah, baby, no. Daddy will fetch us after your school activity." Maingat na sambit ko sa anak.

"But, mommy, Tita Sasa is always busy. This is my only chance."

"Don't worry, Ayah, I'll visit you and Lindsay again. I'll buy lots of ice cream next time," ani Sasa at hinaplos ang mukha ng anak ko. "Don't pout, darling. You need to go and tell your daddy how great you are today."

"But..."

"I'll just call Veron," hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Looks like gustong-gusto ni Ayah na kumain ng ice cream ngayon kasama ni Sasa and Lindsay. "Baka hindi pa rin naman tapos ang trabaho nito. Kumain na lang muna tayo sa malapit na ice cream store dito."

"Ayos lang ba iyon?" Tanong ni Sasa na siyang ikinatango ko.

"Yes. Maiintindihan naman siguro ni Veron ang sitwasyon. Hindi iyon makakatanggi kay Ayah," wika ko at niyaya na si Ayah. Ganoon din ang ginawa ni Sasa at nagpaalam na kami sa teacher ng dalawang bata.

Pagkalabas namin ng school nila Ayah, mabilis kaming pumara kami ng taxi at nagpahatid na kami sa tinutukoy kong ice cream shop. Panay ang kuwentuhan ng dalawa habang tahimik lang kaming nakikinig ni Sasa sa kanila. They're excited with their unexpected ice cream date! Nailing na lamang kami ni Sasa at hinayaan ang dalawa sa pinag-uusapan nila.

Noong nasa tapat na kami ng ice cream store, nagpaalam ako sa kanila na tatawagan ko muna si Veron upang ipaalam kung nasaan kami. Si Sasa na ang humawak sa dalawang bata at nakangiti silang tatlong pumasok sa loob ng ice cream store. Nanatili ako sa labas ng shop at kinuha ang cellphone sa bag ko.

Agad kong tinawagan si Veron upang ipaalam dito kung nasaan kami ni Ayah ngunit naka-apat na dial na ako sa number nito ay hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. I sighed and just sent a text message to my husband. Mukhang abala pa rin ito sa meeting sa ospital.

"Mommy, here!" Sigaw ni Ayah noong makitang pumasok na ako sa ice cream shop. Ngumiti ako sa anak ko at mabilis na lumapit sa puwesto nila. Agad akong naupo sa tabi nito at inasikaso ang pagkain nito ng ice cream.

"Anong sabi ng asawa mo? Susunduin na lang ba niya kayo dito?" Sasa asked while helping Lindsay with her ice cream too. Umiling ako dito at sinabihan itong hindi ko nakausap si Veron. "Looks like he's really a busy person. Ihahatid ko na lang kayo pagkatapos natin dito."

"Nako, huwag na, Sasa. Ako na ang bahala sa pag-uwi namin mamaya."

"No, I insist. Dadaan naman dito ang fiancé ko at susunduin kami ni Lindsay." Wika nito at nginitian ako. "Ihahatid na namin kayo."

"Uhm... sige..." Nag-aalangang sambit ko dito. Tipid akong tumango kay Sasa at itinuon na ang pansin kay Ayah.

Halos maubos ng dalawang bata ang ice cream na binili ni Sasa sa kanila. Ngayon ay nagpapahinga na lamang kami at hinihintay ang fiancé nito na siyang susundo sa kanila at siyang maghahatid din sa amin pauwi.

Panay naman ang pasasalamat ni Ayah kay Sasa dahil sa pagtupad nito sa pangako niya. Natatawa na lamang si Sasa sa inaasal ni Ayah at noong tumunog ang cellphone nito ay agad siyang nag-excuse sa amin. Sinagot niya ang tawag at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo. 

Mukhang nandito na ang fiancé niya. Nagpaalam si Sasa sa akin na lalabas muna ito sa store at sasalubungin ang fiance nito. Tipid akong tumango dito at palihim naman akong tumingin sa cellphone ko, nagbabakasakaling nagreply na si Veron Angelo sa messages ko. Ngunit noong makitang wala ni isang text akong natanggap mula dito ay napakagat na lamang ako ng labi.

I sighed.

Hindi pa ba tapos ang meeting nito?

"Hello, Princess!" 

Natigilan ako sa pagtingin sa screen ng cellphone ko noong makarinig ng isang pamilyar na boses. 

"Tito Pogi!" Sigaw ni Lindsay at mabilis na umalis sa upuang kinauupuan. Tumakbo ito at mabilis na nilapitan ang bagong dating. Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko at dahan-dahang bumaling sa gawi nila.

"Amari, this is my fiancé. Babe, this Amari. A friend of mine and Ayah's mom." Pakilala ni Sasa sa akin sa kasama nitong lalaki.

Natigilan ako, maging ang fiance nito ay natulala rin sa harapan ko. Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko at napako lamang ang paningin sa lalaki.

"Destiny Amari."

His voice.

His voice is so damn familiar! Wait! Saan ko ba ito narinig noon? Alam kong narinig ko na noon ang boses nito!

"Is that you, Destiny A..."

Tila biglang kumirot ang ulo ko noong banggitin nito ang buong ko. Mabilis akong napailing sa kanya at humugot ng isang hininga. No. Pinaglalaruan lang marahil ako nang pandinig ko. Imposibleng kilala ko ang lalaking ito. This can't be happening. I don't remember meeting him before. I don't remember him at all!

Napahawak ako sa magaling ko nang sugat sa ulo at tahimik na nanalangin na mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon! Damn! I can't lose myself now. Nandito ang anak ko at ayaw kong makita niya na naman akong nahihirapan dahil sa lintek na sakit sa ulo ko.

"Uhm, Sasa, I'm sorry pero mauna na kami ni Ayah. Nagreply na si Veron. Papunta na siya ngayon dito," pagsisinungaling ko dito at binalingan na ang anak. "Let's go, baby. Say goodbye already to Lindsay and Tita Sasa."

Tumango lang si Ayah sa akin at mabilis na nilapitan sila Sasa. 

Wala sa sarili akong napatingin muli sa lalaking nasa tabi ni Sasa at noong magtagpong muli ang mga mata namin, panibagong sakit sa ulo ko ang naramdaman ko.

Sht! I need to get out of here!


A/N: Super slow update po talaga sa story na ito! Hahaha Bawi na lang ako sa haba per chapter. Dalawang chapter word count sa update na ito! Hahahahuhuhu

Maraming salamat sa matiyagang paghihintay sa update na ito!

Love you, lovies!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top