Chapter 16: Call
"Destiny Amari!"
"We we're destined to meet again!"
"We will meet again! That's for sure!"
Dahan-dahan kong imulat ang mga mata ako noong makarinig ako ng mahinang ingay sa paligid. Bahagya pa akong nasilaw kaya naman ay muli kong ipinikit ang mga mata ko. Ilang segundo pa akong nanatiling nakapikit hanggang sa marinig ko ang boses ni Ayah sa tabi ko.
"Mommy? Are you awake?" Rinig ko ang nag-aalala sa boses ng anak. Marahan akong tumango dito at muling iminulat ang mga mata.
"Hi, baby," bati ko dito at hinaplos ang mukha nito. "Mommy's fine. Don't worry about me, okay?"
Tumango naman si Ayah sa akin at pareho kaming natigilan noong marinig ang boses ni Doc Kristal.
"Nawalan ka nang malay kagabi, Destiny. Mabuti na lamang ay pumunta dito si Ayah sa kuwarto mo kaya naman ay sinabi nito sa akin ang kondisyon mo." Natigilan ako sa narinig mula sa doktor ko. "She's really a brave child. She was calm until I've reached here."
Muli akong napatingin kay Ayah at marahang hinaplos muli ang mukha nito. Nagpasalamat ako sa anak at sinubukang maupo mula sa pagkakahiga. Wala na akong maramdaman na kahit anong sakit sa ulo ko. Kalmado na rin ang tibok ng puso ko kaya naman ay alam kong ayos na ako ngayon.
"Hindi na kita dinala pa sa ospital kagabi. Your vitals were good kaya naman ay pinagpahinga na lamang kita. And Ayah took care of you, too." Muling sambit ni Doc Kristal at nilapitan na kami. "Your body is tired, Destiny. Kailangan mong magpahinga para hindi na maulit iyong nangyari sa'yo kagabi."
"Yes, Doc Kristal. Magpapahinga na lang muna po ako. Napagod lang siguro ako dahi nanggaling pa kami kahapon sa fieldtrip ni Ayah."
"So, it was because of our school trip, mom?" nag-aalalang tanong ni Ayah na siyang ikinagulat. Dalawang taon na rin ang nakalilipas simula noong turaan ko si Ayah ng ilang Tagalog words. Hindi man ito makapagsalita ng deretso, nakakaintindi na ito ngayon. And just like now, mukhang naiintindihan nito ang pinag-uusapan namin ni Doc Kristal.
"No, baby," sambit ko sa anak at hinaplos ang buhok nito. "It's not like that."
"But-"
"Mommy's fine now, Ayah," ulit ko dito at hinalikan ito sa noo. "Now, can you leave us for a minute, baby? Doc Kristal and I will talk something about our work," pagsisinungaling ko sa anak. "After this, we'll have our breakfast." dagdag ko pa na siyang ikinatango na lamang ni Ayah.
Noong tuluyang makalabas na sa kuwarto ko si Ayah, binalingan kong muli si Doc Kristal. Namataan kong tahimik lang ito sa kinatatayuan niya at hinihintay lamang ang mga sasabihin ko sa kanya.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang magsalita.
"Bago ako mawalan ng malay kagabi, may narinig akong boses na siyang lalong nagpalala sa sakit ng ulo ko. I don't know if I was just imagining or that voice I heard was... was a part of my past."
"Did you push yourself again, Destiny?" tanong nito na siyang ikinailing ko naman.
"No," mabilis na sagot ko dito. "Masyado akong abala kahapon kaya naman ay wala na akong panahon pa para pigain ang utak ko tungkol sa nakaraan ko. I was about to sleep last night when I suddenly felt that pain."
"Now, you're unconsciously remembering about your forgotten past, Destiny. Sooner or later, kahit na ayaw mong bumalik ito sa'yo, ang mga alaala mo na mismo ang magkukusang magpaalala sa'yo ang tungkol sa nakaraan mo."
Noong matapos kami sa pag-uusap ni Doc Kristal, lumabas na kaming dalawa sa silid ko. Sa may salas, naabutan kong abala si Ayah sa mga libro niya kaya naman ay dahan-dahan akong lumapit dito. Naupo ako sa tabi ng anak at napatingin kay Doc Kristal noong magpaalam na ito sa akin.
"Huwag mo na itong sabihin kay mommy, Doc Kristal. Tatawag naman ako mamaya sa kanya kaya ako na po ang bahalang magsabi sa kanya sa nangyari sa akin kagabi."
"Kung iyan ang gusto mo," anito at muling nagpaalam sa amin ni Ayah.
Naging abala ako buong maghapon sa anak ko. Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na akong turaan si Ayah sa pagpipinta. Ilang linggo na itong nawiwili sa pagpipinta kaya naman lahat ng nalalaman ko dito ay itinuturo ko na sa kanya. At noong nakapagpahinga kaming dalawa sa ginagawa namin ay doon ko lang naalalang tawagan si mommy.
Maingat akong naupo sa may sofa 'di kalayuan sa puwesto ko at tinawagan na ang ina.
I was busy watching Ayah when my mother answered my call. Napaayos ako nang pagkakaupo at tiningnan ang screen ng cellphone ko. It was a video call kaya naman ay nakikita ko ang background kung nasaan ngayon si mommy. Napakunot ang noo ko at tahimik na pinagmasdan ang ina.
"Umiyak ka ba, mom?" Panimula ko dito at pasimpleng tiningnan ang puwesto ni Ayah. Abala na naman ito sa libro niya kaya naman ay maingat akong tumayo at dahan-dahang lumabas sa silid kung saan kami palaging nagpipinta ng anak.
Noong tuluyan akong makalabas sa silid ay mabilis akong napasandal sa may pinto. Muli kong tiningnan ang screen ng cellphone ko at matamang pinagmasdan ang itsura ng ina.
"Mom, what happened? Nasaan ka po? Nasa ospital ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko dito noong may nakita akong nurse na dumaan sa likuran nito. "Mommy! Answer me! Anong nangyayari diyan?"
"It's your dad, Destiny. Sinugod namin ito ngayon sa ospital."
Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni mommy. Kung hindi lang ako nakasandal ngayon sa may pinto ay malamang napaupo na ako dahil sa biglang panghihina nang katawan ko.
"What... what happened to him?" Halos ibulong na lamang iyon kay mommy.
"Inatake ito sa puso," sagot ni mommy na siyang ikinapikit ko.
"Paano? Wala naman itong sakit sa puso, 'di ba, mom?" Naguguluhang tanong ko dito at napatampal sa noo ko.
"Your dad is getting old now, Destiny. Hindi na nito nakayanan ang pressure sa trabaho," sambit muli ni mommy na siyang ikinatigil kong muli. "At ngayon lang namin nalaman ni Adliana na hindi ito ang unang beses na inatake ang daddy mo. This is his third time, Destiny Amari and now, his condition is getting worse!" Umiyak na ito kaya naman ay mas lalo akong nanghina. "Bakit hindi niya sinabi ang bagay na ito sa akin, Destiny? Bakit kailangan kong malaman ang kondisyon nito sa ganitong paraan pa? Your dad... he's truly a cruel one!"
"Mom, calm down, please," mahinang wika ko dito at pilit na nilalabanan ang pag-iyak. I need to be strong in front of my mother. Hindi maaring sabayan ko ang pag-breakdown nito! "Where's Adliana? Paniguradong alam nito ang kondisyon ni daddy. She's close to him, mom! Adliana-"
"Wala ring alam ang kapatid mo sa bagay na ito, Destiny. At kagaya ko, sinisisi nito ang sarili dahil hindi man lang niya napansin ang kondisyon ng daddy niyo."
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at kinalma ang sarili.
"He's in coma, Destiny. Your dad... hindi na nila alam kung kailan ito magigising."
Napayuko ako at mabilis na nag-unahan ang mga luha ko.
No. Hindi maaring mangyari ito kay daddy. He's a strong man. Hindi ito basta-bastang magpapatalo sa kahit ano man! He's my dad and I know him! Hindi maaring mangyari ito sa kanya!
"Mom, listen to me," tawag pansin ko sa ina at mabilis na inalis ang mga luha sa pisngi. "Uuwi kami ni Ayah diyan."
Kita kong natigilan si mommy sa sinabi ko. Marahan akong tumango dito at napabuntong-hininga na lamang.
"Uuwi kami." Pag-uulit ko.
"No, darling. Huwag muna kayong umuwi dito. A... ako na ang bahala dito. Adliana is here. Kami na ang bahala sa daddy mo."
"Mom, hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin sinasabi kay daddy ang tungkol sa akin?" maingat na tanong ko dito noong mapansin ang naging reaksiyon nito sa sinabi ko kanina. "Mom, alam kong kapakanan ko lang ang iniisip mo pero mas kailangan ako ni daddy ngayon. Uuwi kami."
"Hinayaan ka niya noon sa pag-alis mo, Destiny. Ni hindi siya nag-abalang ipahanap ka," malungkot na wika nito na siyang ikinakagat ng pang-ibabang labi.
"Mom, anim na taon na ang lumipas simula noong umalis ako. Marahil ay ito na ang tamang panahon para uwuwi na ako. Daddy needs me. Kahit presensya ko na lang ay makatulong ako para gumaling ito. At isa pa, kung nahihirapan na ito sa trabaho niya, maybe I can help. Kami ni Adliana. Mas mapapanatag ito kung kaming dalawa ng kapatid ko ang mag-aasikaso sa pinakamamahal niyang kompanya at trabaho."
"Destiny-"
"Uuwi kami ni Ayah, Mom." Pag-uulit ko dito at umayos nang pagkakatayo. Akmang magsasalita na sanang muli si mommy noong mabilis itong natigilan.
"Tita, I'm here. Kumusta ang kondisyon ni Tito?"
Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig na boses. Hindi ko nakita iyong nagsalita dahil mabilis na ibinaba ni mommy ang cellphone nito. At bago pa man nito patayin ang tawag ko, narinig ko itong nagsalitang muli.
"Von! Uhm, your Tito's..."
Hindi ko na narinig pa ang susunod na mga sinabi nito noong tuluyang pinatay na nito ang tawag ko.
Natigilan ako at wala sa sariling napatitig sa screen ng cellphone ko.
"Von..." mahinang sambit ko sa pangalan nito at unti-unting bumuhos sa isipan ko ang mga alaala ko kasama ang lalaking nagngangalang Von.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top