Chapter 10: Lie
Maingat akong naupo sa upuan sa gilid ng kama ni Ayah at tahimik na tiningnan ang mahimbing na pagkakatulog nito.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pilit na nilalabanan ang paghikbi. Napapikit ako at mabilis na pinunasan ang mga luhang kanina pang ayaw tumigil. Napasinghap ako at mabilis na iniling ang ulo.
No. I need to calm down. I need to clear my mind. I need to stop crying, for Pete's sake! Kapag makita ako ni Ayah sa ganitong kondisyon ay tiyak kong mag-aalala ito sa akin. She's a smart kid. She can definitely tell something's wrong with me. I need to stop this. I need to be strong for her. I need to be okay for my daughter.
Daughter.
My daughter. Si Ayah... anak ko nga ba?
"Please, Veron. Sagutin mo ako! Anak ko ba si Ayah?"
Hindi pa rin nagsalita si Veron. Nanatili itong nakayuko at noong mamataan ko ang paggalaw ng balikat nito, noong marinig ko ang mahinang pag-iyak nito, mabilis akong napalayo sa kanya.
Kahit hindi na niya sagutin ang tanong ko sa kanya. Kahit hindi na manggaling sa kanya ang sagot na nais kong marinig, alam ko na. Alam ko na ang sagot sa tanong. Alam ko na.
"Bakit, Veron? Paano mo nagawa ito sa akin?" Nanghihinang tanong ko dito at marahang pinunasan ang mga luha. "I trusted you. I... I never doubted every words you said to me!"
"Amari..."
"Babalik na ako sa silid ni Ayah." Mabilis na turan ko noong tiningnan niya akong muli. "Baka gising na ito." Dagdag ko pa at humugot ng isang malalim na hininga. "Huwag mo muna akong kausapan. I... I need to be alone and calm myself first."
"Iiwan mo na ba kami ni Ayah, Amari?" Tanong ni Veron na siyang ikinatigil ko.
Iiwan? Iiwan ko sila? Sila na tinuring kong pamilya sa loob ng apat na taon? I don't think I can do that.
"No." Seryosong saad ko na siyang ikinatigil naman ni Veron. "I'll just... I'll just check Ayah, Veron. Magtrabaho ka na lang muna. I... I know you're busy right now, Veron. Don't worry about me. Hindi ako aalis," wika ko pa at tuluyan nang umalis sa opisina nito.
Muli akong napabuntong-hininga at tahimik na tiningnan si Ayah. Maingat kong inangat ang kamay ko at inaplos ang maliit na pisngi nito.
"Bakit nangyayari ito sa atin, anak?" Napaluha muli ako. "Bakit kailangang mangyari ito sa atin?" Mahinang bulong ko dito at muling hinaplos ang mukha nito. "Kahit anong mangyari, ako pa rin ang mommy mo. Kahit... kahit na bumalik ang mga alaala ko, you'll still be my baby, my daughter." Dagdag ko at inilayo ang kamay sa mukha ng bata.
Maingat kong sinubsob ang mukha sa gilid ng kama nito at doon pinagpatuloy ang pag-iyak.
Ang sakit. Sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon. Tila pinipiga ang puso ko sa tindi nang sakit. Bakit nga ba kailangang maramdaman ko ito? I am happy. I'm happy with Ayah and Veron! Kontento na ako sa pamilyang ito! Bakit kailangan magulo ang pamilyang nagpasaya sa akin sa loob ng apat na taon? Bakit kailangang maramdaman ko ito?
"Amari..."
Naalimpungatan ako noong makarinig ako ng boses. Maingat kong ginalaw ang ulo ko at umayos sa pagkakaupo. Hinawi ko ang buhok sa mukha at tiningnan ang taong tumawag sa akin.
"Sasa." Mahinang tawag ko at binalingan si Ayah. Tulog pa rin ito hanggang ngayon. Muli kong tiningnan si Sasa at tumayo mula sa pagkakaupo. "Kanina ka pa ba?" Tanong ko dito at hinilot ang brasong namamanhid ngayon dahil sa pag-unan ko dito kanina.
"Kakarating ko lang," aniya at tiningnan ako nang mabuti. Naglakad ako patungo sa maliit na refrigerator sa private room ni Ayah at kumuha ng tubig doon. Maingat akong uminom dito at hinarap si Sasa. "Ayos ka lang ba, Amari? Namamaga ang mga mata mo." Pahabol na tanong nito sa akin.
"Ayos lang ako, Sasa," sagot ko at ibinalik iyong bote ng tubig na kinuha kanina. "Pagod lang ako pero kaya ko pa naman."
"Nakausap ko si Adliana," aniya na siyang ikinatigil ko. "Nagkita raw kayo dito sa ospital?"
"Oo." Tipid na sambit ko at muling lumapit sa kama ni Ayah. "She told me about my past. She's my sister."
"Yes, she is. A-ayos ka lang ba? May naalala ka ba tungkol sa nakaraan mo, Amari?" Maingat na tanong nito na siyang ikinailing ko naman.
"Wala akong naalala pero may nalaman ako." Malungkot na turan ko habang nakatingin pa rin kay Ayah. "Ayah... She's not my daughter, Sasa."
"Amari..."
"Hindi ko anak si Ayah." Pag-uulit ko at nanghihinang naupo muli sa upuan na tabi ng kama ni Ayah. "Hindi ko sila pamilya. Hindi... hindi ako ang ina ng batang ito." Napayuko ako at nag-unahan na naman ang mga luha sa mata ko. "She's not my child."
"Amari," sambit muli ni Sasa at nilapitan ako. Naramdaman ko ang paglapat ng kamay nito sa likod ko at maingat niyang hinaplos ito. "Hindi ka man ang totoong ina ni Ayah, you can still be her mother, Amari."
"Pero hindi ko ito anak. Not my blood and flesh." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Napahikbi na ako at muling isinubsob ang mukha sa kama ni Ayah.
"Doon lang ba nasusukat ang pagiging ina, Amari? Sa dugo at laman lang ba?" Mahinang tanong ni Sasa na siyang ikinatigil ko. Maingat kong inangat ang ulo ko at tiningnan ang payapang natutulog na si Ayah. "Hindi man ito nanggaling sa'yo, ikaw naman ang tumayong ina nito, Amari. Wala nang iba pang magiging ina si Ayah kung hindi ikaw."
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at hindi inalis kay Ayah ang paningin.
"Ayah will be forever your daughter, Amari. Kahit anong mangyari, kahit bumalik pa ang mga alaala mo, ikaw pa rin ang ina nito."
Ilang linggo pa kaming namalagi sa ospital para sa recovery ni Ayah. Hindi na rin naging abala si Veron sa trabaho kaya naman ay nakakasama na namin ito sa kuwarto ng anak.
"Thank you," turan ko noong inabutan niya ako ng isang baso ng tubig. Maingat ko itong tinanggap at ininom ito. Naupo si Veron sa tabi ko kaya naman ay napaayos ako nang pagkakaupo. Nag-iwas ako nang tingin dito at binalingan si Ayah na ngayon ay magiliw na kinakausap si Lindsay.
"Naayos ko na pala ang lahat," ani Veron na siyang ikinatango ko na lamang. Hindi ko ito tiningnan man lang at nanatili ang mga mata sa anak. "Amari..."
"Don't," ani ko na siyang ikinatigil ni Veron. "Iuwi muna natin si Ayah. Huwag nating pag-usapan ang bagay na iyon dito, Veron."
"Alright." Mahinang turan nito at tumayo na mula sa pagkakaupo. Nagsimula na itong maglakad at nilapitan si Ayah at ang kaibigan nito. Kinausap niya ang dalawa samantalang nakatingin lang ako sa gawi nila.
Paano ko nga ba pakikisamahan si Veron pagkatapos nang mga nangyari at nalaman ko tungkol sa pamilya namin? Oo nga't sinabi ko dito na hindi ako aalis. Na hindi ko sila iiwan pero hanggang kailan ko gagawin iyon? Hanggang kailan ako mananatili sa kanila? Hangga't kaya ko? O hangga't wala pa ang mga alaalang nawala sa akin apat na taon na ang lumipas?
"Mommy! Let's go!" Napakurap ako noong marinig ang boses ni Ayah. Napabaling ako sa gawi nito at noong mamataang handa na ang mga ito sa pag-alis namin, mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko. Napatingin ako kay Veron at noong tinanguhan niya ako, maingat akong naglakad palapit sa kanila. Agad kong hinawakan ang kamay ni Ayah at matamis na nginitian ang anak.
Mabilis ang naging biyahe namin pauwi. Nagkita pa kami ni Sasa sa ospital kanina dahil sila iyong nagdala kay Lindsay para bisitahin si Ayah. Kasama pa nila si Xavi at noong akmang kakausapin na niya ako, mabilis akong umiwas sa kaniya. I don't want to talk them right now. Mas lalong gugulo ang sitwasyong mayroon ako kung kakausapin ko ito.
"Mommy, I missed my teachers!" Ani Ayah habang pumapasok na kami sa kuwarto niya. Bahagya akong natigilan sa tinuran ng bata at tiningnan ko ito. "Can I go to school tomorrow?"
"Baby, you still have two days to rest. And after that, we'll go to your school. Your teachers and classmates missed you too." Marahang sambit ko at pinaupo ko na ito sa kama niya. Maingat kong inalis ang sapatos na suot nito at inalalayan na ito sa paghiga. "You need to fully recover first before going to school, baby."
"Alright," mahinang sambit nito at mayamaya lang ay nanlaki ang mga mata nito, tila may naalalang importanteng bagay. "And I want to have stars again, mommy!" Nakangiting sambit ni Ayah na siyang ikinatango ko. "Lots of stars!"
Tinanguan ko si Ayah at dahan-dahang hinalikan ito sa noo nito. I smiled at her and told her to take some rest. Tahimik lang na ngumiti ang anak ko at ipinikit na ang mga mata.
Noong tuluyang makatulog na si Ayah, maingat akong lumabas sa silid nito. Nagtungo ako sa may kusina namin at noong mamatan kong naroon si Veron, bahagya akong natigil sa paghakbang ng mga paa ko. Segundo lang ay napansin ni Veron ang presensiya ko kaya naman ay nag-angat ito nang tingin sa akin.
Mabilis namang umayos nang pagkakatayo si Veron at tipid na nginitian ako.
"Is she asleep?" Mahinang tanong nito na siyang ikinatango ko sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa may mesa namin at maingat na nagsalin ng tubig sa isa sa basong naroon. Tahimik akong kumilos at napabaling na lamang muli kay Veron noong naglakad ito papalapit sa akin. "Amari, about the..."
"Veron, stop." Mabilis na pigil ko na siyang ikinatigil nito sa paglapit sa akin. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. "Kung gusto mong pag-usapan natin ang nangyari, just... keep your distance, please."
"Amari..."
"I want to hear your side but I don't think I can manage to hear if you'll stay closer to me." Seryosong saad ko na siyang ikinayuko ni Veron. "I'm sorry, Veron."
"Iiwan mo rin ba kami ni Ayah, Amari?" Mahinang tanong nito na siyang ikinakuyom ko ng mga kamao ko. "Iiwan mo rin ba kami kagaya nang ginawa ng ina nito?"
"I told you this before, Veron. I won't leave you and Ayah. So please, I want you to be honest with me. Bakit mo ginagawa ito? Bakit mo ako pinaniwala na asawa kita at anak ko si Ayah?"
"Amari..."
"Wala pa akong naaalala sa nakaraan ko kaya naman paniniwalaan ko ang lahat nang sasabihin mo sa akin, Veron, kaya naman gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo. Don't lie to me and just tell me the truth," wika ko at tiningnan ito nang mabuti. "Why, Veron?"
"Ginawa ko iyon dahil nawala ang natatanging pamilyang mayroon ka noong araw nang aksidente natin." Mabilis na wika nito at nag-angat nang tingin sa akin. "Because of me, you lost your child. Because of that accident, you lost your memories."
"At dahil nawala ang lahat sa akin, pinalitan mo ito nang bago at nagsinungaling ka sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"I just don't want you to suffer more, Amari! Alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng mahal sa buhay!" anito at sinubukang humakbang papalapit sa akin na siyang mabilis na ikinaatras ko. "Amari, ginawa ko iyon para sa'yo. Para sa kapakanan mo. Para hindi ka na magdusa pa dahil sa pagkamatay ng anak mo."
"Hindi mo ba naisip noon na mas lalo akong masasaktan kung malalaman kong nagsisinungaling ka sa akin? Veron, ikaw ang huling kasama ko bago mawala ang mga alaala ko! Dapat ay hindi ka na nagsinungaling at sinabi mo na lang sa akin ang totoo!" Sigaw ko dito at mabilis napatampal sa noo. "Veron naman! Buhay ko ito at karapatan kong malaman ang totoong nangyari sa akin. Kahit na masasaktan ako, dapat ay sinabi mo pa rin ang totoo!"
"I can't do that to you, Amari! Hindi ko kayang dagdagan ang sakit na mayroon ka noon! I can't do that to you!"
"I can't believe you!" Napailing na lamang ako at muling napaatras sa kinatatayuan. "If you really cared for me, dapat ay sinabi na lamang ang totoo sa akin. Mas matatanggap ko pa iyon kaysa naman sa kasinungalingang inilahad mo sa akin noong pagkagising ko galing sa ilang buwang pagkaka-coma!"
"I'm so sorry, Amari." Mahinang wika ni Veron na siyang tipid na ikinatango ko.
"I want to trust your decision you made before, Veron, pero ang sakit-sakit nito para sa akin. Gustuhin ko mang intindihin ang mga dahilan mo, hindi ko pa rin ito matanggap nang buo. You lied to me and to your daughter, Veron. Nagsinungaling ka sa anak mo!"
"I lied because I love you both, Amari! Mahal na mahal ko kayo ni Ayah!"
"You love us? Hindi ganoon ang nakikita ko ngayon sa'yo, Veron," turan ko na siyang ikinatigil muli nito. "Ito ba ang pagmamahal na sinasabi mo? Ang magsinungaling para maiwasan mo ang sakit na dapat naramdaman ko noon? Ito ba, Veron?"
"Amari, please forgive me. I'm really sorry! Hindi ko naisip ang maaring consequences sa ginawa ko. I just wanted the best for you..."
"This is not the best for me!" Sigaw ko at mabilis na napatampal sa noo. "Hindi ko alam o maalala man lang ang dahilan ko sa pag-alis sa Pilipinas pero may pamilya akong iniwan doon, Veron! May isang pamilya dapat akong kasama habang nagpapagaling mula sa aksidenteng kinasangkutan natin noon!"
"You hated them that's why you left the Philippines! Hindi kita ibabalik sa pamilyang nanakit sa'yo!"
"Pero pamilya ko pa rin sila!" Balik na sigaw ko dito.
"Pamilya mo rin kami ni Ayah, Amari!" Mariing sambit ni Veron na siyang ikinatigil ko. "Kami na ang pamilya mo ngayon, Amari. Ako at ang anak natin. Kami ang pamilya mo."
"I can't believe this, Veron. Hindi ko lubos akalaing maririnig ko ito mula sa'yo. You... you're selfish, Veron."
"I did everything to save you, Amari. Kung pagiging selfish na maituturing ito, then, I'm willing to lie again just to keep you with us! "
"Can you hear yourself, Veron?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. "Hindi ikaw ito, Veron. Hindi ito ang Veron na nakilala at nakasama ko sa loob ng apat na taon!" Napailing na lamang ako at mabilis na umatras palayo sa kanya. "Babalik na lang muna ako sa kuwarto ni Ayah." Mahinang turan ko at mabilis na tinalikuran ito.
"Amari." Tawag muli nito sa akin ngunit hindi ko na ito muling binigyan pansin pa.
He can't see it. Hindi nito makita ang maling ginawa niya noon sa akin. Hindi niya makitang mali ang pagsisinungaling niya sa akin para mailigtas lang ako sa maaring sakit na maramdam ko noon.
"I need my memories back." Mahinang sambit ko sa sarili at marahang hinawakan ang sintido. Para matapos na ang kasinungalingan ni Veron, kailangan maibalik na sa akin ang mga alaalang nawala sa akin.
I need to see Adliana. Kung may taong makakatulong sa akin, siya ang dapat kong kausapin. She's my sister. She can help me with my memories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top