Chapter 18: Reason

Sa loob ng anim na taon, wala akong ideya kung paano ako napunta sa New York at kung may dahilan ba ako para umalis sa bansang pinanggalingan ko.

Nakuntento na ako sa pamilyang ipinakilala sa akin ni Veron noon pero alam kung kailangan kong malaman at maalala ang lahat-lahat na nangyari sa akin.

For me to move forward, I need to know my past. Painful or not, I need to remember everything. At ito na iyon. Ito na ang matagal ko nang hinihintay. Ang bumalik lahat ng alaala ko at malaman ang totoong nangyari sa akin bago pa man ako mapadpad sa bansang ito.

"Let's get married soon, love," sambit ko na siyang ikinatigil ni Von. Nagmulat ito ng mga mata at binalingan ako. "Magpakasal na tayo."

"Love..."

"I want to be your wife, Von Sirius."

Mabilis na binitawan ni Von Sirius ang kamay ko at nilapitan ako. Agad nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko at matamang tiningnan ako sa mga mata ko.

"I know, we already talked about our engagement but are you sure about this? Your still studying, love. You told me that you want to finish your studies first." Humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago magpatuloy sa pagsasalita. "I can wait, love. No need to rush things."

"I can still continue my studies after our wedding, Von," nakangiting sambit ko at napailing na lamang noong maalala kong sinabi rin pala ito ni daddy sa akin noon. Ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay na ito. My dad, my beloved father, kahit masiyadong istrikto ito sa akin, alam kong kapakanan ko lang ang nasa isip nito.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Von sa mukha ko kaya naman ay hinawakan ko ito. Muli akong ngumiti sa kanya at marahang inilapit ang labi sa labi nito. It was supposed to be a quick kiss but Von suddenly grabbed my nape and kiss me deeply. Napaawang na lamang ang labi ko sa ginawa niya at gumanti sa mga halik nito. Mayamaya lang ay tumigil kami sa paghahalikan. Pinagdikit namin ang mga noo habang kinakalma ang kanya-kanyang hininga.

"We'll discuss the date then, love," ani Von habang hinahaplos ang pisngi ko. "I'll talk to my parents. Mom can help us with the preparations."

Tumatango ako dito at hindi na napigilan pa ang mga luha ko. Mabilis akong tiningnan ni Von Sirius at marahang inalis ang mga luha ko.

"I love you," wika nito at hinalikan ang mga mata ko. "I love you so much."

Mapakla akong natawa noong maalala ang mga iyon.

We were engaged! Von and I were engaged and supposed to marry each other!

Mahal namin ang isa't-isa. Alam at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin. So, what really happened between us? May humadlang ba sa aming dalawa? Hindi ba natuloy ang kasal namin kaya naman ay umalis ako sa Pilipinas at nagtago sa New York?

Iyon ba ang dahilan ko? Iyon ba talaga?

"What's wrong? Busy pa rin ba si Von?" tanong ni Andrea at nilapitan ako.

"Hindi pa rin ito sumasagot sa tawag ko," sambit ko at ipinakita ang cellphone ko. "I'm worried, Andrea. Dapat kanina pa siya dito."

"Calm down, okay. Try to contact Yvana. Baka may alam ito. Kung nasa opisina pa ang kapatid niya, for sure makikita naman niya iyon. They're working in the same building."

Tumango ako dito at tinawagan si Yvana. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag ko. Napaayos ako nang pagkakaupo at binati ito.

"Hello, sister!" magiliw na sambit ni Yvana. "You're done with your schedules today?"

"Yes, Yvana," sagot ko at napabuntong-hininga. "Yvana, nandiyan pa ba sa opisina si Von? Hindi kasi namin siya kasama ngayon. We're done with the fitting and tasting."

"Really? Ang alam ko ay kanina pa ito umalis dito."

"He's not answering my calls," nag-aalalang imporma ko dito at tumingin sa pinsan ko. Inilingan ko ito na siyang ikinakunot ng noo niya.

"Let me check sa opisina niya, Destiny. Tatawagan kita pag may balita na," ani Yvana at nagpaalam na sa akin. Inalis ko ang cellphone sa tenga at napabuntong-hininga na lamang.

"Relax, Destiny. Huwag kang mag-isip ng kung ano diyan. Von's fine! Hintayin na lang nating tumawag ito. Baka may urgent meeting lang ito na hindi alam ni Yvana," sambit ni Andrea at hinawakan ang balikat ko. Tumango ako dito at kinalma ang sarili.

Andrea... damn!

Dapat noon pa lang ay tinanong ko na ito kay Andrea! Dapat noong nakausap ko ito ay tinanong ko na siyang tungkol sa alaalang nawala sa akin! Mukhang mas marami pang nalalaman sa akin ang pinsan kong iyon! Kung hindi lang sana ako pinigilan ni mommy at Adliana na sabihin kay Andrea ang totoong kondisyon ko, malamang ay matagal ko nang naaalala ang mga ito!

"But, I need to see Von Sirius!"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Nempha kanina? Von Sirius is fine, Destiny!" mariing sambit muli nito sa akin at hinawakan na ako sa kamay. Hinila na ako ni Andrea pabalik sa sasakyan namin. "Uuwi na tayo at doon natin hihintayin ang fiancée mo!"

"Andrea, please," paki-usap ko dito at binawi ang kamay sa kanya. "I'll be quick. Titingnan ko lang kung nasa loob pa siya!"

"Can you hear yourself, Destiny Amari? Pagkatapak mo pa lang sa entrance ng building ay tiyak kong mahihilo ka na naman. You have a low tolerance of that hospital smell!"

Hospital.

Bigla akong nanlamig sa kinauupuan ko.

Hindi ba talaga ako tatantanan ng tadhana tungkol sa mga ospital na yan? Simula noon at hanggang ngayon, marami akong hindi magandang karanasan sa lugar na iyan! Damn it!

"Is she alright?" Tanong ni Harlyn sa mga taong naroon sa labas ng E.R..

"She's fine now. Thanks God that Von was there to stop her again," ani ng isang hindi pamilyar na boses sa akin. "She needs to rest para naman gumaling agad ang naging sugat nito."

"Tita, I thought she was done with her therapy? Bakit may ganito na naman?" It was Harlyn again. Therapy? Sino ang tinutukoy nito?

"She completed the therapy years ago, Harlyn. I don't know what triggered her this time."

"That Henderson is going to marry someone," rinig kong sambit ng isa pang hindi pamilyar na boses. It's a man's voice! "And I'm a hundred percent that was the reason why Zsamira did this to herself again."

What? Zsamira? Oh my God! Anong ginawa nito? Did she harm herself?

Akmang aatras na ako para umalis sa lugar na ito noong biglang nakaramdam na naman ako nang pagkahilo! Damn it! Ilang minuto lang ako dito at talagang bumibigay na agad ang sikmura ko sa amoy ng lugar na ito! Mariin akong napapikit at kinalma ang sarili ko. Mayamaya lang ay mabilis akong napamulat noong maramdam ko ang paghawak sa balikat ko. Agad kong binalingan ang may-ari ng kamay at noong mamataan ko kung sino ito ay kusang umawang ang labi ko dito.

"Are you okay?" Tanong nito at hindi inalis sa akin ang mga mata nito. "You're pale. May masakit ba sa'yo?"

"Xavi..."

Harlyn. Zsamira. Xavi.

Now I remember them. All of them.

I remember how they made me suffer. I remember how I cried because of them.

I remember how they broke us apart. I remember it all! Damn them!

"Anxiety and depression," basa ko at wala sa sariling napatingin sa kapatid ko at pinsan. "She harmed herself years ago, too."

"Oh my God!" bulalas ni Adliana at kinuha sa akin ang mga papel.

Napatulala ako sa kawalan habang panay ang palitan ni Adliana at Andrea ng mga opinyon sa nalaman namin tungkol Zsamira. Paano humantong sa ganito si Zsamira? She's a strong woman! Kahit ayaw ko sa kanya ay alam kong matapang ito. Hindi ito basta-bastang magpapatalo sa depresyon!

"We need to talk to Von Sirius! Looks like siya lang ang kayang pakalmahin itong si Zsamira Alvarado." Napabaling ako sa kapatid ko noong banggitin nito ang pangalan ni Von. Namataan ko itong ibinalik kay Andrea ang mga papel at tiningnan ako. "Hindi kita hahayaang makausap ang babaeng ito, Amari. She can harm you, too."

"Makinig ka sa kapatid mo, Destiny. She's right. Si Von ang dapat kausapin mo dito at hindi si Zsamira," dagdag pa ni Andrea na siyang lalong ikinatahimik ko.

Anxiety and depression are both difficult to handle. Naaawa ako kay Zsamira. She's suffering from it! Oh my God!

"You better stop what you are thinking, Destiny." Napakurap ako ng mga mata ko sa sinabi ni Andrea. Napabaling ako dito at natigilan noong mamataan ang seryosong tingin nito sa akin. "I know that look of yours, Destiny Amari. Hindi mo kakausapin si Zsamira."

"But, she's suffering," mahinang bulalas ko.

"Same goes to you!" anito na siyang ikinayuko ko.

"But I need to do something. That woman is suffering because of this wedding!"

"Oh my God, Destiny Amari! Can you hear yourself? It's not because of your wedding! That girl is selfish! She only wants Von for herself that's why she's acting up!" ani Andrea na siyang ikinatigil ko.

"Please, don't say that, Andrea. Hindi natin alam ang pinagdaraanan niya."

"What now? You'll give up this wedding for her?" inis na tanong ni Andrea at tumayo mula sa kinauupuan niya.

Hindi ako makapaniwala sa mga alaalang bumabalik sa akin.

I did this to myself.

Ako ang nagdesisyon nito para sa sarili. Mas inuna ko ang kapakanan ng iba kaysa sa sariling kaligayahan ko. I leave because I know someone's suffering. I leave to save them from hurting. I leave and eventually lost my own self.

"Destiny Amari, you did this to yourself. You suffered because you cared too much to the people around you," mahinang sambit ko at marahang hinampas ang dibdib ko. "I can't believe you! You made yourself suffered, Amari!" Sigaw ko at muling napahawak sa may ulo ko.

Bigla akong nanlamig noong binitawan ni Von ang kamay ko at mabilis na binuksan ang pinto.

Napako ako sa kinatatayuan ko lalo na noong makita ang itsura ng loob ng silid. Von hurriedly run towards the woman who's crying his name. I swallowed hard when I saw Von Sirius hugged her. He's trying to calm her but Zsamira cried harder. She's crying inside Von's arms. She's desperately crying while calling his name.

Tila tinutusok ang puso ko sa nakikita. There. My beloved Von Sirius, hugging and comforting someone else.

Isang hakbang paatras ang ginawa ko at akmang tatalikod na ako sa kanila noong bigla akong napako sa kinatatayuan ko. May dalawang kamay ang humawak sa balikat ko at pinirmi ako sa kinatatayuan.

"Don't run away again, Destiny Amari."

Umawang ang labi ko noong marinig ang pamilyar na boses nito. Hindi ko inalis ang paningin kay Von at Zsamira. Tiningnan ko sila hanggang sa hindi na kinayanan ng mga mata ko. My tears started falling and when I was about to move, to run away from all of this, I saw Von Sirius looked at my direction.

I saw how he withdraw his arms from Zsamira and when I was about to call his name, someone close the door.

Napapitlag ako sa gulat at noong akmang bubuksan ko itong muli, mabilis akong pinigilan ni Xavi.

"We're done here," aniya at hinarap ako sa kanya. Wala sa sarili akong napatingin dito at natigilan na lamang noong marahan nitong inalis ang mga luha ko sa mata. "Don't cry, Destiny Amari."

You're really a mess, Destiny Amari Asuncion.

With or without my memories, I'm really a big mess!

I can't believe I left Von Sirius because of what happened to Zsamari.

At dahil sa pag-alis ko, ipinahamak ko ang sarili ko at ang anak naming dalawa ni Von.

"I'm sorry, Von. I'm really sorry."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top